eto na po yung katuloy as promise! 
please don't hate me.. >.<
CHAPTER 7(ii)First Day of... disaster?!! (part II)JEANEL’S POV*‘gggrrruuu’ ‘ggrrruuuu’*Uwah!!!

Nagugutom na talaga ko.. huhu!!

Kung bakit naman kasi masyado akong naexcite at nakalimutan kong kumain ng breakfast eh.. huhu..
*’gggrrruuu’ ‘ggrrruuuu’*Wahhh!! baby ‘lolong ’ behave muna ok?

Parating na si El, malapit na rin naman ako sa kuhanan ng schedule kaya-
Napatigil naman ako sa internal monologue ko nung biglang humawi yung pila, yung parang nag-gigive way sa hari at reyna. Aba!

At anong klaseng kadayaan to?! Anong feeling nila sila sina prince William at kate middleton?!!

Naghintay ako dito, pinawisan, at halos umiyak na yung baby ‘lolong’ ko sa tyan ko sa kahihintay tapos sila dadaan lang?!
“HO-” sisigaw na sana ako non para magreklamo pero napatigil ako nung makita ko kung sino yung dumadaan. Shemayy!!

Si Aaron labs!!

Kasama nya non si Amiel at yung 2 pang lalaki na hindi ko kilala. Saka ko lang napansin na hindi naman pala sila naniningit sa pila, kasi yung mga tao na mismo yung nagpapadaan sa kanila. Err!! Asar tong katabi ko!

nung makakita ng pogi naitulak kaagad ako eh, yan tuloy di ako nakita ni Aaron.
Pero sino ba naman kasing hindi magpapadaan kung ganyan kagagwapo yung makikita mo di ba?

Yung iba nga halos magpuso yung mata eh, yung iba naman parang mahihimatay ng wala sa oras at meron pa nga yatang tulo laway eh, eww ! Eh ako nga kinilig eh!

Tae! Ang landi ko! masasapok ako ni Elisa pag nagkataon eh.
Nung makuha nila yung schedules nila, umalis na din sila. And to tell you lang ha, hindi sila rude, nagpasalamat pa nga sila eh. Yung mga babae you’re welcome ng you’re welcome; ay kelangan paulit-ulit?!

Landi lungs ah.. Pero ang hindi talaga nakatakas sa paningin ko, eh yung paglingkis ng isang etchuserang froglet kay Aaron. Pinipilit nga ni Aaron na makaalis sa tentacles (LOL) nya eh, pero aba ang bruha! Daig pang linta kung makakapit!!
Argh!! Kumukulo talaga yung dugo ko! hindi to pwede! Yae na tong pilang to,
makakapaghintay yan! Baka mamaya magkarabies pa si Aaron labs ko eh.

Naku! Asar talaga! So yun, sinundan ko na lang sila at nakasalubong ko pa nga si Elisa na wala namang dalang pagkain at asar na asar.
“Oh El, problema mo? Pati si Godzilla matatakot pag nakita ka eh.” Hahahah!! Patay ako nito, lalong nagalit eh.
“EH KASI-” yon tinakpan ko nga ang bibig. Masyadong highblood eh, mamaya marinig pa ni Aaron eh di nalamang sinusundan ko sya. Pero speaking of Aaron.. wahhh!! nawala sya!! Asar naman eh! Pero di bale patuturukan ko na lang sya ng anti-rabies. LOL
“Mamaya mo na ikwento ok? Sa ngayon kailangan muna nating hanapin si Aaron. May kasamang haliparot eh, mamaya magkarabies pa yun.
”“ANOOO?!! SABI KO NA NGA BA MANLO-” ayun tinakpan ko na ulit yung bibig, highblood masyado eh.
“Mamaya na ok? At ang puso mo insan, sige ka naka-stapler lang yan, hahahah!!”

at lumabas na nga kami sa building at sa di kalayuan eh may narinig kaming naguusap.
“Aaron baby, sabi mo you’ll call me. But you didn’t make tawag tawag to me naman eh.” At may pababy baby pang nalalaman tong lintang to?

Naku! Pati si Aaron masasapok ko mamaya. Kaya yun, mas binilisan ko pa yung lakad ko.
“Yeah but-” at sa wakas narating ko din ang kinaroroonan nina Aaron. Pero lahat ng plano kong pagsugod eh nawala. Pakiramdam ko, my knees go weak to the point na hindi ako makalakad. Kasi in front of me, nandun ang babaeng octopus at hinahalikan si Aaron.

Tumalikod na ko. I was about to walk away pero the other part of me says:
‘Susuko ka na lang ba? Ang pagtakbo sa mga ganitong sitwasyon gawain lang ng mga babae sa teleserye. Hindi to teleserye, totoong buhay to, ano susuko ka na lang ng ni hindi pa lumalaban? ’And with that thought, humarap ulit ako at naglakad papunta kina Aaron. Buti naman at naisipan nyang itulak yung babaeng octopus. At nung makita nya ko? daig pa nyang nakakita ng multo, aba! Ang cute ko naman atang multo! Pero makikita nya. Nakooo!! Patay talaga sya!!
“Jean-nel- I..” “Wengya ka! How could you do this to me?!” Tinulak ko pa sya non para may effect. I have a plan, and I know this would be good.
“Jeanel makinig ka muna ok? Hin-” “No! you listen to me Aaron! Pano mo nagawa to? Andun ako sa bahay, nag-aalaga ng mga anak natin tapos makikita kitang nakikipaglandian dito?! Pano na si Junjun?
Si Bebang?
Si Nena?
Anong gagawin mo sa kanila ha? Pababayaan mo kami? Andito pa naman sana ako para sabihing magkaka- Jr. na tayo tapos-” halatang halata ko ang pagkaconfuse ni Aaron, yung babaeng octopus naman parang nandidiri habang nakatingin samen. Good my plan works.
“Jeanel hindi kita maintindihan, an-” “Ang sabi mo, mag-aaral kang mabuti para sa kinabukasan natin. Pumayag akong sa bahay na lang pero iba pala ang ginagawa mo dito.” At naramdaman ko na lang na lumapit si El at itinulak din si Aaron.
“Di ba binalaan na kitang wag mo syang lolokohin! Wag kang mag-alala Nel, ako na ang bahala sa mga pamangkin ko.” And with that hinila na ko ni Elisa at patakbo kaming lumayo kina Aaron. Narinig ko pa nga ang pagtawag nya saken pero hindi na ko lumingon. At wala akong balak na lumingon. Sabihin ko na lang may stiff neck ako.
Nung makalayo na kami ni El, parehas na kaming humuhingal. Grabe Milo marathon lang El?
“HAHAHAHAH!!
YOU SHOULD HAVE-HAHAHAHAH!!
SEEN HAHAHAH!!
YOU SHOULD HAVE SEEN HIS FACE!! ANG GALING MO UMACTING JEANEL, AHHAHAHAHA!!
” I should be happy too right?

Pero imbes na matuwa kabaligtaran non ang nafefeel ko.
“Bakit ganun El? Akala ko seryoso sya, akala ko sya na eh, pero bakit-”

at hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi napaiyak na talaga ko.
“uwaaa!! Bakit ganun?! Huhu!! El?
”“Ibibili kita ng ice cream ok? Dito ka lang.” kilalang kilala na talaga ko ng bruhang to. Ice cream is my comfort food, yun lang ang nakakapagpatahan saken kapag umiiyak ako, kaya nga tumango na lang ako habang umiiyak pa din.
***
Nauhaw na ko sa kahihintay kay El. Sinisinok na din ako kaya naman nung may makita akong vendo machine bumili na ko ng pwede kong inumin. I inserted coins at pumili ng drink pero pag minamalas ka nga naman! Hindi lumabas yung soda! Lalo tuloy akong nafrustrate, at lahat ng frustrations ko nabaling dun sa vendo machine.
“Bakit kasi ikaw pa?! *sniff* Nakakainis! Akala ko matino ka!! *sniff* pero- ” pinagsisipa ko yung vendo, pero nagulat na lang ako nung may humarang sa paa ko.
“Hey, don’t cry over such small things. Para softdrink lang iniiyakan mo? Hahahah! And no need to be violent, kawawa yung vendo.” Pagkatapos nya kong pangaralan, tinap nya yung labasan ng drink and to my surprise lumabas yung soda. Then inabot nya saken at kinuha ko naman kagad. I was about to leave nung marinig ko sya.
“Hey, wala man lang bang thank you? Ang sensitive mo pagdating sa mga simpleng bagay pero simpleng thank you di mo magawa? Hahahah!!” Nainis tuloy lalo ako sa lalaking to

. Kaya naman hinarap ko ulit sya and fake a smile.
“Oh sorry I forgot..” at lumapit ulit ako sa kanya at tinapakan ng madiin yung paa nya.
“That will teach you a lesson not to laugh at other people’s misery!” and with that umalis na ako.