Nagrereklamo na si Jeanel, sya naman daw hahahahah!!! 
Btw, ung simula po pala nito eh nung naghihintay pa lang si Jeanel sa restaurant.. ok? 
Ok, ang daldal ko na..

Eto na po, enjoy reading!!

Chapter 4The Hopeless Romantic and The PlayboyJEANEL'S POV10:30 na and yet andito pa din ako at hinihintay si Aaron.. huhu!

why oh why Aaron?

Paano mo nagawa saken to?

Wahhh!! Tama nga siguro si Elisa, dapat nagpaka-bitter na lang din ako eh. Pero syempre joke lang! tama na ang isang bitter sa storyang to no, Si Elisa pa nga lang eh naguumapaw na ang kabitteran eh!!

I stood up from my seat and made one last glance sa restaurant.. wala talaga sya..
hindi na darating yun..

So yun lumabas na ko ng resto, hinanap ko nun si El, pero wala sya.. bruhang yon! iwan daw ba ko!!

Paalis na sana talaga ko nun nung biglang may nakita akong batang nililipad yung lobo.. syempre nag ala darna ang ate nyo! Hahah!!

Tinalon ko yung lobo at buti naman eh naabot ko.. Pinuntahan ko naman yung bata then I tied thie balloon in his wrist..
“O yan, para di na lipadin yung lobo mo..” 
grabe ang cute nung bata!! Naku, wag mo kong nginingitian ng ganyang bata ka ha.. ibubulsa kita!!!

Hahaah!!
“TE, YO..” Eh? Cute yong bata, pero teka hapon yata to eh?

Hahah!! Sorry but I don’t speak alienese!! Hahah!!

Pero syempre di ko na sinabi yon.. Instead nginitian ko na lang yung bata..
“Just keep your balloon, ok? You know what ang cute cuutte mo.. pag nagkaanak ako ng babae.. ipahuhunting kita ah.. hahah!!
” oo ako ng baliw.. eh kesa naman magpaka-emo ako di ba? Eh di gorabels na lang ako sa pagiging happy!!

Naglakad na ulit ako pero paghakbang ko bigla na lang [SFX: CRACK!!]
Oh my god!

Nasabi ko na bang ang malas ko?!! Wahhh!! naputol yung takong ng sapatos ko!!

Huhu!!

So ang ginawa ko, hinubad ko yung isa kong sapatos na ayos pa at pilit na pinutol ung takong para magpantay.. grabe lungs, bakit ang tibay yata ng isang to?!
“Tulungan na kita miss..” Nagulat na lang ako nung biglang may umagaw sa sapatos ko at walang kahirap hirap na tinanggal yung takong non.. napatingin naman ako, at shemaaayy!!

Hampogi ni kuya! Ok, binabawi ko ng malas ako ngayong araw, kasi the next thing I knew nagkneel sya at isinout saken yung sapatos ko.. Nahiya naman ako, buti na lang nakapagpa pedicure ako.. bwahahah!!
“A-ahm.. thanks?”
Paalis na sana ako non, pero pinigilan ako ni kuyang pogi at hinawakan sa wrist.. Bakit parang kinikilig ako?

Tae! Hindi ito maaari! Loyal ako kay Aaron, LOYAL!

Kasi naman bakit ba nya ko inindyan? Eh di sana kami ang nagmomoment ngayon?
“A-ahm.. miss, ano.. a-ahm.. ahh..” ok ang weird ni kuya.. pero seriously natatawa ko.. para kasing mapapaihi syang hindi eh.. yung tipong nakapatay sya ng aso tapos si Obama pala ang may ari? Bwahahah!
“Kuya, relax.. baka mastroke ka dyan.. hahah!!”
nagsigh naman sya..
“a-ahm miss ano.. MAY BOYFRIEND KA BA?!”

“Eh?
.. Boy Abunda is that you? Seriously kuya, ano to, The Buzz?
”
“Just answer my question.. Please..
”“hahah!! You know what, pogi ka kuya eh.. kaya lang may Aaron na ko eh.. at di hamak na mas pogi ung boyfriend ko kesa sayo..” 
wahahah!! Ang feelingera ko lang, peace tayo Aaron..
“bwahahahahahahh!! Hahahh!!”

nagulat na lang ako nung bigla syang tumawa.. Tae kuya! Wag kang tumawa ng ganyan! Krimen ang pagdidisplay ng ngiting yan! Mamaya may bigla na lang lumapit at halayin ka eh.. LOL!;D
“hahah!! Miss kilala mo ba ko?”
“Malamang hindi kuya!” Tsk! Sayang ang isang to, gwapo na sana may saltik lang..
“Pero sabi mo boyfriend mo ko..”

At may pinakita syang picture..
OH. MY. GOD!!

Bakit ba kasi hindi ko kaagad narealize yon?!

Hindi ko alam kung anong itchura ko non. Kung namumula ba ko dahil sa hiya

o nanlalaki ung mata sa sobrang gulat..

Kill me now! Lupa higupin mo na lang ako!! Wahhh!! this can’t be happening!!
I JUST TOLD AARON THAT I AM HIS GIRLFRIEND EVENTHOUGH I’M NOT!!
AARON’S POVHindi ko maintindihan kung bakit ganito yung feeling ko..
Sinong magaakala, na ang isang Aaron.. na ang isang Aaron Santana ay natotorpe din pala?!!

I’ve got a plan just to calm my nerves.. Una I ask a child na ibigay yung balloon kay Jeanel, may nakasulat kasi don na.. “Sorry for being late”. And I planned na pag nabasa nya saka ako magpapakita. Pero who would have thought na mabibitawan nung bata yung lobo. I was relieved nung makuha yun ni Jeanel pero the worse case happened. Kasi imbes na maibigay kay Jenel yung lobo eh hindi nya naintindihan yung sinabi nung bata.. He was supposed to say ‘Ate, for you..’ pero bulol pa pala sya kaya ‘TE, YO’ lang yung nasabi nya..

I’m starting to get frustrated! Una nagkamali si Amiel ng kinidnap, and now ni hindi man lang nya nabasa yung note.. Argh! Why can’t I just have a proper date with her?

I pushed my luck at nilapitan sya nung mabali yung takong ng sapatos nya..
But why am I stuttering?

Playboy nga daw ako di ba? My palms are sweaty at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.. ok now I’m corny! What the heck is happening to me?!!!

Nagulat na lang ako nung kinlaim nya na may boyfriend na sya.. and guess what.. girlfriend ko!!

I can’t help but laugh!!

So hindi nya pala ko namukaan?

Then I remember na iba nga pala ang hitsura ko sa DP ko sa FB. Kagigising ko lang kasi non at pinagsuot ako ng kapatid ko ng nerdy glases at pinicturan.
Natawa na lang ako sa kanya. Oh my.. my girlfriend is so innocent and cute!

This is just so hilarious! At yung reaction nya nung narealize nya na ako si Aaron? It was.. priceless! We may not have the perfect first date.. but I guess that this date is still really worth all the efforts.

A/N sorry kung walang Elisa<3 Amiel moments..
Next UD na lang siguro..

Again, hindi ako magsasawang sabihin to..
THANK YOU SO MUCH READERS!!