Chapter 1:Mandy: Ouch!______________________________________
"AMANDA CANDELETTE! Male-late ka na!"
"Pwede na 'to. Maganda na ako." Sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin habang tinatapik ang mukha ko.
"CANDY!" Sigaw ng nanay ko mula sa baba.
"Nandyan na po, Ma!"I went down to the living room. Paalis na kasi kami ni kuya para sa first day ng school.
"Alis na po kami, ma." I kissed my mother's cheek tapos dumiretso na ako sa labas. Kanina pa kasi si kuya na naghihintay dun.
"Ayaw mo rin naman magpa-late, noh?" Sabi ni kuya sa akin in a sarcastic tone. Psh.
"Psh. Tara na nga." -Me
Sabay lang kami ni kuya pagpasok kasi same lang kami ng school. Graduating na siya.
"Mandz!"
Sigaw ng isang matinis na boses galing sa likod ko. Boses pa lang, kilala ko na.
"Hoy!" Sigaw niya ulit. Nilingon ko na para makita ko siya. Baka mag-ingay lalo.
Nakasuot siya ng simpleng blouse na pink at fit na jeans.
"Yssa!"-Me
Lumapit siya sa amin ni kuya then nagtanong ng...
"Pwedeng makisabay?"
Bago pa man ako makapagsalita eh humirit na ang epal kong kuya.
"Sure, basta i-convince mo si Rina na magbakasyon dito. Tagal ko na siyang hindi nakikita eh."Si Ate Rina, ang pinsan ni Yssa. Ang childhood frienemy ni kuya.
"Sure! Alam ko namang miss mo na yun eh." sabi ni Yssa kay kuya na ngi-ngisi-ngisi pa. Loka-loka.
"Eeww.. Ayoko sa pimple piglet na yun. Kadiri ah. Wala ka na bang taste, Yssa?" Nangangasim na mukhang sabi ni kuya. Halata mong diring-diri siya.
Sama rin ng lokong 'to noh? Maganda naman si ate Rina ah! Yun lang, maraming pimples at chubby.
"Weh? Liars go to hell." Sabi ko kay kuya. Kinikilig na 'to eh. Ayaw pa daw kay ate Rina. Chos!
Anyway, naglalakad kami ngayon. Kala niyo nagchismisan na lang kami noh? Siyempre hindi, male-late kami eh.
"Kadiri kaya!" Landi ng kuya ko oh!
Narating na rin namin ang school.
"Yes! First year na ako!"Dumagundong ang mundo ko sa pagsigaw ni Yssa. Parang ngayon lang ulit nakapag-aral 'to ah. Ni hindi ko nga feel na first year na pala ako eh. Tss.
Galing kami sa isang exclusive for girls na school. Siguro excited na ang bestfriend ko kasi co-ed na ang school namin. Hay. Mas gusto ko pa rin ang dati naming school. Si mama naman kasi eh. Baka daw ma-tomboy na ako kapag nagpatuloy pa akong mag-aral dun.
Siguro mabuti na rin 'to. Atleast hindi ko makikita ang malandi kong classmate. Psh.
We headed to our room. Classmate ko pa rin si Yssa. Umupo kami sa bandang dulo sa right which is near the window. Mas masaya dun para pag boring ang subject, may aaliw sa akin na view. Kita kasi dun yung buong field sa likod ng campus. Maganda siya at umaabot dito yung simoy ng malamig na hangin.
May pumasok na babae sa room. Nakasuot siya ng salamin at floral ang design ng blouse niya. naka-slacks rin siya. She's between 24-26 years old. Siguro siya na ang adviser namin.
"Good morning class! I'm miss Alice Ronquillo and i'll be your adviser for this school year." She told us while writing her name in the board. Sabi ko na siya ang magiging adviser namin eh. Mukha naman siyang mabait kaya keri lang.
"Please introduce yourself infront so I can familiarize your faces." Sabi niya sa'min then nagstart ng magpakilala yung mga "classmates" ko.
"I'm Antonio Bernales, call me Toni. I'm 13 years old. I'm good in singing and dancing." Sabi ng isang classmate kong lalaki. Infairness, gwapo siya. Yun lang, medyo juding gumalaw. At, singing and dancing ang gusto ha! Kaloka!
Bumalik na siya sa seat niya which is infront of me and Yssa.
"Hello! Toni. You are?" Lumingon siya at nilahad ang kamay sa amin ni Yssa.
"I'm Yssa and this is my bestfriend, Mandy." Nakipag shake-hands kami ni Yssa sa kanya. Then, bumulong siya...
"May nakita ba kayong cute guys na classmate natin?" O.O Confirmed!
JUDING NGA!"Ah...eh..."-Me
"Wala pa eh. Hm, ayun oh! May vacant seats pa dun. Baka hindi pa sila pumapasok."-Yssa
"Sana naman yung band ng Four Voice yung classmate natin."-Toni
"Four Voice?"-Yssa. Psh. Buti pa si Yssa kayang makipag usap. Hiya naman kasi ako eh. Wala sa itsura ko yun pero MAHIYAIN talaga ako!
"Oo. Sikat na banda yun dito sa school. Grade 4 ako nun nung nagstart yung banda nila. New student kayo noh? Saang school kayo galing? Di niyo sila kilala?"Tuluy-tuloy naman mag tanong 'to! Isa-isa lang pwede? Mahina ang kalaban oh!
"Actually, new student nga lang kami. Galing kami sa Fernanda Agustin College. And, hindi rin kami familiar sa mga nangyayari dito sa school na 'to, though may kakilala kaming dito nag-aaral." Si Yssa na ang sumagot sa kanya. Hindi ko keri ang maraming tanong niya eh. Nakalimutan ko na nga kung ano yung mga tanong na yun eh.
"Oh. Kaya pala. I'm sure magugustuhan niyo dito. Maraming gwapo dito. Grabe! Kinikilig ako pag dumadaan sila. Isa na nga dun si Charles eh. Kaya lang 4th year na yun. Di ko siya mareach. Isa yun sa tinitilian ng mga karibal ko dito.""Talaga? Si kuya? Tinitilian dito? Bakit ngayon ko lang nalaman?"- Me. Kaloka! Sikat pala si kuya dito. Ayoko madamay sa kasikatan ng kuya ko. Mamaya dumugin ako ng fans niya at interview-hin ako ng kung anu-ano. FYI, hindi ko nakikita si kuyang naliligo kaya wala akong maisasagot! Lol. Drama ng buhay!
"Weh?! Kuya mo si Charles? As in si Charles Jimenez?"-Toni.
I nodded.
"Shet! Eto na ang pangarap ko! Mapapalapit na rin ako sa kanya!" Ay! Malanding bakla! Kay kuya? Eeeww!! Pangit kaya si kuya!
"I'm Patricia Nicolas, 12 years old." Sabi nung isa ko pang classmate na babae. Yun na yun. Hanggang dun na lang yung kilala niya sa sarili niya.

Ang tahimik lang ha. She's wearing a glasses. Tapos round yung frame. Yung pang nerd talaga. She sat near us. Tapos in-open na yung binabasa niyang book. It was Harry Potter and the Deathly Hallows. Ang dami talagang adik sa mga books ng HP. Psh.
"Si Pat yan. One of the geeks dito sa school. Kahit hindi halata sa akin, bestfriend ko yan." Sabi ni Toni na nakatingin kay Pat. Ohh... Masaya naman siguro magkaroon ng gay friend eh. Actually, I really hate gays. Ang landi kasi eh. May sarili naman silang katawan pero nagnanasa pa rin sa katawan ng tunay na lalaki.
Mukha naman hindi ganun si Toni. Oo, may crush siya pero hindi naman siguro siya yung naglalagay ng kung anu-anong kolorete sa katawan. Yun bang bihis lalaki kahit pusong babae.
"I'm Ronette Santiago, 12 years old. I'm good in cooking." Sabi pa ulit ng isa ko pang classmate. Hm.. Mukhang magkakasundo kami nito ah. I love cooking too.
"Si Rona rin. Isa sa bestfriend ko." Aba! Mukha naman palang mabait 'tong si Toni eh. Marami siya bestfriend!
Tumango tango si Yssa at ako naman, nakatingin kay Ronette. Well, di kami close kaya Ronette ang tawag ko.

She's tall. Her hair is straight. Natural siya pero alam niyo yung parang nagparebond? Ang ganda ng buhok niya. Pwede na siya sa shampoo commercial.
She sat beside Yssa. That means, si Yssa na ang mag-i-introduce.
"I'm Sandra Yssabelle Iñigo, 12 years old. I graduated at Fernanda Agustin College. I'm good in singing and I love to swim. By the way, call me Yssa." She winked at our classmates then bumalik na sa upuan niya. Ako na pala.
Lord, wag niyo pong hayaang kainin ako ng hiya ko. Amen.
"I-I'm Amanda Candelette Jimenez--" Hindi ko pa man din natatapos ang intro ko eh nag bulungan na ang mga classmates ko. Psh. Anong mali sa sinabi ko?
"Are you related to Mr. Charles Jimenez?" Tanong ng teacher namin.
"Yes ma'am." Nagbulungan ulit yung mga classmate ko. Psh. Yun naman pala eh. Masyado yatang sikat si kuya ah.
"Kaya pala kamukha niya eh."
"Oo nga. Maki-close kaya tayo sa kanya? Naku! Ang panagarap natin."
"Tumigil nga kayo. Naririnig kaya kayo."Psh. Nag-bulungan pa sila. Oh well, wala akong balak na sundan ang yapak ni kuya.
"Please continue your introduction." -Miss Ronquillo.
"I-I'm 11 years old. I'm good in cooking and I-I love t-to s-swim." Psh. Bakit nags-stammer ako? Anyway, well, yeah. Ang bata ko pa noh? Ganun talaga.
Break namin. Opening rin ng clubs. Buti na lang sinabi ni kuya sa akin na ngayon ang opening. Dinala ko yung speedo lzr ko na knee-length at yung speedo cap ang goggles ko. Mamaya pa naman yung opening kaya pumunta muna ako sa canteen.
I bought my snacks then dumiretso sa table nina Toni.
"Guys, hindi pa nga pala kayo magkaka-kilala. Ah, Pat, Rona, eto sina Yssa and Mandy."
We shook our hands. Oh-kay. I have new friends!
"Uy! Zeke. Buti naman pumasok ka." Sabi ni Toni while waving his hands. Nakatalikod ako nun kaya hindi ko makita kung sino yung kinakawayan niya.
"Mandy, Yssa, siya nga pala si Zeke. Isa rin sa bestfriend ko." -Toni. Yssa and I looked around and we are both shocked...
"Zeke!!!" -Yssa. Mabilis siya lumapit at dumamba kay Zeke. Ang bestfriend namin. Kapitbahay kasi namin siya. Lumipat sila ng bahay nung mag-ge-grade 5 kami. Namiss ko 'tong best friend namin.
"Mandy, hindi mo ako na-miss?"-Zeke. Eh, walang hiya pala 'to eh. Anong hindi namiss? Ang tagal na nga namin siyang hinihintay ni Yssa eh. Sabi niya dadalawin niya kami.
"Walangya ka!" Lumapit ako sa kanya at hinug siya.
"Loko-loko ka! Sabi mo dadalaw ka samin!" Konti drama effect pa 'yan. Mangiyak-ngiyak pa ako. Ang tagal ko na kaya 'tong bestfriend. Simula pa yata nung mga bungal kami at walng ibang alam gawin kundi maglaro ng barbie eh.
"Oo nga! Walangya ka talaga! Iniwan mo kami ni Mandz ng walang paalam!" Mangiyak-ngiyak rin na sabi ni Yssa.
"Ehem. Tama na ang drama, pwede?" "Manahimik ka nga bakla! Kita mo namang nagmomoment yung tatlo eh."-Pat.
"Oo nga. O ito, piso. Hanap ka muna ng kausap mo."-Rona.
Psh. Kala ko pa naman tahimik 'tong dalawang 'to. May kagagahan rin pala. Pinagtulungan ba naman si Toni.
"O tara, kumain na nga kayong dalawa. Babawi ako sa inyo. Bilihin niyo na lahat ng gusto niyo. Ako magbabayad."-Zeke
"Sama kami?"-Toni.
"Wag ka na! Kami lang! Ang lakas-lakas mong kumain eh. Maubusan pa ng pera si Zeke."-Rona.
Nagpuppy eyes naman si Toni. Aping-api yata 'to sa dalawa eh. Kawawang bakla.
"Sige na. Sumama ka na. Nakakasuka 'yang itsura mo eh. Hindi bagay sa'yo." Diring-diri na sabi ni Pat. Mukhang under 'tong baklang 'to. Mahihirapan mag-asawa 'to. Tsktsktsk.
Nagwide yung ngiti ni Toni nung sinabi yun ni Pat. Bumili pa kami ng pagkain kahit meron na kaming sari-sarili. Libre 'to eh! Hindi pwedeng palagpasin! Muwahahaha!!!
"Uy guys. May babalikan lang ako sa room ha." Nag nod sila then naglakad naman ako pabalik sa room. Ba't naman kasi naiwan ko ang phone ko eh. Mamaya magtext si kuya.
I was on my way pabalik sa canteen when suddenly I heard a voice shouted...
"Miss! Ilag!"*TOINK*
"Ouch!" As promised, pinost ko na ang chapter one. Libreng silip sa kwento. Sana naman magcomment na kayo niyan. Taray!
Please po. Kailangan ko ng comment niyo para malaman ko kung gusto niyo pang ituloy ko ito. Please.
Ayan, ang drama ko na. Sige na, Comment kayo ha.