Ako si
Amber Dane.
Unang tingin mo pa lang sa'kin, hindi mo masasabing high school student na ako.
Lagi kasi akong napagkakamalhan na isang grade 6 student eh.

Ngayon, 4th year student na ako.
Pero... i-sshare ko sainyo ang lovelife ko simula first year.
Yung mga linyang nabasa niyo kanina sa taas?
Sila lang namang APAT ang mga naging crush ko ngayong high school.
Yung isa crush ko pa rin hanggang ngayon pero pawala na.
Ewan ko lang kung bakit.

Nabobored ka na bang basahin ang pagkahaba-habang litanya ko?
Wag ka, kinikilig ako sa kanila.

Alam mo yung feeling na napapasaya ka nila kahit hindi nila alam?
Na mga simple nilang ginagawa eh nagmumukhang sweet sa'yo?
Simpleng salita lang nila eh kikiligin ka na?
Kahit pa sabihin nilang joke lang pala.
Alam mong naniniwala ako sa
"Jokes are half meant" o 'di ba?
Sa kanilang apat, kaninong
LINYA ang pinakilig ka rin nila?
Sa tuwing magkaka-crush ako, siya lang ang iniisip kong para sa'kin. Alam mo bang naiimagine ko yung mga bagay-bagay na parang in the future sweet-sweet kami? Normal lang ba yun? Tapos nagtataka ako kasi every crush ko, naiimagine kong ganun. Mukha akong manyak. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko at namamalayan ko na lang na nakangiti ako. Pero... hindi ko in-eexpect na magiging more than one ang mga CRUSH ko.APAT NA TAON SA HIGH SCHOOL
APAT NA NAGING CRUSH
APAT NA BESES NARANASANG KILIGIN
APAT NA TAONG MABAIT, SWEET, AT KAKAIBA PARA SA'KIN
Kaya dapat lang na...
APAT DAPAT!Ang lakas ko talagang mantrip eh.
Pero alam ko, balang araw, makikita ko rin
SIYA. At sa ngayon ang sasabihin ko muna...
"I just haven't met you yet." 