Teentalk

Author Topic: Remembering Beautiful Memories - 002 [01.04.2012]  (Read 1069 times)

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Remembering Beautiful Memories - 002 [01.04.2012]
« on: January 01, 2012, 11:24:58 pm »
Remembering Beautiful Memories

sweetrax © 2012




What if fate plays a trick on you and severs the only thread that binds you with the one you love?
 
Going as far as erasing all your memories together.
 
The first hi & hello. The first hug. The first kiss.
Those  cheesy, romantic, happy, or even bittersweet moments.
In a blink of an eye, those times hold no value anymore.

The things you never wanted to lose.
The things that made you who you are.
The things that keeps you holding on.
All gone. Maybe forever forgotten.

 
Are you willing to gamble to take back what was  robbed off you?
 
Or...
 

Will you tell yourself, "It's time to move on and learn to let go?"



N A V I G A T I O N



Quote
A/N:
I feel like a first timer all over again. Oh, wow. Anyways, please do comment if you find this interesting or at least intriguing. Thanks :)

- Mara
« Last Edit: January 04, 2012, 07:00:56 pm by sweetrax »

curiousity kills

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3049
  • Karma: +265/-32
  • crazy chicken. <3
Re: Reminiscing Beautiful Memories
« Reply #1 on: January 01, 2012, 11:28:41 pm »
OEHMJI. :) Ate Alyssa! :))))
"It's time to move on and learn to let go?"
This line, sobrang patama! <3 Good luck on this.
Supppppport! :)))))

lehzear

  • jellybean
  • **
  • Posts: 151
  • Karma: +14/-1
  • Raez|IMBDR♥
    • http://i1244.photobucket.com/albums/gg580/rawr0426/hahahaha-1.jpg
Re: Reminiscing Beautiful Memories
« Reply #2 on: January 01, 2012, 11:34:36 pm »
Hi ate!  Waaah. Isa po kayo sa fave authors ko, actually namin ng sister, cousins and also my blockmates. Nakakamiss kasi yung MOARH tsaka yung update sa Through his Eyes. </3 Anyways, I'm here to support. Raezhel here.
God bless you po, and Happy New Year! :)
New Year, New Story. Hihi. Take Care! ;)
I was sentenced to love you forever.

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: Remembering Beautiful Memories - New
« Reply #3 on: January 02, 2012, 08:38:06 pm »
Dahil ayaw kong mag-double post, repost na lang :))

CLICK TO SEE:

POSTER

BREE | AXEL


curiousity kills
BEE! Hello! Happy New Year! Thank you! :) Miss na kita! <3

lehzear
Hi Raezhel! Familiar name mo kasi naalala ko inadd kita sa FB. Haha. Nakakaflatter naman na fave author mo ako, ng sister, cousins at blockmates mo. :"> Anyway, namimiss ko na din yung MOARH. It's been a year since natapos yun. Yung Through His Eyes naman, on hold muna. Ito pati Arabella muna tatapusin ko. Salamat sa support! Happy New Year din sa inyo ng sister, cousin at blockmates mo. :) Love, Mara.

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #4 on: January 02, 2012, 10:49:10 pm »
Sorry double posting :|


Memory #001

A X E L ‘ S P O V

“Axel, sa tingin mo aabot din tayo sa golden anniversary natin?” tanong ni Sabrina tapos humilig siya sa balikat ko.

Pinatong ko yung ulo ko sa ulo niya. Umakbay ako sa kanya tas hinapit siya papalapit.

“Naman, babe! Pati emerald, platinum, at kung anu-ano pang precious stone na katumbas ng mga year. Sigurado akong malalagpasan natin sina Tatay at Nanay,” proud na proud na sabi ko. Confident kasi akong si Bree na ang babaeng para sa akin.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Bree. Di ko mapigilang mapangiti. Gustong-gusto ko kasing naririnig yung boses at tawa niya, eh. Ang liit kasi ng boses niya. Pero di yung nakakainis na liit at matinis. Yung maliit pero nakakatuwang pakinggan. Yung sweet na parang lagi kang nilalambing.

Halos magtu-two years na kaming mag-boyfriend/girlfriend ni Bree. Nakilala ko siya nung nasa college pa lang kami. Nanonood ako ng Battle of the Bands tas kasali siya dun. Nagustuhan ko agad siya nun kasi bukod sa maganda na siya, magaling pa siyang kumanta. Major turn on kasi para sa akin yun.

Akala ko noon, huling beses ko na siya makikita dun sa Battle. Pero mukhang meant to be talaga kami kasi may common friend pala kami--si Jiego, yung kuya niya. Ka-course at kaibigan ko kasi yung kapatid niya kaya nang mag-birthday, naimbitahan ako. Pinakilala siya sa’kin ni Jiego. Mula noon, naging magkaibigan kami hanggang sa niligawan ko siya at sinagot niya ako.

“Kahit kailan bolero ka talaga!” natatawang sabi niya. Hinampas pa ako sa binti, pero yung pabiro lang.

Hinuli ko yung kamay niya. Baka manggigil eh. Kawawa naman binti ko. Baka bukas di na ako makalakad. Wagas kung manggigil yun e. Biglang nagiging bayolente. :))

“Babe, dahan-dahan. Baka ikakasal pa lang tayo for the first time, naka-wheelchair na ako!”

Kukurutin sana niya ako sa braso pero mas mabilis ako kaya nahuli ko na naman kamay niya. Sabi sa inyo, bayolente tong girlfriend ko minsan. Battered boyfriend ho ako. Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan.

“Oh, oh. Kung manggigil ka, wagas eh! Gusto mo bang kulang-kulang na parte ng katawan ko pag sinalubong kita sa aisle?”

“Heh! Maghanap ka ng kausap mo,” mataray na sabi ni Bree sabay irap.

“Hala, nag-mood swings na naman ang baby ko.”

Niyakap ko si Bree ng mahigpit. Madalas pag napipikon siya pag niloloko ko siya, hindi niya ako kakausapin sandali. Pero pag niyakap ko siya, maya-maya lang bibigay na rin. Di niya kasi kayang di ako kinakausap eh. Malakas yata appeal ko. ^-^

“Peace na tayo, baby. Binibiro lang naman kita, eh.” Tumayo ako sa harap niya; pinantay ko mukha ko sa mukha. Hinawakan ko yung mga pisngi niya tas humalik sa noo niya. “Peace na, babe?"

Unti-unting nagbago yung expression ng mukha niya. From inis naging medyo inis na lang. Hey, ayos na rin yun, di ba?!

“Ikaw naman kasi e. Seryoso yung tanong ko tas jinojoke mo ako.”

“Seryoso din naman ako ah?”  ???

“Mukha mo. Ang joke kaya ng mga sagot mo.”  >:(

Hay, mga babae talaga oh. Kung hindi iyon ang gusto nilang marinig sa’yo, pipilitin ka hangga’t marinig yung gustong marinig.

Umupo ako sa damuhan, katapat niya. Kinuha at hinawakan ko ng mahigpit yung mga kamay niya. Tinitigan ko siya ng mabuti sa mata, sabay sabing, “Sinabi ko naman sa’yo di ba? Na lalagpasan natin ‘yang golden anniversary nila Tatay at Nanay? Lalagpas pa tayo ng 100 years. Alam mo kung bakit?”

“Bakit?” Nagblush si Bree. Ang cute-cute talaga ng girlfriend ko. :">

“Kasi, babe, infinite tayo. Ramdam kong to infinity and beyond tong relationship natin. Kaya wag ka nang mag-doubt, okay?”

Tumango lang si Bree. Nagba-blush pa din siya. Haay, ang ganda-ganda talaga niya. Mas lalo akong naiinlove sa kanya habang mas tumatagal na magkasama kami.

Nilingon ko yung party na nagaganap sa likod ko--golden wedding anniversary ng grandparents ko. Nagsasayawan na yung mga tao with their respective dates.

Tumayo na ako. Hinila ko din patayo si Bree.

“Sayaw tayo, babe?” yaya ko sa kanya tas tinuro ko yung mga nagsasayawan sa likod ko.

“E, alam mo naman di ako sumasayaw,” nahihiya niyang sabi.

“Sige na, babe? Akong bahala sa’yo,” sabi ko with pa-cute epek pa. “Para sa’kin? Please?”

Pabiro ko siyang hinihila pero di siya matinag sa kinatatayuan. Pero di ako papatalo. Hinihila ko pa din siya hanggang sa bumigay siya.

Isang malalim na buntong hininga muna pinakawalan niya bago siya nagsalita. “Hay nako, sige na nga. Pero sorry ka kung matapakan ko yang paa mo.”

Lumapad yung pagkakangiti ko nun. Madalas kasi pag ayaw ni Bree, ayaw niya talaga. Kaya heaven sent ang araw na’to dahil pinagbigyan niya ako.

Di ko na naman napigil sarili ko. Hinalikan ko siya sa lips. Saglit lang kasi hinampas ako ni Bree ng mahina.

Nagba-blush na naman siya. “Axel! Ang dami kayang tao! Ugh, nakakahiya,” sabi niya habang tinatakpan ang mukha niya.

“Sorry, babe. Masyado lang akong natuwa.”  ;D

Hindi naalis sa labi ko yung ngiti habang naglalakad kami papunta dun sa makeshift dancefloor. Ang saya-saya ko lang.

‘Wonderful Tonight’ yung kanta nung nagsasayaw na kami kaya walang problema kay Bree. Ang sarap lang ng feeling kasi magkayakap kami dun habang nagsu-sway-sway kuno.

Takte, nababakla ata ako. Kinikilig kasi ako. Oo, halos two years na kami pero para pading baguhan kami. Nakakakilig pa din parati.

“Baby, may sasabihin ako sa’yo,” seryosong sabi ko kay Bree. Biglang kumunot yung noo niya.

“Hmm? Ano yun?”

“I love you, baby. Happy 22nd monthsary.”

Titig na titig ako sa mukha niya habang sinasabi ko yun. Kaya naman kitang-kita ko kung pano nabuo yung ngiti sa labi niya at kung pano nagningning sa saya yung mga mata niya.

Tumingkayad siya hanggang sa magpantay yung labi niya sa tenga ko.

“Happy 22nd monthsary din, baby. I love you, too, so much.” Ngiting-ngiti siya pagkasabi niya yun. Shet. Para akong nanalo sa lotto.

Wala na akong paki kung nasa isang party kami at puro kamag-anak ko andito. Sinara ko distansya sa pagitan namin. Hinalikan ko si Bree.

Sa harap ng mga kamag-anak ko (na magiging kamag-anak din niya soon), hinalikan ko ng buong puso ang babaeng pinakamamahal ko--si Sabrina David.

Shet. Panalo!

Daig ko pa naka-jackpot sa lotto mula nang dumating siya sa buhay ko.

yanyan7192

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4759
  • Karma: +330/-74
  • Hate, haters.
    • Formspring
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #5 on: January 02, 2012, 11:07:56 pm »
Present! Will support this, Nff!

littlemiss brightside

  • jellybean
  • **
  • Posts: 212
  • Karma: +8/-2
  • papa q ♥
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #6 on: January 02, 2012, 11:11:31 pm »
ay kinilig ako! wehehe. hello po ate! Ako po si jeje, at isusupport ko itong story na to ;)

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #7 on: January 03, 2012, 02:08:26 pm »
Present! Will support this, Nff!
Nff! Salamat! Labyu! >:D<

ay kinilig ako! wehehe. hello po ate! Ako po si jeje, at isusupport ko itong story na to ;)
Hi Jeje! Familiar ka sa'kin. Haha :) Salamat sa support! :)

aijel1028

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 45
  • Karma: +3/-0
  • ELF imnida ^^ | PROM15E TO 13ELIEVE
    • Wattpad
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #8 on: January 03, 2012, 05:21:50 pm »
wow new story!  :D ayeeeee! kinilig naman ako dun! muntik na akong langgamin! ang sweet kasi nila e!  ;D

hello ate! aijel here  ;D support ko ito to the max! ;D
My Story:
LIVIN' THE K-POP DREAM: APPLE & SNOWFLAKE --> SOON! Please support!

Be my fan on Wattpad! Click ME

wenganewor

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1025
  • Karma: +46/-7
  • TeenTalker
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #9 on: January 03, 2012, 05:49:58 pm »
aw interesting. . . Support ko ulet e2 sis -up-

lehzear

  • jellybean
  • **
  • Posts: 151
  • Karma: +14/-1
  • Raez|IMBDR♥
    • http://i1244.photobucket.com/albums/gg580/rawr0426/hahahaha-1.jpg
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #10 on: January 03, 2012, 06:39:45 pm »
Hi ate Mara. Wow, nakakatuwa naaalala nyo pa ko. :) Yep, ako nga po yung sa FB. hihi. Yung Arabella po sa wattpad yun dba? Di po kasi ako active dun, dito lang talaga. HAHAHA. anyways yung Through his eyes, abangan ko po yun. basta ito promise support ko to till the end. Promise po, kahit hectic sched ko this sem I'll find ways para makapagcomment pdn. woohoo! Love ko kaya mga stories mo. Basta ayun po, I know it's too late sa pagCongrats sa MOARH, anyways it doesn't matter, you make me kilig plus iyak dun. Sweaaaar, madalas namin topic ng sister ko yun. Congrats sa success ng MOARH, ang tagal na nun pero sikat pdn. Hihi.Yung cousin ko nga po, uhmm bale nasa 26yrsold na ata sya basta may sariling family na sya, ayun nagbasa din nun within 1 day, bnsa nya till 2am, wala syang pake kahit may work sya kinabukasan, ADIK eh. Hahaha. Tapos ayun, naiyak daw sya. frst ever story ksi na bnsa nya yun, sinend ko sa phone nya yung .pdf copy, ganda kasi magbasa sa phone nya(Galaxy note)
 I know ito din magiging SUCCESSFUL 'to.  Haha. haba ng comment kooooh.  :-[ Sorry ate.

Anyways as for the story.
Grabeeee.  :D :D Ako'y kinikilig habang binabasa ko to. Imba talaga mga stories mo ate!
Nakakakilig si Axel. Hayyy. saraap magdrool sa harapan nya. HAHAHAHA!  i wonder kung bakit 'remembering' na lang yung memories nila, eh obvious namang mahal na mahal nila isa't isa, anyways abangan ko nlang sa mga next chapters. ganda ng 1st chapter, di ako makaget-over. Yay for you ate!  :) God bless you. :)
I was sentenced to love you forever.

animeaijin21

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1680
  • Karma: +104/-8
  • WAR.HAE.DREW <3
    • Tumblr
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #11 on: January 03, 2012, 07:30:41 pm »
ATE :) Idol kita promise :) Super support! Kyaaaaa. Shei here, 16 years old... Ahhh ask lang po, ikaw din po ba si All Purpose Flour? Wala lang. Salamat po! Good luck sa new story mo ^^

littlemiss brightside

  • jellybean
  • **
  • Posts: 212
  • Karma: +8/-2
  • papa q ♥
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #12 on: January 04, 2012, 05:07:41 am »
Hi Jeje! Familiar ka sa'kin. Haha :) Salamat sa support! :)

Hehe nabasa ko na rin po kasi yung MOARH. Pero di ko siya nasubaybayan. Nung tapos na siya dun ko lang siya nabasa hehe kaya sa dulo lang ako nun nakacomment :D

Ayun idol kita ateeee <3 Continue this weee excited ;D

emm :]

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1133
  • Karma: +114/-5
  • Our forever's gonna start right now. ♥
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #13 on: January 04, 2012, 11:49:14 am »
Hi, Ate Mara. Grabe. Ang ganda nung chapter 1. Grabe lang ngiti ko, abot sa tenga. Ang sweet kasi ni Axel kay Bree e. Halatang mahal niya ng sobra si Bree. :">
Support ko nga po pala to. I'm Monique. :)

sweetrax

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2984
  • Karma: +303/-25
  • My name is Aei.
Re: Remembering Beautiful Memories - 001 [01.02.2012]
« Reply #14 on: January 04, 2012, 07:18:14 pm »
Memory #002

A X E L ‘ S P O V

“Ehem, ehem!”

Ano ba naman yan. Uubo na nga lang, kailangan sa tapat ko pa? Di ko nga pinansin. Tuloy lang ako sa paghalik sa baby ko. Kinapalan ko na rin lang naman mukha ko, sasagarin ko na din, di ba? Saka, ang sarap i-kiss ng baby ko, eh. Never ata akong magsasawa. ^-^

“Ehem, ehem!” Umubo na naman yung kung sino. Mas malakas pa ngayon. Di ko na lang uli pinansin.

Lalaliman ko na sana yung kiss ko kay Bree pero siya na mismo kumalas sa’kin. Nilingon niya yung umuubo tas bigla na lang siyang namula at nalaglagan ng panga. Kapag ganun na hitsura ni Bree, hiyang-hiya na yun ng sobra.

Hinawakan ko braso niya at hinarap siya sa’kin. “Bree, anong problema?”

Hindi niya ako sinagot. Pinandilatan lang niya ako ng mata. Tinuro din niya kung ano yung tinitignan niya kanina. Nilingon ko yung sinasabi niya. Nanlaki mata ko nang makita kong si Nanay pala yung kanina pa ubo ng ubo! Nakapamewang siya tas titig na titig sa’kin. Yung tipo ng titig na nahuli niya akong gumagawa ng kalokohan.

Patay ako nito! X_X

“Alexiel Francis Vergara! Lumapit ka nga dito,” seryosong utos niya.

Etong si Nanay, kahit 70+ na siya, fierce pa din yan. Pag sinabi niyang lumapit ka, kailangan mo talagang lumapit. She won’t take no for an answer. Reyna yan ng buong Salvatierra-Vergara Clan.

“Uhm, kukuha lang muna akong food, ha?” paalam ni Bree. Bakas sa mukha niya na hiyang-hiya pa din siya. Tumango lang ako sa kanya tas tumalikod na siya at naglakad palayo.

Lagot na ako. Mag-isa kong haharapin si Nanay!

“Hi, ‘Nay!” pa-cool na sabi ko nang makalapit ako sa kanya. Kunyari wala akong kaalam-alam kung ba’t niya ako tinawag.

“Ikaw talagang bata ka! Kahit kailan ay sutil ka!” pagbati sa’kin ni Nanay. With matching pingot pa yan, ah!

“Aray! Nay, masakit! Araaaay!” daing ko hanggang sa bitawan ng Nanay ang tenga ko. “Nay, naman. Wagas ka rin kung makapingot eh! Gusto niyo ata talagang maging kulang-kulang ako bago ako ikasal, eh! Pareho kayo ng girlfriend ko, tsk.”

Hinihimas-himas ko yung nasaktan kong tenga. Grabe, ansakit! Kay Nanay ata nagmana si Bree sa pagkabayolente!

Sinulyapan ko si Nanay habang hinihimas ko pa din yung tenga ko. Sabi na nga ba! Mas magkamag-anak pa ata si Nanay pati si Bree! Pati ata mood swings sa kanya namana ni Bree. Pano, kung makangiti naman si Nanay ngayon, parang nakajackpot sa lotto.

“Ikakasakal ka na, apo?!” medyo pasigaw na sabi niya.

“Sshhh! Nay! Wag kang maingay!” saway ko sa kanya. “Magpo-propose pa lang kasi ako. Mas excited pa kayo sa’kin, eh.”

Oo, balak ko nang yayain si Bree na magpakasal. Masyado pang maaga, alam ko. Twenty-two pa lang siya at kakagraduate lang niya ng college. Ako naman, twenty-three pa lang at medyo kakagraduate pa lang din. Pero ayoko na kasi siyang pakawalan pa, eh. Sigurado na akong si Bree ang para sa’kin.

“Ay, siya! Gandahan mo ang proposal mo, Axel. Dapat mapa-oo mo si Sabrina kundi itatakwil kita bilang apo at di kita papamanahan.”

Umpisa pa lang, approve na sila relationship namin ni Bree. Ka-close na nga niya halos lahat ng member ng pamilya namin eh. Lahat sila sinasabing swerte daw ako kay Bree dahil mabait, humble at simple lang. Wala daw kaarte-arte sa katawan at madaling pakisamahan.

“Grabe naman, Nay. Wag namang ganun.”

“Seryoso ako, apo. Gusto ko si Sabrina para sa’yo. Wag na wag mo siyang papakawalan, ha?”

“Yes, Nay! Saka, magaling yata akong pumili,” proud na proud na sabi ko. Syempre, proud ako sa girlfriend ko.

Hinampas ako ni Nanay sa braso. Grabe, di lang pala ako battered boyfriend. Battered grandson din pala. T_T

“Ngayon lang umayos ang taste mo sa babae, Alexiel. Masyadong maaarte ang mga dati mong girlfriend. Si Sabrina lang ang nagustuhan ko sa kanila kaya dapat mapasagot mo siya.”

Napakamot na lang ako ng ulo. Pero kung iko-kompara mo nga sila kay Bree, landslide sa good qualities si Bree. At si Bree nga lang ang nakasundo ng pamilya ko pagdating sa mga naging girlfriends ko.

“O siya, balikan mo na si Sabrina. Baka naiinip na iyon,” anang Nanay. Patalikod na sana ako nang maramadaman kong humapdi na naman ang tenga ko. “At sa susunod pala, apo, wag mo kaming aagawan ng spotlight ng Tatay mo. Party namin itong dalawa. Wag ka nang makiextra, okay?”

Hawak-hawak ang napingot na namang tenga, umiiling na lang akong hinanap ang pinakamagandang babae dito sa party. Syempre sino ba yun, e di si Bree!

Nakita ko siyang nakikipaglaro sa mga pamangkin ko, yung mga anak ng ate Jamie ko. Ang cu-cute nilang tignan. Lalo na nung binuhat niya si Baby Denise. Hindi ko tuloy maiwasan na pangarapin na sana ang susunod na kakargahin niya ay yung first baby na namin.

Hindi na namin tinapos yung party. Pagod at inaantok na kasi si Bree. Nagpaalam na kami sa mga kamag-anak ko tapos dumiretso sa apartment ko. Andun na kasi yung mga gamit na dadalhin niya bukas. Mag-a-out of town kami para i-celebrate 22nd month anniversary namin.

“Good night, babe,” bulong ko nang tabihan ko siya dun sa kama ko pagkatapos kong mag-shower at mag-ayos ng sarili.

“Good night din, babe. I love you.”

Iyon na yata pinakamasarap na tulog ko in a while. Yakap-yakap ko yung babaeng mahal ko tas boses pa niya ang huli kong narinig bago ako natulog at nanaginip.

Haay, kung ganito lagi ang tulog ko pag gabi, siguradong never na akong babangungutin.


- - -


“Bree?” tawag ko sa girlfriend ko pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko. Masyado akong napagod sa biyahe namin kaya pagdating naming sa cottage na ni-rent namin, bagsak agad ako sa kama.

“Bree?” tawag ko ulit pero wala pa ring sumasagot. Hinanap ko na din siya sa buong cottage pero di ko siya makita.

Bumalik ako ng kwarto para tawagan siya. Pero di na pala kailangan kasi may isang text dun galing sa kanya.

From: Bree David
Babe, nauna na ako sa beach. Hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo. Nagluto ako ng lunch for you. Habol ka na lang, ok? See you :D :-*

Dali-dali akong nagbihis ng puting polo at board shorts. Dala-dala ang susi ng cottage, wallet at cellphone ko, hinanap ko agad si Bree. Hindi naman kalayuan yung pwesto niya kaya agad ko siyang nilapitan.

“Babe!” sigaw ko nang papalapit na ako sa kanya.

Napabangon siya sa hinihigaan niyang chaise lounge. Grabe halos malaglag panga at lumuwa mata ko dahil sa suot niya. Ano bang nagawa ko at ang ganda-ganda ng girlfriend ko? Takte, hindi lang maganda, sexy pa!

Simpleng two-piece bikini lang at hat lang yung suot niya pero daig niya pa yung ibang mga babae dito ngayon na halos ipakita na lahat. Yung kay Bree, kahit simple lang, ang ganda at ang sexy pa rin niyang tignan.

Ha! Mainggit na lahat ng lalaki sakin ngayon. Kasi girlfriend ko ang babaeng hinahabol nila ng tingin. >:)

Tumako papalapit sa’kin si Bree. Muntik na akong matumba nang talunin niya yung natitirang distansya sa pagitan namin. Buti na lang nasalo ko siya. Parang batang binuhat ko siya hanggang sa makabalik kami dun sa pwesto niya kanina. Naupo ako sa chaise lounge habang nakapatong siya akin.

“Na-miss mo ako agad no?” tukso ko sa kanya. Biglang namula yung pisngi ni Bree. Ang bilis-bilis talaga niya mag-blush! Nakakapanggigil! :D

“Heh! Ikaw kasi pagdating natin dito, tinulugan mo ako agad.”

“Sorry naman, babe. Pagod na pagod kasi ako. Ang lakas mo kasi humilik kagabi eh!” ;D

Bago pa ako mahampas ni Bree ay niyakap ko na siya agad. Alam niyo naman tong girlfriend ko, bayolente kapag napipikon kaya mabuti nang naninigurado. Damage control agad. B-)

“ARAAAAY!” malakas na sigaw ko. “Grabe, Bree, bampira ka ba?!”

Tawa lang siya nang tawa habang iniinda yung sakit ng pagkakakagat niya sa may leeg ko. Kung hindi bayolente, bampira. Ano kayang susunod? Zombie na siya? May lahing Amazona yata tong girlfriend ko. Tsk!

“Yan kasi, asarin mo pa ako, tignan natin kung ano sunod na gagawin ko sa’yo.” :P

Tawa pa rin siya ng tawa. Medyo pinagtitinginan na nga kami ng ibang mga tao e. Akala siguro nila nababaliw na si Bree. Pano, siya lang naman tumatawa. Ako? Nakatingin lang ako sa kanya at pinagmamasdang mabuti yung mukha niya.

Pinakapaborito kong parte ng mukha niya ay yung mga mata niya. Chocolate brown yung kulay. Tas sa tuwing tititig ako sa mata, basang-basa ko kung anong emosyon yung andun. Kanya na yata yung pinaka-expressive na mata na nakita ko. Laging buhay yun saka kumikislap. Laging masaya.

Nakakalunod lagi yung mga titig niya. Nakakahypnotize. Tulad ngayon. Kahit pang habang-buhay ko siguro siyang tignan, hinding-hindi ako magsasawang gawin yun.

“Hello? Earth to Axel! Hello?!”

Naririnig kong tinatawag ako ni Bree pero nakatitig lang ako sa kanya. Gustong-gusto kong nakikita kung pano nagbabago yung mga emosyon sa mukha niya. Nakakatuwang panoorin. Nakakainlove lalo.

“BABE!” sinigaw niya sa tenga ko sabay kiss sa pisngi ko.

Bago pa siya makapagpalit ng pwesto, inakbayan ko siya tas inipit ko yung leeg niya sa braso ko. At bilang payback sa pagsigaw sa tenga ko, kiniliti ko siya ng kiniliti. Kung merong sobrang ticklish na tao, si Bree na sigurado yun!

“Aahh! Babe, tama na! Tama na!” tumatawang sabi niya. Tuloy lang ako sa pagkiliti sa kanya. Well, isa pa sa mga gustong-gusto ko ay yung tawa niya. Nakakahawa kasi saka ang sarap pakinggan. “Axel, stop it! Please, please, please, babe! Tama na!”

Nung naririnig ko nang nag-uumpisang hapuin si Bree, tinigilan ko na ang pagkiliti sa kanya. Hikain kasi siya, eh. Grabe pa naman kung hikain to.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ko.

Ngumiti lang siya tas tumango. Pero alam kong nahihirapan na siyang huminga. Dali-dali akong tumayo.

“Saglit lang ah? Bibili lang ako ng tubig.”

Patakbo akong nagpunta sa pinakamalapit na tindahan para bumili nga ng tubig. Habang hinihintay yung sukli ko, tinignan ko kung saan ko iniwanan ni Bree. May mga lalaking lumapit sa kanya. Nakikipagkilala siguro. Normal na yung ganung scene tuwing nagpupunta kami sa beach. Ang ganda kasi masyado ng girlfriend ko kaya ang daming umaaligid sa kanya.

Napansin kong medyo hindi na maganda yung tingin nung isang lalaki kay Bree. Bilang lalaki, alam ko kung kelan appropriate pa yung mga tinging binibigay ng isang lalaki sa isang babae. E yung sa kausap ni Bree, hindi na maganda. Tipong nagnanasa na.

Binilisan ko yung lakad ko pabalik kay Bree. Nung malapit na ako sa kanya, hinubad ko yung suot kong polo tas pinatong sa balikat niya. Inakbayan ko siya tas payakap na hinarap siya sa akin. Bale, yung likod na lang ni Bree yung nakikita nung lalaki. Halatang naasar yung lalaki pero wala akong pakialam sa kanya.

“Oh, babe, inumin mo muna to.” Inabot naman ni Bree yung tubig tas ininom niya.

“So, sino naman to, Sabrina? Kuya mo?” nakangising sabi nung lalaking malagkit kung tumingin kay Bree.

Tengene lang ah! Naghahanap ata ng away to eh! Kung hindi lang ako peace-loving citizen baga naumbagan ko na to.

“Uhm, no, this is my boyfriend, Axel,” nakangiting pakilala niya sa’kin. “Axel, si Santi, anak nung may-ari ng resort. Santi, si Axel.”

Nilahad nung Santi yung kamay niya para makipagkamay. Tinanggap ko naman dahil hindi naman ako naghahanap ng away. Ayoko lang sa mga tingin niya sa girlfriend ko.

“Babe, balik na tayo sa cottage?” yaya ko kay Bree. Tumango lang siya tas kinuha niya yung gamit niya.

“Sige, Santi, mauna na kami sa inyo,” paalam niya dun sa mokong. “Nice meeting you!”

“So, see you later na lang sa party mamaya?”

“Yup! Sure, salamat sa pag-imbita. See you!”

Di ko alam pero biglang bumigat pakiramdam ko. Bigla akong nainis. Ba’t kasi masyadong mabait at palakaibigan si Bree, eh. Minamanyak na nga siya pero di pa niya pinapansin. Tas pumayag pa siyang makipagkita ulit dun sa lalaki. Nakaka-BV lang.

“Axel, may problema ba?” nag-aalalang tanong ni Bree.

“Wala.”

“Axel, hindi nga? What’s bothering you? Si Santi ba?”

“Ayoko sa kanya, okay?” pag-amin ko. “Ang lagkit ng mga tingin niya sa’yo kanina. Nakakabastos.”

“Pabayaan mo na, babe. Hindi na naman natin sila makikita after nito, eh.”

“Kahit na, babe. Nakakabastos pa din yung ginawa niya. Tas pumayag ka pang magpunta dun sa party niya.”

“Babe,” tawag sa’kin ni Bree pero tuloy lang ako sa paglakad. Naramdaman ko na lang na may yumakap na sa’kin mula sa likod. “Wag ka na magselos, please? Saka pupunta lang naman ako dun dahil inalok niya ako ng gig. Kung pwede daw ba akong kumanta para sa party nila. Saka di naman ako aalis nang hindi ka kasama, eh. Kaya, please, wag ka na magselos or magtampo?”

Humarap ako sa kanya at niyakap siya pabalik. Haay, si Bree talaga ang weakness ko. Basta nakiusap na siya, hindi ko magawang hindi makinig sa kanya.

Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya tas bumulong, “Sorry, babe, nagselos lang po.”

Ngumiti siya. Yung ngiti na sinasabing ‘Okay lang, naintindihan ko.’ Kiniss niya ako sa cheeks tas sa lips. “Don’t worry, babe. Ikaw lang naman yung mahal ko eh. Kaya wala kang dapat ipagselos, okay?”

AAAAAAAAH!

Ang lakas ng tibok ng puso ko! Kung akala niyo babae lang yung kinikilig, pwes, nagkakamali kayo! Kasi… kasi sobrang kinilig ako sa sinabi ng baby ko! :-[

“I love you, babe. Sorry ulit.” Kiniss ko siya sa forehead.

“I love you, too,” nakangiting sabi niya. “So ano, payag ka nang pumunta tayo dun sa party ni Santi?”

Haaay, makakatanggi pa ba ako?





Replies

Huhuhu. Seryosong naiiyak ako sa comments niyo. As in. Grabe, thank you sa walang sawang support kahit ilang taon yata bago pa ako makapagpost ng update or kung di natutuloy mga updates ko or kung dine-delete ko yung mga kwento ko. As in super thank you!  :'( :'( :'( Nakaktouch!

emm :]
Hello Monique! Oo naman, mahal na mahal ni Axel yang si Bree kahit loka-loka yan ng bongga. Thanks for reading!

littlemiss brightside
Aha! Kaya pala familiar. Hehe. Nakakaflatter marinig na idol mo ko. Haha. Pero nahihiya ako kasi huhu ang tagal ko nang di nagsusulat. Pero thanks sa suporta!

animeaijin21
Hello Shei! Yup! Ako din si AllPurposeFlour :) Bakit po? Salamat sa suporta!

lehzear
Ikaw! Ikaw ang salarin kung ba't halos maiyak na ako kahapon.  :D Sobrang nakakaflatter yung sinsabi mo. Nakakakilig at nakakatuwa kasi huhu di naman ako ganun kagaling. I mean, maraming mas magaling na magsulat pero binabasa niyo pa rin yung sinusulat ko. Thank you very much! At sa patuloy na pagsuporta! :)

wenganewor
Hello sis! Maraming salamat! :D

aijel1028
Hi Aijel! Ang cute ng name mo! ;D Salamat sa support! :D

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website