Teentalk

Author Topic: Love is not a Game - Chapter 4  (Read 78 times)

iammisssblue

  • Guest
Love is not a Game - Chapter 4
« on: January 23, 2012, 01:12:03 pm »
[A/N: Di na siya on hold, pagsasabayin ko nalang palang gawin ang Unexpected Love




Patricia's POV

OUCH!

At san ko naman nakuha yang salitang 'ouch' na yan? Ba't ako masasaktan? Diba? Psh.

Umalis nalang ako at lumabas ng room. Dun ako nag-stay sa CR, tapos nung medyo na bored ako dumiretso ako sa garden. I'm pretty sure walang tao dun, nasa room siguro nila at nakikipag-chikahan or ewan. But I'm wrong..

May tao kasi dun na naabutan ko, at di lang basta yun, kasi ang nandun ay si... Carla, the great Carla.

Di ko nalang pinansin at umupo ako dun sa may bench na isa, dun kasi siya sa kabila eh. Alangan naman maki-tabi ako diba? Ano yun, FC?

Busy ako sa pagmumuni-muni nang may lumapit, di ko nilingon pero..

"Hey."

Yea, kinakausap niya ako. Nag-smile nalang ako pero fake lang. Aaminin ko, ayaw ko sa kanya.. Masisisi niyo ba ako?

"Ba't nandito ka?"

"Bakit? Masama?"

"Bakit ba galit ka sa akin? E wala naman akong ginagawang masama sa'yo."

"Alam mo Carla? Wala akong planong makipag-plastikan sa'yo eh.. Oo nga, wala kang ginawang masama sa akin pero sa bestfriend ko, meron!"

"Di mo alam mga pinagsasabi mo. Wala kang alam!"

"Siguro nga wala, pero sa nakita ko nung HINIWALAYAN mo siya sobra siyang nasaktan. Pinag-katiwala ko pa man din siya sa'yo, tinulungan kita para mapalapit sa kanya.. Pero anong ginawa mo?! Sinira mo lang!"

Diniinan ko talaga yung word na HINIWALAYAN..

"Ano na bang nagyari sa atin Isha? Close naman tayo dati a, ano bang nagawa ko sa'yo?"

Yea, Carla is my EX-bestfriend.. Take note, EX! We are so close, as in super close! Pero ngayon? Hindi na! Why? Basta..

Ay, oo pala.. Di ko nabanggit, madami akong nickname. Pat/Tricia/Isha/Trish/Sha.. Dami diba? Haha! :D

"Wala naman, inagaw mo lang naman siya sa akin.. Diba? So, wala lang yun!"

Sinabi ko ng medyo may pagka-sarcastic.. Alam ni Carla na gusto ko din si Josh, sa aming dalawa ako ang nauna, but nag-give way ako because I love my girl bestfriend..

"Di ko naman siya inagaw a.. Nagpaalam ako sa'yo, sabi mo ok lang.."

"Oo nga, ok lang naman sa akin eh, pero DATI lang yun. Malay ko bang may balak kang gawin yun sakanya? Edi kung alam ko lang di sana inilayo ko nalang siya sayo.. Ang sama-sama mo! Sana pala talaga, di nalang kita pinagbigyan.. Alam mo yun? Ikaw pa din.. Ikaw pa din ang mahal niya!"

Naiiyak na ako, lumalabo na yung paningin ko.. Tumalikod ako at paalis na sana, pero hinawakan niya yung braso ko at sinabing...

"Sorry ha? Hope maging kaibigan ulit kita.. Mahal ko din siya. I have my own reasons why I left him."

Di ko na siya nilingon, tumuloy na akong maglakad. Ngayon, di ko alam kung san ako pupunta basta ang alam ko nalang nasa CR na ako at umiiyak.. Di ko lang talaga siguro mapigilan.. Di kasi ako malakas eh..

Nung narinig kong nag-bell na, nagpowder nalang ako para di masyadong halata yung mata ko tapos lumabas na ako at dumiretso sa room.

Wala din naman akong masyadong natutunan, paano ba naman kasi? Wala ako sa mood. Ikaw ba naman kasi. Tsss.

Ok lang yan, basta think possitive! Wala lang yan, keri mo to Isha.. Ikaw si PATRICIA CAMMILE REYES di ba? Di ako magpapatalo, go lang ng go! Keri ko to. Kering-keri! Fight!

At dahil lumilipad ang utak ko, wala akong natutunan. Basta ang huli ko nalang natatandaan, uwian na namin. At lumapit sa akin si Josh, bestfriend.

"Bes, ok ka lang ba? Kanina ka pa parang wala sa sarili a."

"Ok lang ako bes, ako pa! Strong ako eh!"

Ngumiti naman siya kaya nag-slight smile ako.

"Ano bes? Sabay na tayo uwi? Hatid na kita.

"Di na kailangan bes, ok lang naman ako. Tsaka kaya ko namang mag-commute mag-isa eh.."

"Sure ka diyan bes a?"

"Yea.. Hmm, pwede mag-tanong bes?"

"Oh, sure. Ano ba yun?"

"Hm.. M-mahal mo pa ba siya? Uhh.. Si Carla?"

"Oo naman bes, pero mukhang ayaw na niya sa akin eh."

"Hm.. Pag ba.. nalaman mong mahal ka pa din niya, babalikan mo ba ulit siya?"

"Siyempre naman bes, siya lang naman hinihintay ko eh. Bakit ba?"

"Gusto mo ulit makipag-balikan sa kanya? I, uhh... will help you to.. get her back.."

"Really? Oh, thats why I love you bes! Thanks."

"Hm.. Ge bes, una na ako.. Sakit ulo ko eh. Bye, ingat!"

Umalis na ako. I heard enough, napag-isip isip ko din naman na mahal nila isa't-isa eh. So, ano pang magagawa ko diba?

Pagka-uwi ko, kinuha ko agad si diary at siyempre.. Nag-sulat ako ng mga pangyayari ngayong araw na to.

Dear Diary,

Di ko na talaga alam ang gagawin ko, bakit kasi siya pa? Sana naman, mapalitan nalang tong puso ko para iba nalang ang mahalin ko. Pwede ba yun?

Kanina, sinabi ko sa kanya na tutulungan ko siyang ibalik sa kanya si Carla.. Kakayanin ko kaya yun? Kakayanin ko nga bang mag-give way nalang?

Siguro hindi.. Pero mas gusto ko namang makitang masaya yung mahal ko sa iba kesa naman nasa akin siya pero di naman siya masaya..

Bakit ba kasi ang hirap magmahal? Di ko na kaya..

Till here nalang.. Bye!

- Isha


Di ko namalayang nakatulog na pala ako..

--------------------

Kinabukasan..

Huh? Anong oras na? Tumingin ako sa alarm clock ko na nasa side table lang ng kama ko.. Pagtingin ko.. OMG! I'm late! 6:40 na at ang klase ko eh 7:10 mag-start!

Binilisan ko nalang maligo, magbihis..

Natapos siguro ako ng mga 7:20 umalis na ako sa bahay at mag-taxi nalang muna siguro ako.. Pagkadating ko sa school, nagiisip-isip pa ako.. Nakarating ako ng room na parang wala sa sarili.

"Miss Reyes, why are you late?"

"Sir, na-late po kasi ako ng gising eh. I'll understand naman po if di niyo na ako papapasukin. Ge po ma'am."

Paalis na sana ako pero..

"Miss Reyes, you may come in. It's okay."

Oo nga pala, MAPEH 1st subj. namin ngayon kaya di pinapasok ako, mabait to eh. Si Sir. Joseph. Pumasok na ako at umupo sa vacant seat, wala kasing proper seat dito eh kahit saan ka umupo ok lang. Di katulad sa ibang teacher namin, ang aarte.

Wala ang utak ko sa klase, nasa ibang planeta ata eh.. Tapos may tumabi sa akin, di ko lapa pinapansin then narinig kong nag-salita siya..

"Ok ka lang ba Pat?"

Di ko mabosesan eh, di nagreregister sa utak ko kung sino yung nag-salita kaya nilingon ko nalang.. Si Jacob pala, close boy friend ko bukod kay Josh. Not boyfriend na lovers but boy na friend. Basta, alam niyo na yun. :))

"Yea..."

"Weh? Parang hindi naman, share mo na. Makikinig ako."

"Uhm. Jacob? Na-feel mo na ba yung feeling na yung mahal mo may mahal na iba? Yung parating siya at siya nalang yung nakikita niya at binabanggit niya? Yung kahit na nasaktan na siya nung taong yun, siya pa din ang mahal niya?"

"Yea. I know the feeling of that. Yung sa taong yun lang siya nakatingin.. Bakit?"

"Aa, eh.. Wala naman."

"Wag ka ng mag-pretend Pat. Let me guess, mahal mo siya no?"

"Ha? Sino naman?"

"Si, Josh."

"Di aa, bestfriend ko nga yun diba? Hindi siya yun, swear."

"Sus. Wag ka ng mag-sinungaling 'coz you doesn't know how to lie. Di ka expert dun.."

Galing din niyang manghula eh no? Sya nga pala, si Jacob ang parating nandiyan tuwing iniiwan ako ni Josh. Tuwing may bago siya, andiyan parati si Jacob para sa akin..

"Alam mo Jacob? Hindi ko na alam gagawin ko eh, mahal pa din niya si Carla inamin niya sa akin. Pati si Carla, mahal niya pa din si Josh.. and guess what?"

"What?"

"Sinabi ko sakanyang tutulungan ko siya.. Tutulungan ko siyang magbalikan sila ni Carla.."

"Bakit? Kala ko ba mahal mo siya? Bat mo siya ilelet go?"

"Yea, I love him.. but he love her."

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website