Teentalk

Poll

May silent readers ba ako? Or konti lang talaga interested? Hehe, salamat! ^^

Oo, andito ako. Hindi lang nagpaparamdam.
Wala kang silent readers, konti lang talaga may gusto nito.
Napadaan lang ako dito, pa-vote lang ha? hehe.

Author Topic: The love we left behind - Ch.6 {updated: 02/11!}  (Read 498 times)

_kyshi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +13/-0
  • always keep the faith.
The love we left behind - Ch.6 {updated: 02/11!}
« on: January 24, 2012, 10:51:33 am »
The love we left behind
View Poster --> http://i.imgur.com/jRaQJ.png



Intro + Prologue

Intro + Prologue

*

They were the perfect couple.They were obviously happily in love. Lahat inakala sa simbahan na ang tuloy nito pero ibang direksyon pala ang tinunguan. Patunay na hindi lahat ng perfect beginnings ay magkakaroon ng perfect endings; Na hindi lahat ng fairytales ay magtatapos sa happily ever after dahil minsan pang once upon a time lang talaga kayo.

"Gustong gusto kong pagsisihan mo ang pag-iwan at pagtalikod mo sa akin. Pero ano ngayon? Ang daya mo! Ako ang nasaktan, ako pa rin ang unang kinalimutan."

"I was a broken puzzle before this happened. Pero wala akong pinagsisisihan dahil kung may maganda man itong naidulot it would be how it patched all my missing pieces together."



Ito ay isang kwento ng dalawang taong iniwan at nang-iwan.


A story of how love turned two people's life around.
 

A story of joy and pain; Of chances given and taken.

*

She is the epitome of perfection. Halos lahat na yata ng bagay sa mundo na mahihiling ng isang babae ay nasa kanya na: stable career, loving family, understanding friends, at nung namimigay ng kagandahan ang panginoon siya yata ang naka-una sa pila at nakakuha ng sobra sobra kaya medyo wala ng natira para sa iba(joke lang) at hindi rin maipagkakaila na puspusan siya sa kabaitan. Kung ang ibang tao nga ang tatanungin—siya na talaga.

.

.

.

He is the living knife to a woman’s heart. Yung taong dapat mong iwasan kung gusto mo ng seryosohan pag dating sa pag-ibig at pakikipag relasyon. Siya yung suki ng mga babae sa bar, na kung makapag palit ng girlfriend eh parang nagpapalit lang ng t-shirt. Not to mention maarte siya at conyo kaya halos dalawa o tatlong beses siya nagpapalit ng damit sa isang araw.  Ang tawag sa kanya in modern terms: the bad boy every girl wants. 
.

.

.

Pero dahil gaya ng sabi sabi na 'Don’t judge a book by its cover'— sasabihin ko ring: Don’t judge a man unless you know what he’s written in the pages of his book. Kaya dito magsisimula ang kwento ko tungkol kay Jessica at Daniel.

 

 

A story of that love that they once found… and then left behind.




DISCLAIMER: Ang lahat ng nakasaad dito ay pawang kathang isip lamang. Hindi ko pag-aari ang mga tao, sitwasyon, at lugar na nabanggit dito. Kung may kapareho man ito sa totoong buhay ay hindi sinasadya. I only own the story, the plot, and the thoughts. Thank you.


Hello! Eto ang first attempt ko to write a story. Hindi ako bihasa sa tagalog nor am I fluent in english kaya gagawin ko na lang siyang taglish. Excuse niyo na lang po yung mali mali. Pero I do appreciate constructive criticism. Sana po suportahan niyo. Comments are appreciated. Sana din po suportahan niyo ako sa wattpad: http://www.wattpad.com/3225712-the-love-we-left-behind. Maraming salamat!

« Last Edit: February 11, 2012, 08:11:01 pm by _kyshi »

_kyshi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +13/-0
  • always keep the faith.
Chapter I. Sweet nothings over coffees
« Reply #1 on: January 24, 2012, 06:01:16 pm »
I. Sweet nothings over coffees
Click to view Chapter Cover

“You’ve never been late, Ms. Jessica Berna!”

 

“Sorry naman. Late na kasi ako nakakuha ng taxi eh.”

 

“Saan ka ba kasi galing, ha?”

 

Napangiti na lang bigla si Jessica at naisipang ikwento sa kaibigan ang nangyari kanina.

.

.

2 hours ago …

.

.

“Good morning, Miss Jessica!” Sunod sunod ang bati sa kanya ng tatlong waiter ng pumasok siya sa coffee shop. Parang daily ritual na kasi niya ang pagdaan sa Coffee Haven pagkatapos ng shift niya sa trabaho kaya naman halos lahat ng staff sa shop ay kilala na siya.

 

Hindi man kasing mainstream at sikat ng Starbucks o Coffee Bean ang Haven, isa pa rin itong successful business venture ng may-ari. They serve quality coffee, quality cakes and other sweets, lahat quality kaya madali na naging paborito ni Jessica ang lugar. Pero hindi lang dahil sa masasarap na pagkain na kanilang binebenta kaya pabalik-balik si Jessica sa Haven, dahil na rin sa mga staff nito na agad naman niyang nakasundo at pati na rin ang relaxing atmosphere ng lugar.

 

“Good morning!” Masiglang bati rin ni Jessica sa mga kaibigang staff.

 

“Late tayo ngayon Miss J ah?” Tanong ng isang waiter habang sinasamahan niya si Jessica papunta sa paborito nitong spot. “Same order?”

 

“Yes, please. At salihan mo na din ng cheesecake of the day and half size ng chicken cordon bleu.” Simulang sagot nito. “Umuwi na lang kasi muna ako para in time for lunch na pag daan ko dito.” Nakangiting dagdag nito.

 

“Aah, kaya po pala! Hinihintay pa naman kayo ni Ricky.” Sambit ng isang waiter na naglilinis ng mga empty tables.

 

“Sige po, Miss J. Ihahanda ko lang order niyo.”

 

Pag-alis na pag-alis ng waiter sa table ni Jessica ay biglang may umupo sa harap niya na lalake. Naka dark aviator sunglasses ito kaya hindi niya ito nakilala.

 

“Do you mind?” Tanong ng lalake sabay tanggal ng kanyang sunglasses. Ang mga mata niya ang agad na napansin ni Jessica at nagandahan dito ng husto. Nakatitig lang si Jessica sa kanya ng ilang segundo kaya nagsalita agad ang lalake. “Ang pangit kasi mag-isa, hindi ako sinipot ng kasama ko.”

 

“Yeah, su..sure.” Natatamemeng sagot ni Jessica.

 

Noong una, naging awkward ang pag lipat ng lalake sa table niya pero hindi nag tagal dahil na din sa pagiging friendly ni Jessica ay naging komporatble na sila sa isa’t isa ng lalakeng estranghero.

.

.

Umuusok pa sa init ang kape na isinerve ng waiter sa table nila. Ngumiti si Jessica matapos niyang ilatag ang kanilang mga order at sabay sambit ng ‘thank you’. Inilapit ni Jessica ang mukha sa inorder nitong black coffee at inamoy. Halatang gustong gusto niya ang amoy, para siyang isang bata na naka-amoy ng masarap na ulam at excited na excited matikman ito. Napangiti ng hindi sinasadiya ang lalake sa kanyang harapan dahil sa ginawa niya at nagtaka kung ano kaya ang meron dun at ganun siya kung maka-amoy sa kape maliban sa malakas nitong amoy.

 

“O, bakit?” Tanong ni Jessica ng makita niyang nakatingin sa kanya ang hindi kilalang kasama.

 

“Wala, nakakatuwa ka lang.” Bigkas ng lalake sabay smirk.

 

“Nakakatuwa? Ano naman nakakatuwa dun?”

 

“Kung maka-amoy ka kasi sa coffee mo parang inaamoy mo isang mabangong perfume.”

 

“Bakit, ayaw mo ba sa amoy ng kape?”

 

Umiling lang ang estranghero.

 

“Mabango naman ah.” Sagot ni Jessica sabay singhot ulit sa kape. “Pero you know what, sabi ng best friend ko pinaka-hate ko daw ang black coffee dati. Like, I could vomit even just from the sight of it lalo na sa smell nito.”

 

“Talaga? Bakit ngayon parang gustong gusto mo siya?”

 

“Ewan ko ba. Dahil na rin siguro sa trabaho ko kaya naging caffeine-addict ako.” Sagot ni Jessica sabay angat at tikim sa kape niya. “I’m a call center agent kasi. At night lang yan ha, by day naman I’m a freelance designer so I obviously need caffeine to survive.”

 

“Work-a-holic ka pala.”

 

“Sabi nga nila. Ewan ko ba, kahit anong pilit ng parents ko na isang trabaho na lang ang pagtuunan ko ng pansin eh hindi ko pa rin magawa.” Kahit habang nagasasalita siya, pinulot ni Jessica ang tinidor at hinila papalapit sa kanya ang strawberry cheesecake na nasa harap nila. “Well, I tried to, pero parang gustong gusto ng utak ko na lagi siyang may ginagawa kaya ayun tuloy pa rin.”

 

Nang matapos siyang magsalita saka sumubo si Jessica, sabay sabi: “Ahh~ang sarap talaga dito.” Nakatulala lang ang lalake kay Jessica at manghangmangha siya sa kaharap. He crossed his arms over his chest, obviously amused at Jessica savouring all the food to her heart’s desire. Matagal na rin kasi siyang hindi nakaka-encounter ng babaeng may appetite na katulad ni Jessica dahil usually sa ibang bagay uhaw at gutom ang mga babaeng nakakasama niya. Alam niyo na siguro kung ano yun, pero kung hindi, you’re better off not knowing(hehe!).

 

“Hala, naku, sorry!” Nahihiyang pasintabi ni Jessica ng mapansin niyang nakatingin lang ulit ang kasama sa kanya. “Nahiya naman ako. Kain ka din. Sobrang favorite ko lang talaga ang cheesecake at chicken cordon bleu nila dito.” Namumula niyang sabi.

 

“Sige lang, kain ka lang diyan huwag ka mahiya.” Aniya sabay ngiti. “Natutuwa na akong panuorin ka.” 

 

“Huli na, nahihiya na ako.” Pahayag ni Jessica at sabay baba ng tinidor na hawak. “Ikaw naman kasi sabi ng sabi ng nakakatuwa ako tas ngiti pa ng ngiti.”

 

“Uy, kumain ka na diyan. Ok lang talaga. Pero kung naiilang ka na, aalis na lang ako.”

 

“Hindi naman kelangan umexit eh. Kumain ka na lang din okay na.”

 

Hindi lumampas ng ilang segundo at kinuha ulit ni Jessica ang kanyang tinidor at sumubo ulit ng pagkain. Nang napansin niyang nakatingin lang ulit sa kanya ang lalake, kinuha ni Jessica ang isang kutsara at pinasa ito sa kanya. Sinenyasan siya ni Jessica na maki-share sa pagkain niya since sweet tea lang ang meron ito, hindi siya nag order ng food o sweets man lang. Sa una ay umiling siya pero napilit na din siya ni Jessica sa huli.

 

Mahaba-haba rin ang naging kwentuhan ni Jessica at ng kasamang lalake na kakakilala lang niya. Nakaka-dalawang order na nga ng black coffee si Jessica pero hindi pa rin siya tapos sa pag kwento tungkol sa buhay niya. Nakwento na ni Jessica yung tungkol sa masaya niyang trabaho, yung best friend niya na kaka-text lang at pinapapunta siya sa office nito, at kahit yung paborito niyang kulay nasabi na niya sa kanya. Magkukwento pa nga sana siya tungkol sa asong napulot niya nung isang araw kung hindi lang lumapit ang isang malaking lalake na mukhang Korean o Chinese at hinampas ang estranghero sa likod.

 

Nagulat si Jessica sa ginawa ng malaking lalake at napatayo bigla mula sa kanyang upuan.

 

 “Wow, tol! May dine-date ka na pala ngayon sa labas ng kama mo? Astig!” Walang pasintabing pambubulabog ng lalakeng lumapit sa kanila na agad namang inakbayan at siniko ng estrangherong kasama ni Jessica. Napatawa si Jessica sa pag tili niya dahil tunog babae ito kahit ang laki ng katawan niya. Napagtanto rin niya na kaibigan pala ito ng kakakilala niya lang na lalake.

 

“I’m sorry, may tama sa utak ang kaibigan ko.” Nahihiyang sabi nito. 

 

“Hi!” Tuwang-tuwa na pagbati ng malaking lalaki kay Jessica. “I’m Cho Ga Seul. Hindi Shellane o Petronas, kung hindi Ga Seul.” Patuloy na pagpapakilala niya sa dalaga. “Pero tawagin mo na lang akong Sol.”

 

“Hi, Sol! I’m Je-”

 

Magpapakilala na sana si Jessica kay Sol pero hinarangan siya nito ng kaibigan.

 

“Hey, sorry pero kelangan na pala namin umalis.” Nagmamadaling dumukot ng pera ang lalake sa kanyang bulsa, he didn’t mind picking up the last 1000-peso bill left in his pocket at iniabot ito kay Jessica sabay tulak kay Sol papaalis na parang nagmamadali.

 

“Hey, no… ako na magba---” Bago pa man matapos ni Jessica ang kanyang sasabihin ay malayo na ang dalawang lalake sa kanya. Pero bago sila tuluyang mawala sa paningin niya, lumingon ang lalakeng nakasama niya at nginitian si Jessica sabay sigaw ng: “I’ll see you, when I see you.”

 

 “I’ll see you, when I see you?” Ulit ni Jessica sa sarili. “Bakit? Paano? Pero teka-----”

.

.

.

.

.

Hindi ko nakuha ang pangalan niya!

 

* * *

 

“Wow naman teh, nakipag-chikahan ka sa isang lalake na ayon naman sayo eh matangkad, gwapo, matipuno, maganda ang hubog ng katawan, tapos number hindi mo nakuha?” Baklang-baklang bigkas ng kaibigan ni Jessica nang mapag-usapan nila ang nakilala niyang lalake sa coffee shop. Nakalimutan na ng kaibigan niya na late si Jessica sa usapan nila at mas naging interesado sa kwento ng kaibigan.

 

“Ni pangalan nga diba hindi ko alam.”

 

“Ay, ikaw na! Maganda nga, tanga naman. Ikaw ba kilala ka niya?”

 

“Hindi rin ako nakapagpakilala.” Sabi niya habang nakangiti ng malaki habang nakasimangot naman ang kausap.

 

“IKAW NA TALAGA!” Malakas na sagot niya. “Nakuwento mo buhay mo na parang si ate Charo lang siya tas hindi mo pala kilala yung tao? Baka bukas makalawa niyan maririnig ko na lang sa kanila tita na na-kidnap ka na.” 

 

“Uy, hindi naman siguro! Mukha namang mabait yun.”

 

“Mabait? Ang sabihin mo may motibo yun. Sabi mo nga diba bigla ka na lang niyang nilapitan at sinamahan sa table mo? Tingin niya sayo? Prosti na pwedeng I-table? Sosyal siya ah, sa isang coffee shop pa naghahanap.”

 

“Uy, Jin! Kung  makapang husga ka ha?”

 

“At ikaw naman kung maka may-I-trust-you ka na naman sobra sobra.”

 

“Eh sa magaan naman yung loob ko dun sa tao at masarap siya kausap.” Depensa ni Jessica. Hindi ko pala siya halos pinag-salita. Dagdag nito sa sarili at muli siyang napangiti.

 

“Baliw-baliwan talaga ang peg, teh? Kung maka-ngiti, honglondi!”

 

Knock!  Knock! Biglang may kumatok at bumukas ng pinto.

 

“Sir Jin, Miss Jess, nandito na po yung client niyo.” Paalala ng secretary ni Jin.

 

* * *

 

Someone’s P.O.V.

 

Paano kung tama yung sinasabi nila? Na nakalimutan na talaga niya ako? Ilang araw, buwan, at taon na ang nakalipas pero andito pa rin siya sa puso ko. Masakit mang aminin sa sarili ko pero may nararamdaman pa rin ako para sa kanya.

 

Madali man sabihin pero mahirap gawin.

 

Mahirap siyang kalimutan.

 

Tengeneng puso to oh.

« Last Edit: January 26, 2012, 04:52:16 pm by _kyshi »

xannix28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1685
  • Karma: +213/-10
  • K-I-S-S-I-N-G | Yay c:
Re: The love we left behind - CH. 1 Sweet nothings over coffees
« Reply #2 on: January 24, 2012, 06:11:59 pm »
Waaaa. ang cute nung Poster ikaw gumawa?  :D
1 | 2 | 3

_kyshi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +13/-0
  • always keep the faith.
Re: The love we left behind - CH. 1 Sweet nothings over coffees
« Reply #3 on: January 24, 2012, 06:48:07 pm »
Waaaa. ang cute nung Poster ikaw gumawa?  :D

Opo ako lang may gawa. Maraming salamat! ^^

miss direct

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 33
  • Karma: +3/-0
  • vixen baby!
Re: The love we left behind - CH. 1 Sweet nothings over coffees
« Reply #4 on: January 24, 2012, 06:57:22 pm »
Great start!
I'll be waiting for the next chap.
Sana makapag update ka agad. hihi
Goodluck!

btw, cute poster. :D
Better to face the devil than have him at your back.

xannix28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1685
  • Karma: +213/-10
  • K-I-S-S-I-N-G | Yay c:
Re: The love we left behind - CH. 1 Sweet nothings over coffees
« Reply #5 on: January 25, 2012, 12:49:55 pm »
Opo ako lang may gawa. Maraming salamat! ^^

Wang cute kasi :)
1 | 2 | 3

_kyshi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +13/-0
  • always keep the faith.
II. Because the stars said so
« Reply #6 on: January 26, 2012, 04:54:50 pm »
II. Because the stars said so
Click to view chapter cover


"Rise and shine!"

Bumaluktot ang kilay ni Jessica pagkabukas na pagkabukas ng kanyang mga mata dahil sa nakakasilaw na ilaw matapos itong buksan ni Jin. “Wala akong pasok ngayon!” Hinila ni Jessica ang kumot niya at tinakpan ang kanyang mukha at magpapatuloy sana sa kanyang pagtulog ngunit hindi siya tinigilan ni Jin, inalog-alog niya ito at sinisigawan.

“Pasok wala pero nag-promise ka na sasama ka sa gimik namin ngayon.”

"Okay, okay, gigising na!" Nakasimangot na bumangon si Jessica sa kanyang kama. Itinulak niya si Jin bago tuluyang tumayo at nag-stretch. "Anong oras na ba?" Inaantok niyang tanong habang kumukuha ng tuwalya sa cabinet.

"6:10 na po kaya bilis bilisan niyo ang pag ligo at pag bihis dahil 8 ang usapan namin nina Liam." Sagot ni Jin. Tinulungan na rin niyang mag-ayos ng tinulugan si Jessica para makagalaw ito agad. Pero ng hindi gumalaw ito sa tinatayuan, tinulak niya ito papasok ng banyo. "Maligo na huy!"

"Oo na!!"

Nang nasa banyo si Jessica, abala naman si Jin sa pag-ayos ng kwarto ng kaibigan. "Hay naku, Jessica Berna! Lahat na ng ugali mo nagbago maliban lang sa pagiging burara." Bulong nito sa sarili sabay pulot sa mga kalat na nasa sahig.

 

* * *

 

Halo-halong ingay ng music at boses ng mga taong nag-uusap ang nag-welcome sa kanya pagpasok ng club. Naka black Armani leather jacket at naka aviator sunglasses pa ito ng pumasok kaya naman maraming mausisang mata ang agad na tumingin sa kanya. Ang mga babae na nadadaanan niya ay nagbubulungan at nagsasabihan kung gaano siya ka hot at kahit ang mga lalake na nandoon ay napapalingon dito. Hindi naman kasi mapagkakailang gwapo at charming ito kahit madilim sa loob.

Tinanggal niya ang kanyang sunglasses noong malayo na siya sa parte ng club na may maraming tao. Ayaw niya lang naman makilala kaya ganun na lang ang pag-iwas niya. Pero kahit anong pagtatago niya may isang tao pa ring nakakilala sa kanya.

“Kanina pa kita napapansin na tutok na tutok sa cellphone mo ah.” Nabigla ang lalaki ng may humampas at nagsalita sa likuran niya.

Napalingon ito at agad naman nakilala ang kaibigan. “Sol?”

“Daniel! Tol, buti nakarating ka!” Dahil na rin sa lakas ng background music sa club kaya halos pasigaw kung nagsalita ang dalawa.

 

 

* * *

 

 

Lagpas alas-ocho na ng maka-alis sa bahay ang magkaibigan na Jessica at Jin. Itong si Jessica naman kasi ang unang suot ay, ayon kay Jin, pang-grocery lang at hindi pang-gala kaya tinulungan pa itong magbihism ulit ng kaibigan.

“Bakit ba kelangan ko pa mag-damit ng ganito eh okay naman yung jeans ko kanina? Saan ba talaga tayo papunta?”

“Designer ka ba talaga? Wala ka kasing ka-taste taste sa damit mo eh.”

“Excuse me po, malaki po ang pinagkakaiba ng everyday fashion sa wedding gowns.” Kalmadong sagot ni Jessica sa kanya habang hinahalukay ang kanyang bag para sa cellphone na hindi niya mahanaphanap. “Uy, naiwan ko yata phone ko sa bahay. Balikan muna natin!”

“HELLO! Late na nga tayo sa usupan, I’m sure magtataray yun si Liam.”

“Saan ba kasi tayo pupunta talaga?”

“Naaalala mo ba yung kinukwento ko sayong bagong bukas na club na pinupuntuhan namin? Tutugtog kasi ulit yung kinukuwento ko din sayo na drummer na bet na bet namin ni Liam.” Kinikilig na pagpapa-alala ni Jin kay Jessica.

“Sino ba naman makakalimut dun eh wala ka ng bukambibig kundi ang lalakeng yun.” Pang-aasar nito sa kaibigan. “Cellphone mo pahiram na baka hindi ko yun sa bahay naiwan lagot ako.”

"Kunin mo na lang diyan." Inabot naman ni Jin ang bag niya at hinalungkat ni Jessica ang bag hanggang sa makuha ang phone nito. Hinanap ni Jessica ang number ng mommy niya sa phonebook ni Jin at tinawagan ito. Naka-ilang ring din ito bago nasagot.

"Ma?"

/ O, baby, bakit? /

"Ma, I left my phone ata sa kwarto. Paki-check, please?"

/ Oo andito nga. Ring kasi ng ring to kanina kaya kinuha ko sa kwarto mo. /

"Talaga po? Sinagot niyo ba? Sino po tumawag?"

/ Number lang naman yung lumabas eh at hindi rin siya nagpakilala nung sinagot ko. /

"Ahh baka wrong number yan."

/ Pero pamilyar yung boses niya. Parang si-- Ah, nevermind, baby. /

"Parang sino po?”

/ Wala, wala. Gusto mo bang ihatid ko sayo ang phone mo? Asan na kayo? /

“Hindi na ma, kasama ko naman si Jin atsaka on the way na din kami sa pupuntahan namin."

/ O sige. Call me from Jin’s phone later. Bye. /

“Si mama talaga, parang baby lang kung tratuhin ako. I'm 23 years old pero parang 3 years old pa rin ako sa kanya.” She shook her head pagkababa ng phone.

“Hindi mo naman masisisi si tita, unica ija ka niya edi siyempre baby ka pa rin sa tingin nila.” Nagtaka na lang si Jin ng Makita niyang nakangiti si Jessica habang nakatingin sa cellphone niya. "Hoy, ano tinitignan mo diyan at napapangiti ka?”

"Eto." Sabay harap ng iphone kay Jin. "Si Sol to eh!” Wika ni Jessica.

"Sinong Sol?” Inagaw ni Jin kay Jessica ang phone at tumingin sandali sa phone niya at balik naman agad sa daan para mag concen

"Yan! Yang kasama mo sa picture. Siya yung kaibigan nung lalake sa Haven last week."

"Homaygod! Kilala mo siya?” Nanlaki ang mata ni Jin sa nabanggit ng kaibigan. Makikita sa wallpaper niya na naka-akbay si Sol sa kanya at siya naman ay abot tenga ang ngiti. "OMG!”

"Oo, siya yan! Bakit kasama mo siya sa isang picture?”

“Teh! Siya yung pupuntuhan natin sa Underground!”

“Ano?”

“At kung talagang kaibigan ng Sol na yan yung lalakeng sinasabi mo, I’m sure makikita mo din yan dun sa bar!”

"O tapos? Sinong may sabi na gusto kong makita yun?"

"Asusus! Deny pa eh alam ko naman na curious ka pa din sa mystery man na yun!"

 

 

* * *

 

 

Kinailangan ding iwan ni Sol ang kaibigan dahil maghahanda pa ito para sa set nila. Pero hindi rin naman siya nag-iisa dahil maraming babae ang lumalapit sa kanya at kinakausap ito. Yung iba may konting pa-charm pang alam, papansin dito, papansin doon. Basang basa niya ang mga ito dahil hindi naman ito bago sa kanya. Kahit saang club naman kasi siya mapadpad nama-magnet niya pa rin ang mga babae.

"Hi! I'm Xane, and you are?" Malakas na loob na pakilala ng isang babae na lumapit sa kanya. Halos nakaluwa na ang kaluluwa ng babae sa sikip ng damit at nagmimistulang bampira pa ito sa pula ng labi.

“Do you want sleep with me?” Walang prenong tanong ng lalake. “Alam ko gusto mo ko.”

“Huh?”

“Hindi mo na kelangang malaman ang pangalan ko unless you want to yell it in bed later.” Kagat labing bulong nito sa babae. Nabastusan ang babae sa sinabi nito kaya tinarayan niya ito at agad na umalis. Napatawa na lang si Daniel sa biglang inasta ng babae.

Hindi man halata sa mukha ng lalake pero isa siyang tanyag na cassanova. Halos araw araw ito papalit palit ng babae at girlfriend.

Ay teka, hindi pala siya nag ge-girlfriend.

.

.

.

Sa hindi kalayuan ay naka-upo na sina Jessica at ang mga kasama. Kararating lang nila kaya busy pa ang mga ito sa pag-bati sa ibang mga kaibigan na nauna na sa kanila. Bihirang makasama nina Jin si Jessica dahil nga sa trabaho nito kaya kung makapag kamustahan sila ni Liam, ang isang beki na kaibigan ni Jin na naging close na rin niya, ay parang katapusan na ng mundo sa susunod na minuto.

Napadaan si Sol sa kinalalagyan ng grupo nina Jessica at ang mabilis namang mata ni Jin ay nakita ang dumaan na gwapong drummer.

“Teh! Si Sol oh!” Bulong nito kay Jessica. Napalingon si Jessica sa direksyon na itinuturo ni Jin. “Tignan mo baka ka-banda niya pala yung nakilala mo.”

Sinundan ng mga mata niya si Sol na lumapit sa may bandang gilid stage kung saan naghihintay na ang ibang mga ka-banda. Hindi matatago ni Jessica ang pagkadismaya nang wala sa mga ito ang hinahanap niyang mukha.

“Wala yun dito.”

“Sad face agad? Di mo pa nga sure eh. Halika tatanong natin ayan siya pabalik.” Tumayo at hinila ni Jin si Jessica patayo. Nang dumaan si Sol ay pakunyaring itinulak ni Jin si Jessica sa kanya. “Ay sorry!”

“Jin!” Napasigaw si Jessica ng ma-kabig si Sol.

“Uy, miss!” Nabibiglang sigaw din ni Sol na agad namang tinulungan tumayo ng maayos ang babaeng nakabangga. “Ok ka lang ba?” Napatingin ito sa mukha ng babae at agad agad namang nakilala kung sino ito. “Uy, ikaw!”

“Ah…ako…oo…ay…ikaw!” Natatarantang sagot ni Jessica ng mapagtanto niyang nakilala siya ng lalakeng kaharap.

“Uy! Small world! Naaalala mo pa ba ako? Ako yung kaibigan ni Daniel sa coffee shop!”

“Daniel?” Mahinang tanong nito. Naisip niya na baka yun na ang pangalan nung lalake sa Haven. “S…sss…Sol diba?”

“Nice one! Sol nga. Ikaw ano nga pangalan mo? Badtrip si Daniel bigla na lang Nagyayang umalis nun di ko nga alam bakit eh wala naman talaga kaming ibang lakad.” Madaldal nitong kwento.

Daniel. Siguro yan na nga pangalan niya.“Jessica. Ako si Jessica.”

“And I’m Jin.” Biglang sambat ni Jin sabay abot ng kamay na hindi naman pinansin ni Sol dahil busy na busy pa ito sa pagtitig kay Jessica.

“Uy, alam mo timing dahil andito din si Daniel.”

“Ah…ta…talaga?”

“Oo. Halika puntahan natin siya!” Pagyaya nito kay Jessica. Kahit hindi naman ito sumagot ay hinawakan na rin siya ni Sol at binitbit papunta sa kung nasaan si Daniel.

.

.

“Hala? Hindi naman ako invisible. Bulagbulagan ang peg ni kuya?” Ani Jin ng iniwan siya ng dalawa.

.

.

Nang makarating sa may bar sina Sol at Jessica ay wala na ang dapat sanay naghihintay na kaibigan. “Tol, asan yung kaibigan ko na nandito lang kanina?” Tanong ni Sol sa baristang naka toka doon.

“Bigla bigla hong umalis eh parang nagmamadali nga. Mga ngayon ngayon lang din.” Sagot ng barista.

“Ha? Umalis?” Napakamot tuloy sa ulo si Sol. “Naku, Jessica. Paano ba yan. Umalis na pala yung loko.”

“Ah, okay lang yun.”

“Pasensiya na ha. Talagang andito lang yun kanina eh.”

“Hindi, okay lang.” Ngumiti ito para siguraduhin sa kausap na okay lang talaga ito. “Ah sige ha babalik na ako sa table.”

“Sige pasensiya na ulit. Manood ka na lang ng set namin ha!” Masayang hirit ni Sol kay Jessica. “Bye!”

.

.

Naglakad na pabalik si Jessica sa kanilang table pero ng makita nito ang sign ng restroom ay lumiko na muna ito dito upang makapag banyo.

“Ay butiki!” Napatalon sa takot si Jessica ng may makasalubong itong lalake na hindi niya inaasahan pagkalabas ng banyo. Napatingin si Jessica sa mukha ng lalaking nakabangga ng marinig niya itong tumawa ng palihim.

“Teka…” Inirap niya ng paulit-ulit ang mga mata at sinubukang tandaan kung saan niya nakita dati ang mukhang kaharap niya ngayon. Siguradong sigurado siya na kilala niya ang mukhang ito.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“I….ikaw?” Nanlaki ang mga mata ni Jessica ng maalala na niya kung sino ito.


_____________________________


@miss direct: Maraming salamat!! ♥

miss direct

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 33
  • Karma: +3/-0
  • vixen baby!
Re: The love we left behind - CH. 2 Because the stars said so {update!}
« Reply #7 on: January 26, 2012, 07:45:53 pm »
You're welcome! :)
si daniel ba nakasalubong nya? hihi.
Better to face the devil than have him at your back.

_kyshi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +13/-0
  • always keep the faith.
III. All ends only leads me to you
« Reply #8 on: January 29, 2012, 07:50:13 pm »
@miss direct: ang dali hulaan noh? Hahaha!:D salamat sa replies mo nakaka-inspire mag update hehe.


III. All ends only leads me to you
click to view chapter cover


"Anong ginagawa mo dito?" Sabay na nag-tanong si Daniel at Jessica, na sa mga sandaling yun ay hindi pa rin alam ang pangalan ng isa't isa. Napatawa din ng sabay ang dalawa sa nangyari.

"Yung mga kaibigan ko kasi nagyaya lumabas timing naman off ko ngayon kaya eto ako napasama narin sa kanila." Una nang sumagot si Jessica. "Eh, ikaw? Sabi nung tinanungan ni Sol umalis ka daw eh."

"Hinahanap mo ako?"

"Hindi...ano...oo...I mean...si Sol...si Sol kasi, yung kaibigan mo, bigla akong hinila papunta daw sana sayo." Parang sirang plaka kung makapagsalita si Jessica sa kaba. "Eh teka! Hindi dapat sinasagot ng tanong ang isang tanong. Madaya!"

"Wala kasing mga bituin pag labas ko." Seryosong sagot ni Daniel.

"Ha?" Tatawa sana si Jessica pero pinigilan niya ito. "Ano naman connection ng stars sa pag balik mo dito?"

"Siyempre, sabi nila pag walang mga bituin sa langit malaki ang chance na uulan."

"Edi sana sinabi mo na lang agad na hindi ka umalis kasi baka uulan. May pa banggit banggit ka pa kasi ng mga bituin na nalalaman eh."

Tumango at ngumiti lang si Daniel. Nabalot sila sa malamig na hangin at awkward silence ng walang magsalita sa kanilang dalawa.

"Hey, uhmm..." Tila nagdadalwang isip na simula ni Jessica. "I'm Jessica." Agad na pakilala nito. Inabot ni Jessica ang kanyang mga kamay kay Daniel. "Umalis ka kasi bigla last time kaya di man lang tayo nagkakilala."

"I didn't think I had to." Bulong ni Daniel pero nahuli siya ni Jessica na may sinasabi.

"You were saying?" Pagtataka nito.

"Nothing sabi ko lang I'm Daniel." Pakilala din nito sa dalaga at nagkamay ang dalawa.

"Ganun ka ba talaga? Bigla biglang dumadating tas agad agad ding aalis?"

Hindi sumagot si Daniel. Until that very moment, he was still very skeptical of her. Yung parang may pilit siyang inaalala o may iniisip siyang iba sa kasuluksulukan ng utak niya. Actually, ayaw na sana niyang maulit ang pagkikita nila ni Jessica. The coffee moment would have been the first and the last, pero akalain ba naman niyang tadhana na ang nag-lapit sa kaniya kay Jessica.

Although, in all honesty, a part of him wants to get to know this girl more.

Nakabuo na sana ng sasagutin si Daniel ng mamataan niya si Jin na papalapit sa kanila. "Yung kaibigan mo hinahanap ka na ata."

"Huh?" Napalingon sa paligid si Jessica, sinundan niya ang tingin ni Daniel at nakita si Jin na tila may hinahanap nga. "Ah oo, si---Teka, paano mo nalaman na kaibigan ko si Jin? Kilala mo ba siya?"

"Ha? Ah. Hindi! Nakita ko lang kayo kanina na magkasama. Bakit, mali ba?"

"No, no. You're right, actually. Siya si Jin, yung best friend ko. Wait, tatawagin ko siya and I'll introduce you to him. Dito ka lang."

"Dito talaga?" Tanong ni Daniel. Nakatayo pa rin nga pala sa hallway sa labas ng restrooms.

"Oo, just wait." Nagmadaling nilapitan ni Jessica si Jin. "Jin!"

"Ay, panget!" Nagulat si Jin sa biglang pag hila sa kanya ni Jessica. "Huy, saan ka ba galing ha? Nakita ko si Sol dumaan pero wala ka na."

"Nag-cr lang."

"Ganun katagal sa cr? Pff. Anyare dun sa mystery man? Andun ba?"

"Wala. I mean, nung hinanap namin siya ni Sol wala siya. Pero, guess what!"

"Hmm, what?"

"Nandito siya. Nakasalubong ko siya pag labas ko ng cr."

"Wuahh talaga? Talaga? Asan? Asan?"

"Halika ipapakilala kita naghihintay siya dun."

"Lehgoooo!" Excited na sumunod si Jin kay Jessica. Pero ang excitement niya ay agad napalitan ng pagtataka. "Oh, akala ko ba hinihintay ka?"

"Andito yun kanina eh. Sabi ko maghintay siya."

"Naku te ha! Baka imagination mo lang yun."

"Hindi! Kausap ko siya kanina!"

"Baka nag-cr. Check natin." Pabirong hinila ni Jin si Jessica papunta sa men's restroom.

"Huy, loko! Hintayin na lang natin."

After 5 minutes, 10 minutes, 15 minutes... Walang Daniel na lumabas sa cr.

"Teh wala naman eh!"

"Nawala na naman siya." Salita ni Jessica sabay hinga ng malalim.

 "Uy, sina Sol na nasa stage!! Halika na!"

Hindi alam ni Jessica kung bakit pero nalungkot siya ng nawala ulit si Daniel. Hindi naman siya yung pinunta niya pero nung makita niya ito kanina eh may ibang saya siyang naramdaman. Sumama na siya pabalik sa table nila. Pilit niyang inenjoy ang set ng banda nina Sol pero hindi rin niya mapigilang hanapin si Daniel sa paligid.

Mas lumalim pa ang gabi at nakapag second set na sina Sol pero si Daniel ang tumatakbo sa isip ni Jessica. Hindi niya mapagtanto kung bakit kahit dalawang beses pa lang niyang nakakasama si Daniel, at sobrang ikli pa kung tutuusin ang oras na nagsama sila, ay ganun na ang naging epekto niya sa kanya.

Napasobra ang inom ni Jin kaya hindi nakakapagtaka na mas naging maingay at makulit pa ito. 2AM na ng naisipan ng magkakasama na umuwi na sa bahay ni Liam at magpasundo na lang sa driver dahil maliban kay Jessica lasing na silang lahat. Dahil sa kalasingan ay nakatulog na si Jin.

"Li, nag-drive kasi si Jin papunta dito so paano yung car niya? Baka ma-tow ito kung iiwan natin." Pag-aalala ni Jessica.

"Hayaanlaowi Pababalikan ko Natwjang kay manowwng." Nalalasing pang sagot ni Liam habang papasok sa van. "Pwasiok ka na dutooi."

"Hindi, ako na lang magda-drive nun susunod ako sa inyo."

"Siguwtrado kwas ba?"

"Oo, sige na. Lasinggero niyo talaga!" Pabiro nitong sabi sabay sarado sa pintuan ng van.

"Suswunod kwa ha? Byeee!" Pahabol ni Liam.

.
.
.

Naglakad si Jessica mag-isa papunta sa kung saan naka park ang kotse ni Jin. Mabuti na lang at nakakuha pa ng space si Jin sa harap ng bar dahil madilim pa naman sa iba. Pumasok na sa loob ng kotse si Jessica at agad naman itong nag-lock ng pinto. Matagal ng hindi nagda-drive si Jessica kaya tumingin tingin muna siya. Cautious na cautious siyang nagpa-andar ng kotse at nag-drive palabas ng parking lot.

Pero hindi pa siya nakalalayo...."Oh my god lord jesus christ save me!" Agad agad na dasal ni Jessica sabay apak sa break. Muntikan ng mabangga ni Jessica ang isang lalakeng di-motor na nakasalubong niya. Dahan dahang binuksan ni Jessica ang kanyang mga mata at tumingin sa harapan. Andun ang motorbike pero wala na ang naka-helmet na driver.

Tumindig ang balahibo ni Jessica at pinilit ang sarili na wag mag-isip ng kung ano-ano. Iaatras na sana niya ang kotse ng biglang may kumatok sa bintana ng passenger's side. "Mommyyyy!" Takot na takot nitong sigaw habang nakapikit at yakap sa manibela. "Mommyyy!" Naiiyak na nitong sigaw.

"Hey, ok ka lang?" Tumakbo sa driver's side ang lalake at pasigaw nitong tanong kay Jessica habang kumakatok. "Jessica, it's me!"

Kahit mahina ang pagkakarinig ni Jessica ay parang nakilala ng utak niya ang boses ng lalake na nasa labas ng kotse niya. "Da...Daniel?" Tama ang hinala ni Jessica. Walang iba kung hindi si Daniel ang kanyang muntikan ng makabangga.

"Hey, are you ok? Sorry, hindi kita nakita off kasi ang headlights mo." Sabi nito ng binuksan ni Jessica ang bintana. Napansin ni Daniel na naluluha pa ang dalaga. "Sorry din at natakot kita."

"No, sorry." Sagot nito sabay punas sa luha. "Kasalanan ko hindi ko ata na on yung headlights ko at hindi naman talaga ako matatakutin eh ewan ko bakit ganun na lang ako nag-react."

"Sira ba headlights mo? Delikado yan gabi pa naman na ngayon."

"Huh? Eh yan..naka-andar ba?"

"Isa lang naka-on at hindi pa yung highbeams mo."

"Ha? Eh ok pa yan nung si Jin nagda-drive eh. Naku, paano na to wala pala akong cellphone at kaaalis lang nina Liam."

"Saan ka ba papunta?"

"Sa bahay ng kaibigan namin, sa The Heights."

"Uhmm... Kung ok lang sayo ihahatid na kita alam ko naman kung saan yan."

"Ha? Naku hindi ko pwedeng iwan ang kotse dito."

"Alam ko. Kaya sundan mo na lang ako para may ilaw sa harap mo."

"Ha?"

"I'll stand as your north star. I'll light your way. Hindi kita iwawala, sundan mo lang ako."
« Last Edit: January 30, 2012, 04:22:41 pm by _kyshi »

TwilightZone817

  • jellybean
  • **
  • Posts: 250
  • Karma: +18/-4
  • ...*Deafening Silence*...
    • Soshified
Re: The love we left behind - Ch.3 The sun still rises in the east {update!}
« Reply #9 on: January 30, 2012, 04:17:25 am »
Bitin!!! Details pa! details! More! more! MOAR!!! lol

May paganun-ganun pa daw si Daniel~ Tsk~! >:D

writerWannaBe

  • jellybean
  • **
  • Posts: 296
  • Karma: +9/-3
  • efghijkloveyooouuuu!
    • Ang Iniwan. :">
Re: The love we left behind - Ch.3 {update!}
« Reply #10 on: January 31, 2012, 08:32:28 am »
Will support! I demand for an update. Hihi. Im Mia. :">
Yow! Wasap, bros? \m/

WW Thread☆彡

_kyshi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +13/-0
  • always keep the faith.
Re: The love we left behind - Ch.3 {update!}
« Reply #11 on: February 02, 2012, 04:09:03 pm »
@TwilightZone817
Thank you po at nagbasa kayo! Sana tuloy tuloy niyo po. <3

@Mia (writerWannaBe)
Hi Mia! I'm Kysh. Salamuch sa support. Sana magustuhan mo pa siya ng tuluyan.

Try ko mag-update ng mabilis for the next chapter. Medyo na late ako sa chapter na to eh. Hehe. Thank you~ <3




IV. The sun still rises on the east
Click to view chapter cover


Jessica was left with no choice kung hindi ang magpasama kay Daniel. Hindi naman sa labag sa kalooban nito ang pag-sama ni Daniel sa kaniya, actually nagpapasalamat pa nga ito na nagkasalubong sila dahil kung hindi ay baka mas malala pa ang nangyari. Sporting his Red Ducati Superbike, nanguna si Daniel sa daan habang naka-sunod naman sa kanya si Jessica. 

Dahil sa kaka-isip ni Jessica tungkol kay Daniel at kung gaano siya ka hot tignan na nakasakay at nagdadrive sa bike niya eh muntikan na naman niyang ma bangga ito ng nag-stop ito bigla.

"Ayy butiki!" Pasigaw nitong sabi sabay apak ng break. Nakita niyang umatras at tumabi si Daniel sa sasakyan niya kaya binuksan niya ang bintana. "Talagang humihinto sa gitna ng traffic light?" Sarcastic na tanong ni Jessica. Buti na lang at madaling araw na kaya walang ibang sasakyan sa daan.

"Can I ask you something?"

 "Ha?" Napalingon agad si Jessica sa paligid at napansing hindi siya masiyadong pamilyar sa lugar. "Sabi mo alam mo kung saan yung The Heights kaya please wag mo sabihing nawawala tayo."

"Hindi, hindi." Natawa si Daniel sa reaction ni Jessica.

"Eh ano ba itatanong mo at dito pa tayo huminto?"

"Nagugutom kasi ako. Ok lang ba na samahan mo ako saglit kumain."

"Ha? Gutom ka?"

Tumango si Daniel.

Napatingin si Jessica sa relos niya: 3:31 AM. Nagdadalawang isip si Jessica sa mga oras na yun dahil una naisip niya kung tama bang sumunod pa siya kay Daniel at pangalawa baka hanapin na din siya nina Jin. Pero mas naging matimbang ang pagkagaan ng kanyang loob kay Daniel. A part of her mind is saying na magiging safe siya sa lalakeng ito kahit kakikilala lang nila.

"Bahala na." Sabi nito sa sarili. "O sige, sige. Susundan kita."

Biglang nag wink si Daniel kay Jessica na ikinagulat(at ikinabighani) ng dalaga. Muling nagpa-andar ng bike si Daniel at bumalik sa unahan ng kotse ni Jessica. Ilang minuto lang ang naka-lipas ng makakita sila ng isang gasoline station na may mini-mart.
.

.

Nilapitan ni Daniel si Jessica ng hindi ito lumabas sa kotse. "Hindi mo ba ako sasamahan sa loob?"

“Akala ko ba nagugutom ka bakit dito tayo pumunta?”

“Cup noodles lang ok na ako.” Binuksan ni Daniel ang pintuan ng kotse ng walang pag-aalinlangan para lumabas na si Jessica. "Ayaw mo ba talaga? Sasarado ko na ulit to."

“Hindi, sasama ako.” Hindi naman talaga balak ni Jessica na magpa-iwan. Nagtataka lang siya kung bakit doon pa ang napili ni Daniel dahil pwede naman silang maghanap ng 24-hour na kainan.

 

“Gusto mo?” Tanong ni Daniel at pinakita ang kanyang hawak ng cup noodles.

“Allergic ako sa seafood eh.”

“Alam ko.”

“Huh?”

“I mean alam ko na ngayon diba kasi sinabi mo.” Binalik ni Daniel ang kinuhang cup noodles at kumuha ng ibang flavor. “Eto o eto?” Pinapili niya si Jessica.

“Ok na yang chicken.”

“Sige. Pwede, ikaw na mag lagay ng hot water nito nasa may counter siya. Kukuha lang ako ng maiinom.”

“Akin na.” Sumunod naman si Jessica sa sinabi ni Daniel at pumunta sa counter para lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles nila habang siya ay nagpunta sa likuran ng tindahan kung nasaan ang mga inumin.

 

“Sira yung coffee machine nila kaya etong nasa fridge na lang ang kinuha ko.” Ani Daniel ng makabalik ito sa counter kung saan naghihintay si Jessica.

“Ok lang yan. Talagang coffee yung kinuha mo para sa akin noh?”

“Naalala ko lang kasi na gusto mo ng coffee.” Sagot nito sabay lagay ng mga binili nila sa counter. “Magkano miss?” Tanong niya sa cashier.

“166.50 po.” Sagot ng cashier at tinanggap ang inabot ni Daniel na bayad. “Thank you!”

 

Lumabas na ng tindahan ang dalawa at bumalik sa kotse. Umupo sa driver’s seat si Jessica at iniwang naka bukas ang pinto habang nasa harap niya at naka-upo sa kanyang motorbike si Daniel.

 

“Ok ka lang ba diyan? Pwede ka naman umupo muna dito sa loob.” Tanong ni Jessica ng mapansing parang nahihirapan si Daniel sa katayuan niya habang hinihintay na maluto ng tama at lumamig ng konti ang noodles.

“Hindi, ok lang ako dito.”

“Ikaw bahala. Daniel, may itatanong ako sayo.”

“Ano yun?”

“Bakit ka nawala kanina?”

“Ah, ano kasi… yung kaibigan ko nagpasundo, emergency daw.”

“Ganun ka ba? Bigla biglang nagpapakita at nawawala?”

Dinaan ni Daniel sa tawa ang tanong ni Jessica pero ang totoo ay nag-iisip pa siya ng isasagot. “Hindi naman, nagkataon lang talaga. Sorry kung ganun yung dating sayo."

"Ok lang yun nawi-weirdohan lang talaga ako sayo. Kung close lang tayo nainis na ako sayo."

"Bakit? Di pwedeng maging close tayo?"

"Huh?" Nabigla si Jessica sa tanong ni Daniel. "Uhh...ano... siyempre, paano tayo magiging close eh bigla bigla ka ngang nawawala o umaalis diba? Baka mamaya niyan kumakain lang ako ng noodles ko tas wala ka na."

"Hayaan mo wala akong planong umalis hanggang hindi kita nahahatid."

"Talaga lang ha! Hindi ko kaya alam asan tayo." Sabi ni Jessica. Binuksan na niya ang cup noodles niya at hinipan ito para lumamig ng konti saka siya sumubo. "Thank you nga pala dito ha at sa pag sama mo na rin sa akin."

"Wala yun."

"Alam mo kasi, hindi ako pinagda-drive kaya taon na rin ang nakalipas nung nakapag-drive ako. Ay, actually nag-drive ako ng hindi alam ng parents ko nung nakaraang buwan."

"Hindi ka pinagda-drive?"

"Oo, kasi... Ayaw lang daw nila eh, kesyo may driver naman daw kami. Ewan ko ba sa mama ko, sobrang bata yung trato niya sa akin. I tell you, she's very protective."

"Paano yan nagda-drive ka ngayon? Papagalitan ka niya?"

"Not unless she hears about it. Hindi mo naman siguro ako isusumbong diba? At kung malaman man ni Jin hindi niya ako isusumbong dahil kung hindi naman siya lasing di naman ako magda-drive." Kwento niya, sabay subo ulit ng noodles pagkatapos. "Hindi naman ganito yung buhay ko dati eh. Two years ago, I was as free as a bird. My mom trusted me a lot tas bigla na lang nagising ako isang araw, naging overprotective na silang lahat sa akin." Patuloy niya ng may malalim na buntong hininga pa.

"May ginawa ka sigurong kasalanan."

"I don't know. I'm not sure. Hindi naman kasi nila sinasabi kung bakit eh. Sabi lang nila they just love me this much. Siguro nga, mahal lang talaga nila ako kaya eto naman ako, always living by the rules."

"Rules are boring, you know that?"

"Narinig ko na yan... pero I still love my parents kahit overprotective sila minsan. Eh, ikaw? Magkwento ka naman tungkol sa family mo. Kahit nung una tayong nagkita ako lang yung ma-kwento."

"Kwento? Boring ang life story ko."

"Eh, love story na lang gusto mo?"

 "Uhh?"

"Naka-ilang girlfriends ka na? Siguro babaero ka noh?"

"Ako? Babaero?" Tumawa si Daniel. "Dalawang girlfriends lang, babaero na?"

"Wueeh? Naaalala ko pa kaya yung sabi ni Sol kung may dine-date ka na sa labas ng kama mo. I won't judge you naman kasi ikaw yan eh. Just tell me, yes or no?"

"Maybe."

"Asus... Yes yan eh."

"Wag na ako yung pag-usapan natin. Have you ever seen a sunrise?"

"Ilang buwan na akong graveyard shift kaya siyempre hindi na ever since."

"May magandang lugar dito para tignan ang sunrise."

Tumayo bigla si Daniel at hinila si Jessica. Muntik pang matapon ni Jessica yung noodles niya kung hindi lang ito nahawakan ni Daniel. Inagaw niya ang cup noodles at nilagay bigla sa plastic kasama ng hindi pa nabubuksan na mga inumin at ang hindi pa niya nakakainan na noodles pero kinuha ni Daniel ang coffee ni Jessica at pinasa sa kanya bago ito ginawa.

"Huy, anong ginagawa mo?" Nanlaki ang mata ni Jessica sa bigla biglang pag galaw ni Daniel lalo na at hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Kinuha ni Daniel sa kanya ang susi ng kotse at ni lock ito sabay lagay nito sa bulsa nito. "Natatakot na ako sayo."

"Huwag kang matakot. Tutulungan lang kitang mag-enjoy sa night-off mo." Sagot ni Daniel. Sumakay na ito sa motor niya at inabot kay Jessica ang helmet sabay senyas sa kanya na sumakay sa likuran niya.

"Daniel, ano to?"

"Trust me, please?" Anyaya niya ulit kay Jessica.

Hindi fan ng motorbikes si Jessica dahil masiyado itong delikado kung siya ang tatanungin, ni hindi niya pinangarap makasakay dito pero parang magbabago ito sa pag dating ni Daniel.

Kinuha rin ni Jessica at sinuot ang helmet saka sumakay sa likuran ni Daniel.

"Thank you." Bigkas ni Daniel bago niya pina-andar ang motor.

.

.

.

[ Someone's POV : Flashback ]

"Hanggang kailan mo ba ako mamahalin?"

"As long as the sun rises in the east, mamahalin kita."


[ End of Flashback ]

anjie_azend

  • jellybean
  • **
  • Posts: 243
  • Karma: +36/-0
  • simple teenager with simple dreams <3
    • FB
Re: The love we left behind - Ch.4 {updated: 02/02!}
« Reply #12 on: February 02, 2012, 08:36:53 pm »
Naks. Ganda naman ng concept nito :''''''''''''''''''''''''''> Intro + Prologue pa lang, galing na! Btw, kyshi support ko ito. Jinjin here, 16.
I don’t need SUPERMAN, I just need a MAN who has NO OTHER WOMAN.

_kyshi

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 92
  • Karma: +13/-0
  • always keep the faith.
Re: The love we left behind - Ch.4 {updated: 02/02!}
« Reply #13 on: February 03, 2012, 01:57:14 pm »
Naks. Ganda naman ng concept nito :''''''''''''''''''''''''''> Intro + Prologue pa lang, galing na! Btw, kyshi support ko ito. Jinjin here, 16.

Ikaw yung nag-reply din sa WW ko diba? Hehe! Salamat at nagpunta ka dito and for supporting. Sana magustuhan mo pa yung kabuuan ng story. Salamuch! ♥

TwilightZone817

  • jellybean
  • **
  • Posts: 250
  • Karma: +18/-4
  • ...*Deafening Silence*...
    • Soshified
Re: The love we left behind - Ch.4 {updated: 02/02!}
« Reply #14 on: February 05, 2012, 09:15:41 am »
@TwilightZone817
Thank you po at nagbasa kayo! Sana tuloy tuloy niyo po. <3

“Gusto mo?” Tanong ni Daniel at pinakita ang kanyang hawak ng cup noodles.

“Allergic ako sa seafood eh.”

“Alam ko.”

Susuportahan ko po 'to hanggang matapos~ ;D

Kaintriga naman 'ung part na 'un~ Bitin!!! UPDATE!!! ahahaha~
Wait ko na lang next part~ :)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website