Teentalk

Author Topic: Fill the Emptiness...  (Read 468 times)

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
Re: Fill the Emptiness...
« Reply #30 on: January 18, 2012, 09:56:08 pm »

Saichi's Note:
 
O______________O sino/ano kaya yung humila kay Shar? ahahahhaa.. avangan na lang readers~ next week friday or saturday po ako makapag-update ulet.
 
busy this week.. practice practice practice.. malapit na kasi ang valentines then may double concert kami sa mall... =_________=
 
Einiweiz, hope you like my update tonight.. vote, comment and fan if you likey likey! thanks!
 
ciao~  (^__^)/

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
Fill the Emptiness...- Chappy 13
« Reply #31 on: January 25, 2012, 10:40:17 pm »

Chapter 13
 
 
 
 
(Shar's POV)
 
 
 
May bigla namang malamig na kamay na humila sa akin.
 
 
 
"AAAAAAAAAAAAHHHH-mmmffh!!" biglang tinakpan naman ng isa pang malamig na kamay ang bibig ko. "JIMHGOISOIEHHGOIWEUSDKFHGHPPH!!!" pagpupumiglas ko.
 
 
 
" Shar! Si Benj ito! Wag ka ngang sumigaw diyan ako'y kinikilabutan sa'yo." tapos tinanggal na niya ang kaniyang kamay mula sa bibig ko.
 
 
 
"Eh ikaw nga diyan! Susulpot-sulpot bigla tapos ang lamig-lamig naman ng kamay! Bakit ba yan malamig?"
 
 
 
"Eh kasi po nakita ko na yung maliit na lawa na yan at para masigurado kong lawa nga ay binasa ko yung mga kamay ko sa malamig nitong tubig"
 
 
"Talaga? Nakita mo na?"
 
 
"Oo naman! Ang galing ko yata!"
 
 
"Hay salamat naman at nang makaalis na tayo dito. Habangtumatagal ay mas lalong naninindig ang mga balahibo ko!"
 
 
"Shar..."
 
 
"Huh? Bakit?"
 
 
 
Hindi siya nagsalita sapagkat may nginunguso siya sa bandang likuran ko.
 
 
 
Lumingon naman ako at nakita kong andiyan pa rin yung aso kanina na tumahol. Ngayon ay para siyang tao na nagmamasid sa amin.
 
 
 
"A-ahh.. B-Benj pwede bang... umalis na tayo dito? Saan bang banda mo nakita yung maliit na lawa?" mahina kong sabi kay Benj sabay tawa ng nerbiyos.
 
 
 
"Kanina pa ba siya andiyan?"
 
 
 
Tumango lang ako sa kanya. Nanginginig na ako sa takot dito.
 
 
 
"Na tumitingin sa'yo?"
 
 
 
Tumango ulit ako.
 
 
"B-Benj... let's go please...?" hinawakan ko ang kamay niya and slightly tugging him to walk away from that big black, with glowing yellow eyes, scary dog.
 
 
"No"
 
 
"Ha?" Napatanga naman ako sa sinagot niya. Problema nito? Ayaw ba nitong umuwi? o.O? Gusto na niya mamuhay dito sa kagubatan? Ala Tarzan?  -______-
 
 
"Not before we'll to talk to him."
 
 
"Him? Sino?"
 
 
"Ang aso. Tara, kausapin natin siya."
 
 
Hinawakan niya ang kamay ko at sinimulang hilahin ito.
 
 
 
Nabaliw na ba si Benj? Nakakatakot nga tignan ang aso tapos lalapitan pa namin? Worst is KAKAUSAPIN pa? May sapi na ba siya? Nasapian siguro to ng sampung iba't-ibang klaseng nilalang habang naghahanap ng  maliit na lawa kanina.  =_____=
 
 
 
"B-Benj" tawag ko sa kanya while resisting his pull on my hand "alis na tayo please? Bakit naman kausapin pa natin yang aso? Makakaintindi ba yan? Iiwan talaga kita dito pag magsalita yan."Natatakot kong saad.
 
 
 
Natawa naman siya sa sinabi ko.
 
 
 
"Wag kang matakot basta ako ang bahala."
 
 
 
Hinila niya ako kasama niya palapit sa aso.
 
 
 
Nang makalapit na kami ay tumayo ito ng maayos while wagging his tail.
 
 
 
"Brophy, show us the trail that will lead us to the main road."
 
 
 
"Arf! Arf!" Jusme! kung makatahol wagas! Ang laki-laki at lakas-lakas ng boses ng asong to! Pero sosy ah... nakakaintindi ng english teh!
 
 
 
Nagsimula nang lumakad ang aso.
 
 
 
Tumingin naman ako kay Benji. Yung tinging nagtatanong.
 
 
 
He just smiled and said "Watch and learn"
 
 
 
"Arf! Arf!" Susme! Nagalit ang aso dahil hindi kami sumunod agad sa kanya.
 
 
 
"See?" Nakangisi pang sabi ni Benj.
 
 
 
Anong 'see-see' ba pinagsasabi nito? Eh kung siya kaya sisisihin ko kung maligaw kami dahil may 'show us the trail' pang nalalaman na sibihin sa aso.
 
 
 
Sumunod lang ako sa kanila. Alangan namang magpaiwan ako sa gubat? No thanks!
 
 
 
Dito lang ako sa likod nila habang sila ay NAG-UUSAP. Oo tama ang nabasa niyo readers, NAG-UUSAP ang dalawang unggoy-este ang isang tao at isang aso pala. At ako'y nao-OP.  =___=
 
 
 
Buti naman at nagkakaintindihan sila. Kahit na ang isa ay salitang 'arf' lang ang naririnig kong sagot. =_____=
 
 
 
Lakad lang kami ng lakad. Sinusundan kung saan liliko ang aso. Nadaanan na nga namin yung maliit na lawa na yun. Parang short cut nga to ang tinatahak namin dahil hindi nagtagal ay nakita na namin ang main road.
 
 
 
Haaaay... salamat naman!
 
 
 
Thanks kay doggie!
 
 
Lumapit naman ako kay doggie ewan, nakalimutan ko pangalan, at nagpasalamat dito.
 
 
 
"Thanks doggie ah at hinatid mo kami dito"
 
 
 
"Arf! Arf! Aaaarf arf arf!" Okay nice talking to you. Naiintindihan ko talaga pinagsasabi mo. Promise! =_____=
 
 
"Sabi ni Brophy ay walang anuman daw iyon. Masaya siya at nakatulong siya sa atin."
 
 
"Ows?"
 
 
"Arf! arf!" tahol naman si Brophy na parang kinumpirma niya na totoo yung sinabi ni Benj.
 
 
 
O di ba kahit papaano ay nakakaintindi na ako ng kaunting 'doggie langguage'. Sige lang, paturo ako kay Benj niyan, mukhang interesting na subject eh.
 
 
 
Pinat naman ni Benj yung ulo ni Brophy. Na-excite naman ang aso sa gesture na yun.
 
 
 
"Thanks Brophy, till we meet again."
 
 
 
Nag-whine naman konti yung aso na parang nalulungkot pagkatapos ay lumakad ito pabalik sa kagubatan at nawala sa dilim.
 
 
 
Nanindig bigla ang balahibo ko. Wala naman akong rason na matakot pa dahil nakabalik na kami dito sa main road ngunit kinilabutan muli ako nang makita kong nag-vanish ang aso sa dilim.
 
 
 
Nah... guni-guni ko lang yun. Kaya nga nag-'vanish' dahil madilim. Tss...  -_____- Tinatakot ko lang sarili ko eh.
 
 
 
"Sino yun- este ano yun Benj?"
 
 
"Aso"
 
 
 
"Oo alam ko aso yun, I mean ba't mo kilala? Aso niyo ba dati yun at napadpad dito?"
 
 
"Nope"
 
 
"Eh ba't alam mo ang pangalan?"
 
 
"Kasi gwapo ako" nakangiti niyang sabi.
 
 
"Wag ka nga Benj! Pero seryoso, bakit mo kilala yung aso at sosyal ah! Nakakaintindi ng english! Feel ko ikorek pa ako nun sa grammar"
 
 
"Naman! Matalino yun eh!"
 
 
"Paano mo nalaman?" tinaasan ko siya ng kilay.
 
 
 
"Kita mo naman nakakaintindi sa akin. Isang matalinong aso lang ang nakakaintindi sa isang tao."
 
 
 
"At bakit mo rin siya naiintindihan?"
 
 
 
"Kasi isa akong matalinong tao" proud pa niyang sabi.
 
 
 
"Ah ganun? So ang hindi nakakaintindi ng 'doggie langguage' ay bobo?"
 
 
"Wala akong sinabing ganyan. Alam mo, mabuti pang sumakay na tayo sa kotse at nang makauwi agad. Malayo-layo pa ang i-biyahe natin."
 
 
 
Sumunod naman ako sa kanya sa kanyang kotse. Di ko na dinala ang Porsche ko dahil andito naman si Benj. Siya naman nag-alok sa akin na sa kanya na lang ako sumakay since partner naman kami sa survey na'to at mas mabuting kasama kami para naman ma-discuss pa namin ang mga iba pang kailangang gawin habang nasa biyahe.
 
 
 
Nagtataka pa rin talaga ako sa malaking asong yun at bakit parang kilalang-kilala siya ni Benj at pati na rin ang aso sa kanya.
 
 
 
"Benj, kanino yung aso?"
 
 
 
"Kanino yung aso? Pwede bang sabihing secret?" mapaglaro siyang ngumiti sa'kin.
 
 
 
"Naku Benj, hindi na nga kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa'kin." I gave up. Eh mukhang wala talaga siyang balak sabihin sa akin ang totoo.
 
 
 
"Good. There are things that are better left unsaid." makahulugang tumingin naman siya sa'kin then we drove off.
 
 
 
 
 
 
 
 
***********
 
 
 
 
 
Naalimpungatan ako na parang may bumuhat sa'kin.
 
 
 
Idinilat ko konti ang mga mata ko at nakita ko ang poging mukha ni Benj.
 
 
 
Binuhat niya ako.
 
 
 
"Benj?"
 
 
"Hush baby... don't worry ilalagay lang kita sa room mo. Alam kong pagod ka kaya di kita ginising."
 
 
 
Tumango lang ako. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Siguro nga napagod lang talaga ako kanina kakalakad namin habang nagsu-survey naghahanap ng mga residence.
 
 
 
Nakatulog agad ako muli.
 
 
 
Di ko nga naramdaman kung nahiga na ba ako sa kama. I feel numb due to exhaustion. Nakakapagod ang araw na'to. Madali lang akong mapagod sa biyahe. Kumusta na kaya si Khyler? I kinda miss him. We haven't talk for almost a month now even though we're neighbors. Nah... i'll talk to him soon... then I drifted to my deep slumber with the last thought of Khyler.
 
 
 
 
 
 
 
 
(Benj's POV)
 
 
 
 
Andito ako ngayon sa sofa sa kwarto minamasdan si Shar habang parang anghel na natutulog.
 
 
 
Nagulat nga ako nung binanggit niya ang pangalang Khyler. Si Vince ba tinutukoy niya?
 
 
 
Nakaramdam naman ako ng selos. Masakit isiping yung taong mahal mo ay ibang pangalan ang binabanggit sa pagtulog.
 
 
 
Alam kong wala akong karapatang mag-selos ngayon dahil hindi naman kami ni Shar but I can't help feeling this way.
 
 
For all I know ay friends lang sila Vince and Shar. But everytime they met I can see the way each of them look to the other's eyes. It seems like they're sharing something we do not know.
 
 
 
Tumayo ako at lumakad patungo kay Shar. Umupo ako sa gilid ng kama and I caress her beautiful face. Then my finger ran at the side of her lips.
 
 
 
I'll do anything just to see this lips smiling and laughing happily everyday.
 
 
 
She brightens my day. She reminds me of someone before. Whom my mind forgot.
 
 
 
*Sigh*
 
 
 
I bowed slowly and kissed her at her forehead. Hope you'll learn to love me Shar. I think I know already whom you truly love but I can never give up without putting a fight of what I feel for you.
 
 
 
Tumayo na ako at pumunta sa sofa at nang makatulog na rin. Buti na lang walang klase bukas dahil holiday. Kung iniisip niyong nakauwi na kami, well nagkakamali po kayo. Andito kami ngayon sa isang inn. Delikado nang magbiyahe paghatinggabi at lalung lalo na kung inaantok ang driver. So I decided to brought to us to inn to spend the night at makatulog kami ng maayos. At gigisingin ko na lang tong isang to bukas ng maaga para makauwi na.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
*************
 
 
 
 
 
 
(Shar's POV)
 
 
 
 
 
"Shar..." naramdaman kong may yumugyug sa'king sexyng balikat.
 
 
"Shar, gising na kailangan na nating umuwi."
 
 
Umuwi? Di ba nasa kwarto na ako? Yun ang natandaan ko kagabi eh. Sabi niya ihahatid niya ako sa kwarto ko.
 
 
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
 
 
Naks! Unang bungad pa lang pagmulat ko eh ke gwapo-gwapo na ng view!
 
 
"Benj, mukha mo ang lapit"
 
 
"Sorry, sarap mo lang kasing tignan. Nakakaengkanto ang ganda mo. Ngayon pa lang ako nakakita ng babae na mas lalong gumaganda pagkabagong gising."
 
 
"Asus! Ang aga-aga pa Benj para mambola!"
 
 
Pero feel ko namumula ang mukha ko ngayon. Si Benj ang ikalawang tao na sinabihan ako ng ganyan. Alam niyo naman siguro kung sino yung unang nagsabi sa'kin ng ganyan. And speaking of which, I've decided na bisitahin siya ngayon sa condo niya.
 
 
 
I surveyed the room. Hindi nga ito ang kwarto ko.
 
 
 
"Saan ba tayo?"
 
 
 
"Nasa inn tayo ngayon. I decided na dito na lang tayo magpalipas ng gabi since napagod ka na sa biyahe at delikado na ring magdrive dahil inaantok na ako. Nakakapagod talaga kahapon."
 
 
 
"Maglakad-lakad pa naman daw ng kilo-kilometro? Sino bang hindi mapapagod dun? Bakit kasi ang liit-liit lang daan para naman makasakay tayo ng kotse at hindi naglalakad noh!"  Ang sakit-sakit na nga ng paa ko nun! Di lang ako nag-reklamo para less burden.
 
 
 
"Oh tama na, tapos na yun. Ang importante ay uuwi na tayo at nang totally na makapagpahinga na. Okay?"
 
 
 
"Okay" Tumayo na ako sa kama tinungo ang banyo at naghilamos at nagmumog. Hindi naman kami makapagligo dahil wala naman kaming dalang damit na extra. Kaya sa pag-uwi na lang namin gawin ang mga morning rituals na yun.
 
 
 
 
Hinatid ako ni Benj sa Condominium ngunit di na siya bumaba ng kotse para daw makapagpahinga agad ako pagdating ko sa loob. Dahil baka daw kung sasamahan pa niya ako sa unit ko ay baka ayaw na niyang umuwi pa. Loko talaga. May balak pang tumira sa bahay?
 
 
 
Pagkapasok na pagkapasok ko sa unit ay naligo agad ako at natulog. Tutal 7:30am pa naman ngayon at walang klase dahil holiday kaya pwede akong matulog buong araw! Ang saya-saya! XD
 
 
 
Mamayang 5pm ko na lang bibisitahin si Khyler at alamin kung anong problema nun at ang lakas nang mang-dedma ngayon.
 
 
 
 
 
 
***********
 
 
 
 
Nagising naman ako mga bandang 4pm. Tamang-tama at gutom na ako. Pagkatapos kong kumain ay pinuntahan ko na si Khyler sa kanyang unit.
 
 
"Khyler?" Kumatok ako. Bukas kasi ng konti ang pintuan.
 
 
 
"Khyler? Andiyan ka ba?" wala pa ring sagot.
 
 
 
"Pasok ako ah?" bahala ka diyan. Papasok ako dahil bukas naman ang pintuan.
 
 
 
Nang makapasok ay may narinig akong tawa ng isang babae mula sa kwarto niya. Tapos kasunod nun ay umungol ito ng malakas at impit na sumigaw pagkatapos ay tumawa ulit.
 
 
 
SH*T!
 
 
Nanindig lahat ang balahibo ko sa narinig. Alam ko kung anong klaseng tunog yun. Sh*t lang talaga!
 
 
Dali-dali naman akong lumabas nun. Ngunit sa pagmamadali ko ay napatid ako sa paanan ng sofa at natamaan ang ulo ko sa divider sa gilid lang nito nang ako'y matumba ang resulta?
 
 
Blackout.
 
 
 
 
 
 
 
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 
 
 
 
Saichi's Note:
 
 
Vote, fan and comment all ya want readers~!!! enjoy lang po sa pagbabasa! ciao~  (~,^)v
 

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website