Palabas ng sama ng loob

Sobrang bigat lang talaga ng feeling ko ngayong gabing `to.
Ngayong gabi kasi namin nalaman na may Stage IV Cancer yung Physics teacher namin nung high school. Eh mahal na mahal namin yun. Kahit hindi siya yung adviser namin, isa siya sa may pinakamalaking part na naitulong sa kung sino man kami ngayon. Kaming naging studyante niya, ang PORWAN
isama na rin ang PORTU.
Lahat ng kalokohan namin. Naging teacher namin siya nung 3rd year pa kami but we stayed close nung nag-fourth year. Dahil sa isa siya sa may hawak ng subject na RESEARCH sa Science department, nakakasama pa rin namin siya. Kasama namin siya nung nag-Discovery Camp/Retreat nung fourth year.
Naalala ko lahat nung third year na sa tuwing gabi, bago kami umuwi, nagkakaraoke kami gamit yung laptop niya saka yung flat screen niyang dala-dala para makapaguro. Dahil sa last subject siya at hanggang 7:30pm ang class namin sa kanya, ganun ang ginagawa namin palagi. Yung words of wisdom niya and yung talino niyang ibinahagi sa`min. Yung binago niya yung pananaw namin sa pag--aaral. Isa siya sa mga taong nagbigay inspirasyon samin para magpursigi't mag-aral nang mabuti.
Nakakainis lang isipin na yun kagalingan niya sa pagtuturo eh hindi na niya mababahagi sa future generations dahil hindi na niya magagawa pang makapagturo sa condition niya. Ang masakit pa nito, hindi pa niya alam yung tunay nyang sakit. Ang akala niya, bone fracture lang. But the truth is....cancer. Cancer sa Spine at stage IV pa.
Because of this, Realizations have hit me. Well, in this case...US. Ang dami naming narealize. Kaya ngayon, we're doing our best to raise money to help on the hospital bills and such. Please friends, help me and my former classmates to pray for his fast recovery. I know that this disease is incurable but we are not giving up our hopes yet. We just need your help. Pray for him. Pray with us. We need God's grace and miracles.
So yeah, hiatus muna ako...gagawa lang ng paraan to raise money and all. Thank you.