Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Author Topic: Time Machine  (Read 1080 times)

mistress14

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 93
  • Karma: +2/-1
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Time Machine
« Reply #15 on: May 01, 2012, 07:01:30 pm »

***5***

Pumasok kami sa Ward ng mga Adult. Nakita ko si Lola na mahibing ang tulog.

 

*sigh

 

Thank you Lord

 

Pero nagtataka pa din ako paano nagkakilala si Krystal at Lola? Hmmmm.. something is fishy here

 

"Oh Krystal, upo ka dito."
pinapaupo ko siya sa monoblock.

"Di na, aalis na din ako."
sabi niya..

"Paano mo nalaman na nadito si Lo--"
naputol yung sasabihin ko kasi si Lola gumalaw.

"Lola... "
lumapit ako sa kanya, hinaplos ko yung buhok niya. Ang puti na ng buhok ni Lola, sa bagay 77 years old na siya. Pati napansin ko di na pala nagkukulay ng buhok si Lola ahh..

 

Minulat niya yung mata niya, tapos nagulat nung makita niya ako. Hala? o_O

 

"Josh, paano mo nalaman--?"
naputol din ang sasabihin ni Lola kasi sumabat si Krystal.

 

"Lola ako po nagsabi sa kanya kaya nagpunta kami dito."
nakaupo pa din siya sa upuan lumingon ako sa kanya and she smiled only.

 

"Lola Rosalie, bakit ka ba napasugod sa Hospital?"


 

Biglang may sumingit na matanda na nakikinig sa amin. Public Hospital pala ito kaya may iba pang kasama si Lola sa Ward.

 

"STRESS daw iyan sabi nung Doctor.. baka STRESS sa paghahanap ng lalaki."
grabe, ano ito? kaaway ni Lola? Haha, yung matandang nag salita mukhang 60's pa lang. May itim itim pa yung buhok niya eh. Oh baka nagkukulay lang.

"Hay naku, tigilan mo ako. Eh ikaw kaya ika'y naratay diyan dahil sa pilay. Eh dahil sa kakahabol sa mga Lalaki!"
banat naman ng Lola ko. Hahah patawa talaga. Di naman siguro dito magkakaroon ng rambulan dahil parehas di makakatayo yung matanda. Haha

"Aba'y tigilan mo ako Rosalia! Inagaw mo sa akin si Oliver! Kaya ako ngayon ay naghahabol na lang sa iba!!!"
sinong Oliver? yung ASO ko? Joke, yung pers lab nga daw.

 

"Wehhh? Eh ako nga ang type noon eh!"
sagot naman ni Lola, tapos si Krystal nakita ko na tumatawa din. Hehe ang CUTE :3

 

"ABA!!!!--"


 

Biglang pumasok yung Nurse...

 

"Wag pong maingay.. "
ayan, kasi kayo eh...

 

Ako naman lumingon na ako kay Lola, tapos nasiguro ang sagutan nila.

"Lola, stress pala kayo bakit naman kasi binubugbog niyo ang sarili niyo sa palengke? Pwede naman akong tumulong eh."


 

"Hay naku Joshua! Ayoko nga na makita ka na pinag papawisan eh. Pati ayoko ka sa Palengke, mangangamoy ISDA ka lang doon."

 


"Eh Lola naman---"


 

"Eh manahimik ka nga dyan! Ang intindihin mo ay kung paano mo ako mabibigyan ng Apo! Aba malapit na akong mamatay! Wala ka pa rin nagiging gelprend!"


Huminto si Lola sabay lingon sa likuran ko.

"Siya.. bakit di siya ang gelprend mo? Kaibigan ko naman Nanay niya. Pati siguro naman nagkakamabutihan na din kayo!"
hala? Si Krystal ba? Tapos nung tumingin ako sa kanya namula.

"Lola naman..."


 

"Eh ito sa'yo na ito!"
tapos may kinuha siya sa loob ng daster niya sa may dibdib. Naku Lola ano ba naman itong palabas na ito nakakahiya. Tumalikod ako.

 

"OH! Wag ka ngang tumalikod! Di ako magHUHUBAD!"
tapos inabot niya sa akin yung kwintas. Na may orasan na maliit color GOLD. Ano ito? Isasanla ko?

"Lola, isasanla ko ba ito?"
tanong ko. tapos tumawa si Krystal

"Bobo! Suotin mo iyan! Pati iyo na iyan. Gagana lang yan kapag wala na a---"

 

Bigla naman pumasok yung Nurse ulit.

 

"Mrs. Mendez, napaka ingay niyo po. Di ba sabi ko sa inyo mag pahinga kayo?"
tapos may kinuha siya sa tray na dala dala niya. Tinignan niya yung relo niya.

 

"Oras na po pala sa gamot niyo."

 

Pinainom siya ng gamot at pagkatapos bago umalis  yung Nurse

 

"Nakaka antok po iyan..."
then umalis na siya

 

"Josh, ingatan mo yang bigay ko sa'yo yan na lang mapapamana ko sayo."

 

Ano?????????

 

 

"Ano ba kasi ito Lola?"
para akong bading kung susuotin ko ito. Mukhang pambabae kasi eh

 

"Orasan para ibalik ang nakaraan.."
at pagkatapos noon, pinikit na niya ang kanyang mata..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

at naghilik na...... kala niyo ha ...

mistress14

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 93
  • Karma: +2/-1
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Time Machine
« Reply #16 on: May 04, 2012, 02:50:04 pm »
***6***

Umuwi na din ako sa bahay sabi kasi si Lola natulog na siguro babalik na lang ako mamaya doon sa hospital.

 

Ayyy

 

Nakakahiya dapat ihahatid ko si Krystal sa kanila para makita ko bahay nila. Pero sabi niya malalayo layo pa daw ang bahay nila kaya heto ako ngayon hinatid niya! Ang sagwa! Grabe...

 

Nung nasa harapan na kami ng Gate. Humarap ako sa kanya, teka ano ba sasabihin ko?

 

"Yung kwintas?"
tanong niya ..

 

"Ahh ito .."
kinuha ko sa bulsa ko at hinarap sa kanya.

 

"Suotin mo..."
sabi niya, eh pang bading ito ee, nakita niya ata na ayaw ko. Kaya ang ginawa niya kinuha ito at sinuot sa akin. Shet! Pang bading!

"Eeehhh.."


 

"Pasok mo na lang sa loob ng damit mo. Wag mong wawalain yan ha?"
bakit ang dami nyang alam, close ba sila ni Lola?

"Ah sige, gusto mo pasok ka muna sa loob?"
tanong ko, kukuha na lang ako siguro ng damit at pagkain ni Lola para dalhin mamaya sa hospital. Pumayag naman siyang pumasok sa loob, umupo na lang siya sa sofa at ako naman ay pumunta sa kwarto ni Lola para kumuha ng damit.

"Para saan yan?"
nung nakita niya ako na may hawak na bag

"Ah babalik akong hospital, baka di ako pumasok bukas."

"May EXAM bukas." haruy jusko .. sino mag babantay kay Lola nito? Pati di pa ako nakaka pag review. Ay pwede naman pala ako sa hospital na lang mag review tapos uuwi na lang ako mamaya. Pero makakapag concentrate ba ako doon? Nag babangayan yung dalawang mag Lola doon >.<

 

"-akina na yan si Mama na lang ang mag babantay kay Lola Rosalie, mag review ka na lang dyan :)"
kinuha niya sa akin yung bag at lalabas na siya ng pinto pero huminto siya at lumingon at lumapit sa akin.

 

o_O

 

"Ingatan mo iyan ha? :)"
siguro namumula na ako ngayon paano ba naman si Krystal parang niyayakap ako , linapit pa niya yung ulo niya sa chest ko kung saan naka tapat yung gold. Teka san ba naka dikit ang mukha niya sa chest ko o sa gold?

 

"Aahhh eh .. Krystal .."

 

"Ena na lang ."
tapos umalis na siya.

 

*The next day

 

Time Check: 7:00 a.m

Half Day lang kami ngayon

Naka upo na yung mga classmate ko at binibigyan na ng EXAM

Umupo na din ako at kinakabahan,

Ang hirap ng EXAM namin ngayon mga sinusumpa kong subject na tinutulugan o kina CUTTING ko lang. Math, History, Physics.

Tapos kagabi di pa ako naka pag Review, paano naalala ko yung ginawa ni Krystal, ay Ena pala hehehe

Habang binibigay sa akin ng Ma'am namin yung Test paper naka tingin ako sa pintuan, tumingin ako sa orasan 07: 05 ang aga pa.

Exam Time - sunod-sunod na binigay ng aming Ma'am ang Test paper.

Pasakit

History -- di ko alam kung ano sasabihin ko sa Essay *kagkag ulo and the rest hula hula na lang

Physics - ano nga formula noon? *kagkag ulo and the rest nakalimutan ko na

Math- alam ko ito .. 3x-10 = x+40, 2x + 10 = 3x+ 20 ,and the rest alam  ko na

 

Haha ang yabang ko? Suot ko pala yung kwintas pero syempre di naman kita nasa loob ng polo ko. Kaso nga lang malamig sa katawan. Hahahah, di ko pa nakikita si Ena.

Lumabas na ako at hinahanap si Ena , ng heto na ang mga Bully.

Pagtritripan na naman ako. Maka alis na nga

"Oi, san ka pupunta?" sigaw nung leader na si Mark , section bulok pala siya (bulok po kasia ng 4-D) ako section C,  at si Ena ay section B

Di ko siya sinagot at nag patuloy sa pag lalakad.

"Aba!!!" at sa pag lingon ko hinahabol na nila ako. Naku naman, taguan mode na naman tayo.

Takbo lang ako ng takbo nung malayo na ako at di ko na sila nakita pa nandito pala ako sa Garden. Oh tapos yung mga kaklase kong lalaki, disappointed, may hawak silang papel. Lumapit ako

"Ano yan pare?" pinakita niya sa akin yung papel niya at ang ganda ng score 5/75

Tinignan ko yung PART na sinabi kong alam ko mali din ang sagot niya. 10 points each iyon panigurado may score na ako doon. Siguro naman doon sa ibang equation may TAMA din ako. Bumalik ako sa room namin. Gusto ko nang makita ang beautiful grades ko. Grabe ngayon ko lang na realize ang bilis pala ng teacher naming mag CHECK

Ay sa bagay may classmate din akong nag CHECHECK.Sila yung mga SIPSIP sa teacher kaya kahit mali yung sagot na tatama pa.

Inabot na sa akin yung EXAM ko

 

:'(

 

Bagsak lahat, di nga ako nakapag review. AT ang kinapapang hinayangan ko ay yung sa MATH. Pinag malaki ko pang alam ko ang sagot .. itlog pala

Ganito daw ang tamang sagot

1.) 3x-10 = x+40

= 3x-x = 40 +10

=  2x = 50

x = 25

Loko ang bobo ko, ganoon pala ang ginawa ko pinag plus ko yung 3x at x ay TANGA ko talaga! MALI

 

Pumunta ako sa C.R at ako'y na Ji-jingle na. Sayang pala sana di na lang ako nag REVIEWng sisiw at sana pumunta na lang ako sa Hospital. Nilalamig na naman ako sa kwintas na ito

Pero, sheeeeeeeeetttttt! Lagot pala ako kay Lola, ang Baba ng grades ko.

Nakakapang hinayang.

Huhubarin ko na nga itong kwintas manlamig talaga, at pwede bang ibalik ang oras? Sayang talaga yung sa MATH.  Hawak ko yung kwintas na parang naramdaman ko

Nag-iiba ang paligid, lumabas ako sa C.R

 

o_O

Yung mga tao ang super bilis ng lakad nag iba rin yung kulay ng lugar. Naging UMAGA.

 

Eto na ba yung Time Machine? Bakit ganoon? Huminto ang lahat at bumalik din sa ginagawa.

 

 

WEIRD.

 

Tumakbo ako room, at tinignan ang orasan 7:00 eksakto, nandoon na yung iba kong classmate nakaupo at binibigyan ng EXAM. Nang yari na ito ah?

Wow, na wow talaga, maiTATAMA ko din ang mali ko.

Umupo na ako at tumingin sa pintuan, dumaan si Ena at nakatingin din siya sa akin. Dali dali akong lumingon sa orasan. 07:05 din pero bakit kanina hindi ito nang yari?

 

Bakit kanina hindi naman siya dumaan dito?

 

mistress14

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 93
  • Karma: +2/-1
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Time Machine
« Reply #17 on: May 17, 2012, 11:33:34 am »
***7***



Yesss,, nakauwi na si Lola galing Hospital. Pagkatapos kong mag exam dumaan ulit si Ena tapos sinabi niya na nakauwi na. Taray nga ng AURA eh >.<

Woooh, grabe I love this necklace na. Kahit malamig sa dibdib eh talagang dream come true naman ako. Dahil kanina ay naulit yung pangyayari. i grabbed the opppurtunity na. Sinagutan ko ulit pero this time alam ko na yung sagot.

 

*Bushing *Bushing

 

Ipapasa ko na ng...

 

Makakalimutan ko pang lagyan ng pangalan ko!

 

Buti naalala ko sayang din yun, dahil walang consideration ang Ma'am namin, itatapon na lang yun kung walang pangalan..

 

After ng 2 oras.. nacheckan na yung Test papers..

 

Pero this time di na ako lumabas ng room, hinantay ko talaga. Baka mali pa din eh..

Pagbalik sa akin ng Test Papers bakit :'(

 

Ganoon pa din? Mali pa din ba?

 

Bakit? ZERO ?

 

Lalabas na sana ako ng room para itapon na lang itong test paper ko, pero nagsalita si Ma'am

"Mendez, bumalik ka nga dito. Tama pala yung mga sagot mo. Tatanga-tanga lang itong kaklase mo." tapos ako naman bumalik ako doon at binago niya ang check and I got 100 score! Oh di ba? Salamat sa Time Machine! Hindi na kita isasanla!!!

Fast Forward >>>>>>>>>>>>

 

Umuwi ako sa bahay ng dali dali para ipagmayabang kay Oliver ang grade ko!

Pagkapasok ko sa bahay, ayun! Nasa sofa si Oliver sitting pretty. Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko yung ulo niya...

"Oliver, wala ka sa akin.. Perfect score ko!"
tapos hinarap ko ito sa mukha niya..Tapos bigla niya itong

 

DINILAAN!

 

Arrrrrghhhhhh!!!!!!! Ipapakita ko pa ito kay Lola eh! Ngayon kadiri na LAWAY LAWAY na! Anu bayan eh kasi yung laway niya may pagka ITIM. Baka ininom yung Toyo! Kaya tuloy itong TEST PAPER ko di mo na mababasa.

 

Kasi minsan si Lola pag nawawala sa huwisyo kala niya Juice na coffee yung Toyo! Iyon ang pinaiinom niya kay Oliver.

 

Gamitan kita ng TIME MACHINE eh!

 

Ayy, nakauwi na nga pala si Lola, pinuntahan ko ito sa kwarto.

Kahit puro laway na itim yung test paper ko ipapakita ko pa din.

Nandoon siya nakahiga .. Ayyyy.. Istorbo pala ako . Tulog pala

Pero lumapit pa din ako

 

"Lola, nandito na ako."
sabay kiss sa NOO. Ang sweet ko ba? Haha, wala ngang chocolate eh

"Oh Apo.. kamusta ang exam niyo?
" bumangon siya sa pagkakahiga niya

"Lola, ito po ang result."
pinakita ko sa kanya yung test paper

 

"ABA!!!!!!!!!!! BAKIT GANITO ITO??????? TALAGA BANG AYAW MONG IPAKITA SA AKIN ITO JOSHUA!!! SANA TINAPON MO NA LANG KAYSA IPINAGULONG MO SA PUTIKAN!!!"
- nung sinabi niya iyon tumayo pa siya sa kama at tinuro ang aking PES!

"Lola, calm down!!! " pinaupo ko siya pero ayaw paawat.

 

"CALM DOWN? DAHIL SA PETRANG IYAN NA KATABI KO SA HOSPITAL. HINDI SANA AKO MUKHANG STRESSFUL NGAYON!!!"
hala? anong connect? ahaha patawa talaga si Lola.

 

"Bakit po Lola?"

 

"DAHIL SA TUWING MATUTULOG NA AKO WALA NA SIYANG IBANG GINAWA KUNG HINDI TUMILAOK NG THEME SONG NAMIN ni Oliver ~"
tapos umupo na si Lola at hinihingal, yan kasi eh di kayo nag P-PAUSE.

 

"Eh ano po ba yung theme song niyo? Uiii si Lola apektado.."
tapos kiniliti kiliti ko sa tagiliran si Lola. Humaripas naman ng TAWA

"Buwahahahahaaha... may kasalanan ka pa sa akin. TIGILAN MO AKO~!"
sinigaw niya yan sa TENGA ko! Huhuhuhu, yung tutuli ko pumasok sa pinaka loob. Paano ko iyon masusundot? Huhuhu

 

"Eh Lola, si Oliver dinilaan yang Test Paper ko!"
tapos tumahimik na siya, oh di ba? explanation lang katapat nyan. "Lola, anu pala theme song niyo hehehe?"

 

"Bad Romance... "
tapos tumayo siya at humarap sa akin habang ako ay nakaupo sa kama, pumasok na din si Oliver(the dog) sa may pintuan na bukas..

 

"--Ra, ra, ra, raaahhh, Roma..Roma ma.. Ga ga ulala.. want your Bad Romance!" ahahahahahaa, parang G.R.O kung sumayaw si Lola

 

"Lola siya nga pala gumana yung kwintas sa akin!"
tapos natulala siya,

 

 

 

 

 

 

at hinimatay!

mistress14

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 93
  • Karma: +2/-1
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Time Machine
« Reply #18 on: October 06, 2012, 04:24:22 pm »

**8**

Huhuhuhuhu, hindi pa pala okay si Lola bakit naman kasi lumabas na siya ng hospital? Dahil ba sa sobrang ingay nilang dalawa nung isang matanda o dahil wala lang? Nung nahimatay siya, syempre binuhat ko agad siya sa kama. Tulong kaming dalawa ni Oliver.. xD Biro lang, nasa gilid lang ng kama si Oliver nanunuod hindi man lang ako tulungan.

Grabe, hindi ko alam ang gagawin ko kapag ganitong mga bagay. Hindi kasi ako nakikinig sa Health. Lalo na doon sa topic na First Aid. Sabi ko kasi noon, 'Aanhin ko nman yan'

Binuksan ko yung electric fan.. Baka nainitan lang si Lola, kumuha ako ng pamaypay at pinaypay sa mukha ni Lola.. Pero bakit hindi pa rin nagigising si Lola? :'( Huhuhu

Tatawag na nga lang ako sa kapit bahay.. dali dali akong bumaba. Pero bago ako bumaba sa hagdan

 

"Oliver, dyan ka lang, bantayan mo si Lola." dumila lang ito..

Pagkababa ko pumunta ako sa may tabing bahay doon sa may tindahan.

"Ate, ate ano pong gamot sa himatay?" tanong ko.. habang pinupukpok ko ng barya yung kahoy..

"Bobo! Walang gamot dyan! Dalhin mo sa Hospital." ayyy

"Ayy, eh ate pa tawag po." sabi ko sa kanya.

"Wala..Wala kaming dial tone."

"Eh ate tatawag po ako hindi mag didial tone."

"Eh! Tanga! Kapag walang dial tone, hindi ka din makakatawag!" high blood naman, sorry, wala akong alam sa mga telephone na iyan.. makalipat na nga lang sa kabila..

 

Kumatok ako sa may gate maganda bahay..

Tok Tok .. "Tulong!!!!!!!!!!!!!"

Biglang may lumabas na yaya, binuksan yung gate

"Ano kailangan mo?"

"Tulong po.."

"Anong tulong?"

"Yung lola ko po---"

"Manahimik ka wala yung AMO ko ,wala akong maibibigay na abuloy sa iyo." at pagkatapos noon sinaraduhan ako ng gate. Muntik na ang ilong ko doon.

Makabalik na nga lang sa amin, walang mabuting puso ang mga tao dito.

 

Ang bobo ko! Bakit hindi ko buksan yung libro namin sa health para malaman ko ang gagawin! Tama! Yung libro ang kailangan ko!

Pumasok ako sa amin nang makita ko si Oliver na may nginangat-ngat na man. Pagkakita ko yung libro ko sa Health! Ayyy naku naman !!! :@ :@ Sinumpa talaga ako ng tadhana, umakyat na ako sa kwarto ni Lola..

Lumapit ako sa kanya.. Madala na nga lang sa hospital

Oo nga.. bakit di ko siya dalhin sa hospital? Ang bobo ko! Bakit di ko naisip kaagad iyon? Wala ata akong malasakit kay Lola..Huhuhuhu sorry lola..

"Magamit na lang kaya itong Time Machine?" sabi ko.. tapos lumapit ako kay lola at hinawakan yung pulso niya..

 

:'(

 

 

Lola!!!!!!!

"Lola.... wag mo akong iwan..." :'( sorry Lola.. napressure ko ata ikaw kanina... kasi bakit ko pa pinakwento sayo yung bad romance..

"Huhuhuhuhu" iyak ako ng iyak..

 

Wala na si Lola!!!!!!!!!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Hoy! Bakit ka umiiyak?! kang bata ka! ANONG KALA MO? PATAY NA AKO! IN YOUR DREAMS! NAPAGOD LANG AKO KANINA! NOH?!" tapos tinulak niya ako kaya ako naman nauntog sa sahig. Ouch

 

"Lola!!!" sabay yakap sa kaniya .. "--kala ko magagamit ko yung time machine eh!"

 

"Wag mong gamitin iyon!"

"Bakit naman po? Binigay niyo sa akin iyon tapos hindi ko gagamitin... Ahhh alam ko na, isasanla ko na lang po.. Hehe..."

"Bobo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin.."

"Eh ano po?" tanong ko

 

"Kunin mo doon sa may aparador yung librong napakalaki.."

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

What We're #Throwbackthursday-ing: Behind the Scenes at the May Fashion Shoot

by: jed, 2013-06-20

'All Dressed Up and Nowhere to Go' appeared in our May issue, featuring photography by Cenon Norial III, styling by Jed Gregorio, makeup by Sari Campos,...


ADVERTISEMENT

TEENTALK