BITTERSWEET
.. the best way not to get your heart broken is to pretend that you dont have one..
CHARACTERS
[8] [9] [10] [11] [12] [13]CHAPTER 1Coffee Mishap?!!“Sige na EL, pleeeeaaassseee… last na talaga to.. Pretty pleeeaaassseee”
“Heh, tigilan mo ko jan sa pagpapaout mung yan Nel.. at kahit pretty pa ang please mo di yan uubra saken..” 
Hay.. heto na naman po kame, for the 2873449339th time pinipilit na naman ako nitong si Nel na samahan sya sa pesteng date nya.
“Sige na naman El.. pleeaasssseee… nung last time nman pinagtakpan kita diba.. nung sinapak mo ung ex ko, nung pinagtripan mo ung mga chickboy sa bar nung tinalisod mo ung manyak sa kanto nung..”
“Hep hep hep! Aish!! Iba naman kasi un Nel, may valid reason ako... eh ito.. Chaperon?! Eh ni hindi mo pa nga masyadong kilala ung idedate mo eh.. pano pala kung manyak yun, o baka snatcher, or worst baka serial killer.. ”

“Hoy Elisa, OA na ah.. ang nega mo naman, tsaka kilala ko naman yun.. kaya nga kita isasama eh para siguradong safe ako.. Pag ikaw may kailangan halos umiyak pa ko sa harap nina mommy.. inaabuso mo na nga ung tear glands ko eh..hu hu!!
ni wala naman akong talent fee sa acting ko..” aba at talagang nangunsensya pa ang bruha!!
“O sya oo na, oo na, siguraduhin mo lang na matino yan ha, naku pag yan may hindi magandang ginawa makakatikim talaga yan and Nel hindi aq nega.. bitter is the right term dear, bitter.. ” Pero syempre matitiis ko ba naman na mapahamak to?
“Osya bitter na .. pero El iba talaga kasi to eh.. sya na yata ang man of my dreams.. nasa kanya ang mga mata ni Lee min ho, ilong ni Kim Bum at katawan ni Coco martin!!! Sya na talaga sis! Sya na!! ”
“O eh ano na palang nangyare kay Lee min ho? Bulag? Wala na ngayong ilong si Kim Bum at pugot na ulo na lang si Coco Martin? ”
TUGSH!! (AN. Sapok po yan di lang halata.. XD!!)
“Panira ka talaga El.. nagpapantasya lang eh..”
“Heh! Ang sabihin mo namamanyak ka! ”“Ah basta iba to.. oy basta kasama ka na ah.. ayiee!! Cr muna pala ko, kaw muna maghintay sa coffee natin..” at umalis na nga ung baliw kong pinsan.. habang ako ito, hinihintay pa rin ang letchugas na kapeng inorder namen.. Argh!! Bakit ba ko pumayag? badtrip!!
Ako nga pala si Elisa.. (oo tapos na ang paghahanap sakin,tapos na ang nasaan ka elisa eh XD!!) OK eto na seryoso na take 2, Ako nga pala si Elisa, BITTER! Oo bitter at hindi ako nahihiyang ipangalandakan un.. sabi nga kasi nila, if you have it flaunt it.. XD!! So bakit nga ba ako naging bitter? Natrauma sa ex? ASA! Ang totoo nyan NBSB ako at wala akong balak na baguhin yun. Man hater? Hindi naman ako ganun, I have friends na boys din naman well more of bading sila.. pero boy pa din naman yun di ba? Di ba?!! Magkakapimple sa ilong ang kokontra!! +___+
So bakit nga ba ako bitter? Well simulan natin sa punot dulo..
Ang tatay ng lola ko… sumakabilangBAHAY!
Ang lolo ko… sumakabilangBAHAY!
At ang letchugas na tatay ko ano pa ba edi sumunod sa uso.. sumakabilangBAHAY!!
At ung asawa naman ng tita ko… sumakabilang
….
…
…
…
..
..
BUHAY (o akala nyo sumakabilang bahay din no kawawa naman ang angkan naming pag nagkataon..)
So yun ang dahilan ng lahat ng kabitteran ko sa katawan. At yang love love na yan di ako naniniwala dyan. Kasi naman ginagamit lang yan ng mga author para bumenta yung libro nila, ng mga producer para kumita yung pelikula nila at ng mga tao para di sila maiwang magisa pagtanda nila. See what I mean? OO ako na ang bitter kanina ko pa namang sinasabi diba?
“One mocha frappe for El!” at bago ko pa nga maikwento ang lahat ng litanya ko sa pagkabitter eh dumating na yung kape ko. Feelingera kasi tong coffee shop na to eh yun bang tipong sa may side counter ung kuhanan ng order. I was about to get my frappe nung biglang may kumuha non..
“Excuse me?” huh, antaray ng lola nyo aba, agawan ba naman ako ng kapeng pagkatagal-tagal kong inantay?!!
“Your excused” sabi nya na nakangiti pa.. tae! Ang pilosopo ni kuya!! Ibuhos ko kaya ung kape ko dito?! Pero syempre joke lang, ano ko hilo? Ang mahal kaya nun. Krisis na sa pilipinas no!
“I think you’ve got the wrong coffee, that’s mine” oha! Napapaenglish ako ng wala sa oras ditto! Binibwisit ako eh!!
“I don’t think so, akin to miss” sabi pa nya. Aba aba! Endangered species na talaga ang mga gentleman ngayon!! Naku!! Pag ganitong highblood ako, lumalabas lalo ang ka bitteran ko sa mundo!!
“For your information mister I’m El and I ordered a mocha frappe kanina.. so would you please give me my frappe, NOW.” Halos magsugat na yung kamay ko sa pagpipigil na masuntok tong lalaking to!! At nagagawa pa talaga nyang tumawa ha?! Psh,,. Pahili ng dimples nya! Butasin ko yan ng tuluyan eh.. Argh! Di naman gwapo.. well konti lang.. konting konti.. >.<
At salamat naman sa dyos at bago ko masuntok ang lalaking to eh lumapit na sya saken.. Pero laking gulat ko nung ipatong nya sa counter table ung frappe ko at kornerin nya ko sa pamamagitan ng pagpatong ng kamay nya on my both sides habang naglelean papunta saken.. Tae lang table ang nasa likod ko kaya di ako makaatras…
“Hey get off me! Wag kang manyak! Isa kang pervert! Pedo-” pero di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi nilapit nya lalo ung mukha nya saken. Halos maduling ako sa lapit ng mukha nya at para akong nalalasing kasi ang bango nya! Wahhh!!! Ngayon pa ko lumande, kaaway nga yan!
“II—I ss-sai-d .. argh! L—layo!!” wahh!! Bakit ako nagsastutter?!!
“Sayo na lang ung coffee mo, eto na yata ung isa pa..” bulong nya saken and I swear ramdam ko ung pagtindig ng balahibo ko. And with that may kinuha sya sa likod ko which is another frappe with the name El at ngumiti pa sya ng pagkatamis tamis na halos nakakadyabetis na bago uminom at lumabas ng pinto.
Say what?! Napatulala na lang ako sa di ko malamang dahilan at bumalik sa hwisyo (wow ang deep) nung may mag snap ng finger sa harap ko.
“Hoy! Anyare sayo El? Bakit ka tulaley dyan? May lagnat ka ba? Bakit ang pula mo?” halos maghisterical na tanong ni JeaNEL saken. Pero teka? Namumula?! Kinuha ko naman kagad ung salamin ko sa bag at tiningnan ung sarili ko.. at

Oh-ow namumula nga ako!!!
“Hoy Elisa!!”
“Ah ano wala to, mainit lang.. rosy cheeks ako eh. Heheh!! Tara”
at kahit parang alieng may 7 ulo pa ang tingin saken ni Nel hinding hindi ko sasabihin sa kanya ung nangyare. Kailangan ko lang ng kape, at mamaya bitter na ulit ako. Ako si Elisa, forever Bitter!! Itaga nyo pa sa bato ni darna!!