Sorry, sabi ko mag UUD ako kahapon. Kaso inantok ako eh. Pagod kasi ako galing school. HAHAHA. Pagpasensyahan mo na ako. Kambal ko kasi higaan 
------------------------------------------------------- 11.
Principal: Goodmorning future leaders of the country.Opkors, paano nga naman mawawala ang epal na speech ng Principal every event. Ugh! Ngayon ang start ng Camp. I mean yung activities.
"Play, Learn and Lead". Ito naman daw ang theme ng Camp. Ngayon ko lang nalaman. HAHAHA.
Eh kasi distracted ako. You know naman kung bakit ><
War:"Noella! Kanina pa kita kinakausap!" Sabi ni Miguel sabay pitik sa noo ko. Naman eh.
Peace:"Aray ko! Leche." Sabay suntok ko sa kanya.
"Bakit ba?" Back to normal na ulit. Wala na yung sweet na Miguel na yumakap at humawak sa kamay ko kahapon.
Hep, hep, hep. Wag niyo na akong tanungin kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil ako mismo hindi ko alam.
Taray ng Lola niyo, may nalalaman na ganoon.
War:"Sabi ko ako na ang tatakbo. Kasi yung sprain mo." Sabi niya sabay turo sa ankle ko. Nakasalampak kasi kami sa grounds.
Ang unang event kasi eh
Flag Race. Tatakbo sa oval tapos pupunta sa 32 flagpoles, isasabit at itataas yung cloth na hawak representing our school. Syempre paunahan, may puntos puntos din kasi.
Peace:"Ha? Bakit? Sabi president daw ang tatakbo eh. Bakit president ka ba?" Tarayan mo pa Noella. Mehehehehe~
War:"Nagtanong na ako kanina. Pwede daw, may Medical Certificate naman na nagpapatunay na na-sprain ka nung isang araw." Sabi niya sabay pakita nung Med. Cert. na galing sa bulsa niya.
WTH? Saan niya nakuha yun. Inagaw ko sa kanya. Binasa ko. Med. Cert. nga.
Peace:"Saan mo kinuha to? Kelan?" Dami ko ring tanong eh.
War:"Pagkatapos kang gamutin nung Nurse, humingi na ako. Alam ko kasing may ganitong event." Sabi niya sabay agaw sa akin nung Med. Cert.
Peace:"Paano mo nalaman? Bakit ako walang kaalam-alam?"Di niya ako sinagot. May inabot siya sa akin. Papel. List of Events. Nakasulat.
Peace:"Saan mo nakuha to?" Tanong ko ulit sabay tingin sa kanya. Nakatitig siya sa akin. Umiwas ako, binalik ko na lang yung attensyon ko sa papel na hawak ko. Kahit yung utak ko lumilipad.
War:"Sasabihin ko kung tititigan mo ako." Sabi niya sabay tawa. HA? PANG ASAR? LANGHYAA. Nakakahalata na ata to.
SHT. Okey lang yan Noella. Dalawang araw na lang. Babalik na kayo sa SMU, back to normal na. As in NORMAL.
Di ko na siya pinansin. Kunwari binabasa ko yung mga events. KUNWARI LANG. Pero naaaninag ko na nakatingin siya sa akin. Oh di sige na, tunawin mo na ako.
Principal: Presidents please proceed to the oval now.Tumayo na si Miguel. Inabot niya yung kamay niya. Weh? Di ka naman dating ganyan ah.
Tinitigan ko yung kamay niya. Shocking eh. HAHAHA.
War:"Oh ano? Hawakan mo na lang kamay ko at tumayo ka na diyan!" Utos niya.
Peace:"Ayoko nga. Kaya kong tumayo mag isa." I stick my tongue out sabay lagay ng dalawang kamay sa ulo. Belat!
Pero hinatak niya yung kamay ko.
War:"Pag yung Mj na yun gustong-gusto mo." Tinulungan niya akong tumayo.
Pagkasabi niya nun. Ngayon ko lang na realize. Nagseselos siya. Oo nagseselos to. Sigurado ako
War:"Ilang beses niya hinawakan ang kamay mo kahapon?" Sabi niya sabay tingin sa akin. Ngumiti lang ako.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"Peace:"Nagseselos ka no?" Tanong ko. My grin widened.
Hindi niya ako sinagot. Nag-blush siya. Leche, ang cute niya lang eh <:
Sabihin ko kaya maraming beses para mas lalo siyang magselos

Alam mo yung parang may gumagalaw sa tiyan mo. Ito ba yung butterflies in your stomach? Para kasing hindi butterflies yung sa akin eh, eagles. LOL. Korny mo Noella, amp.
Peace:"Uyyyyyyy, si Miguel. Nagseselos." Sabi ko. Oo iinisin ko to hanggang sa umamin.

Tumigil siya sa paglalakad
War:"Diyan ka na. Babalikan kita diyan. Wag ka nanamang aalis." Sabi niya sa akin sabay bitiw sa kamay ko. Sus, akala ko naman aamin.
Nasa oval na pala kami. Actually siya lang. Nasa gilid lang ako, by stander. Audience
Mj:"Peace!*shouts." Sabay kaway ni Mj. Napatingin din si Miguel sa kanya.
Magkatabi sila ni Miguel sa may starting line. Kinawayan ko si Mj. Para umamin na nagseselos nga talaga si Miguel. Nice plan Noella. Mehehehe~
Mj:"Goodluck sa atin." Sabi niya sabay kindat. Hindi naman ako tatakbo.
War:"Tama na ang pa-cute. Hindi siya tatakbo." Sabat ni Miguel.
Mj:"Ha? Bakit? Excited pa naman din ako ngayong umaga na to dahil sabi ko magkatabi kami sa starting line." Tapos nag-pout siya. Ang cute niyaaaaaaaaaaaaaaa <:
Peace:"Nagka-sprain ako eh. Kaya si Miguel na lang ang tatakbo para sa akin."Mj:"Sprain? Ha? Kelan? Sinong may kasalanan?" Tanong niya, makikita mo sa mukha niya ang bakas ng pagaalala.
War:"Kasalanan mo." Sagot ni Miguel habang inaayos yung sintas ng sapatos niya.
Peace:"Hind--" Di pa ako tapos nagsalita na si Mj.
Mj:"Kasalanan ko?" Si Miguel naman na ngayon ang hinarap niya.
War:"Oo kasalanan mo." Sabi ni Miguel pagkatapos ayusin yung pagkakatali ng sintas ng rubber shoes niya.
Teacher: Ready! Nag running position na sila. Alam mo yun? Yung nakahawak sa lupa. Basta yung ganun. HAHAHAHA
Set! Go!*Bang!Umupo ako sa bench habang pinapanood silang tumakbo. Hayuppp sa hiyawan. Ako? Hindi ko na kailangan i-cheer si Miguel. Dami niyang fans eh.
S1: Go Warrrrrr! *shouts.Puro yun lang ang naririnig ko na cheer. Wala man lang Go JU! o Itaas ang bandila ng NA. Wala eh puro Go War!. Kung meron mang iba, iilan lang.
Tanaw na tanaw ko si Miguel kahit nasa kabilang side na siya ng oval. Bilis talaga tumakbo ng unggoy na yun.
S3: Kyaaaaaaaaaaaaaa! Si War na nauuna! Go War!*shouts.Tapos nag crowd yung ibang babae sa harap ko. Wala na. Wala na akong nakita.
S2: Warrrrrrrrrrrrrrrr! OMG! Siya na mananalo!*shouts.*lagay. lagay. lagay. hatak ng tali.*Bang!Tumunog na yung baril. Ibig sabihin may nauna na. Tumuntong ako sa may bench. Flag namin yun ah. Panalo kami!
Tapos sumunod na yung iba. Second lang si Mj. Okey lang yan Mj. Better luck next time. Mehehehe~
Nag-jog si Miguel, alam ko papalapit na to sa akin. Basa sa pawis. OM, pogi na ang hot pa.
Pinagnanasaan ko na ata to. Langyaaaaaaaaaaaaaa.
Pagdating niya sa pinaroroonan ko, sinalubong siya nung mga babae >< Oy, akin yan. Humanap kayo ng sa inyo

Kung maka-angkin no?
S4: War, ang galing mo!Puri nung isa.
War:"Thanks. Ginaganahan lang talaga ako." Sabi niya sabay ngiti. Sus! Ayan nakipaglandian na. End of the world na <|3
S5: Hindi magaling ka talaga.Then they giggled.
S6: Tama (((((((:Tsss. Bahala ka nga diyan. Binuhat ko yung bag ko, tapos naglakad na ako papaalis sa pwesto ko. Biglang may humawak sa braso ko.
War:"Saan ka pupunta? Di ba sabi ko sayo dito ka lang?" Tanong niya sa akin.
Peace:"Ewan ko sayo. Tse!" Sabay alis ko ng braso ko sa pagkakahawak niya.
War:"Sinong nagseselos ngayon?" He flashed his evil grin. Binaliktad na niya yung sitwasyon. Ang kapal din ng mukha moooo ><
S4: *whispers. Akala ko ba sila ni Juliet?
S6:*whispers. Oo nga.Bulungan ba tawag dun? Naririnig namin. Hinarap sila ni Miguel.
War:"Juliet? She thinks I like, no LOVE her? Please don't make me laugh. If you see her, please tell her, what we have is just friendship and NOTHING ELSE." He gave emphasis in the last two words. Natanggalan ng tinik puso ko. Yesssssss!

Edi ako na tuwang-tuwa.
Peace:"Alis na ako." Basag ko sa usapan nila.
War:"Saan ka pupunta?" Hinawakan niya nanaman yung kamay ko. Binawi ko agad.
Peace:"Bibili ng tubig mo. Gusto mo ba mamatay sa uhaw diyan?" Then one of the girls raised her brow. Di ko pinansin. Hohoho, inggit lang yang mga yan

>
War:"Sige. Wag nanaman kung sino sino kakausapin mo. Lalo na yung lalakeng na yun." Hindi niya sinabi pangalan pero alam ko kung sino. Nagseselos ang Papa Miguel <:
Tumakbo na ako papunta sa canteen. Syempre ayokong nagseselos siya. Seh. WHTVR heart.