Three years.
Yup. Three years ko na syang crush. At sa three years na yun, feeling ko hindi ko na lang sya crush.
Mahal ko na ata sya.
Sa three years na nagdaan, hindi ko pa sya nakakausap except nung araw na yun.
Sa three years na nagdaan, hindi pa ko nakalapit sakanya except nung araw na yun.
Sa three years na nagdaan, hindi ko pa naramdaman yung hawak nya except nung araw na yun.
Ano ba yung araw na yun? Ahem. Yun lang naman ho ang araw na una ko syang nakita.
Three years ago, first day ng freshman year ko sa high school, may tatlong girls na humingi sa'kin ng favor. Pinapabigay nila sa'kin yung cheeseburger doon sa crush daw nilang freshman din. Nahihiya daw kasi sila. Ako naman si mabait at utuuto, sunod agad. Hawak ko yung cheeseburger at tumayo ako sa may gilid ng court. Isa sya sa mga nagbabasketball doon.
Di talaga ko interested sa mga lalake. Kahit sabihin mo pang ang lalaking to ay ang sinasabing campus heartthrob since elementary. So what? Pwes ako naman si Campus nerdy way back in elementary. Di ako yung tipong nakaglasses pa ah, pero I'd say na bookworm ako at hobby ko mag-aral.
"Tagal nam-" *DUG* May something na tumama sa'kin kaya napaatras ako at napatid sa kung ano man hanggang sa natumba ako patalikod. >___<
"Okay ka lang??" Napatingin ako sa kanya habang papalapit sya sa'kin. Bigla kong naalala yung cheeseburger. Nakita ko yun sa gilid ko na pirat na.
"Hala, napirat." Pinulot ko 'to at tumingin sa kanya.
"Uhh..sorry ah." Iaabot ko sana pero nagdalawang isip ako. "Teka, para sa'kin ba yan?" Siguro sanay na sya sa mga nagbibigay ng ganito.
"Oo, may nagpapabigay kaso napirat ko." =__="
"Ahh, akin na." Tapos nung kukunin nya na sa kamay ko e hinawakan nya ko at hinigit patayo. Saka nya lang kinuha yung burger.
"Napirat na yan e." Kukunin ko na sana pero nilayo nya.
"Okay lang. Di naman madumi e." ^____________________^ Tapos kinagatan nya na at narinig kong nagtilian yung mga babae sa likod ko, sila ata yung nagpabigay ng cheeseburger. "Salamat ah."
At nung moment na yun, feeling ko narinig kong nakikitili sa kanila yung puso ko. O___O Love?
Since that day, naging crush ko na sya. Medyo naging stalker pa ko pero di naman yung todo talaga.
Sinubukan kong kabisaduhin yung sched nya pero di ko nagawa dahil wala akong sources 'coz wala naman akong friend sa klase nya. So lagi ko na lang syang inaabangan sa gate ng school. Nope. Di ko po sya nilalapitan ni nginingitian. Gusto ko lang talaga syang makita. Sulit na yung isang tingin nya.
Inalam ko lahat ng pwedeng alamin about sa lalaking 'to.
Yung name nya na nahingi ko dun sa mga babaeng nagpabigay ng cheeseburger, is Mike Crisostomo. May kakambal syang babae, si Roan at fraternal twins sila. Pareho silang sikat sa buong campus at maging sa ibang high school.
One time habang nasa canteen ako, naglalakad at may dalang inumin, nadanggi ako ni Roan kaya natapon sa'kin yung iniinom ko. Mabait naman sya dahil nagoffer sya ng extra shirt nya at ng hanky.
Narealize ko na yun na yung chance ko para mapalapit kay Mike. So inadd ko agad si Roan sa FB with the reason na gusuto kong magthank you. Di ko na inadd si Mike dahil nahihiya ako. Medyo nalito pa nga ko kase parehong pareho sila ng DP. Since that day, lagi ko nang nakakachat si Roan hanggang sa dumating yung point na inamin ko sa kanya na may gusto ko sa kapatid nya.
Wala akong ibang pinagsabihan nun kundi sya lang. And I trust her. Feeling ko nga nasense nung mga girls na nagpabigay ng burger na may crush ako sa crush nila kaya medyo mataray sila sa'kin. Anyway, sabi ni Roan she'll do a way para magging close kami and actually sinisimulan nya na daw. Pero wala namang nangyayare except sa tuwing birthday nila, nagbibigay ako ng gift para kay Mike at syempre for Roan. Pano? Well, pinaguusapan namin ni Roan na iiwan nyang bukas lagi ang locker nya pagbirthday nila so that pwede ko dung ilagay yung gift ko at sya na magbibigay. Nung 1st year, bonnet. 2nd year, t-shirt na may nakalagay na "Everybody loves the twins" na para sa kanilang dalawa talaga. 3rd year, payong kase nabasa sya ng ulan a week before his birthday.
Yup. Three years na ganun. Three years akong nagpapatulong sa kakambal nyang si Roan para lang, maparamdam ko sakanya na gusto ko sya kahit patago.
Never kaming nagusap in person ni Roan. Masisira daw kasi yung 'masungit at mataray' nyang image na alam ng buong school. Gusto nya kasi ganun yung tingin sakanya ng mga taong di sya kilala so that only close and REAL friends know her real personality.
So ayun, ganun lang ang story ko. Three years since that day ko na syang gusto or siguro, minamahal. Nasa senior year na ko ngayon ng high school ko and feeling ko pag graduate ko, matatapos na rin ang mga kabaliwan ko.
Bukas, January 4. Resume ng klase after the christmas vacation. At bukas din ang birthday nya. Pero maiiba ang plano namin ni Roan. Hindi daw pwedeng iwang bukas ang locker nya dahil uso ngayon ang nakawan sa class nila so magkita daw kami ng maaga sa likod ng canteen para mabigay ko personally yung gift sakanya at sya ulet ang magaabot kay Mike.
Next day.
This is the day. Whew. Bakit ako kinakabahan? Siguro kase ngayon lang kami talaga mag-uusap ni Roan, baka magexpect ako masyado at magfeeling close talaga sa kanya. Okay. Chillax.
Dumating ako ng school ng mga 6:30 am. 7:30 pa klase namin. Wala pang gaanong tao, mga guard at janitor pa lang. Pero nagulat ako dahil pumasok na ng room nya si Mike. Ang aga nya. Nakita ko na rin si Roan na nasa loob na rin ng room. Okay. Dumeretso na ko sa likod ng canteen. Pagdating ko dun, wala pang tao pero may nakakuha agad ng attention ko. May notebook na nakapatong sa may nakatumbang puno which is ginagawang upuan ng mga tambay doon.
Nilapitan ko at nagulat ako sa cover.
CRISOSTOMO's DIARY.
Weeeeh? Tumingin ako sa paligid ko dahil baka may nakakakita sa'kin. Baka jinojoketime lang nila ko. Nacurious talaga ko kaya kinuha ko agad at inopen.
As I flip each page, di ko maiwasang matawa dahil sa mga kakulitan nila. Diary to ni Roan at Mike. Lagi silang nagaaway sa diary pero ang sweet. Makapal yung notebook at medyo luma na yung itsura nya. Elementary pa ata sila nung sinulat nila yung first entry.
Nakalagay doon kung gaano naiirita si Roan sa mga admirers nya since elem. Actually, hindi nila nilalagay yung mga pangalan nila tuwing tinatapos nila ang mga entry. Girl or Boy lang ang nakasulat lagi sa dulo.
Ang saya. Nageenjoy ako sa pagbabasa ng diary nila. Athough alam kong mali to at masyado naman akong nakikialam pero..kung hindi ngayon kelan pa? Gagraduate na ko sa March at wala ng ibang chance, di ko na malalaman kung gaano sya kasaya kasama. Hanggang dito na lang lahat sa diary nila. 'Coz dito, kahit papano malalaman ko yung feeling nya, makikita ko yung penmanship nya. Lahat ng erasures nya since elem at kung pano nagevolve at gumanda yung sulat nya. Dito malalaman ko kung paano sya magisip at kung ano yung mga ideas nya. Dito, posibleng malaman ko yung mga bagay na hindi ko na malalaman pa kung di ko babasahin to ngayon.
Naiiyak ako. Since freshman year ko, sya lang. Sya lang at walang iba.
Kakaflip ng page, tumigil ako sa isang date, yung last entry. Kagabi lang.
---
Aaaaargh!!
Diary! Bukas na ang huling birthday ko sa high school. Ang korni talaga. Wala pa rin akong lakas ng loob umamin. Ang tagal na. Chance lang ang kelangan ko pero bakit ayaw ibigay sa'kin? Malas! Malas!! Ang t*nga ko pag di ko pa nasabi sakanya bukas.
---
Ooooops. O__O??
Hell no. Ouch. He's in love with someone. At bukas sya magkoconfess?! Which means ngayon?? Di ko na tinapos yung entry. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagsimula akong magtatakbo papunta sa room nya. Naiiyak ako. Gusto ko syang pigilan. Kahit ba magalit sya dahil kokontrahin ko yung confession nya sa taong mahal nya? Ayos lang. Ngayon lang ako maggiging selfish. Ngayon lang.
Nakayuko ako habang natakbo dahil natulo yung luha ko. May nadanggi pa ko pagliko ko sa may canteen pero di ko na nilingon. Kelangan ko syang pigilan. Kelangan masabi ko kung gaano ko sya kamahal. OO!!! MAHAL!! Mahal ko na talaga sya.
Pagdating ko sa room nila, walang tao. Sh*t. Asan sya? Baka kasama nya na yung lucky girl. Pero maaga pa masyado. Pero..
Ang daming pumasok sa isip ko.
"Wala na.." Tapos pinahid ko yung luha sa pisngi ko.
"Anong problema?" Nagulat ako kaya napalingon ako..si..si Mike. "Nakasalubong kita kanina pero dinanggi mo lang ako. Bakit?"
Parang umatras yung dila ko. Wala akong masabi. Napatingin sya sa diary nila na hawak-hawak ko kaya lumapit sya sa'kin pero dahil ata sa kaba ko kaya napaatras ako, napatid at natumba patalikod.
Lumapit pa sya sa'kin at napatingin ako sa kanya. Naalala ko bigla yung gift ko. Handmade chocolates. Nadaganan ko kase yung backpack ko kaya natakot ako na baka kung ano na nangyari doon sa chocolates.
Nagpanic ako at kinuha yung chocolate. Binuksan ko agad at nakita kong nadurog na.
"Aisssh..n-nadurog.." Mangiyakngiyak kong nasabi.
"Para sa'kin ba ulet yan?" Tanong nya sa'kin. Ulet?
"O-oo..kaso..nadurog.." Pero kinuha nya bigla sa kamay ko yung box ng chocolate pero kasabay nun hinawakan nya yung kamay ko at itinayo ako.
"Malinis pa naman e." Kumuha sya ng kapiraso mula doon sa broken pieces of chocolate. "Thank you." Then kinain nya.
Deja vu.
"Deja vu." Napatingin ako sa kanya. Naalala nya pa? Napangiti ako sa sinabi nya.
"Happy birthday..Mike." Parang nagulat sya sa sinabi ko.
"Uhmm.." Nagsimula ulet syang magsalita pero uunahan ko na sya. Wala akong pakialam kung ireject mo ko. Kahit ilang beses ka pang magconfess sa iba, hell I care. It's now or never.
"Mike..m-MAHAL NA MAHAL kita!!!" At mas lalo pa syang natigilan nung sinabi ko yun. "Oo. Three years na ata. Di ko alam. Basta feeling ko ikaw ang kukumpleto lagi ng araw ko. Lahat gusto ko sa'yo. Hindi 'to INFATUATION, LUST or kung ano man. Di ko kasi maexplain kaya feeling ko, or hinde, ALAM ko. Mahal talaga kita. Okay lang kahit magconfess ka sa iba, kahit ireject mo ko, gusto ko lang malaman mo yung feelings ko kesa forever kong pagsisihan na itago lang to sa sarili ko. Nagpatulong pa ko kay Roan para mabigay sa'yo lahat ng gifts na yun, pero walang wala yun everytime na sasabihin sa'kin ni Roan kung gaano ka kasaya sa mga regalo ko. Priceless lahat. Mike, ikaw lang nam-"
"Wag mo na ituloy please." Ouch. Reject na. Nakayuko lang sya.
"Ang korni ko ba?" Napabulong ako at nagsimula na kong maglakad palabas ng classroom. Mas tumulo pa yung luha ko.
"Alam ko.." Ginagatungan nya ba ko? Pero bakit ganito yung feeling? Di ako naiyak dahil nasasaktan ako. Naiyak ako dahil masaya ko, kasi finally, I was able to tell him how I feel. "Alam ko na lahat ng sinasabi mo, alam ko lahat.."
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Ha?"
"May tanong ako..alam mo ba.." Alin? "..alam mo ba ang buong pangalan ko?"
Ano? Why? Mike Crisostomo. Buo? Oo nga. Nickname nga lang pala yun. Wala akong alam. "Bakit? Kelangan ba alam ko pa yung pangalan ng tao just to prove him how much I love him??"
"Yung real name ko.." Nagstart syang maglakad palapit sa'kin, "..Rojen Andrei Crisostomo."
"Ha?" Nagcrack na yung boses ko dahil naiyak na talaga ko. Alam kong para kong ta-..ano raw? "Ano? Pano naging Mike yun?"
"Yung kapatid ko, sya si Mike..short for Michelle."
Naguluhan ako bigla.
"Ibig sabihin.."
"Slow mo." Tapos tumawa sya at pinunasan yung luha ko. "Ako si Roan."
*END*
nakakabitin po ba? Haha..sorry po.^___^..thanks for reading.
