Chapter 7Meron talagang mali eh. Meroooooon. WAAAA.
Second week pa lang ng 2nd sem and I think, ngayon pa lang talaga mag-start ang sem na ito. Wala namang ginawa nung 1st week kundi, of course, orientation, introduction..blahblahblah. Wala pa nga yung ibang professors eh. Ang saya di'ba? Ang sayang nakakatamad. @___@
And so, kasama ko blockmates ko nung 1st sem na kasabay ko mag-enroll ngayon. 4 kami, namely Lina, Marie, Amanda.
Ay 'teh! Ano yung pinagkakaguluhan nila dun!? sigaw ni Amanda.
Uy, tara! Tingnan natin! Sabi ni Lina.
Oo nga sige! What?! Ang aga-aga eh, makiki-tsismis na naman. Pia! Cmon! Sabay hila sa'kin ni Marie papunta sa may tapat ng office. Well, nagpahila lang talaga ako.
Uy ano ba kayo! Tara na nga. Wala naman tayong mapapala dyan eh. Isa kasi akong taong ayaw sa ganitong uri ng mga pangyayari. Well, yung katulad nito. Yung makikiusyoso. Well, basta tsismosa din ako pero ayaw ko nung may mga tumitili-tili pa. SAKA ANG AGA PA! Its only 7am for Petes sake!
Ang KJ mo talaga! Hayaan mo nga bago nating blockmates. Wala pa yang prof niyan, youll see.
Hmp. Bahala kayo dyan! Nakatayo lang ako dun, pinagmamasdan sila. Hanggang sa pati sila eh nagsisisigaw na din. Putakteng mga tao 'to oh!
Ayan na siya! Shooot! Ang pogi niya parang kuya niya! sigaw ng isang babae.
Bakit ang ganda ng lahi nilang pamilya?!, sigaw ulit nung isa!
Dude! Ang astig pumorma! Parang Kuya lang niya! Tokwa talaga. Pati lalaki!? Anong meron? Parang feeling ko nawawala ako sa sarili kong school at mundo.
Naguguluhan pa rin akong lumingon-lingon sa paligid baka sakaling makita yung barkada o kahit isa man lang sa kanila. At ayun! Nakita ko si Aiden!
AIDEN! Halika nga dito! May itatanong ako dali!
Oh? Bakit?
Bakit sila nagkakagulo? Sinong dumating?
Pia, sabihin mo nga sa'kin? Naka-drugs ka ba? Batukan ko nga. Ang ganda kausap talaga ng taong 'to kahit kailan.
'Wag mong sabihing Koreano ka! Hindi na kita sasaktan. Nagtatanong kasi ako ng maayos di'ba?
Hindi ba nga dito na mag-aaral si Kevin? Hindi mo ba kilala si Kevin?
Si Kevin? Yung apo ng kaibigan ni Lola Maria? Na bestfriend ni Mark? Yung nakakaBV na tao kahapon na nasa bahay namin na tumutuloy kila Ninong Siege? 
tuluy-tuloy kong sabi.
Sino pa nga ba? Siya nga. PIAAAAA, gumising ka nga! Ano namang kinalaman ng pagkakagulo ng tao kay Kevin? Seryoso, nagiging slow ako sa mga pangyayari. Pagtingin ko naman sa tabi ko, wala na si Aiden. Nakita ko siya nakila Mark na. Magkakasama na pala ang mga hayop, hindi man lang ako tinawag. Bakit parang sila yung pinagkakaguluhan? ANSWER ME! Hindi ko na rin makita yung mga blockmates ko. Ay peste talaga!
Pia! Halika dito! Daliiii! Sigaw ni Mark.
Ano?! Nakabusangot kong sagot.
Bakit ganyan itsura mo? Ang aga-aga!
Yun nga eh! Ang aga-aga! Monday pa man din ngayon tapos ang gulo-gulo ng earth. Asar kong sabi. Totoo naman eh. Naiirita ako. Parang wala ako sa kabihasnan.
Sige na, mauna na ako. Baka mamaya nandun na yung prof namin sa Chem. Nakasimangot ko pa ring sabi papalayo sa kanila.
Sophia! Wait up! sigaw ni Kevin.
Bakit?!?!?!
Ang aga talaga ang sungit mo! Ito pinabibigay ni Ate Faye. May inabot naman siya sa aking sobre. SOBRE? What is meron?
Thank you. I answered with a straight face. Siya naman nag-smile lang ng paglaki-laki n_______________n itsura niya kanina.
Naglakad na ako across the field kasi nga baka ma-late na ako. Narinig ko naman yung ibang nagbubulung-bulungan.
Kabarkada pala nila si Kevin! Ang swerte nila ate!
Mukha ngang close sila nito ni Ate. Kyaaaaaa. Kilig? Anong kakilig-kilig dun?! Bwisit. Nagpunta na rin ako sa room at hindi ako tinigilan ng tatlo.
Hindi mo namang sinabing close kayo ng kapatid ni Fafa Yosef! Kuya Yosef? Anong meron?
Anong meron? Best friend nga po kasi ni Mark yun. Saka kahapon ko lang nakilala yun no. FC siya eh -__- Oo na, badtrip pa rin ako.
Si Yosef! Yung sikat na model! 'teh naman eh. Hindi ka ba nanonood ng TV?
Nanonood. Pero minsan lang sa local networks. Ayaw ko ng pinapanood nila Mama eh. Mukha ngang ako lang ang walang alam. Ajujujuju.
Ay ewan ko sa iyo Pia. Ewan ko rin sa inyo -___- BV much? Ewan, naiirita talaga ako ngayon. Dumating naman ang prof. Badtrip talaga ako kaya naka-focus lang ako sa lesson sa loob ng 4 hours. BIRUIN MO, 4 hours...hindi ako nagsasalita. Wala. Sulat lang nang sulat. Lunch break na kaya WOOO! Makakakain na din.
Paglabas ko nang room, bigla namang may humawak sa braso ko at hinila ako papuntang cafeteria.
Huy, teka sandali! Sino ka ba? Di ko kaya nakita ang mukha.
Kevin.
-
UPDATE UPDATE DIN! ~~ Dahil na rin sa request ni
@iamnhicauy! Ito na po~ HAHA.
Lame update is lame yooo! May nagbabasa pa ba?! Mag-comment kayoooo! xD