Chapter 15
“Oy. Oy. Oy! Ano ka ba Alexa! Wag mo akong apakan. Kanina ka pa ah!”
“Sorry nga. Di nga kasi ako marunong sumayaw eh.”
“Aish. Kaya nga tayo nagpapractice diba? Para matuto?”“Ewan ko sayo! Pinipikon mo ko eh!”
“So, ako pa ang may kasalanan ngayon? Ikaw nga yang umaapak sakin eh! Tingnan mo nga yang paa ko. Kawawa na masyado ang itsura.”“Di ko naman sinasadya eh! Sorry na nga!”“PADILLA! LI! Bakit ba ang ingay ingay nyo?! Dun nga kayo sa backstage magpractice! You’re such a disturbance to the other students!”“Psh. Kasalanan mo to.”
“Tumahimik ka. Kung hindi ka lang naman sumigaw, di tayo gaganituhin.”“At kung hindi ka rin naman nang-aapak, hindi ako sisigaw.”“Che!”Practice pala naming ngayon ng dance para sa prom. And as you can see kanina, nag-away pa kami ni Angelo dahil lang hindi ako marunong sumayaw. Napagalitan pa tuloy kami. Tss. Nagsisisi talaga ako kung bakit ako pumayag sumali dito. Sayang lang kasi din a pwede mag’backout. At saka, kung mag’babackout rin ako, mapapatay ako ni Nicole.
“Padilla, Li. Come with me.”Dinala kami ng teacher naming sa practice room ng ballet dancers. Ano kaya gagawin naming dito? Ipapa’ballet kami?

Imagine Angelo being a ballet dancer, LOL.
“Di kayo lalabas dito hanggat di nyo kayo magkakaayos at maayos nyo na rin ang sayaw nyo. Don’t worry, we’ll know kung tapos na kayo kasi may CCTV camera dito. Sige. Kayo na bahala ha. Ciao!”Dali-daling umalis si Sir. Walanghiya! Pinagtripan pa talaga kami ha. -.- Di na lang kami pumalag at mag-ingay pareha ng nasa movie. Yung part nga na “Wag po! Pakawalan nyo na kami! Parang awa nyo na po!”. Pareho kasi naming alam na wala paring mangyayari kung magsisisigaw kami. Mapapaos pa kami. Matalino kasi kami eh.

……. O-kay. This sure is awkward. Ang tahimik.
Umupo na lang ako sa gilid. Yung corner nga nung ballet room. Gets nyo ba?

Si Angelo nakatayo lang run. Naka’face sa bintana. Hapon na pala. Gusto ko ng umuwi!
Nagulat na lang ako nung tumabi sakin si Angelo. Naiinis pa rin ako sa kanya.
“Oy. Sorry na. Di ko naman sinasadyang sigawan ka eh.”“…”“Oy. Sige na. Patawarin mo na ako.”“…”“Alexa, alam mo, hindi ka tulad ng ibang babaeng nakilala ko. Kahit hindi kasi ako magsorry sa kanila, pinapatawad kaagad nila ako. Ikaw, hindi mo man lang ako tinitingnan. Alam mo bang nakaka’guilty yun? Kasi feeling ko, ang laki ng kasalanan ko. Uy, pagbigyan mo naman ako oh. Promise, di na kita sisigawan.”
“Promise?”“Promise.”“Pinky swear?”“Pinky swear? Uso pa pala yun? Hahahaha! Para kang bata. Hoy! Gumising ka! Matanda ka na!”

Tiningnan ko lang sya ng masama nun pero walang salitang lumabas sa bibig ko. Nagtitigan lang kami, mga 3 minutes rin yun. Siya naman kasi eh! Bakit ba nya inaayawan yung pinky swear. Hindi ba nya alam na mahalaga yun? Parang kontrata na rin yun para sa akin eh. Kasi pag nag pinky swear ka, wala na talagang bawian. Alam kong childish pero pakialam nyo ba!
“Oo. Sige na nga. Pinky swear.”Nginitian ko lang sya nun. After a minute, bigla syang tumayo at inoffer sakin yung kamay nya.
“Sige na. Practice na tayo. Para makauwi na tayo.”Nagsimula na kaming magpractice. Around 2 hours nga rin yun eh, I think. Kasi naman po, ang inyong lingkod ay hindi marunong sumayaw. Ilang beses ko nga rin naapakan si Angelo eh pero parang wala na lang sa kanya yun ngayon. Tinupad nga niya promise nya! Yiiee! Hahahaha!
“Yun. At tapos na." Ngumiti ako. Talagang mapapansin mong Masaya talaga ako at natapos yung sayaw. Oy, wag kayong pumalag, malaking bagay nay un para sa kin. Pero bakit ganun tumingin sakin si Angelo? May dumi ba sa mukha ko? Nakaka’conscious naman to.
“Angelo, may problema ba? HOY!"“Ha? A-ano?”“Bakit ka nakatulala ha?”“Ah. Wala to! Tara! Uwi na tayo.”Tinry naming buksan yung pinto. At nalaman naming bukas pala siya. Kanina pa. Tss. Akala kasi naming nilock eh. Pinagmukha pa nila kaming tanga. Tss. -.-
“Hatid na kita.”
“Wag na. Kaya ko naman mag-isa eh. At saka, gagabihin ka ng uwi sa inyo.”“Yun na nga eh. Gabi na. Baka maulit yung nangyari nuon. Paano na lang kung hindi ako dumating nun? Ano na lang kaya magyayari sayo?”
“Sige na nga.”Lumakad lang kami papuntang bahay. Malapit lang naman yun dito. Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad.
“Nandito na pala tayo. Sige alis na ako.”“Sige. Ingat. Salamat sa paghatid.”

Hinintay ko munang mawala sya sa paningin ko nung pumasok ako sa bahay. At nakita ko si Nicole, iab ang tingin sakin. Yung parang masayang-masaya na nang-iinis. Ewan ko. Ano na naman kaya sumapi sa babaeng to?
“A-ano?”
“Nakita ko yuuun!”
“Ang ano nga?”“Suuuus! In denial. Si Angelo, hinatid ka. Ayiiie!”
“And so? Anong meron dun?”“Echosera. Ano ka ba. Di ba obvious? Lumalovelife ka na. Duh.”
“Nic?”“Yes?”
“Shut up.”“Uyyy! Guilty! Ayiie! Talo ang pikon.”
At dinilaan pa talaga ako ng gaga. Pumunta na lang ako sa kwarto ko. Walang sense kausap si Nicole ngayon. Mang-iinis lang yun.
