@TwilightZone87: Yay, may nakapansin hehe. More intrigas for you to find sa susunod na mga chapters! ^^ Enjoy.
@writerWannaBe: thank you!! sana ma-enjoy mo siya ng tuluyan. and sure po, ok lang sa akin repost niyo yan. salamuch ^^
@anjie_azend: salamat ulit! ^^
Kung gusto niyo pala i-pm ko kayo pagnag-a-update ako sabihin niyo lang. ^^ Sorry at mejo natagalan ang pag update ah. Enjoy! ^^
* * *“Masiyado na tayong mabilis, Daniel!”
Ito ang paulit-ulit na paalala ni Jessica kay Daniel na nakakapit pa ng husto sa beywang nito dahil sa takot. Takot na takot si Jessica dahil first time niyang maka-angkas sa likod ng isang motorbike at mas nadagdagan pa ng sobra kung makapag patakbo si Daniel. Halatang forte nito ang pagmo-motorbike dahil sa pagdadala nito at pagmamanehong talo pa ang mga kaskaserong jeepney drivers.
“Humawak ka lang ng mabuti, hindi ko naman tayo ididisgrasiya.” Pasigaw ding sagot ni Jessica, sabay silip sa side mirrors nito at ng nagkasalubong ang mata nila ay nag smirk ito.
Sa muling pagkakataon ay napasunod na naman ni Daniel si Jessica sa gusto nito. Umabot rin ng halos isang oras bago sila makarating sa lugar kung saan ayon kay Daniel ay matatanaw ng buong buo ang pag silang ng araw. Hindi matandaan ni Jessica kung saan na sila nakarating dahil na rin sa madalas niyang pag-pikit ng mata nung bumabiyahe sila papunta dito. Pero nung huminto sila sa harap ng isang mataas at pamilyar na building na pinalilibutan din ng iba pang mga building ay parang alam niya kung saang lugar ito.
"Tan Tradings Tower 3 ba tong nasa harap natin?" Tumalon pababa si Jessica ng motor at tinignan ang building na nasa harap niya.
"Oo. Alam mo tong area na to?"
"My Dad used to be the family lawyer ng mga Tan kaya nakapunta na ako dito."
"Aah~ so alam mo na yung makikita mo pag umakyat tayo sa rooftop at maghintay ng sunrise?"
"Ang naaalala ko lang tinawag siyang Sunrise Rooftop. Bakit? Ano nga ba meron?"
Hindi muna sumagot si Daniel and instead, tumingin siya sa relos niya: 4:37AM saka tumingin ulit kay Jessica na nakasandal sa motor niya. "Alas 5 pa magbubukas ang guard para sa mga employees at non-tenants. Mag-antay na muna tayo dito hindi pa naman magsa-sunrise until 5:22 eh."
"Inaalam mo ba araw-araw kung anong oras ang sunrise?" Matawa-tawang tanong ni Jessica sa kaharap na si Daniel. "Siguro, palagi ka dito kasama girlfriend mo. Bakit ako yung sinama mo ngayon?"
"Sica..." Tawag ni Daniel na ikinagulat ni Jessica. Tatlong tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganyanng pangalan, ang daddy niya, minsan at dati si Jin, at si--- "Wala akong girlfriend." Patuloy nito.
"Ano yung unang tawag mo sa akin?"
"Huh?"
"Tinawag mo ba akong Sica?" Napatayo ng maayos si Jessica.
"Uhh...oo, bakit?"
"Kasi...ano...ah, ano lang kasi hindi na ako sanay na may tumatawag na Sica. Yung dad ko tumatawag sa akin niyan pero 2 months na siyang nasa states. Si Jin naman hindi na ako tinatawag ng ganyan."
"Ayaw mo bang tawagin kitang Sica?"
"No..no..Mas sanay lang akong Jess ang tinatawag sa akin pero kung saan ka mas comfortable, ok lang." Ngumiti si Jessica. Ang totoo ay may isa pang taong naaalala si Jessica na tumatawag sa kaniya ng 'Sica' pero mas minabuti niyang hindi na ito banggitin pa. “So, paano tayo makakapasok diyan? Dito ka ba nagta-trabaho?”
“Hindi. Pero senior ko nung college ang isa sa mga department heads dito kaya makakapasok tayo.”
“Ahh~”
“Eh, ikaw? Yung dad mo lang naman lawyer dito diba, paano ka napapadpad dito?”
“Isang buwan bago mamatay si President Tan, halos sa officetel dito na umuuwi si Dad at kung may time ako binibisita ko siya.”
“Bakit nasa US na yung dad mo?”
“Kinuha kasi siya ng isang corporation to work as their temporary executive lawyer, pero 6 months lang naman siya dun. Teka, ako na naman yung napapa-kwento eh.”
“Diba nga sabi ko sayo boring ang life story ko. Ikaw na lang ang mag-kwento, mukhang mas interesting ang buhay mo.”
“Ayoko na, laging ako eh. Eto na lang sagutin mo, lagi ka bang mabilis kung magpatakbo ng motor mo?”
Natawa si Daniel sa tanong at tumabi ito kay Jessica na nakasandal sa motor. “Oo, it’s fun eh. Bakit?”
“Fun? Dapat yata, deadly eh.”
“Masasanay ka rin.” Pabulong nitong hirit.
“Ano yung sinabi mo?” Napatingin si Jessica kay Daniel ng marinig ang sagot.
“Ha? Wala kaya.” Tanggi ni Daniel na pilit umiiwas sa tingin ni Jessica.
“Meron! Masasanay ako? Ano yun?”
“Wala akong sinabing ganun.”
“Meron!”
“O edi meron, pero di ko na uulitin.” Sabi ni Daniel, sabay ngiti.
* * * Isang babae ang umagaw ng atensiyon ng ilang tao sa arrival lounge ng airport. Kahit madaling araw na ay fresh na fresh ang mukha at aura nito kaya naman agad siyang napansin ng nakararami(halos lahat mga lalake). Casual na casual ang suot niya, naka denim short-shorts, yellow t-shirt at cardigan lang ito pero para siyang bituin na naglalakad, nakakasilaw at kumikinang. May iba pa ngang nagbubulungan at nagtatanungan kung artista ba ito dahil malakas at alluring ang dating nito.
“Ree!” Tawag ng lalakeng naka black hoodie sabay takbo papunta sa kanya. “Ree, ikaw na nga.”
"Yes, welcome back to me." Sabi nito sabay ngiti.
* * *
Mahaba pa ang naging palitan ni Jessica at Daniel ng salita. Kadalasan ay puro pabulong na hirit ang sinasabi ni Daniel na lagi din namang hindi nakukuha ni Jessica ng buo kaya para silang nagbabangayan kung mag-usap. Hindi nila namalayan ang oras dahil dito, kaya patakbo silang pumasok sa building. Mabuti na lang at hindi mahigpit ang guard at tinanggap ang excuse ni Daniel na may ini-utos lang ang kaibigang manager dito kaya mabilis silang nakapasok.
Dahil sa pagmamadali, binalewala na ni Jessica ang pagkakahawak ni Daniel sa kanyang mga kamay at sumabay na lang ito sa pag takbo. Hinihingal pa sila ng makarating sa roof top. Yumuko si Jessica dahil sa pagod habang si Daniel ay hinahabol pa ang kanyang hininga.
“2 minutes…” Hinihingal pang sabi ni Daniel.
“Talaga bang kelangan magmadali?” Tanong ni Jessica pagkatayo nito.
“Hindi natin aabutan kung hindi tayo nag-madali.”
“Abutan ang ano?”
Agad uling hinawakan ni Daniel ang kamay ni Jessica at hinila ito papunta sa left side ng rooftop. Tumingin si Daniel sa kanyang relo at nagbilang sa isip niya. 60.…50...40...30...20...
“10...9...8...7...6...5...4...3...” Bilang nito ng malakas. Pag abot ng 2 ay iniharap niya si Jessica sa direksyon kung saan hindi ang araw ang makikita kundi ang reflection nito sa kaharap na mga karatig building. Dahil sa ibang mga obstructions at objects, ang reflection ng kakasilang lang na araw sa ay nag hugis puso. “Eto.” Mangiti-ngiti pang sabi ni Daniel.
Hindi nakapagsalita pa si Jessica sa nakita. After a long time, ngayon lang ulit siya nakaabot sa pagsilang ng araw dahil kung lumalabas siya ng office mula sa trabaho o sa tuwing nagigising siya pag day-off niya ay nakatirik na ang araw. Ilang segundo lang ang inilipas nito dahil tuluyan ng umakyat ang araw, pero sa ilang segundong yun ay namangha at napasaya ni Daniel si Jessica.
.
.
.
Matapos mapanood ang sunrise ay agad ding umalis ang dalawa sa building. Bumalik sila sa kung saan iniwan ni Jessica ang kotse ni Jin at nag-drive papunta sa bahay ni Liam na kung saan ay naghihintay na ang alalang-alala na si Jin.
“Bakit kasi hinayaan mo siyang mag-drive, Liam!”
“Lasing din ako kaya hindi ko alam!”
“Asan na ba kasi yun!”
Yung totoo ay dalawang oras ng hinihintay nina Liam at Jin si Jessica, lalo na si Jin na halos mabaliw na sa kakahintay sa kaibigan. Balak na nga sana nitong tumawag ng pulis ng hindi pa siya dumating isang oras matapos niyang mapagtantong wala si Jessica pero pinigilan muna siya ni Liam at sabay na hinintay ang kaibigan.
Habang alalang-alala si Jin sa kaibigan, nasa labas naman na ng compound si Jessica at Daniel.
“Wag mo na akong ihatid sa loob. Ok na ako dito.” Sabi ni Jessica na dumungaw sa bintana upang kausapin ang nasa gilid na si Daniel.
“Sure ka ba?”
“Yeah, ok na ako. Wala ng mangyayari sa akin dito.”
“Hindi na rin ako magpipilit.”
“Salamat talaga Daniel ha.”
“Wala yun.”
“I won’t forget this day. Who would have thought, it would be fun to go with a stranger.”
“Stranger?”
“I mean, you know…kakakilala lang natin and all that. I don’t mean it the wrong way naman. Basta, sige ha… papasok na ako, almost 8AM na baka magising na yun si Jin.”
“Sige, I’ll see you when I see you.” Sabi ni Daniel at tumango naman si Jessica. The unwanted ending of their trip had to come, nag-drive na si Jessica papasok ng compound at si Daniel naman ay nag-drive narin paalis ng hindi na makita ang kotse ni Jessica.
“I’m going to win you, Jessica Berna.” Dagdag ni Daniel bago tuluyang umalis.
.
.
.
Hindi nag-tagal ay nakarating na rin si Jessica sa bahay ni Liam. Nang makita nina Liam at Jin ang kaka-park lang na kotse sa labas ay agad lumabas ang dalawa.
“JESSICA!” Sigaw ng dalawa ng makita si Jessica. Parang nakakita lang ng patay na nabuhay ang dalawa kung maka-tawag kay Jessica at makayakap. “Saan ka ba galing bruha ka!” Sabi ni Jin. “Alam mo ba kung anong oras na ha?”
Ngumiti lang si Jessica at hindi sinagot ang dalawa. Naglakad ito papasok ng bahay habang nakabuntot naman ang dalawa sa kaniya.
“Hoy, Jessica! Saan ka ba galing ha? Alam mo bang dalawang oras din akong tinatalakan ng best friend mo.” Salita ni Liam.
“May pinuntahan lang.” Maikling sagot ni Jessica.
“Saan nga?”
“Basta.” Hindi ulit mapigilan ni Jessica na ngumit ng maalala ang ginawa.
“Baliw-baliwan ka na naman!”
“Jin, Liam, totoo yata yung love at first sight.” Nanlaki ang mata ng dalawa sa narinig mula sa kaibigang si Jessica.
“Ano? In love agad? Di pwedeng in-crush muna?” Dalidaling sagot ni Jin.
“Sino to teh?” Excited na tanong ni Liam.
“Eto ba yung sinasabi nilang love is timeless? Hindi ko kasi namalayan ang takbo ng oras, ewan ko kung huminto ito o bumilis nung nakita ko siya.”
“Hala.” Eto lang ang taning sagot ng dalawang beki sa harap ni Jessica. “Sino? Sino?” Sabay din nilang tanong.
“Anong sino? Ano dapat.”
“Ha?”
“Yung sun…….. Yung sun na nag-hugis puso, na inlove ako dun.”
* * *