1. I am 4A.
Aaaah. Panaginip. Panaginip na naman. Madalas ko na naman siyang mapanaginipan. Eto na nga Lord, nakukunsensya na po talaga ako. Sorry na talaga. Hinahanap ko naman po siya eh, hanggang ngayon. Lord… Please.. Parang bangungot na eh.
Teka, anong oras na ba? Okay. Good. Maaga pa.
Ligo ligo muna. Ang maganda dito sa bahay naming kahit simple lang ay may sari-sariling banyo sa bawat kwarto. At… may right to privacy. Yeah! I love the house rules.
Okay.. Ligo ligo. Bihis bihis.
“Hi pa! Gooooddd morning!”
“Oh, ija. Good morning din! Mag almusal ka na at para hindi ka ma-late sa first day of class mo.”
“Pa, si ma?”
“Naliligo.”
“Oh? Okay po.”
“Ija, sabi ng mama ni Eric alagaan at tignan tignan mo daw siya ha? Alam mo naman na alagang alaga si Eric. First time niyang mag public school.”
“Opo pa. Nangako na po ako kay tita. Tsaka hindi naman po ma o-OP yang si Eric. Keri nap o yun! At tsaka madali rin po siyang makaka adjust sa’min.”
“Good. Basta anak ha? Ikaw rin ang may pakana niyan. Tsaka ikaw rin, be good okay?”
“Yes naman pa! Yes na yes!”
“Good morning anak!”
“Hi ma. Good morning! Ahm. Pasok na po ako.”
“Be good at school, okay?”
“Yes ma.”
Then, natapos ang almusal and ready to go na rin ako.
“Bye ma, pa. Ingat kayo sa byahe ah?!”
“Sige anak. Ikaw rin.”
Then I decided to walk kasi malapit lang ang school from our home. Lakad – lakad. Lakad – lakad.
“Hoy, 4A!”
Kilala ko yung boses na yun ah?!
“4A!”
Eric?!
Tumingin ako sa daan. Huminto yung sinasakyan niyang tricycle.
“Sakay na!”
“Wag na uy. Malapit na eh.”
“Dali na. Wala naman din akong kasama dito sa tricycle oh!”
“Oo na! Ikaw na mayaman.”
“Wala naman akong sinabing ganun ah?”
Ngumiti lang ako sa kanya.
“Kumusta naman ha, 4A?”
“4A ka ng 4A dyan. Di naman yun yung pangalan ko!”
Nakakainis naman kasi eh. Ayoko ngang tinatawag niya akong 4A. Ganyan yan e. Ewan ko rin kung bakit ayaw niya akong tawaging ganyan.
“Uy!”
Bahala ka dyan!
“Uy!”
Tsss.
“Uy, Aalijah Ashley Abad Andrade! Sorry na!”
“Kasi naman, Eric Aaron Ramos Villanueva! Sabi na ngang ayokong tinatawag mo ako ng ganyan eh.”
“Sorry na. Di na kita ulit tatawaging ganun. Trip ko lang.”
“Pwes. Di siya magandang trip.”
“Sorry na nga eh. Ba’t ba kasi ayaw mo? Cute nga eh.”
“Ewan ko rin. Sige na. Basta, sa susunod na tawagin mo ulit akong ganyan, di na kita ituturing na bestfriend.”
Tapos may sinabi siya na pabulong na di ko narinig.
“Ano?!”
“Wala sabi ko, andito na tayo.”
“Ah. Oo nga noh.”
Habang naglalakad kami papuntang gate, nakatingin lang ako kay Eric. Grabe. Siya na, siya na ang gwapo. Kung hindi ko lang ‘to bestfriend, haaayy. Chos lang. Pero, crush ko lang naman siya. Yung alam mo yun, happy crush? Ganun! Kasi may ultimate crush ako dito sa school na barkada ko naman.
Si Keith.
Hindi pa alam yun ni Eric. Kapag kasi nagtatanong siya kung sino ang crush ko, hindi ko siya sinasagot. Parati kong sinasabi,
“Ayoko ng topic na ‘yan.”
“Ah. Okay. Sige.”
Kaya hindi na niya ako kinukulit. Syempre may crush ako sa kanya, ayoko ngang sabihin sa kanya. Mamaya, mag iba na ang tingin niya sa akin. Ayoko namang magsinungaling. Buti nga binibigyan nya ako ng right to privacy eh.
“Dude.”
“Bakit sis?”
Yan ang tawagan namin. HAHAHA! Tawag ko sa kanya ‘sis’, ang tawag naman niya sa’kin, ‘dude.” Yeah! \m/
“Ah! Wala naman. Ipakilala mo ako sa friends mo ha?”
“Sure! Kaw pa? Tsaka ayokong ma OP ka sa’min.”
“Salamat dude!”
“You’re very welcome, sis!”
Nakapasok na kami sa loob ng campus. Paakyat na kami sa aming bulubunduking school at papunta na ng room. Dun sa third year na bulletin board nakapost ang sections.
Tinignan ko yung pangalan naming dalawa.
Hmmm…
Wow! Section 2 ulit ako. Yes! Tinignan ko yung kanya. Galeeng! Section 2 rin siya. Mukhang maganda ang taon ko ngayon ah. Tapos nakita ko rin yung mga pangalan ng barkada ko na nakalista din sa section 2. Yes! Si Keith andun din. Saayyyaaa..
“Kulasmeyts tayez!”
“Oh? Talaga?! Galeeng!”
“Yes!”
“Hi Ash/Hi Ash!”
“Oh? Hi Sandra! Hi Jennifer! Ahm. Oo nga pala, si Eric. Isa ko pang best friend. Eric, sina Sandra at Jennifer, best friends ko dito sa school.”
Si Sandra at Jennifer, kambal. Medyo nakakalito nga sila nuon eh, pero okay na ngayon.
“Hi!/Hi!”
“Ahm. Teka, anong palatandaan nyo para malaman kung sino sa inyo si Sandra at Jennifer?”
“Ako, may nunal sa dito.”
“Ako wala.”
May nunal si Sandra sa may upper lip niya parang kay CGMA lang. Ayun.
“Ah! Okay so ikaw si Sandra…” Sabay turo sa may nunal.
“…at ikaw si Jennifer.”
“Yes!/Yes!”
“Okay. Masasanay din ako.”
“Tara Ashley and Eric sa room. Ash, andun na yung barkada.”
“Aga ah?”
“Excited eh.”
“Hi Madam!”
“Woooaahhh! – “
Grabeng manggulat naman ‘tong si Keith.
“Ano ba yan, Keith! Manggulat wagas?”
“Sorry na madam! Namiss kita eh!”
“Wushu!” Kunwari di ako kinikilig.
“Ay, sino ‘to? Bagong kulasmeyt?”
Sa kanya ko nakuha yung ‘kulasmeyts.’
“Ah. Oo. Si Eric nga pala. Eric si Keith, barkada ko yan. Keith si Eric, bestfriend ko.”
“Hi pare!”
“Hi! Ahm. May gusto ka sa bestfriend ko?”
HA?! What the?! Anong tanong yan Eric?!
“Ha? Dude, HAHAHAHAHA! Tropa kami nyan. Wahahaha!”
Tinawanan lang ako ng ungas. Oo na. Ikaw na manhid.
“Ah!” Sabay ngiti na patawa.
Nakakaasar ‘tong mga ‘to! Mga MANHID!
“Tama na nga yan. Pasok na!”
“Yes madam/Yes …”
Ha? Di ko narinig yung sinabi ni Eric kasi ang lakas ng boses ni Keith. Hinayaan ko na lang.
“Hi Ashley! I miss you!”
“Hi Jean! I miss you too bebe!”
“Ashley!”
Sabay sabay silang binati ako.
“Hi guys! I miss you!”
“Sino naman yang kasama mo ngayon, bebe?”
“Ah. Eto nga pala si Eric. Eric si, James, Gregory, Jeremy, Frank, Nigel, at Angela.”
“Hi Eric!” Sabay sabay sila.
“Hi there guys!”
Pinagpyestahan nga si Eric ng mga klasmeyt ko. Ayun. Mukhang okay naman siya. At least nakakita kong hindi siya mahihirapang mag adjust sa klase at sa mga tao.
Classes started. Medyo boring nga kasi first day of classes. Adviser lang naming ang pumasok at nag pa election lang. Since lahat naman dawn g section 2 last year ay section 2 pa rin ngayon, dumagdag lang si Eric, magkakakilala na kami. Ito ang nakalagay na set of officers sa board naming ngayon:
President:
Aalijah Ashley A. Andrade
VP
Nicholas Keith V. David
Secretay:
Anna Jean C. Castillo
Treasurer:
James Peter A. Rivera
Auditor:
Sandra B. Torres
PRO:
Gregory Thomas B. Torres
Sgt. At Arms:
Angela Louise A. Mercado
&
Nigel Julius B. Navarro
Muse:
Shirley Anne Joy Mendoza
Escort:
Eric Aaron R. Villanueva
May napansin ba kayo?
Grabe. Ang lakas ng barkada ko. HAHAHA! Di naman sa pagmamayabang pero, dominante ang grupo naming sa section 2. Ewan. Pero oaky lang sa kanila at hindi naman sila nagrereklamo.
Kagulat gulat nga dyan yung president. First time kong maging president kasi si Keith lagi yun, VP lang ako. Si Eric, nakakatuwa. Na appreciate nila yung kagwapuhan ng best friend ko. Sabagay, lahat naman ng gwapo/pogi/maganda na appreciate sila. Kaming mga panget? Wala! Aaah!
Oooppss. Wag i-down ang sarili. Walang ginawang pangit si Lord right? Tama bang gawng motivation yun? Oo. Tama! Haay. Buwang na ko. Kinakausap na ang sarili.
Balik sa officers.
Si Shirley, muse. Maganda naman siya. First time din niya. The rest, kung anuman ang posisyon nila ngayon, ganun din 2 years ago. HAHAHA!
Ayun. Natapos na ang classes. Sabay kaming bumaba ni Eric from room papuntang gate. Nakita ko si Keith. May kasama siyang babae. Ewan, nahu hurt ako.
“Oh?! Bakit biglang simangot ka dyan?”
“Ha? Wala.”
“Sabay ka na sakin.’
“Hindi. Maglalakad ako.”
“Ano ba yan. Libre ko na oh! Sayang pagod mo.”
“Eric. Maglalakad ako.”
“Tsk. Ano ba yan. Sige, samahan kita.”
“Wag na. Papagalitan ako ni Tita.”
“Yaan mo na, Hindi naman nila alam.”
“Kahit na sis. Pa’no kung may makakita sa atin dalawa? Isumbong pa tayo.”
“Grabe! Minsan iniisip ko kung lumpo ba ako para alagaan masyado nila mommy.”
“Hahaha!”
“Tawa pa.”
“Sige na. Maglalakad na ko.”
“Sama na ko.”
“Pupunta ako ng playground. Tsaka may dada…”
“Playground? Bakit? Masaya ka ba o malungkot?”
Kapag kasi masaya o malungkot ako, dun ako pumupunta sa may playground. Tahimik kasi dun at payapa. Wala na kasing batang naglalaro dun. Medyo luma na nga yun eh. Pero favorite hangout place ko pa rin yun.
Yung tanong ni Eric na kung masaya o malungkot ako. Malungkot. Ewan. Siguro dahil kay Keith… at sa kanya. Kahit crush lang. parang sobrang nalulungkot ako kapag eto manhid sila.
“Masaya.” Okay. Ako na ang sinungaling.
“Pupunta ako dun! Sasamahan kita. Sige una na ko!”
“Ge.”
Ayun. Naglakad ako papuntang 711 muna. Tumingin sa mga magazines. Candy mag.. wala pang bagong issue. Baka bukas pa. Bili muna na ng siopao. Lakad lakad. Tanaw ko na yung playground paglagpas ng gate ng subdivision. Nga pala, magkapit bahay lang kami ni Eric. Pero ayokong sumabay sa kanya pag pasok ng school, nakakahiya. Nakita ko na may lalaking nakaabang dun sa playground.
Siguro si Eric ‘to. Bilis ah? Bihis agad. Teka, parang hindi si Eric. Pero parang si Eric naman. Ewan. Lakad lakad. Buntong hininga. Siguro nga, oras na rin para pagkwentuhan na naming ang pinaka ayokong topic.
Next time ko na po i e edit. Medyo may bantay sa bahay. Wahahaha! Yung chapter 2 next time na rin po. :DD Ayan. Enjoy po
