CHAPTER 2KIDNAP?!!
ELIZA'S POV“Hey Elisa! Ok na ba to? Hindi ba ko overdressed? May kayat ba sa make-up ko?” 
Hayy.. heto na naman po kame. Anong meron? Ngayon lang naman ang pinakahihintay na date ni Jeanel dun sa pilosopo tasyong kachat nya sa facebook kung saan magiging isang dakilang chaperon ako. Papasok na kami dun sa super mega ultra hame hame wave ang kabonggahan na restaurant ng pigilan ako nung guard, may dress code chuchu daw eh... nakadress si Jeanel kaya pinapasok sya..
"Mam hindi po kayo pwedeng pumasok, may dress code po eh.." yan ang bati ni Manong guard.. >.<!!
"Mnong naman! bakit damit ko po ba ang kakain dyan?
Ako naman po eh!! Hindi po ito makatarungan! Isusuplong ko kayo sa barangay tanod! kay mayor! kay P-Noy!! >.<"

(hitsura ni Manong) pero yae na!! against yun sa human rights!! pano na lang pag napahamak tong si Jeanel? Kasalanan ko pa tuloy pag nagkataon.. Nung nakarecover na si Manong guard nagsalita na ulit sya..
"Mam Pasensya na po.. Baka po kasi ako ang sisantihin pag pinapasok ko kayo eh..
" Syempre naawa naman ako kay Manong.. Yae na tong si Jeanel.. malaki na sya! hahah!!
"Hoy Jeanel basta pag may ginawang di maganda ibato mo na ang pinakamalapit na bagay ha.. kahit yung table nyo kung gusto mo..
""Opo Inay..
pero sigurado naman akong di yun gagawin ni Aaron eh.." Ayun pumasok na sya sa loob, habang ako.. heto, nakatanaw sa labas.. buti na lang may benches dito..
Tae! Ano bang ikinasama ng tshirt at jeans?! Dahil lang nakaganito ko bawal na?!

Magkapigsa sana sa kili-kili ung nagpauso nun!!

Naku! Subukan lang ng kadate nya na gumawa ng masama, mata lang nya walang latay!! (Insert evil laugh here).
Maaga yata kaming dumating ni Jeanel kaya naman wala pa yung kadate nya. Lokong lalaki yun ah

, kailangan pa talagang pagintayin si Jeanel? Nung mga 10 am na, which is ung oras ng date nila Jeanel at wala pa yung kadate nya. Itetext ko na sana sya na umuwi na kami. Pero ang @%$&^%(&* lang! may lalaking nakabonnet na kumuha ng cellphone ko saken!! At bago pa ko makasigaw ng holdap, kidnap o budol-budol, tinakpan na kagad nya ung bibig ko at binuhat ako na parang sako ng bigas papunta dun sa sasakyan nya.

Dyuski! Ano ba naman tong nangyayari saken? Di kaya may nagshoshooting at napagkamalan lang ako?

Pero teka sa pelikula naman sweet lagi ung bidang babae diba? Eh bakit ako? Bitter nga ako di ba? BITTER!

Simula pa lang ng storyang to pinangangalandakan ko na yun eh bat nakidnap ako? Pero teka ung sweet na bida sa lovestory lang, pano pala kung horror tong akin?

With matching mumu, chanak, kapre and lotus feet?!!

Waahh!!

O di kaya gagawa nanaman sila ng remake ng nasaan ka Elisa?

Aba! Mahiya naman sila!! katatapos lang nun sa ABS-CBN pinipirata na nila?
Hindi ko alam kung sang lupalop na kami nakarating. At napapagod na rin ako sa kapipilit sumigaw kahit may takip ung bibig ko, kaya naman nakatulog ako..
***
AMIEL’S POV “O pare yan na yung date mo! Alam mo ang weird mo talaga, imbes na matuwa matatakot sayo yan eh… O tapos na trabaho ko dito ah. Hintayin mo na lang magising yang Sleeping Beauty mo..” Hay salamat, natapos din ang ridiculous na plano ng kaibigan ko! Adik eh, ipakidnap ba naman sakin yung date nya? Para daw may surprise. Mahilig daw kasi sa surprise ung kadate nya. Ewan lang, kung ako yung babaeng yun ito na ang huling beses na idedate ko un kumag na yun.
“EEELLLLL!!!!” halos mapatalon naman ako sa gulat nung sumigaw si Aaron. Napabalik tuloy ako dun sa club house naming ng wala sa oras. Ano na naman bang problema non?
