Teentalk

Author Topic: Love is Not a Game - Chapter 2  (Read 62 times)

iammisssblue

  • Guest
Love is Not a Game - Chapter 2
« on: January 21, 2012, 05:45:04 pm »
Timothy's POV

Kasalukuyan ang klase namin sa Geo, monday kasi kaya 2 periods kami dito. Nang biglang may nag-knock sa door..

"Excuse me, you have a new student.."

Napatingin kaming lahat sa pinto, nagulat ako.. Siya pala, akala ko di na siya babalik.. Pagtingin ko kay Patricia, nagulat din ata siya. Kilala kasi namin siya..

"Come in Miss.. You're?"

"I'm Carla Ara Garcia.. New student from New York."

Tulala pa din ako, siya kasi yung first love ko and at the same time first girlfriend. Alam lahat ni Pat ang nangyari sa aming dalawa. Masakit din yun, kaya nga siguro ako nagbago.. From a serious guy to a heartbreaker guy.

At sa kasamaang palad, seatmate ko pa siya. Nag-smile lang siya sa akin siyempre nag-smile din ako sa kanya. Ang bastos ko naman kung hindi diba? Tiyaka baka isipin pa niyang bitter ako, kahit totoo naman.

Masakit pa din sa akin yung mga nangyari, feeling ko nga fresh pa rin yung sugat eh. Kahit matagal-tagal na rin yun.

Paano kami nagkakilala? Here's the story..

*flashback

Naglalakad ako nun, papuntang seven eleven.. May pinapabili kasi sa akin yung mom ko, busy akong nagtetext nun nang may mabangga ako. Pagtingin ko, hindi lang ordinary girl yung nabangga ko kundi isang napakagandang babae.

"Oops.. Sorry miss."

"No, it's okay. Kasalanan ko din naman at di ako tumitingin sa dinadaanan ko."

"What's your name?"

Am I that fast? Na-star struck kasi ako eh, in case.. :D

"Oh, I'm Carla and you're?"

"Timothy.. Nice meeting you Carla. :)) Mauna na ako." but before I walk, "and by the way, you're so beautiful."

"Thank you for the compliment and nice meeting you too."

*end of flashback

"Mr. Santos! Are you listening?"

"H-huh? I'm sorry ma'am."

"Get out of my class! I don't want to teach those aren't listening to my class!"

Napayuko nalang ako at lumabas na ng room. Bakit ba kasi bumabalik pa ako sa past? Hihintayin ko nalang si Pat para sabay kaming mag-recess.

Patricia's POV

Ano kayang nangyayari kay bes? Kanina pa siya tulala aa. Hayy. Bakit pa kasi bumalik yang Carla na yan?! Nagulat ako nang..

"Mr. Santos! Are you listening?"

"H-huh? I'm sorry ma'am."

"Get out of my class! I don't want to teach those aren't listening to my class!"

Napayuko nalang siya at lumabas na ng room. Siguro naiisip na naman niya yung past.. Tumayo ako para sundan si Josh.

"Ms. Reyes, where do you think your going?!"

"I'm going to comfort room ma'am."

Siyempre I need to lie para payagan ako. :))

"Ok, faster I'll give a seatwork later."

Paglabas ko ng room hinanap ko si Josh, dadamayan ko muna. That's what true friends do naman diba? Ang maglend ng shoulder..

Lakad ako ng lakad sa hallway, di ko pa din siya makita. Pinuntahan ko na ang cafeteria, wala pa din. Lahat na lang ng alam kong pwede niyang pag-tambayan pinuntahan ko na. Isa nalang siguro ang hindi, yung secret place namin. Dumiretso na ako dun, and there nakita ko siya. Linapitan ko nalang, di niya pa nga ako napapansin eh, lalim kasi ng iniisip.

"Bes.."

Nagulat ko pa ata siya.. Sorry naman! >:P

"O bes, ang aga naman ng recess niyo?"

"Huh? Ah, eh.."

Di ko alam isasagot ko. Magagalit yan pag sinabi ko na nagsinungaling ako sa teacher para lang sumunod dito. Ayaw na ayaw kasi niya na nagsisinungaling ako eh. >_<

"Alam ko na.. Nag-sinungaling ka na naman no? Di ka na talaga natuto. Ok lang ako, balik ka na sa room at baka mapagalitan ka pa."

"But--"

"No more but's and why's, sundin mo nalang ako. Dali na."

So ayun nga, wala na akong nagawa kundi sundin siya. Talo naman ako parati diyan eh, pagbalik ko sa room may ginagawa na sila. Ginawa ko na lang din yung SW na binigay sa amin..

*kriiiing* *kriiiing*

Lumabas na ako ng room at naaasar pa din ako dun sa Carla na yun. Kasalanan niya kung bakit nagkakaganito yung bestfriend ko eh! >_<

Binalikan ko si Josh sa secret place namin, pero bago ako pumunta dun dumaan muna ako sa cafeteria at bumili ng pagkain namin.

"Bes o."

"Thanks bes."

Malungkot siya, bakit na naman kaya? Hayy... Di ako sanay ng ganito eh.

"Bes, pwede mo namang sabihin sa akin kung anong problema eh. Makikinig naman ako, promise!"

"Bes, bumalik siya. Akala ko hindi na eh.. Kaya nung nagbalik siya feeling ko bumalik lahat nung pain na naramdaman ko noon. Kala ko naka-move on na ako eh, ano bang dapat kong gawin?"

Akalain mo yun? Isang playboy nagkakaganyan sa isang girl? Grabe din naman kasi ginawa nung Carla na yun eh. Saksi ako sa lahat, I saw everything! Alam ko kung paano nabaliw si Josh diyan sa Carla na yan.

"Bes, bakit kasi di mo nalang siya kalimutan? Handa naman akong tulungan ka eh, bestfriend mo ako. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako.. Lalo na at di ko alam kung anong pwedeng sabihin o gawin para lang mawala yang sakit na nararamdaman mo. Basta tandaan mo lang na parati akong nandito para sayo.."

Di ko na alam ang gagawin ko, feeling ko nasasaktan din ako eh. Di lang siguro ako sanay na ganyan siya, yung malungkot siya. Di ko kayang makita siyang ganyan, nahihirapan, malungkot.. Ano bang pwede kong sabihin para mawala yung sakit?

"Bes, siguro kailangan ko munang mapag-isa.. Pwede?"

"Siguro nga bes. Papasok ka pa ba?"

"Di na muna siguro, baka mamayang hapon nalang or maybe tomorrow."

"Sige bes, sabihin ko nalang sa mga teachers. But make sure that you'll attend to our class tomorrow, ok?"

"Yea sure."

Umalis na ako nun, para makapag-isip isip din siya. Though gusto ko sana siyang samahan at damayan pero ayaw niya eh. Mas makakabuti na siguro yun.

Timothy's POV

Umalis na si Pat, ayaw ko kasi ng may kasama pag ganitong may problema ako eh. Naaalala ko na naman kasi yung mga nangyari noon, yung masasakit na past ko with Carla.

*flashback

"Ayaw ko na Josh, pakawalan mo na ako."

"Bakit?"

"Kasi di na kita mahal!"

"Sabihin mong nagbibiro ka lang."

"Di ako nagbibiro Josh."

"Bakit? Di ko na maintindihan! Anong nagawa kong kasalanan sayo? May mali ba?"

"Di na nga kita mahal eh! Ayaw ko na sayo!"

"Babalik ka naman diba? Babalikan mo pa naman ako diba?"

"Di na. Wala ka ng aasahan pa sa akin. Layuan mo na ako!"

"I'll wait for you no matter what.. Please do come back to me."

"Don't wait for me. Di na kita babalikan.. Just.. Leave."

*end of flashback

Di ko alam kung ano yung nagawa ko nun sakanya para saktan niya ako ng ganito.. I still don't understand her.. 2 years na din nakakalipas after nung break-up. Pinilit kong mag-move on, akala ko nga ok na ako eh.. Pero nung nakita ko siya kanina, di ko alam.. Parang nasasaktan pa din ako, pero siya? Parang wala lang sakanya eh, nakakangiti pa nga siya sa akin eh. Bakit ganun?

Still I don't get it. I gave all my love to her, but she just leave me and left my heart broken. Where did I go wrong? Mali bang mahalin siya?

Nagkamali ba akong mahalin siya? Na siya yung pinili kong mahalin?

Umalis na ako sa secret place namin kasi kanina pa nag-uwian.. Naglalakad ako pero nakatulala pa ako. Nang may bigla akong nabunggo.

Pagtingin ko.. O_O Nagulat ako bigla, di ko akalain na siya yun..

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website