Teentalk

Poll

Naguguluhan ba kayo sa kwento?

Oo
Hindi
Medyo

Author Topic: .. IF ONLY .. | 15 POSTED! 5/26 UD! READERS?  (Read 2456 times)

itsJiezelm

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 797
  • Karma: +22/-5
  • I want to be loved. :">
    • My Facebook Account
.. IF ONLY .. | 15 POSTED! 5/26 UD! READERS?
« on: January 27, 2012, 07:10:32 pm »
If  Only
ŠitsJiezelm

If only he sees me the way I see him, I'll be the luckiest girl in the world...



If only she sees me the way I see her, I'll be the luckiest guy in the world...





Characters










Chapters


♥♥  1. ♥♥    ♥♥  2. ♥♥    ♥♥ 3 ♥♥     ♥♥ 4. ♥♥
♥♥  5. ♥♥   ♥♥  6. ♥♥      ♥♥ 7.  ♥♥    ♥♥  8.  ♥♥
♥♥ 9.  ♥♥   ♥♥  10.  ♥♥ 



iclick niyo lang po yung mga names nila para sa picture. Yung mga numbers po sa tabi ng name ni Belinda Elise Salazar ay iba pa niyang mga pictures. :) yung poster naman po eh nasa taas, sa baba ng title.. pagpasensyahan niyo na po yung poster, first time ko gumawa eeh! :)


Hello!  ;) Sana po suportahan niyo ang story ko!  :) ipopost ko din po ngayon yung chapter 1  ;) sorry for the short prologue :(
« Last Edit: May 26, 2012, 05:38:25 pm by itsJiezelm »

itsJiezelm

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 797
  • Karma: +22/-5
  • I want to be loved. :">
    • My Facebook Account
Re: ♥ ~ If Only... ~ ♥ | NEW STORY! Support niyo naman please? :)
« Reply #1 on: January 27, 2012, 07:17:40 pm »
1. Shades


“Belinda? Belinda! Hey, gising na!” nagising ako sa pagyugyog sakin ni Dylan. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako habang nagsu-sun bathing kaya tumayo na ako, mukha kasing kanina pa ako nakabilad sa araw.

“Uh, bakit? Lunch na ba?”tanong ko habang nililigpit ko yung mga lotion namin ni Gwen. Nasan na kaya yung babaeng yun.“Teka, nasan ba si Gwen at si Kuya?”tinanggal ko na yung shades ko.

“Aba malay ko! Tara na nga.”sabi niya habang tumatawa. Ano naman kayang nakakatawa?

“Tinatawanan mo ba ako?” nagtanong na ako, nakakainis eh! Ayoko ng tinatawanan ako.

“Huh? Hindi noh! bilisan mo nga jan!”sabi niya tapos nauna ng umalis. Kainis talaga yung lalaking yun! Parehas talaga sila ng ugali ni Kuya. Hay naku Belinda, malamang parehas sila ng ugali, bestfriends nga eh diba!

Bago ako sumunod kay dylan ay pumunta muna ako ng CR para umihi. Itetext ko na rin si Gwen.

Pagkatapos kong itext si Gwen eh sumunod na din ako kay Dylan.

Parang medyo nailang na ako nung naglalakad ako papunta sa beach house namin dahil lahat ng taong makakasalubong at madadaanan ko ay nakangiti sakin, babae man o lalaki. Sa bagay, ako ang face of the campus samin, baka nagagandahan lang sila sakin at nasesexyhan sakin, lalo na ngayong suot ko pa ang two piece ko from Hawaii.

“Hi Miss, nice shade huh?”sabi nung lalaking nakasalubong ko tapos kinindatan pa ako.

Inirapan ko nga! Wala naman akong suot na shades ah? Hmp!

*So get out get out get out of my head and fall into my arms instead I don't I don't-* biglang tumunog yung cellphone ko, may nagtext.

Nagreply lang pala si Gwen at sabi ay nasa kabilang island daw sila ni Kuya kaya nainis naman ako dahil hindi nila ako sinama.

Umupo muna ako sa isa sa mga bench dun para replyan siya kaso biglang nahagip ng paningin ko yung maliit na mirror sa bag ko kaya sinulyapan ko muna yung sari- “OMG!” What the eff is happened to my skin! WAAAH! kaya pala ako tinatawanan ni Dylan kanina nung tinanggal ko yung shades ko! At saka kaya pala sabi nung lalaki kanina eh nice shades daw? Huhuhu! Kill me now! Ang laking kahihiyan nun! Hindi pantay yung kulay ng skin ko sa face ko... Ibig sabihin, nung nagsu-sun bathing ako kanina at nakashades ako ay unti unting sinusunog ng araw yung skin ko kaya ang nangyari ay hindi umitim yung paligid ng eyes ko dahil sa shades!!

Okay, tama na to. Babalik na ako sa beach house. Dali dali ko nang sinuot yung shades ko para hindi mahalata yung diperensya ng kulay ko. Nagaapura na akong maglakad nun habang nagtetext. Tinitext ko ang magaling kong kaibigan nung biglang...

“OH MY GOD! ANO BA? Alam mo bang gamitin yang mata mo?!”nabunggo ako nung babaeng may dala nung ice cream kaya natapunan ako. Kainis! Ang lamig kaya nun saka ang lagkit pa.

“Oops, sorry!” sabi lang niya tapos tinalikuran na ako. Pero hindi ko hahayaang talikuran niya lang ako kaya hinawakan ko ang braso niya. Nagkamali yata siya ng binangga, lalo na't mainit ang ulo ko ngayon.

“Your sorry is not enough!” kinuha ko yung cokefloat na hawak nung kasama niya tapos binuhos ko sakanya! Halatang nagulat siya pati yung dalawang niyang kasama sa ginawa ko. Wala silang imik kaya nginitian ko lang sila at umalis na ako.

“Si Belinda Salazar ba yun?”narinig ko pang sabi nung kasama niya, mukhang nakilala ako.
« Last Edit: February 14, 2012, 07:10:36 pm by itsJiezelm »

violetgrapes

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 567
  • Karma: +19/-2
  • TeenTalker
Re: ♥ ~ If Only... ~ ♥ | NEW STORY! Support niyo naman please? :)
« Reply #2 on: January 27, 2012, 10:46:18 pm »
woah!! nice shades nga belinda.. haha.. pauso ka ah! hahaha..  ;D
nagulat naman ako sa last part. mukha bang hindi naligo yung nkatapon ng ice cream sayo kaya mo pinaliguan ng coke float belinda?? haha..

jiezel! haha.. nice start.. support ko to..  ;)
STORY KO to -->One Real Smile :D

itsJiezelm

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 797
  • Karma: +22/-5
  • I want to be loved. :">
    • My Facebook Account
Re: ♥ ~ If Only... ~ ♥ | NEW STORY! Support niyo naman please? :)
« Reply #3 on: January 28, 2012, 07:26:43 am »
woah!! nice shades nga belinda.. haha.. pauso ka ah! hahaha..  ;D
nagulat naman ako sa last part. mukha bang hindi naligo yung nkatapon ng ice cream sayo kaya mo pinaliguan ng coke float belinda?? haha..

jiezel! haha.. nice start.. support ko to..  ;)


wow! Thanks! :) i love you yana! Hahaha!! Yay for you! ;)

violetgrapes

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 567
  • Karma: +19/-2
  • TeenTalker
Re: ♥ ~ If Only... ~ ♥ | NEW STORY! Support niyo naman please? :)
« Reply #4 on: January 28, 2012, 12:17:09 pm »
wow! Thanks! :) i love you yana! Hahaha!! Yay for you! ;)

haha.. love you too jiezel!   ;)
STORY KO to -->One Real Smile :D

neyna

  • jellybean
  • **
  • Posts: 108
  • Karma: +4/-0
  • bookw0rm
Re: ♥ ~ If Only... ~ ♥ | NEW STORY! Support niyo naman please? :)
« Reply #5 on: January 28, 2012, 12:38:31 pm »
support! support!  :)
be HAPPY and APPRECIATE who U are
- LO
VE - LOVE - LOVE -

itsJiezelm

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 797
  • Karma: +22/-5
  • I want to be loved. :">
    • My Facebook Account
Re: ♥ ~ If Only... ~ ♥ | NEW STORY! Support niyo naman please? :)
« Reply #6 on: January 28, 2012, 02:42:15 pm »
support! support!  :)

thanks! ;) yay din for you! Jiezel nga pala!

hg bueno

  • taffy
  • ***
  • Posts: 434
  • Karma: +69/-1
  • ♥luv wANg zI♥
Re: If Only... ♥ | NEW STORY! CHAPTER 1 POSTED! Supporters please?
« Reply #7 on: January 28, 2012, 04:16:43 pm »
Support this!!! LOL!! the shades!!!


hahah!! nice palaban si ate!!
ruby is that you? ??? hahah!!!

itsJiezelm

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 797
  • Karma: +22/-5
  • I want to be loved. :">
    • My Facebook Account
Re: If Only... ♥ | NEW STORY! CHAPTER 1 POSTED! Supporters please?
« Reply #8 on: January 28, 2012, 05:56:08 pm »
Support this!!! LOL!! the shades!!!


hahah!! nice palaban si ate!!
ruby is that you? ??? hahah!!!


HG!!  ;D thanks !! heheh!! malaking tulong ang pagsupport nniyo!!  ;) ;)

itsJiezelm

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 797
  • Karma: +22/-5
  • I want to be loved. :">
    • My Facebook Account
Re: If Only... ♥ | NEW STORY! CHAPTER 1 POSTED! Supporters please?
« Reply #9 on: January 29, 2012, 11:33:16 am »
ipopost ko na mamaya ang poster at mga picture ng characters!! :D ;)
« Last Edit: January 29, 2012, 12:10:01 pm by itsJiezelm »

NoNieSah

  • jellybean
  • **
  • Posts: 120
  • Karma: +5/-5
  • TeenTalker
    • AmPOnS Stories
Re: If Only... ♥ | NEW STORY! CHAPTER 1 POSTED! Supporters please?
« Reply #10 on: January 29, 2012, 12:12:09 pm »
waah.. nice shades talaga..  8)

teka, kontrabida ba si Belinda? sayang.  :(

support! :)

itsJiezelm

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 797
  • Karma: +22/-5
  • I want to be loved. :">
    • My Facebook Account
Re: If Only... ♥ | NEW STORY! CHAPTER 1 POSTED! Supporters please?
« Reply #11 on: January 29, 2012, 12:58:03 pm »
waah.. nice shades talaga..  8)

teka, kontrabida ba si Belinda? sayang.  :(

support! :)

 ;D thanks nonie!! hindi siya kontrabida.. hehe, sakanya tong story na toh!! ganun lang talaga ang ugali niya.. haha, bad trip daw eeh!




readers, posted na yung mga picture nila!! :D

itsJiezelm

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 797
  • Karma: +22/-5
  • I want to be loved. :">
    • My Facebook Account
2. Party


Papunta na ako sa beach house. Marami pa rin naman ang ngumingiti sakin kahit suot ko na yung shades ko at hindi na halata yung magkaibang kulay ng kutis ko. What's wrong?

“Dylan! Dylan!” sigaw ko pagdating ko.

“Yeah?” naabutan ko siya sa kitchen, naghahanda ng pagkain.

“Bakit hindi mo sinabing ganito pala yung itsura ko?” tinanggal ko yung shades kong suot.

“Pffffft-!”halatang pinipigil niya yung ta-“BWAHAHAHAHA!” kainis!

“Arrrrgh! Damn you Dylan!” padabog na akong umakyat sa kwarto ko dahil alam ko namang walang matinong sasabihin si Dylan kapag ganyang hindi niya mapigilan ang tawa niya.

“Hoy! Kakain na tayo!” narinig kong sigaw niya nung malapit na ako sa pintuan ng kwarto ko. Mukhang tapos na siya sa pagtawa.

“Shower lang ako!” sigaw ko sakanya tapos pumasok na ako sa kwarto at nagdiretso sa CR ko.

Hindi naman pala masama ang kulay ko eh. Actually, bagay nga sakin! Wala na akong problema, konting apply lang ng foundation to. Pangatlong araw pa lang naman namin dito sa beach house, ako si Kuya, si Gwen at si Dylan lang ang nandito. Napag isip isip ko din habang nagsho-shower ako na mabait din pala ang parents namin ni Kuya kahit papaano. Pinayagan kaming apat dito na kami kami lang kahit alam naman nilang pare parehas kaming pasaway, biruin niyo yun!

*So get out, get out, get-* saktong paglabas ko ng CR eh tumatawag si Gwen.

“Nasaan ka ba?!” sigaw ko sa telepono.

“OMG! gyaaah!” parang tumitili siya? Pero mahina lang kasi mukhang pinipigilan.

“Oh ano nangyari sayo?” parang pinipigilan niya pa rin kasi yung tili niya.

“Tumawag lang ako para sabihing gagabihin kami ng uwi ng Kuya mo! Saka ikukuwento ko sayo bukas kung bakit ako kilig na kilig dito!” sinabi niya yun ng parang hinahabol ng sampung kabayo. Grabe! Ang bilis nun ah. Buti naintindihan ko pa. Akala ko kung ano ng nangyari sakanya, nun pala kinikilig lang!

“Hindi ka rin naman nagma-” naputol yung sinasabi ko kasi inend niya na yung call.

Grrrr. Isang araw na sila ni Kuya dun ah? Sila nagpapasarap dun tapos ako dito, kasama si Dylan na ang alam lang eh inisin ako. Gusto ba nila akong tumanda ng maaga?

“Nasaan ang kakainin ko?” tanong ko sakanya nung makababa na ako, nanonood siya ng TV, Phineas and Ferb pa yata yung palabas. :D Mukhang tapos na siyang kumain! >:(

“Andon sa Kitchen?” sabi niya pero nakafocus pa rin yung atensyon niya sa TV.

“AH. Nice answer huh?” alam ko namang nasa kitchen eh! :( Tinatanong ko kung saan nakalagay. Sasapakin ko tong lalaking isip bata na to eh! >:(

“Ay, oo nga pala, baka gusto mong sumama mamayang gabi, may beach party.” parang nagglow yung itsura ko dun sa sinabi niya.

“Wow! Sige! Thanks ah! May kwenta ka naman pala eh!” ang sarap ng feeling! May party mamaya!

“Pardon?” mukhang nainis siya sa huli kong sinabi.

“Bleh!” binelatan ko siya! Ang gwapo eh! :D Anong connect?

Kumain na ako ng lunch at pagkatapos ay nagkulong sa kwarto. Hihintayin ko na lang ang gabi para makapagsaya na ako!

Sa paghihintay ko ng gabi ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

“Good bye Belinda! Sweet dreams. Alis na ako ah!” bigla akong napabangon sa narinig ko. At sa pagbangon ko eh hindi inaasahang nagkauntugan kaming dalawa ni Dylan! Parehas kaming hindi makapagsalita dahil sa sobrang sakit.

“Kasi naman eh! Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko! Ayan tuloy nagkauntugan tayo!” sigaw ko sakanya dahil siya ang may kasalanan nun.

“Sorry ah? Ginigising lang naman kasi kita kanina pa kaso ayaw mong magising kaya nagpaalam na ako, tapos bigla kang tumayo! Sorry talaga ah?” sarkastiko niyang sabi.

“Anong oras na ba? Saka anong oras ba yung start nun?” natataranta ko ng sabi dahil mukhang gabi na kanina pa.

“8:20 pm at 8 ang start nun.” parang walang gana niyang sabi, at parang wala lang din sakanya yung party kasi hanggang ngayon eh pambahay pa rin yung outfit niya.

Ako naman ay tumakbo na sa closet ko para maghanap ng isusuot.




pasensya na po sa lame na update, sinigit ko lang to kasi busy ako sa school.  :-[ sana po suportahan niyo pa rin. Next update po yung beach party!!  ;) please support!!  ;D
« Last Edit: February 14, 2012, 07:24:34 pm by itsJiezelm »

hg bueno

  • taffy
  • ***
  • Posts: 434
  • Karma: +69/-1
  • ♥luv wANg zI♥
wushuu!! si Dylan pasimple eh..
yang mga style na yan..
wahahah!! isa lang ibibg sabihin nyan..


may HD sya kay Belinda!!! hahah!! ;D ;)


**
Luv it!! ang cute ni Belinda, parang bitter lang din eh..
hahah!! next chapie!! party party tayo!! :D

itsJiezelm

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 797
  • Karma: +22/-5
  • I want to be loved. :">
    • My Facebook Account
thanks HG!! :) i love you girl!! Haha. Mukha ngang nahawa na ng kabitteran si Belinda kay Elisa!! ;D baka sa Sat yung next!! Or sa Sunday!! May pasok pala kami ng sat eh.. :D thanks sa support ah? :)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website