Chapter 1: Under his umbrellaNaranasan mo na bang hindi magising ng alarm clock mo?
Eh yung magpagulung-gulong sa hagdanan dahil napasobra ang hakbang mo?
Yung maligo sa loob ng isang minuto?
Ang maging self-proclaimed pinsan ni the flash sa sobrang bilis ng pagtakbo papunta sa eskwelahan?
Naranasan mo na rin bang matapilok sa hagdan dahil sumabit ang bag mo sa railing?
Tapos pagkaupo mo sa classroom na walang tao narealize mo na bukas pa pala ang pasukan?
At saktong paglabas mo sa gate, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan?
Nangyari na sa akin yang mga yan, kanina lang. Actually, yung dalawang huling statements lang talaga yung nangyari. Yung mga nauna? Nung first day of classes nung first sem naganap.
Tignan mo, second sem na, hindi pa rin ako masyadong nakaka-adjust sa buhay kolehiyala.
At ngayon, walking under the rain ang drama ko. Romantic sana, pero wala naman akong ka-payong. Buti pa yung asong nakasalubong ko, pareho kami ng drama, pero may syotang kasama. Sinundan ko naman yung tingin ko sa kanila, oo na, nainggit ako ng kunti. Eh di sila na.
“Miss, baka magkasakit ka niyan.” Pagkasabi niya nun, pinayungan niya ako... ako na isang babaeng estranghero na basang-basa sa ulan.
Habang iniisip kung anong sasabihin sa kanya, kinausap ko si Lord.
Lord, siya na ba? Di ba sinabi ko sayo yung plano ko, na dapat may view ng sunset. Lord naman, wala ngang sun oh, umuulan pa. Pero okay lang, basta ba’t pasado sa taste ko. Lilingon na ako sa kanya ha?
*pok*
[walang pondo kaya low quality ang mga sound effects]Wrong move.
Kung sa tingin niyo, nahalikan ko siya… Sana nangyari yun pero hindi. Nauntog yung noo ko sa handle ng payong. Ano ba yan, palpak.
“Awww.” Hinimas ko naman ang noo o. Okay lang yan Chloe, stay positive. Hindi ka naman siguro nagmuhkang tanga.
“Naku miss, sorry.” Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa kamay ko. Wow ha. Siya pa tong nag-sorry. Ugali pa lang, pasado na.
Pinayungan niya ako kanina kahit hindi niya ako kilala. Mabait? Check! Tapos nag-sorry pa siya sa katangahan ko. Caring? Check!
“Okay lang, okay lang.” Inangat ko na ang ulo ko para tignan siya.
K-k-kk-kevin? Kevin Alexander Gomez? 17 years old. Ipinanganak noong February 14, 1994. Only child. 2nd year college student sa Xavier University? Nag-aaral ng BS Architecture?
Siya?
Nagtataka siguro kayo kung bakit kilalang-kilala ko siya. Ka-schoolmate ko kasi siya nung High School at sobrang sikat niya. Ang dami kong karibal nun. Nung naggraduate siya, sumuko na ako sa kanya. Para rin yun sa aming dalawa dahil alam kong mahihirapan siya sa isang long distance relationship.

Alam niyo ba yung cliché na scene sa mga pelikula na nagtititigan yung dalawang bida tapos… alam niyo na, maghahalikan? Parang ganito yun eh, tanggalin mo lang yung halik na part.
Hindi ko na kinaya yun kaya tumingin na lang ako sa mga sasakyang dumadaan. Baka malunod ako sa mga magaganda niyang mata.
“Thank you nga pala sa pagpayong sa akin pero hindi na talaga kailangan. Malapit naman na ako sa bahay eh.” Ano ba tong sinasabi ko sa kanya? Bakit ko tinatanggihan ang grasya? Ilang taon ko ring hinintay ang pagkakataong to.
“Okay lang. Ihatid na kita sa inyo.” Tama yang mga sinasabi mo. Pilitin mo ako.
“Naku, huwag na. Baka may iba ka pang pupuntahan. Masira ko pa yang lakad mo.” Huwag kang maniwala sa mga pinagsasabi ko.
“Katatapos lang kaya halika na.” Hinila na niya ang kaliwa kong kamay.
Nag-offer na ihatid ako. Gentleman? Super long check hanggang sa maubos ang ink ng invisible red ballpen ko.
Oh my gulay. Nangyayari ba talaga to sa akin? I can’t believe it! After all those years na pagpapantasya sa isang scene na ganito, nangyayari na. Si Kevin pa ang kasama ko. Wala mang sunset pero romantic naman to. Umuulan tapos iisa lang payong namin. This is really happening. This is really ha---
HINILA NIYA ANG KALIWA KONG KAMAY?
Ibig sabihin…
Tinignan ko ang kaliwa kong kamay at, oo nga…
MAGKAHAWAK KAMI NG KAMAY!
Hindi na virgin ang kamay ko.Huhuhu. Pero okay lang, si Kevin naman.

Kaya lang, di pwede to. Masyadong mabilis ang nangyayari.
“Uhm, ano…” Alam kong nagugustuhan ko rin ang paghawak niya sa kamay ko kaya lang, panu pag tinetest niya lang ako? Baka ang isipin niya, manyak ako.
“Ano yun?” Huwag ka nang magmaang-maangan Kevin.
“Yung kasing… yung kamay mo… eh…”“Oh sorry.” Naku, okay lang. Ano, pumasa ba ako sa test mo?
“Sana hindi magalit ang boyfriend mo.” Ano ka ba, bakit ka naman magagalit? Ang ambisyosa ko talaga.
“Wala akong boyfriend no.” Kaya pwedeng pwede ako para sayo. Pareho tayong single.
Habang chinatsansingan ko si Kevin sa aking isipan dahil sa pagkafeeling close ko, bigla akong nalungkot nung nakita kong nasa harapan na pala kami ng gate ng bahay.
“Dito na pala ako nakatira. Salamat sa paghatid ha?” Sa uulitin.
“You’re welcome. Ako nga pala si Kevin. Kevin Gomez.”“Alam ko." 
Wait. Did I just say that out loud?