CHAPTER 2 - FailGood morning earthlings! Oh yeah. Ang ganda ng gising ko. Syempre napanaginipan ko si JM… Alam na! HAHA. Tsk. Wala PA naman kasing nangyayari pero isshare ko pa rin ang wonderful dream ko.
Once there was a super ganda slash sexy slash matalino slash mayaman creature named Aya Matsumoto… Suddenly, a super duper mega extra hottie named Justine Michael Garcia appeared and then they lived happily ever after! THE END
Ay ang ganda ng napanaginipan ko… So back to reality na tayo. Ako ay masayang bumangon at naligo na ako kaagad para makapagprepare sa school. Pagkatapos ko maligo naupo ako sa dining room upang kumain ng breakfast.
“Itadakimasu!”Syempre kailangan ko pa rin i-apply ang pagiging Japanese ko kahit nasa Pinas ako
“Ohayou onee-san!”“Oh. Ohayou Mai-chan!”NOSEBLEED KAYO NOH? Haha. Well. Nagbabaksayon kasi dito si Mai. Ang super cute na younger sister ko. 6 years old siya. Sa Japan siya lumaki at doon siya nakatira kaya hindi siya marunong magtagalog. Gusto nyo malaman meaning ng pinagsasabi namin? Oh yeah. May google naman

Hehe sorry na, hindi kasi masyadong important. PERO sige dahil mahal na mahal ko kayo isshare ko na.
Itadakimasu = Let’s eat/ basta sinasabi ito palagi before eating
Ohayou = Good morning
Onee-san = Elder sister
-chan = honorific used for young girls
“Manang, ingatan mo si Mai ha. ‘Wag mo po siyang pababayaan, papasok na ho ako sa school.”“Sige ingat ka Aya.”“Salamat po!”So hinatid ako ng aking beloved driver na si Manong Akira gamit ang oh so shiny car ko. HAHA pati ang driver ko Japanese din? Hehe kasi naman si father dear, maraming dinalang people sa Pinas. Ewan ko kung bakit pero siguro para may makatulong sa business nya. Binuksan na ni Manong Akira ang aking car. It’s time for me to shine! Pagbabang pagbaba ko sa tapat ng gate ng aking super big school…
“Woah…” Eto nanaman tayo. Kailangan masanay na kayo.
Did you know that 99% of our school’s population are experiencing neck pains every morning? Kasi… DUMADATING AKO. Oo totoo ‘yan. Nagkaka stiff neck sila kasi makalingon sila sa akin parang walang bukas
Eh anong nangyari sa natirang 1%?
TSK. Syempre. Si JM Garcia. Sino pa ba? ARGGH ang aga aga nasstress ang beauty ko. Okay na sana e. AISH. Kapalan ko na lang ulit mukha ko…
“Excuse me. Excuse me sabi. TABI!!!”Haha hindi na nakapag-intay. Andami kasing humaharang e. DADAAN AKO OKAY? Magsilayas kayo sa harap ko! After ma disappear ng madlang people sa harap ko, lumarga ako sa tabi ni fafa JM.
“Good morning JM!” I smiled, yung tipong abot anit.
“Uhh good morning din.”KYAAAAAA buo na araw ko.
“Sabay na tayong umakyat sa room ha?”
“Ano pa bang magagawa ko e kasabay mo na ako?”
“Hmph. Sungit.”
“May sinabi ka?”
“Sabi ko ang hot mo.”
“HA?”
“Bingi ka ba talaga? Sabi ko ang hot dito tumatagaktak na nga ang pawis ko. See?” Aish. Parang fail na agad ang mission#1 ko. Nakakaasar. Sige maldita na kung maldita. Wala akong magawa e, ayaw nya magtago. Edi ‘wag. Why hide my true identity when I know I’m pretty? ANO RAW? Oo ang labo sorry na.
“Ah.”Hayy nako kahit suplado ang prince charming ko, gwapo parin! Pero bakit ganoon? Okay naman kami nung una kaming mag usap a.
“Hoy! Anong tinitingitingitingitingin mo jan ha?”“Oh Jamey, pwede bang itabi mo muna yang nakakasawang peys mo?”“Ouch ha. Ouch. Hayy nako, kung nakakamatay lang ang tingin, double dead na si JM sa iyo!”“Ang OA mo naman teh!”“Guys pasok na tayo magsstart na ang class.”“GUYS ka jan?! Nasaan?”“Nako ewan ko sayo Jamey”“Oy tara na baka *chew* malate tayo *chew*”Sige na nga pagbigyan ang mga kaibigan. Minsan lang ‘yan. Palagi kasi akong nasusunod maganda raw kasi ako

So pumasok na kami sa room and then umupo na ako. Syempre heaven nanaman ang feeling, katabi ko crush ko remember? Pero maarte ako. Magpapaka demure muna ako para masaya.
“Himala.”I gave JM a “what-do-you-mean” look.
“Ang tahimik mo ata ngayon?”Aba pinapansin pala ng fafa JM ko ang mga kilos ko. Napangiti naman ako doon. Mukha akong baliw!
“Eh nakakahiya naman po kasi sa iyo e. Masyado ka pong masungit ngayon, baka kapag nag ingay ako e mag explode na ang brain cells mo. That’s so ewwwww. Kadirdirs. Hindi ako maglilinis ng mga nagkalat na insides mo rito no.”“WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”Aba humalakhak ang loko. Nakakatawa pala ‘yon? O.o
“Mr. Garcia!”Uh oh. Nako naman. Ang OA much naman kasi. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko? WALA NAMAN RIGHT? Mapapagalitan pa tuloy siya ngayon. TAKE NOTE, dahil pa sa akin! Ako pa! Ako na super ganda slash sexy slash ma-… Tama na, naririndi na kayo e. Siguro memorized nyo na ‘to?! HAHA JOKE LANG.
“Yes ma’am!”“Mamaya na kayo magligawan ni Aya jan. Nagsasalita ako rito sa harap.”“YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIE”Oh my. Kilig pwet naman ako. Syempre ang saya kaya ng feeling nung nili-link ka sa crush mo

HOHO.
“Hayy nako, napahiya pa ako dahil sa iyo!”Ouch. Sinungitan nanaman ako ni fafa JM. Bawas ganda points >< Pero kahit na, try and try until you die! Hindi ako susuko. Kahit anong mangyari, mapapasaakin ka JM GARCIA!!! BWAHAHAHAHA.
JM’s POVGrabe. Second day ko pa lang sa school na ito napahiya na agad ako? Aish. At ano ang dahilan? Ang pesteng si Aya lang naman. Nako kahit maganda siya… Hindi ko talaga maintindihan pero parang may mali sa buong pagkatao nya. Parang may something sa tiyan ko kapag nakikita ko siya. Don’t get me wrong ha, hindi ako natatae kapag nakikita ko siya. Ewan ko pero nung first time ko siya makausap, may nagsasabi na sa akin na “layuan mo siya!!!”. Nagmumukha na akong autistic kasi ang dami kong naririnig na boses na parang konsensyang ewan. Kaya mas minabuti ko na lang na magmatigas at huwag na lang siyang kausapin. Pero bakit ang bitter ng tadhana sa akin? Nakalimutan ko kasi, mahirap palang gawin iyon kasi katabi ko siya. Hayy nako. Ano naman kaya mangyayari sa future ko?
Natapos na yung subject kung saan ako napahiya. Badtrip! Sa sobrang inis ko tumayo ako agad at pumunta sa canteen para maghanap ng malalamon. Nakakaasar naman kasi. Idadaan ko nalang sa pagkain ang nararamdaman ko. Weh?
“Hi JM. Ililibre kita you want?”
“No thanks.”
“Oh sige bayaran mo na lang.”
“Alam mo Aya…”
“’Di pa.”
“TANTANAN MO NGA AKO!”Napasigaw naman ako sa canteen. Nagtinginan lahat ng tao sa akin. Dalawang beses na akong napapahiya ng babaeng ito a. Sumusobra na.
“Iya da.”“Ano?!”“Sabi ko ayoko.”“Ay nako ewan ko sayo.”Lumayo nalang ako sa kanya baka makatanggap ako ng 3rd embarrassing moment ngayong araw na ito. Nako… Ano bang gulo ito? Pigilan nyo ako, baka makalimutan kong babae siya
CREDITS TO ATE IRISH (ayreezh) hehe. Sakanya ko po kasi napulot ang DEMURE at BRAIN CELLS
Hehehehe. Maraming salamat po! COMMENT PO KAYO! Salamat! 