Teentalk

Author Topic: WANTED: KUYA...?  (Read 1243 times)

anjie_azend

  • jellybean
  • **
  • Posts: 243
  • Karma: +36/-0
  • simple teenager with simple dreams <3
    • FB
Re: WANTED: KUYA...?
« Reply #45 on: January 14, 2012, 06:06:20 pm »
hi Jinjin! Saichi here~ thanks at nagustuhan mo ang story.. gonna update maya-maya~ so watch out!  ;)

Naks! Makaupdate naman wagas! :) Dalawa agad! HAHAHAHAHA. Naku, kakatakot naman ni K, tumba agad si MIB!  ;D ;D Kawawa tuloy ang dalawa. Pilay na nga aabutin pa talaga yun ng sermon sa amo nila. Tssss! ^^ Papa, Jerwin, kung makatawa ka naman, mukhang wala nang bukas. Baka atakihin ka sa puso niyan. Ay wait, bawi ko sinabi ko, baka magkatotoo, mawalan pa tuloy ako ng lovelife  :D :D <inangkin ba naman?> Saichi! Cute naman ng name mo. Love na love ko updateS mo. weeee~
I don’t need SUPERMAN, I just need a MAN who has NO OTHER WOMAN.

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
Re: WANTED: KUYA...?
« Reply #46 on: January 14, 2012, 09:17:42 pm »

ahahaha... tawa naman ako sa comment mo!  ;D  tenchuu talaga!  ;)



Naks! Makaupdate naman wagas! :) Dalawa agad! HAHAHAHAHA. Naku, kakatakot naman ni K, tumba agad si MIB!  ;D ;D Kawawa tuloy ang dalawa. Pilay na nga aabutin pa talaga yun ng sermon sa amo nila. Tssss! ^^ Papa, Jerwin, kung makatawa ka naman, mukhang wala nang bukas. Baka atakihin ka sa puso niyan. Ay wait, bawi ko sinabi ko, baka magkatotoo, mawalan pa tuloy ako ng lovelife  :D :D <inangkin ba naman?> Saichi! Cute naman ng name mo. Love na love ko updateS mo. weeee~

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
WANTED: KUYA...? - Chapter 10
« Reply #47 on: January 14, 2012, 09:26:11 pm »

Chapter 10
 
 
 
 
 
(Kate's POV)
 
 
 
Alam niyo ba kung anong nangyare nang dumating si daddy?
 
 
 
 
 
Wala.  XD
 
 
 
 
Yeheey!
 
Walang sinabi si kuya tungkol sa nangyare at di naman alam ni nanny Silva.
 
So i'm safe sa galit ni daddy.. kekekeke..  (n.n)v
 
Maaasahan talaga to si kuya. Kaya nga partners in crime ko yan eh!  XD
 
 
 
 
 
 
 
(MM's POV)
 
 
 
"Ano??! Ang lampa-lampa niyo naman! Di kayo naging tauhan ng pamilya namin sa wala! Alam niyo namang yun na ang magandang pagkakataon natin dahil nakalusot tayo sa kabilang kampo! At alam niyo ring hinding-hindi na natin magagawa yun muli dahil natunugan na nila tayo!"
 
 
"Eh boss-"
 
 
"Umalis na kayo!!"
 
 
Nakayukong dali-dali namang umalis ang mga gunggong.
 
 
Tch!
 
 
Muntik na sana yun. Hinayaan pang makawala ng mga g@go. Siguradong mahihirapan na kami dahil alam na 'nila'.
 
 
 
 
 
 
 
 
(Kate's POV)
 
 
 
Sunday.
 
 
 
 
Hmmmm.. ano kayang magandang gawin ngayong sunday at walang pasok.
 
 
*Ting!*
 
 
Tama! Mag-shopping!
 
 
=_____= <---- Ako yan.
 
 
Naaalala ko na naman ang nangyare kahapon. Parang ayaw ko na tuloy lumabas. Sino ba namang gustong lumabas na alam mong may naghahanap sa'yo.
 
 
Okay lang sana kung prinsipe ang nagpapahanap sa'kin. Kaso parang malabo naman yan mangyare. Sa hitsura ng mga yun ay parang goons at sanay sa bakbakan, swerte ko nga lang at naunahan ko sila kaya di na sila nakapag-react pa. At siyempre hindi tatakutin ang prinsesa niya if ever prinsipe ang naghahanap sa'kin. So malabo talagang prinsipe ang nagpapahanap sa'ken. -_________-
 
 
Haba naman ng hair ko kung iisipin ko talagang isang prinsipe nga. =_______=
 
 
Buti alam mo..
 
 
Oh ayan ka na naman.
 
 
Andito naman ako palagi ah. Ang iyong magandang konsensiya.
 
 
Excuse me, mas maganda ako sa'yo noh.
 
 
Okay... pagbigyan... -___-
 
 
Tche! Kung pwede lang kitang sabunutan ay matagal ko nang nagawa! -____-
 
 
Behlat!  XP
 
 
Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko! Grrrr... Arf! Arf!
 
 
Oh nose! Takot ako sa may rabis! *takbo*
 
 
Good! At lumayas na nga. XD
 
 
 
Andito lang ako sa kwarto ko, sa kama ko pagulong-gulong. Nabo-bore na talaga akooo~
 
 
Si kuya naman nagmukmok sa kwarto. Ewan ko lang kung anong ginawa. Baka nag-drugs na yun dun.
 
Baka nagbigti, o baka naman naglaslas sa sarili para may thrill sa buhay. Buti yung ganun at nang mamatay na siya.
 
 
PERO! Hindi diyan nagtatapos ang storya ni kuya sa loob ng kwarto niya. Muli siyang mabubuhay nang dahil sa'kin. Kakagatin ko siya sa leeg upang maging ka-uri ko at sasambahin niya ako na parang diyos at gagawin niya lahat ang pinag-uutos ko na parang alipin! Muwahahahaha! *kidlat at kulog epek with ulan*   >XD
 
 
Para na akong timang dito sa kawalan ng magawa.
 
 
"Para ka ngang timang diyan."
 
 
Kuya?
 
 
Lumingon ako sa may pintuan. And lo and behold! My shining, shimmering, uber duper gwapo na kuya ay nakasandig sa pintuan ko.
 
 
"Alam ko pinag-iisip mo diyan. Hindi ako maglalaslas at magbibigti para lang makahanap ng thrill sa buhay."
 
 
Teka.. paano niya nalaman ang lahat ng yan?
 
 
"Alam ko dahil ako ang kuya mo."
 
 
Konek? o.O??
 
 
"At lalung-lalo nang ayokong magpakagat para maging kauri mo. Ayoko ngang maging baliw. Kung gusto mo ng thrill sa buhay ngayong araw na'to ay sumama ka sa'kin."
 
 
"Bakit kuya? Anong gagawin natin? Magbibigti at maglalaslas din tapos magpapakagat sa iba?"
 
 
"Sumama ka na nga lang! Ang weird mong mag-isip."
 
 
"Mas weird ka dahil nalaman mo ang mga nasa isipan ko."
 
 
"Paano namang hinde eh mukha mo pa lang kita-kita na."
 
 
"Bakit? Ano bang nasa mukha ko kuya? Maganda di ba?"
 
 
"Mukha kang baliw na pangisi-ngisi na nag-iisa at nakatanaw sa kawalan."
 
 
"Kuya naman eh! *pouts* Sige na nga! Gora na tayo sa ating date! Saan ba tayo pupunta at nang makapili ako ng tamang damit sa ating pupuntahan."
 
 
"Di na kailangan ng appropriate dress, basta wag ka lang mag-heels at magpalda."
 
 
"Copy that!"
 
 
Ayun nag-ayos na ako at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto at nakita ko si kuya sa sala at nakapagbihis na rin.
 
 
"Oh? ang bilis ah! Naunahan mo pa ako."
 
 
"Di naman ako tulad mo na kukupa-kupad."
 
 
Tss... Oo na! Oo na! Ikaw na si Flash sa bilis! -____-
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
*********
 
 
 
 
 
 
 
 
Whew! Napagod ako sa date namin kuya. Kararating lang namin galing dun!
 
 
 
Alam niyo kung sa'n kami pumunta? Sa Star City lang naman.
 
 
 
Para kaming mga bata dun at walang tawad kaming sumakay ng PAULIT-ULIT sa LAHAT ng rides. Oo! Tama ang
nabasa niyo. LAHAT ng rides ay PAULIT-ULIT naming sinasakyan. Para bang ipa-ban na ang Star City at hinding-hindi na namin to makikita muli habang buhay. -_____-
 
 
 
Buti naman at safe kaming nakapaggala at nakauwi naman ng maayos. Wala akong nakita na umaali-aligid sa amin. Natakot na siguro. Napagisip-isip na siguro ng mga yun na iba na lang ang huhuntingin. Yung hindi marunong pumalag sa kanila.
 
 
 
Nakatihaya ako ngayon sa kama ko at hindi pa nakapagbihis. Nakapag-dinner na din kami ni kuya sa labas.
 
 
 
Gusto ko nang matulog dahil napagod ako sa date namin ni kuya at may klase pa bukas. Ngunit may nararamdaman akong parang may nakaligtaan ako na dapat gawin kaya di ako makatulog. Hmmmmm....
 
 
 
*Isip isip*
 
 
 
 
 
*isip isip*
 
 
 
 
 
 
*isip isip*
 
 
 
 
 
 
*Ting!*
 
 
 
 
 
Ayun! Yun yun eh!
 
 
 
Teka ano nga ba yung naisip ko. Biglang nawala. Hahagilapin ko muna ulit.
 
 
 
 
Hmmmmmm....
 
 
 
 
*Ting!*
 
 
Ayun! Nahuli ko ulit!
 
 
Tama! Yung box pala ang nakaligtaan kong buksan.
 
 
Bubuksan ko na'to ngayon.
 
 
Kinuha ko na
 
 
yung maitim na maliit na box mula sa pinagtaguan kong secret drawer.
 
 
Ayan.. mabubuksan ko na talaga to sa wakas!
 
 
Dahan-dahan kong kinuha ang seal nito. Oo, may seal nga, ang sosyal.
 
 
*Click*
 
 
Ayan! Bumukas na siya!
 
 
Huh?? o.O??
 
 
Papel?? Tinupi-tupi ito hanggang sa magkasya sa loob ng maliit na box. Binuklat ko ito at hulaan niyo kung ano ang laman...
 
 
 
Hulaan niyo...
 
 
 
 
Hulaan niyo...~
 
 
 
 
Sige na dali! Hulaan niyo nah!
 
 
 
Okay, sasabihin ko na lang daw sabi ni Ms. Otor dahil wala naman daw manghuhula sa inyo. -____-
 
 
 
 
Ang laman ng papel na short bondpaper na tinupi-tupi pa talaga upang mapasok sa maliit na box ay...
 
 
 
 
*drum rolls*
 
 
 
Pangalan ko LANG.  =____=
 
 
Naglolokohan ba tayo dito? Sabihin niyo lang at ipapamurder ko kayo. -____-+
 
 
 
Sa short bondpaper ay nakalagay sa gitna nito ang buong pangalan ko. All capital letters pa!  Di na lang ginawang back-to-back ang paglagay para naman di sayang ang mga natitirang spaces ano? Tapos ang liit pa ng pagkakasulat ng buong pangalan ko. Di halatang nagtitipid eh noh?
 
 
 
Expect ko pa naman na mahabang sulat ang nakapaloob sa papel na'to. Walang kwenta!
 
 
 
Hinagis ko sa table ang box pati na rin yung papel at sumalampak ulit sa kama ko.
 
 
 
*Tak!* ( Yan ang tunog ng may nahulog sa sahig. Weleng eengel... +___+)
 
 
 
Huh? Ano yun? Parang may nahulog.
 
 
 
Sinipat ko yung sahig at... yun nga! May nakita akong kuminang na bagay di kalayuan sa table ko.
 
 
 
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pinulot ito.
 
 
 
Familiar...
 
 
 
 Akin tong pendant na to ah...
 
 
 
Bigay ito ni Grandmama sa akin nung bumisita sila sa bahay namin.
 
 
 
Isa itong original na malaking bato ng peridot na napapalibutan ng mga maliliit at totoong diamond.
 
 
 
Teka lang. Paano naman-?
 
 
 
Eh sa pagkakatanda ko ay nasa jewelry box ko ito sa bahay namen? Baka may nakapasok na iba doon?
 
 
 
Natatandaan ko pa ang hitsura ng bahay namen. Ngunit hindi ko matandaan kung saan. Hindi naman alam nila mommy't daddy kung saan ako nakatira. Ewan.
 
 
Kung si nanny Silva naman ang tatanungin ko ay sasabihin naman niyang nakalimutan na daw niya ang daan papunta doon. Malayo kasi dito sa totoong bahay ko. At matanda na daw siya at ulyanin kaya nalimutan na talaga niya. Pero sa totoo lang ay hindi ako naniniwala na nakalimutan na niya papunta doon. Hindi naman sa sinasabi kong sinungaling si nanny Silva eh pangalawang mama ko na nga siya noon pang buhay pa ang mga totoo kong magulang. May kutob lang ako na alam pa rin niya. Siguro may maganda siyang dahilan kaya hindi niya sinasabi sa'kin. Pero malalaman at malalaman ko rin ang bahay namin dati at pupuntahan ko yun.
 
 
Tinago ko ulit ang box kasama ang papel. Ang pendant naman ay hinanapan ko ng silver nacklace at dun ko pinasok at sinuot ko.
 
 
Ayan, wala na siguro akong nakaligtaan na gagawin ano?
 
Makakatulog na sana ako ng mahimbing... ZZZzzzz....  (__   __)
 
 
 
 
 
 
 
************
 
 
 
*poke poke*
 
 
 
"Huy.. gising nah.."
 
 
 
*poke poke*
 
 
 
"Gising nah~"
 
 
 
Sino naman 'to? Istorbo! Natutulog pa yung tao eh! Pero infairness... ang lambing-lambing ng boses at napakasarap sa pandinig.
 
 
 
Magsalita ka nga ulit.
 
 
 
"Gusto mo magsalita ako ulit? Ayoko nga, baka mas makatulog ka diyan ng mahimbing."
 
 
 
Eh nagsalita na nga siya eh. -_____-
 
 
 
"Bunso, huy gising nah! Baka ma-late pa tayo eh ke bago-bago ko pa lang sa school niyo tapos male-late pa ako. Ayaw ko namang pumasok mag-isa dahil gusto ko kasama ko kayo."
 
 
 
Ha?? Pinagsasabi neto? Tapos... bunso...??!
 
 
Teka, mukhang... mukhang alam ko kung sino 'to.. May malamig at malambing na boses na makakapanlambot ng tuhod ng mga kababaihan.. Ang natatanging mapangahas na adonis na pumapasok sa kwarto ko na hindi kumakatok lalung-lalo na pag tulog ako.. Alam na alam ko yan eh..
 
 
 
"Know me already?"
 
 
 
Idinilat ko ang aking mga byutipul eyes at bumungad sa akin ang pagkalaki-laking ngiti ni kuya Spencer.
 
 
 
Oo, tama kayo readers. Ang mapangahas na adonis na yun ay walang iba kundi si kuya Spencer.
 
 
 
 
 
=_______= <----- Ako yan.
 
 
 
 
"Oh bunso, bakit ganyan mukha mo? Nalasing ka ba sa sobrang ka-gwapuhan ko? Don't worry hindi ka nananaginip. Totoo ngang nakita mo ang gwapo kong mukha."
 
 
 
 
=______= <----- Ako pa rin yan.
 
 
 
 
"Huy bunso" tinapik-tapik naman niya mukha ko. "Tulala ka diyan? Alam kong napakagwapo ko kaya bumangon ka na."
 
 
 
 
=________= <------ Ako pa rin yan.
 
 
 
 
"Or gusto mo ng morning kiss galing sa pinakagwapo mong kuya."
 
 
 
 
^_____________^  < ----- siya
 
 
 
 
*Clears throat*
 
 
 
 
=_____________= <------ ako
 
 
 
 
Patay ka kuya Spencer...
 
 
 
Nakita ko namang nanigas si kuya Spancer at napalunok mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama ko.
 
 
 
"Patay" mahinang niyang sambit habang may maliit na ngiti sa labi. "Andito ang maylabs ko at ngayon ay nagseselos."
 
 
 
Adik talaga 'to.
 
 
 
"Ano yung huli mong sabi sa kapatid ko Spencer?"
 
 
"H-ha? A-ahh hahahaha.. wag ka nang magselos maylabs.. promise, sa'yo lang ako hahalik-ARAYKUPU!" sabay kamot sa batok.
 
 
Ayan.. nakatikim tuloy ng batok ni kuya. Malakas pa naman yan mambatok. Wagas! -_______-
 
 
"Bumangon ka na diyan Katey at nang makaligo na, ang baho-baho mo."
 
 
"Ang bango-bango nga ni bunso sarap halika-ARAY! Nakakarami ka na maylabs ah! Hindi kita patatawarin mamayang gabi pag tayo nang dalawa sa kwarto-Oo na! Oo na! Tatahimik na!" Nag-unat na kasi si kuya para pakawalan ang kanyang super punch upang patahimikin si kuya Spencer.
 
 
Ahahaha.. loko talaga to. Ginawa ba namang hobby ang inisin si kuya JR. ;D
 
 
 
Bumangon na ako at tumungo sa banyo.
 
 
 
"Bunso wait! Sama ako- ARAAAY!!"
 
 
 
Ahahahaha.. Ang kulet lang! Sana naman buhay pa si kuya Spencer mamaya.  XD
 
 
 
Did I mention na kapit-bahay lang namin yang si kuya? Oh ayan na-mention ko na. XD
 
 
 
Hindi na naka-graduate ng highschool dito si kuya dahil nung 3rd year na sana niya dito ay umalis sila papuntang America. Akala namin ay for good na sila doon ngunit eto, biglang sumulpot. At aware kaming lahat na kapag andito si kuya Spencer sa malapit ay goodbye peaceful life na talaga.
 -_____-
 
 
 
 
 
 
Nang matapos na ako't lahat-lahat ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko naman sila kuya sa sala at lumapit.
 
 
"Fresh na fresh na ang bunso. Payakap nga-mmmmpff!" Yayakapin na sana niya ako nang hinarangan ni kuya JR ang mukha ni kuya Spencer sa pamamagitan ng palad niya.
 
 
"Tara na, bago pa ako makapatay ng insekto dito."
 
 
"KAAATE!" *hingal hingal*
 
 
Si Lovi yun ah?
 
 
Nakita namin si Lovi na nasa pintuan namin at humihingal. Problema nito?
 
 
"Bakit?? Anong nangyare at talagang hinihingal ka pa diyan?"
 
 
"Wala lang! Type ko lang para may konting drama." (n.n)v
 
 
Isa pa tong loka. Pabigla-bigla rin tulad ng isang kuya ko dito.
 
 
Hala! Oh nose!  O_______O
 
 
Speaking of which...
 
 
Biglang natahimik ang makulet na dila ni kuya Spencer.
 
 
Nang mapadako naman ang tingin ko kay Lovi ay shock na shock ang mukha niyang nakatingin kay kuya Spencer.
 
 
Oh nose talaga!
 
 
Nasabi ko na bang...
 
 
may past sila ni kuya Spencer?
 
 
>___________<
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Saichi's Note:
[/size] :D ;D [/size]
Hala! anu nang mangyare sa kanila??  abangan na lang~  (~,^)v

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
WANTED: KUYA...? - Chapter 11
« Reply #48 on: January 21, 2012, 09:19:52 pm »

Chapter 11
 
 
 
 A/N:
 
Readers break muna tayo sandali sa POV kina Bridgette and Jerwin. para may bago.. kekekkee.. enjoy~ XD
 
 
 
 
 
(Lovi's POV) perstaym!
 
 
 
Okay, spell awkward...
 
 
A W K W A R- hinde yan ang ibig kong sabihin!
 
 
I mean yung sitwasyon ko ngayon.   >_<
 
 
Nagkatitigan lang naman kami ng syokoy- este ni Spencer. Nag-flashback naman sa akin ang lahat ng nakaraan namin.
 
 
 Pero ayaw ko muna itong i-flashback sa inyo mga readers. Sa akin lang muna yun, or baka sa sariling story na namin niyo malalaman kung feel ni Ms.Otor na gawan kami ng sariling storya. XD
 
 
"Woah~ look who's here! The stunningly beautiful goddess of all! Lovi Jade Mellorica"  *clap clap clap*
 
 
=_________=
 
 
Di pa rin pala nagbago ang syokoy na'to. Ang OA pa rin. -____-
 
 
"Oh look who's here din. Bumalik pala ang alien na syokoy mula sa ibang planeta. Akala ko doon ka na manirahan sa mga kalahi mo forever. Mas mabuti sana yun para wala nang salot dito."
 
 
"Salot agad? Di ba pwedeng malas muna?"
 
 
"Doon naman din yun patungo."
 
 
"Oi oi oi, may klase pa tayong lahat ngayon. Away kayo agad? Di ba pwedeng mamaya na lang?"tapos hinila na ni Jerwin si Kate palabas.
 
 
Inirapan ko naman ang syokoy na ngingisi-ngisi sa harapan ko tapos sinundan sila Jerwin sa labas. Syokoy na, abnormal pa! Asan ka pa? Sarap talaga gilitan ng leeg nang mamatay!
 
 
Iisipin siguro ninyo na napaka-bitter ko.
 
 
 
Hindi ako bitter.
 
 
 
Kundi
 
 
 
Bitter na bitter!
 
 
 
Siya pa naman ang unang- argh! Basta!   XP
 
 
Sinabuntan ko na lang mentally ang sarili ko. Ayoko nang maalala yun. Lalo pang pinamukha sa akin kung gaano ako katanga noon. I feel degraded of my dignity and all! I hate being outwitted. Most of all, ayaw na ayaw kong pinagmumukha akong tanga. Worst sa harapan pa ng maraming tao! Such humiliation I won't let it pass without revenge.
 
 
Ha! Akala siguro ng syokoy na yun na okay lang talaga ako. I never showed him how hurt I was. How much pain he brought me. I always covered it with my smiles whenever he's near so he won't know.
 
 
But I know he had suspected about what I've truly felt inside. Nevertheless, I didn't make him confirm his suspicion lest my future plan will be destroyed forever. I still treat him like we used to.
 
 
Friends.
 
 
But deep inside scheming on what sweet revenge I could deliver to him.
 
 
Nang makarating sa school ay una na akong bumaba sa van nila Kate. Napagdesisyunan nila na yung van na lang nila ang gagamitin para sabay-sabay na lahat kami sa school.
 
 
Tahimik lang ako sa loob all the way. Practically sila lang tatlo ang nag-uusap. Sinasali ako ni K sa usapan paminsan-minsa para naman daw di ako ma-OP but i'd rather left alone at naintindihan naman niya so di na nagpumilit.
 
 
Good.
 
 
Kinakausap naman ako ng syokoy pero deadma lang.
 
 
Keber.
 
 
Wala pa ako sa mood ngayon makipagsukatan sa kanya. In state of shock pa rin ako. Akala ko for good na sila doon sa America. Which is not.
 
 
Still can't believe na buhay pa pala ang nilalang na to sa mundong ibabaw.
 
 
Pumasok na ako ng classroom na parang wala sa sarili kaya may nakabunggo ako na classmate kong babae. Nag-sorry naman agad ako nun at buti naman isa sa mabait na classmate ko pala nakabunggo ko kaya no hard feelings.
 
 
"Ayan, lagi mo kasi akong iniisip nabunggo ka tuloy."
 
 
Gosh lungs!
 
 
At kelan pa nagkaroon ng syokoy sa likod ko?
 
 
Lumingon naman ako at ngingisi-ngisi pa ang loko.
 
 
"Are you following me Mr. Dela Vega?"
 
 
"And why would I do that miss sexy?" tapos kumindat siya.
 
 
Gross.  -_____-
 
 
Inirapan ko nga lang at tinungo na ang aking upuan.
 
 
"Kilala mo?"
 
 
Napalingon naman ako kay Faith na katabi ko.
 
 
"Sino?"
 
 
Tinuro naman niya si Spencer na ngayon ay nakahanap na ng bakanteng upuan di kalayuan sa amin. Nang nakita niyang nakitingin ako sa kanya ay kumaway ito at kumindat.
 
 
Eeeew lungs, feeling!
 
 
"Ah yang syok- este tao na yan? Hindi, hindi ko siya kilala."
 
 
"Talaga? kumaway nga sa iyo kanina nang tinuro ko siya sa'yo."
 
 
"Sa'yo yun kumaway hindi sa'kin."
 
 
Kumunot naman ang noo niya sa pagtataka. Alam ko di ko madaya si Faith sa kung anong nasaksihan niya. Bakit pa kasi hindi ito tanga para maniwala na lang agad ano? =_______=
 
 
Einiweiz, wapakels na ako kung naguluhan man siya. Naramdaman naman niyang parang ayaw kong pag-usapan yun kaya tumahimik na lang siya.
 
 
Di naman ako nagtaka kung bakit may subject siya sa 1st year level. Siyempre galing siya sa States at hindi lahat ng subjects niya ay ma-credit dito sa school kaya he has to take some 1st year level na minor subjects.
 
 
So classmate kami ngayon sa SocSci3. This subject talks about family, people and of course society.
 
 
I saw most of my girl and gay classmates are fawning at him and at the same time batting their lashes.
 
 
 
Tss... 
 
 
 
Flirts.
 
 
 
Nang pumasok na ang aming prof ay pinakilala naman siya. Ayun feeling star naman ang loko sa dami ng fans kuno niya.
 
 
Pati ba naman dito sa college di mawalan ng fans? Tss..
 
 
Ayun satsat na naman nang satsat ng walang kabuluhan ang aming prof sa harapan. Di ko na kailangang makinig dahil alam ko na lahat ng pinagsasasabi niya. I'm always doing an advance research and study. Pumasok lang ako dahil sayang naman ang extra points sa attendance at kung marami naman akong absences ay baka ma-dropped ako sa subject. Ayaw ko namang mangyari yun kaya I have to endure the boring lot everyday.
-______-
 
 
Nang magbell ay nagstretch muna ako konti bago tumayo sa kinauupuan ko.
 
 
Nang makalabas ng room ay nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin.
 
 
Si Spencer.
 
 
I can't get off fom his grip. He's just too strong to oppose for someone like me.
 
 
Pumasok kami sa isa sa mga music room ng school. Walang ibang tao kundi kami lang. Nakarinig naman ako ng click sa likuran niya. He locked the door.
 
 
This only means one thing.
 
 
 
I'm doomed. -_____-
 
 
Pero siyempre I'll fight my way out.
 
 
I held my chin up to show confidence when in the contrary my knees are wobbling from the penetrating look of his eyes.
 
 
"What now?"
 
 
"What now?" pa-inosente niyang tanong sa'kin while grinning like an idiot.
 
 
"What now at dinala mo pa ako dito?"
 
 
"Oh here? Wala lang, eto lang kasi ang nakita kong room na bakante at walang tao so we can be alone."
 
 
Sabi ko na nga ba. Kamanyakan na naman ang umiral dito.
 
 
"To talk of course" dagdag pa niya "kaya wag ka nang mag-isip ng iba diyan. Alam ko kung ano ang iniisip mo ngayon." nanunudyo naman siyang tumingin sa'kin.
 
 
"Pero kung gusto mo, I'm so willing to obliged to your needs." ngising sabi ng syokoy.
 
 
Pulang pula na siguro ako ngayon. Kung di lang ako nakapagpigil baka napakawalan ko na'tong super flying horse kick ko.
 
 
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Spencer, may klase pa ako."
 
 
"Parang nangungumusta lang naman sinusungitan na agad?" parang batang humalikipkip naman siya sa gilid.
 
 
"Oh? Kitang-kita mo naman na okay ako so okay na? Pwede nang lumabas?"
 
 
"Tsk. Taray mo talaga."
 
 
"Bakit? May angal ka?"
 
 
"Wala naman. Actually yan ang gusto ko sa'yo at palaban rin."
 
 
Tumahimik na lang ako nun.
 
 
"Hindi mo ba ako kumustahin?"
 
 
"Hindi. At bakit ko naman gagawin yun aber?"
 
 
"Dahil may pinagsamahan naman tayo noon."
 
 
"Really? Kung ano man yun ay nakalimutan ko na." tapos nilampasan ko siya at tinungo ang pinto but before I could step away more from him, he grabbed my arm and lean me on the wall.
 
 
Ngayon ay sobrang nagtataka na ang mukha niya sa kinikilos ko.
 
 
"Bakit?"
 
 
"Anong bakit?" ano bang 'bakit' pinagsasabi nito? o.O?
 
 
"Why the sudden change of attitude?"
 
 
"Change of attitude? Wala namang pagbabago."
 
 
"I know na para na tayong aso't pusa noon pa but we're friends despite with our constant little quarrel. Pero ngayon parang... parang... never mind. Parang alam ko na kung bakit irritated ka ngayon." nakangisi ulet niyang sabi.
 
 
Tumaas naman ang kilay ko. So manghuhula na siya ngayon? Ganun?
 
 
"Your just having PMS." masaya niyang in-announce.
 
 
I could feel my blood rising to my face.
 
 
"You-!"
 
 
"Oh? Am I wrong? So what could be the reason that your heating like that?"
 
 
Mas lalo pang namula ang mukha ko.
 
 
I admit I have my moon cycle right now and it's just so embarassing to hear it announced from a guy! At hindi lang basta guy, ang impaktong Spencer pa! >/////<
 
 
Pinandilatan ko nga ng mga mata  at iningusan bago tumakbo patungo sa pintuan.
 
 
Pero bago ako tuluyang makaalis doon ay narinig ko siyang tumawa ng mahina. Parang tawa lang sa sarili niya.
 
 
Baliw na siguro yun.
 
 
 
 
 
Dali-dali akong umalis palayo doon, palayo sa kanya. Mahawahan pa ako ng alien germs nun, kaderder lungs!
 
 
Buti na lang nakita ko si Kate sa may garden. Free time siguro niya at...
 
 
As usual nakikipagtalo sa kanyang kuya.
 
 
"Kuya, sandali lang naman tayo doon. Sige na kuya please... sige na..." nag-puppy face pa ang loka.
 
 
"Hindi" walang pakundangang sagot naman ni Jerwin. Tss... siya na talaga ang good example ng isang merciless brother...
 
 
Nakita kong paiyak na si K so eto na siguro ang time na papasok na ang byuti ko noh.
 
 
"Oi ano na naman yang pinagtalunan niyo?"
 
 
"Lovi! Help naman oh! Ayaw kasi ni kuya na pumayag maging date ko sa debut party ni Jena"
 
 
"Oh? Anong problema dun?"
 
 
"Yun nga!"
 
 
"Naku sis wala namang problema dun dahil andiyan naman si MM-"
 
 
"Okay payag na ako basta hindi tayo magtagal doon." biglang sabi ni Jerwin pagkatapos ay tumayo at umalis na, iniwan kami ni K.
 
 
Problema dun? Biglang sumama ang mood.
 
 
Haaaay... magtataka pa ba ako sa taong yun?
 
 
"Lov narinig mo yun?" hindi makapaniwalang  tanong ni K.
 
 
"Oo inday, Oh ano? Masaya ka na at pumayag na ang kuya mong maging date mo siya?"
 
 
Tumango lang ang loka at makikita talagang nagtataka siya sa inasal ng kuya niya.
 
 
"K nagugutom ako. Samahan mo naman ako sa canteen."
 
 
"Sure"
 
 
Ayun pinakain ko na ang mga alaga ko sa tiyan.
 
 
Habang kumakain ay para namang di mapakali tong kasama ko.
 
 
"Hoy!"
 
 
"Ay butiki!"
 
 
"Butiki ka diyan! Walang butiki noh! Balisa ka diyan? Natatae ka? Ayun ang C.R. oh malapit lang."
 
 
"Loka! Hindi noh! Nagtataka lang talaga ako kay kuya kanina"
 
 
"Kita nga"
 
 
"Hinde eh, 1 week na namin to pinagtalunan. Gusto ko kasi siya ang date ko gaya ng nakaugalian na namin pag may party-party. Nagtataka lang ako kung bakit umayaw siya nung una na palagi naman siya ang ka-date ko noon? At nung na mention mo yung pangalan ni MM kanina ay biglang nagturn 180 degrees ang desisiyon niya at pumayag. Hmmmm... I smell somethings fishy..."
 
 
"Fishy talaga kita mo namang isda yung kinakain ko."
 
 
"Sabi ko nga. I mean, may kakaiba eh. Feeling ko parang may iniiwasan si kuya o ano ba."
 
 
"Naku sis! Wag mo na yang pansinin yang feeling-feeling mo na yan! Wag kang feelingera! Nakakasira lang ng byuti!"
 
 
"Loka!"
 
 
"I'm sure ikaw lang inaalala nun kaya hindi agad siya pumayag sa party dahil alam niyang hindi ka pupunta pag wala siya. At kaya lang pumayag siya dahil ayaw niyang pupunta ka doon at iba ang ka-partner mo. See? That's Jerwin, ang kuyang laging nag-aalala sa'yo."
 
 
Nag-roll pa eyes pa ang gaga. I know nababanas na'to sa usaping pag-aalala ng kuya niya sa kanya. Eh lagi naman yan eh, simula bata pa at hanggang sa college ba naman?  -______-
 
 
May bigla namang tumikhim mula sa likuran ko.
 
 
"Mind if I join you lovely ladies?"
 
 
"Kuya Spicy! Sure why not- Aray!!"
 
 
"Okay ka lang K?"
 
 
"H-ha? Ahahaha.. oo okay lang ako kuya ahahaha..."
 
 
May pa 'sure why not-sure why not' pang nalalaman ang bruha. Pinatid ko nga. Alam kong sinong kuya Spicy na yan. Alam naman niyang ayaw kong mapalapit sa impaktong to!
 
 
Pinandilatan ko nga ng mata.
 
 
"Akala ko nakalimutan mo na yang pagtawag mo sa'kin ng 'kuya Spicy' Na miss ko talaga yan bunso! Yan ang isa sa nagpapatunay na HOT talaga ako." nakangisi pa ang loko.
 
 
Yuck lungs! Feeling!
 
 
"Ahahaha.. makalimutan ko ba naman yan kuya? Eh ikaw ang pinaka-HOT na kuya ko eh!"nakisakay naman ang gaga. =_______=
 
 
"K ipasyal mo naman ako sa whole campus niyo oh."
 
 
"Oh sure kuya"
 
 
Anong akala niya sa campus namin? park? pasyalan?
 
 
"Nalilito pa rin kasi ako sa mga hallways dito."
 
 
"Kailan mo gusto?"
 
 
"Pwede ka ba mamaya after ng class mo?"
 
 
"Sige call ako diyan"
 
 
Sige mag-usap lang kayo na para bang wala ako dito. Kung di lang ako gutom kanina pa ako umalis.
 
Di ko naman gutumin ang sarili ko nang dahil lang dumating ang impaktong to.
 
 
"Isama mo na rin si Lovi"
 
 
"Sige. Narinig mo yun Lov?"
 
 
Nasamid naman ako sa kinakain ko.
 
 
Oo Narinig ko yun K.
 
 
Rinig na rinig pati ang pagsang-ayon mo na di man lang ako kinonsulta muna. -__________-
 
 
*cough cough* Tubiiiiiiiiiiig!!! Asan ba ang tubig! Lenshak naman yang tubig na yan oh! Ngayon pang nabulunan ako't di na lang mag-appear!
 
 
Nakita ko namang biglang kinuha ni Spencer ang mineral water sa kabilang table at in-open ito para sa'kin at ibinigay.
 
 
*gulp gulp gulp* aaaaaaaaah~ refreshing! Parang advertisement lang eh ano? XD
 
 
"Okay ka na? Nakahinga ka na ng maayos?"
 
 
I just nodded. Hinahabol ko pa rin ang hinga ko.
 
 
Buti na lang di pumalag yung gurl na pinagkuhanan ng tubig ni Spencer. Kinindatan kasi ng loko. Tss..
 
 
At buti na lang rin ay bago pang bili ang tubig at di pa nabuksan. =__________=
 
 
"Ah... Kate.. una na ako ah? May klase pa ako"
 
 
"Sige, kita na lang tayo mamaya."
 
 
"Hatid na kita." tumayo na man si Spencer nun.
 
 
"No thanks, I can manage baka maligaw pa ako kung ikaw ang maghatid sa'kin sa classroom."at umalis na nga ako nun.
 
 
Pero bago pa ako makalayo ay narinig kong sabi ni Spencer na "K i-tour mo ako sa lahat ng sulok dito sa campus ah? para masamahan ko si Lovi kung saan man siya pupunta nang hindi naliligaw."
 
 
Tss...
 
 
Good luck na lang Spencer.
 
 
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 
 
Saichi's Note:
 Salamat po sa pagbabasa ng story ko. comment naman kayo diyan readers para maingay!!! tahahaha!! XD
ciao readers~ jeongmal kamsahamnida~  ^_____________^/

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
WANTED: KUYA...? - Chapter 12
« Reply #49 on: January 23, 2012, 08:30:03 pm »

 
I dedicate this chapter to my one and only eonnie!!! (@Demisse08) dahil alam kong hinahalay niya sa kanyang isipan ang pet kong si Spencer. ahahahaha..!! de jowk lang. (~,^)v
Kahit marami na siyang kabitssssssssssss... ay nangongolekta pa rin hanggang ngayon. =_______=  Eonnie, alam kong love-love mo yung may 'kick' na lalake kaya eto si Spencer para sa'yo~ kekekekee.. (~,^)/
 
Enjoy~  (^__________^)v
 
Chapter 12
 
 
 
 
 
 
 
 
(Spencer's POV)
 
 
 
 Oo alam kong ang gwapo-gwapo ko kaya andito ako ngayon sa inyo at nagka-POV! Salamat Ms.Otor! Ang ganda-ganda mo talaga! May libre kang kiss sa'ken mamaya!  ;D
 
 
(Ms. Otor: Pati ba naman ako walang kawala sa pambobola mo Mr. Spicy.. =_____=)
 
 
Hindi yun bola Ms. Otor! Totoo talaga yun!
 
 
(Ms. Otor: Alam ko. Konting pakipot lang nuh. *roll eyes* Ang aangal ay ililibing ng buhay.. +_____+  arf! arf!)
 
 
 
Basta mamaya mo na lang i-claim yung prize mo sa'ken Ms. Otor. Kitakitz! XD
 
 
 
May nahagilap ang mga tantalizing eyes ko na mga chickababes na ngayon ay papunta sa aking direksiyon.
 
 
Sigurado akong papunta sila sa akin dahil ako lang ang tao dito sa rose garden.
 
 
At yun nga! Huminto sila sa harapan ko. Actually apat sila at magaganda.
 
 
Ano kayang kailangan nila sa akin? Ang aking yummy na katawan? Ang aking kissable lips? O baka naman magpa-tutor? Pwede akong magtutor kahit anong klaseng subject pa yan at kahit saan pa nila gusto. Pero da best pa rin ang mag-tutor sa kama.
 
 
 
 
Oy oy oy... Wag green ang utak. Alam ko kung anong klaseng tutor yang iniisip niyo. Hindi ganun ang ibig kong sabihin. I mean mas maganda kung magturo ka na may kama dahil komportable ang pakiramdam.
 
 
Makakapag-isip ka ng klaro. Walang aangal dahil yan ang style ko pag nagstudy.
 
 
Sa kama.
 
 
Yung iba siguro ay makatulog dahil sobrang komportable ang kanilang mararamdaman. Ngunit iba ako eh dahil gwapo ako. At pag sa kama nagstudy or nagtutor ay active ang buong systema ko sa katawan kaya sharp na sharp ang function ng brain ko.
 
 
 
Gets niyo ba?
 
 
 
Okay na ang explanation?
 
 
 
Tama na ang satsat?
 
 
 
Okay let's proceed.
 
 
 
"Ahm... Spencer right?" sabi nung isang cute na chickababes.
 
 
"Yes, what can I do to serve you beautiful ladies?"
 
 
Nag-blush naman silang apat.
 
 
"Gusto lang sana namin magpapicture sa'yo ang gwapo-gwapo mo kasi!" pigil na tumili naman yung isa.
 
 
"Fine with me girls. Sigurado ba kayong yun lang? Ayaw niyo ng free kiss sa cheeks?"
 
 
Mas namula naman sila sa sinabi ko.
 
 
"Talaga? Sure!" sabi nung parang nangunguna sa kanila, sumunod namang tumili ang tatlo.
 
 
Okay, picture-picture there.
 
Picture-picture here.
 
 
 
Pagkatapos ng picture taking ay binigyan ko sila ng tig-iisang kiss sa cheeks. Sobrang kinilig pa nga eh.
 
 
 
Pagkaalis naman ng mga babae ay may palapit na naman sa akin. Gusto niya rin ng free kiss at picture ko? Pero nah... nakakapangilabot lang kung iisiping gagawin ko yun. Ang papalapit sa'kin ngayon ay isang lalaki na nasa early 30's yata ang edad. Pormal ang dating nito at nakashades. Unang tingin mo pa lang sa kanya ay parang gusto mo nang lumayo. Sobrang nakakaintimidate ang aura at makikita mo sa demeanor niya na strikto ito.
 
 
Nang makalapit na sa akin ay tinanggal niya ang shades niya at ngumiti.
 
 
Pero kahit na ngumiti siya ay di pa rin nababawasan ang kakaibang aura niya.
 
 
"Spencer right?"
 
 
"Yes po Mr.."
 
 
"Just call me direk as what everyone calls me. I'm the head director of the MoPhA Org and I want you be part of it. Yes or No?"
 
 
"But of course direk! I've heard much about your org and it's mypleasure to join."
 
 
"Good. I'll expect you at the building after your class."
 
 
 
Yun lang at umalis na siya.
 
 
 
Paano ba yan? Madadagdagan na naman ng mga pogi ang mga nandun. I've heard they're all exceptional beauties especially their models. Well ang isang example diyan ay si bunso. She mentioned it once na kasali sila ni Jerwin dito sa org na'to. Sa pagkakaalam ko, once a year ay isa lang ang kukunin nila and ang lucky star na iyon ay si Shar yung friend ni bunso na bago lang namin nakilala sa birthday party ni pareng Benjie. Nakakapagtataka naman at kinuha ako. Well let's find that out later after class.
 
 
 
(Plugging Alert! If gusto niyong mabasa ang story ni Shar ay basahin niyo po ang Fill the Emptiness... XD)
 
 
 
Ooops! Paano yan? Di matuloy ang pag-tour ni bunso sa'kin mamaya. Tsk.. Di bale there's always a next time right? Baka magalit si manong- este si direk pag di ako sumipot. May pa 'it's my pleasure' pa akong nalalaman. Kekekeke.. go with the flow na lang tayo sa agos ng buhay para mas masaya!  XD
 
 
 
"Parekoy!"
 
 
 
Bingi naman nito! Matawag nga ulit.
 
 
 
"Pareng Eli!"
 
 
 
Ayun! Salamat at lumingon naman ang taong 'to.
 
 
 
"What?"
 
 
 
"Taray natin ngayon pre! PMS?"
 
 
 
"If you have nothing important to say Spencer aalis na ako."
 
 
 
"Teka lang! Init naman palagi ng ulo mo. Atsaka napakaseryoso palagi ng mukha mo. Di ka pa rin nagbabago. Tsk.." umiling-iling ako.
 
 
 
"Ano ba kailangan mo pre at may klase pa ako." walang emosyong sabi niya. Tss... masanay na kayo sa taong 'to readers. Parang robot lang eh nuh?
 
 
 
Pero sa totoo lang ay hindi siya ganito noong mga bata pa kami. Nagbago lang siya simula nung mamatay ang nanay niya sa araw pa mismo ng graduation namin nung elementary. Di talaga makakalimutan ng aming barkada yung araw na iyon.
 
 
 
Naiintindihan namin si Eli kung bakit nagbago siya bigla, kaya kahit nagiging nakakatakot tong ungas na to ay por eber prens pa rin kaming magbabarkada. Solid noh? Gaya ng mga abs namin! Solid! Oh girls huwag muna kayong mag-lalaway diyan. Wala pa tayo sa climax part! Ahaahaa! Abangan niyo na lang yang 'climax' na yan! ;D
 
 
 
"Ano na?" medyo naiinip na sabi ni Eli.
 
 
 
"Pre may kakilala ka bang magagandang chickas dito? Yung exotic beauty. Pakilala mo naman ako."
 
 
 
"Wala, sige alis na ako. Puro ka na lang babae."
 
 
 
Yun nga at umalis na ang ungas.
 
 
 
"Damot neto! Tss..." bulong ko sa sarili at tumungo na rin sa aking sunod na klase.
 
 
 
 
 
 
 
 
***************
 
 
 
 
After ng klase ayun pumunta ako sa MoPhA building ayon ni manong-este direk pala.
 
 
 
"Kuya Spicy!"
 
 
 
Naks! Talagang pinagsigawan pa talaga ni bunso kung gaano ako ka HOT.  ;D
 
 
 
Lumapit naman ang magandang bunso namen.
 
 
 
"Nu gawa mo dito kuya Spicy? Isa ka na rin sa amin?" ngingiti-ngiting tanong ni K.
 
 
 
"Yup! Dapat lang no para may ipagmalaki naman kayong gwapo dito!"
 
 
 
"Sigurado ka bang kasali ka dito Spencer? Baka naligaw ka lang. Ayun daan palabas oh" bigla-bigla namang sumulpot si Eli sa likuran namin at tinuro ang exit ng building.
 
 
 
"Ungas! Nilapitan ako kanina ng direktor niyo at sinabihan akong pumunta dito pagkatapos ng klase ko."
 
 
 
"Talaga kuya Spicy? Wow! Edi masaya! Magkasama na tayo dito!" excited na saad ni Kate.
 
 
 
"Tss..." iling naman Eli.
 
 
 
"Problema mo tol?" inakbayan ko si Eli
 
 
 
"Ayaw mo ako dito dahil ayaw mong masapawan ano? Sigurado namang hindi na kayo mapapansin dahil sa'kin"
 
 
 
"Tss... ang hangin mo, bawas-bawasan mo nga. Baka mamaya malipad na kami ni bunso dito."tinapik pa niya balikat ko bago umalis.
 
 
 
"Kita mo? Nagseselos lang yun sa angking kagwapuhan ko."
 
 
 
"Ahahaha.. ikaw na talaga kuya Spicy! Hindi yun mag-alala si kuya Eli na masapawan mo dahil hindi naman siya model. Photographer din siya kasama ni kuya JR pero hindi tao ang kanyang kinukunan ng litrato kundi mga ibon, butterfly at kung ano-ano pang klaseng hayop na may pakpak at lumilipad."
 
 
 
"Weird." Yun lang nasabi ko.
 
 
 
"Tama ka nga kuya, medyo weird. Dati in-offer siya na maging isa sa mga photographer sa mga models dito pero tinanggihan niya. Mas gusto niya daw kunan ng litrato ang mga ibon kaysa sa mga tao."
 
 
 
Nakita ko namang papalapit sa'min si Jerwin kasama ang direk nila.
 
 
 
"Good you're here Mr. Dela Vega. Si Jerwin na ang bahalang mag-orient sa iyo. Kakilala naman pala kayo so wala na siguro akong magiging problema tungkol sa background mo" Lumingon naman ito kay Jerwin. "Ikaw na ang bahala sa kanya Jerwin."
 
 
 
"Yes Direk." At umalis na si direk.
 
 
 
"Sumunod ka sa'kin Spencer. Katey dito ka lang. Lalapitan ka mamaya ni Ate Laila para ayusan. Ikaw na ang model sa susunod na set."
 
 
 
At sinundan ko na si Jerwin sa isang office.
 
 
Ayun at in-orient na ako and I'll be one of the models. Naman!  ;D
 
 
Pagkalabas ko ng office ay nakita ko si bunso na kausap sa Lovi. Teka... sa pagkakaalam ko ay di kasali dito si Lovi. Hmmm... malapitan nga't malaman natin.
 
 
 
"Hi girls!"
 
 
 
Nakita ko namang gulat yung expression sa mukha ni Lovi.
 
 
 
"Anong ginagawa mo dito?"
 
 
 
"I think that'll be my question to you too."
 
 
 
"Ummm... You both don't know yet?" tanong ni bunso.
 
 
 
"Na ano?" tanong ni sexy Lovi.
 
 
 
"Sabay kayong kinuha ni direk as models. May grand program kasi ang org. next year sa February. It's an activity for valentines. Ewan ko kung ano basta parang pinabago na ni direk yung 1 year 1 person lang ang kanilang kukunin para isali sa org. Basta i-explain further na yan sa general meeting natin this coming friday @6pm. All departments ay nandun kaya napaka-importante ng general meetings. Minsan lang to mangyare dahil karaniwan iba-iba ang meeting ng bawat department. Kaya bawal umabsent sa meeting, okehh?"
 
 
 
"Yes mam"
 
 
 
"Yes bunso"
 
 
 
Nagkatinginan naman kami ni Lovi nun pagkatapos ay inirapan niya ako. Sunget.
 
 
 
"So pwede na bang umuwi ngayon K?"
 
 
 
"Yep, pwede na. Tapos ka namang na orient ni ate Rima at sa next day pa ang first photoshoot niyo."
 
 
 
"Okay una na ako sa inyo ah.. bye.."
 
 
 
"Teka Lovi, samahan mo naman si kuya Spicy baka maligaw siya sa daan palabas. Di ko pa kasi siya na-tour sa whole campus."
 
 
 
Tapos kumindat si bunso sa'kin. Naks! Galeng talaga naman! Alam na alam ang diskarte ko ah!
 
 
 
Nakita ko namang pinandilatan ito ni Lovi ngunit ngumiti lang si bunso. Ahahaha... di niyo ba alam na number 1 fan yan sa LovEncer (LovixSpencer) tandem? Ayan alam niyo nah! Kayo ba din? ahahaha.. ;D
 
 
 
Laking galit na nga lang ni K nang malaman niyang wala na kami ni Lovi. Well I admit I was a jerk then. Humingi ako ng tawad sa kanya at kay Lovi pero sabi naman ni Lovi na wala namang ipagpatawad dahil wala namang may kasalanan.
 
 
 
Okay, yan ang sabi niya eh.
 
 
 
At siyempre di ako matiis ni bunso kaya bati ulit kami!
 
 
 
Nakita kong madaling lumakad paalis si Lovi kaya sumunod naman agad ako. Lumingon ako sa likod ko at kinindatan si bunso. Good work bunso! Tapos nag-thumbs up ako sa kanya.
 
 
 
Humabol naman ako kay Lovi. Ang bilis-bilis kasi kung makalakad.
 
 
 
"Teka lang! Huy sexy!"
 
 
 
Bigla naman siyang huminto mula sa mabilis na paglalakad niya kaya muntikan ko na siyang mabunggo dahil napabilis din ako sa paglalakad.
 
 
 
"Don't you call me that!"
 
 
 
"What? You mean 'sexy'? I used to call you that name atsaka totoo namang sexy ka, so ano namang problema dun?"
 
 
 
"Iiiiiih! Hindi ka talaga nakakaintindi ano?"
 
 
 
"Hindi nakakaintindi? Bakit naman? Parehas naman tayong lenggwahe na ginagamit."
 
 
 
"Konti na lang Spencer! Konti na lang talaga!" gigil niyang sabi sa'kin.
 
 
 
"Bakit? Anong gagawin mo? Hahalikan mo ako? Mas gusto ko yan babe."
 
 
 
"Don't call me babe! Hindi ako baboy!"
 
 
 
"Bakit? Sino bang may sabi na baboy ka pag tinatawag kang babe? Babe is short for baby"
 
 
 
"Pwes hindi ako bata na pinapadede pa noh!"
 
 
 
"You got it wrong darling. Don't take the literal meaning of it. Babe is from the word baby at anong ginagawa sa mga babies? Inaalagaan ng mabuti, hindi pinababayaan, gagawin mo ang lahat mapasaya lang ito at lalung-lalo na ay minamahal ng tunay. Got it?"
 
 
 
"Ewan ko sa'yo" at lumakad ulit siya.
 
 
 
Bakit ba ang mga babae namimis-interpret nila pag tinatawag sila ng 'babe'? That word is a special endearment from us guys. It only means that we care for the person we call it. Tsk tsk tsk... hindi ko talaga maintindihan kung paano naging baboy kung tatawagin kang babe? Tss...
 
 
 
"Ayan, andito na tayo sa may gate. Alam mo na man siguro ang daan pauwi ano?"
 
 
 
"Lov, sabay na lang tayo please? Tutal sa parehong subdivision naman tayo nakatira kaya iisa lang ang daanan natin pauwi. Atsaka gabi na, delikado sa babaeng mag-isa pag gabi."
 
 
 
"Mas delikado ang babae kasama mo pag gabi."
 
 
 
Ayun at pumara na siya ng taxi at iniwan ako.
 
 
 
Tss... I couldn't disagree on what she said.
 
 
 
It's true.
 
 
 
 
Napailing na lang ako habang tanaw ang taxing sinasakyan niya palayo.
 
 
 
Tss...
 
 
 
Yan lang... wala akong ibang masabi eh kundi 'tss...' lang.
 
 
 
 
Tss...
 
 
 
 
 
Tss...
 
 
 
 
 
Tss...
 
 
 
 
 
 
Tss...
 
 
 
Teka.. hindi na ako yun ah!
 
 
 
Luminga-linga ako kung saan naggaling ang tunog na yun.
 
 
 
AT! Pagkaminamalas ka nga naman.
 
 
 
May AHAS!!!  O_______O!!!
 
 
 
LENSHAK NAH! Paalala po readers, bawal kayong tumakbo pag may ahas sa paligid dahil susundan ka talaga nila. Kaya follow my lead.
 
 
Like this:
 
 
 
Dahan-dahan akong lumakad palayo dito at nang may nakita akong taxi ay pinara ko agad ito at pumasok.
 
 
 
Whew! Buti na lang di masyadong malapit sa'kin yung ahas! Ayan kasi! 'Tss...' kasi ng 'tss...'! kala siguro niya tinatawag ko siya. Pati ang ahas ay walang kawala sa charm ko.
 
 
 
Baka sa susunod niyan lapitin na ako ng ahas. Hala wag naman! Okay nang ahas ang mga babaeng pumupulupot at tumutuklaw sa'kin. Di ko na kailangan ng original.
 =_____________=
 
 
 
Ayan nakapasok na ang sinasakyan kong kotse sa subdivision namin at nasalubong pa namin yung kotse na sinasakyan kanina ni Lovi.
 
 
Nang mapadaan ako sa bahay nila pareng Jerwin may nakita akong parang nagmamasid sa kanilang bahay di kalayuan sa may kanto na di rin masyadong kalayuan sa bahay nila.  Dalawa sila at nasa loob ng kotse.
 
 
Tss... baka nagha-hallucinate lang ako. Ano namang dahilan at nagmamasid sila kina pareng Jerwin? Nah... baka may nakita lang silang ibang nilalang malapit sa bahay kaya yun ang tinignan nila.
 
 
 
 
 
 
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 
 
 
 
Saichi's Note:
 
 
Here is it readers!! woot! woot! enjoy lang po sa pagbabasa~ comment, vote and fan if you likey likey! thanks po! honto ni domo arigatou~! (^___________^)/
 

anjie_azend

  • jellybean
  • **
  • Posts: 243
  • Karma: +36/-0
  • simple teenager with simple dreams <3
    • FB
Re: WANTED: KUYA...?
« Reply #50 on: January 23, 2012, 09:16:56 pm »
wooooot.woooot.
'Mr.Spicy, ehh? wahahahhahahaha. Akin ka na lang :* Lols.
K, galing naman ng tactics mo, ehh? Mana ka talaga sa kuya Spencer mo..
Naku, lagot ka talga ni Lovi niyan, at pinagkakaisahan niyo. Tsss. Wag na nga lang at baka sundan pa ako ng ahas na nakita ni Mr. Spicy ko.. <inangkin talaga?>
I don’t need SUPERMAN, I just need a MAN who has NO OTHER WOMAN.

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
Re: WANTED: KUYA...?
« Reply #51 on: January 23, 2012, 09:30:45 pm »

nyahahahha.. ;D . okay lang na angkinin mo si Mr. Spicy..   :D sanay na rin naman niyan. sadyang makapal na ang mukha niyan.. tahahahahaha..  :D  rumarami na ang fans ni Mr. Spicy..!! :D  sigurado lalaki ang ulo neto pag na laman niya!  :D
[/size][/color][/font]
[/size][/color][/font]
[/size][/color]btw, thanks for reading~!!  ;) :) :) ;) [/font]

quote author=anjie_azend link=topic=202139.msg5812757#msg5812757 date=1327324616]
wooooot.woooot.
'Mr.Spicy, ehh? wahahahhahahaha. Akin ka na lang :* Lols.
K, galing naman ng tactics mo, ehh? Mana ka talaga sa kuya Spencer mo..
Naku, lagot ka talga ni Lovi niyan, at pinagkakaisahan niyo. Tsss. Wag na nga lang at baka sundan pa ako ng ahas na nakita ni Mr. Spicy ko.. <inangkin talaga?>

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
WANTED: KUYA...? - Chapter 13
« Reply #52 on: January 25, 2012, 10:38:22 pm »
Chapter 13
 
 
 
 
(Kate's POV)
 
 
 
"Katey tapos ka na ba? Mas mabuti nang maaga tayong dumating doon at nang pwede tayong makaalis agad."
 
 
"Patapos na po kuya"
 
 
Kasalukuyang nagfinishing touch ako ngayon sa buhok ko.
 
 
Simple lang naman ang style ng buhok ko kaya madali lang akong natapos.
 
 
Lumabas na ako at napasinghap nang makita ko si kuya na napakagwapo sa suot niya. Formal kasi ang party na dadaluhan namin ngayon.
 
 
"Let's go" tapos bumaba na siya.
 
 
Yun lang? Di man lang nag-comment sa suot ko. Hmp!
 
 
Pagdating namin doon ay nilapitan agad kami ni Jena. Kung di ko pa nabanggit eh classmate namin siya ni Lovi sa Physics namin. Nakaupo lang siya sa bandang likuran ko kaya na-friend namin siya. Mabait naman siya at mahinhin. Actually 3rd year college na siya pero late niya nakuha ang Physics 1 kaya magka-classmate kami ngayon.
 
 
"Happy birthday Jena! Naku 18 ka na! Pwede ka nang mag-asawa!"
 
 
Namula naman siya sa sinabi ko.
 
 
"Naku wag ka ngang ganyan Kate, malayo pa yan no." medyo nahihiya pa niyang sabi.
 
 
"Asows! If I know magpo-propose na yang boyfriend mo ngayon dahil nasa legal age na kayo!"
 
 
Kahit mahinhin yan ay mas naunahan pa akong lumandi! Hahaha..  XD
 
 
Pero wala kayo, loyal na loyal ang bf niyan! Since highschool ba naman sila magjowa na! Edi kasalan na lang ang kulang!
 
 
"Hindi no! Napag-usapan na namin na tapusin muna namin ang aming pag-aaral. Mag-ipon pa kami para sa aming future." nakangiti niyang saad.
 
 
"Kainggit naman! Sige kayo na! Kayo na ang solid na nagmamahalan!"
 
 
Tumawa lang siya nun tapos maya-maya ay nag-excuse siya dahil pupuntahan din ang iba pang mga bisita.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
"Kuya, huy! Di ka mapakali diyan? Problema mo?"
 
 
Eh kanina pa to tahimik tong kasama ko. Nakaupo na kami ngayon at kumakain. Yung iba ay sumasayaw na sa dance floor. Kakatapos lang kasi ng 18 roses.
 
 
"A-ah? Wala, uwi na tayo." tapos tumayo na siya. Sumunod na din ako, pero nagpaalam muna ako kay Jena.
 
Si Lovi naman ay late nang dumating kaya saglit lang kaming nagkausap. Hulaan niyo sino ka-date niya~ ahahaha... alam niyo na yun! Kumindat lang sa'kin si Kuya Spicy. Paano kaya niya napapayag si Lovi na siya ang ka-date neto? Knowing Lovi hindi siya yung tipong unang mag-ask sa isang lalaki lalung-lalo na kay kuya Spencer. Super denial queen ba naman yang bestfriend ko!
 
 
Tapos ayun umalis na kami doon at pasakay na sana ng kotse nang biglang huminto si kuya JR at hinawakan ang kamay ko.
 
 
"Kuya?"
 
 
"Dito ka lang, may bibilhin lang ako saglit sa may kanto."
 
 
"Okay"
 
 
 
 
 
 
 
 
(Jerwin's POV)
 
 
 
 
"Dito ka lang, may bibilhin lang ako sa kanto." at umalis na ako.
 
 
"Okay"
 
 
 
 
 
 
Pagkalikong pagkaliko ko sa kanto ay sinunggaban ko agad ng suntok ang hinayupak na nagtatago gilid.
 
 
Hindi niya inasahan yun. Hah akala niya siguro di ko siya pansin na sumusunod sa aming kotse kanina. At sumisilip sa amin ni Katey mula dito.
 
 
Bumulagta siya sa semento. Kinwelyuhan ko agad at sinuntok ulit.
 
 
"Sinong nag-utos sa iyo ha??!"
 
 
*suntok*
 
 
"Ano?? Magsalita ka!!"
 
 
*suntok*
 
 
"Sir! Tama na po! Wala po akong intensyong saktan kayo!"
 
 
"Eh anong sa palagay mong ginagawa mo??"
 
 
"Nagbabantay lang po ako kasi yun ang utos sa akin." umayos na man ito ng tayo dahil binitiwan ko na. Mukha ngang wala tong balak na patulan ako.
 
 
"Sinong nag-utos sa'yo??"
 
 
"S-sir.. hindi po pwedeng sabihin. Pero maniwala po kayo hindi ako nandito para saktan kayo kundi nagbabantay lang."
 
 
"Nagbabantay o nagmamanman?"
 
 
Hindi naman sumagot ang gunggong. Susuntukin ko sana siya ulit ngunit napigilan niya ang kamay ko.
 
 
Malakas ah at mabilis din.. mukhang hindi to basta-basta na tao.
 
 
"Sir maniwala po kayo. Andito lang ako para magbantay." seryosong sabi nito.
 
 
"Sino namang binabantayan mo? Kami?? Nagpapatawa ka ba?"
 
 
Hindi ulit ito kumibo.
 
 
 
 
"Itatanong ko ulit. Sinong nag-utos sa'yo?"
 
 
"Hindi talaga pwede ipasabi sir. Pasensiya na po talaga."
 
 
Pagkasabi niya nun ay bigla ba namang tumakbo palayo! Ang bilis nawala! Parang si Flash lang eh. Tss...
 
 
G@gong yun!
 
 
Di ko alam kung totoo ba yung pinagsasabi niya. Pero kung gusto niya kaming saktan eh sana kinalaban niya ako. Sa lakas at bilis niyang yun alam kong hindi siya basta-basta. Ah ewan! Kahit na ba! Di pa rin ako magpapatalo. Gagawin ko ang lahat maprotektahan lang si Katey.
 
 
Bumalik na ako sa kotse kung saan nakita ko si Katey na nakasandal sa kotse at namumutla.
 
 
Bigla naman akong kinabahan.
 
 
Lumapit agad ako sa kanya.
 
 
"Katey? Okay ka lang? May nananakit sa'yo? Sino? Saan siya pumunta?? Saan??"
 
 
Hindi siya sumagot kundi nakatitig lang sa'kin at putlang putla.
 
 
 
"Katey! Ano nga?? Sumagot ka diyan!"
 
 
"Kuya-"
 
 
"ANO??!!" niyugyug ko na siya sa balikat. Ang tagal ba namang magsalita.
 
 
"Kuya wag ngang OA! Namumutla ba ako? Masakit kasi tiyan ko. Naghalo-halo kasi kinain ko kanina. Tara na at nang-release ko na 'to y'know." at pumasok na siya sa kotse.
 
 
 
=_______= ako yan
 
 
 
Psh..! Akala ko kung ano na. Pinakaba pa ako.
 
 
Nag-drive na ako pauwi. Maya-maya ay nakita ko na naman ang kotseng sumusunod sa'min kanina papunta sa party sakay ang gunggong na'yun. Nang mag-stop light ay huminto pa ito sa tabi namin.
 
 
Lumingon ang gunggong sa'kin at nag 'V' sign pa like this ------->  (n.n)v
 
 
Pinandilatan ko nga ng mata. Tumawa lang ito.
 
 
"Sino yan kuya? Jowa mo- este kakilala mo?"
 
 
Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Katey.
 
 
"Hindi"
 
 
"Eh bakit tumawa sa'yo?"
 
 
"Ewan, baliw siguro."
 
 
Sinilip naman ni Katey yung lalaki sa kabilang kotse. Nakita ko namang nag-smile lang yun at slight na nag-bow ng ulo.
 
 
Nag-bow? Ano yun?
 
 
Nag-bow nga.. Tss...-____-
 
 
I mean bakit naman?
 
 
Ewan...  -_____-
 
 
Nakita ko ring nagtataka ang mukha ni Katey pero binalewala lang niya yun at tumingin ulit sa harapan. Green light na.
 
 
 
All the way hanggang sa bahay ay nakasunod pa rin ang gunggong na yun. Ano bang kailangan nito? Atsaka sino bang nag-utos sa kanya? Kung kalaban ito ay hindi sana ganyan makaasta. Ang kapal naman talaga ng mukha ng unggoy na'to. Magmamanman man lang, lantaran pa!
 
 
Nang makapasok na kami ay dumiretso agad si Katey sa kwarto niya ako naman ay nagbihis agad at lumabas ulit ng gate.
 
 
 
"Alam kong nandyan ka. Labas."
 
 
"Hahaha! Lakas ng pakiramdam ah?" at lumabas nga ang gunggong.
 
 
"Kapal talaga ng mukha mo no? Lantaran ang pagsunod sa'min."
 
 
"Wala na man ring saysay ang pagtatago kung alam mo namang nasa paligid lang ako."
 
 
"Hindi ka ba natatakot na baka mapatay kita ngayon sa ginagawa mo?"
 
 
"Hindi" walang pakundangan niyang sagot.
 
 
Tss... sabi na nga ba. Hindi ito ordinaryong tao.
 
 
"So bakit mo kami minamanmanan?"
 
 
"Nagbabantay lang ako, hindi nagmamanman at ginagawa ko to dahil kailangan at yun din ang utos sa'kin"
 
 
"At bakit mo naman kami binabantayan? Hindi namin kailangan ng bantay"
 
 
"Really? Kung wala ako doon sa party kanina nagbabantay eh hindi sana kayo nakauwi ng matiwasay dito."
 
 
 
Nagulat ako sa aking narinig. Parang alam ko na kung saan hahantong ang storyang 'to.
 
 
"Bakit naman?"
 
 
"Naalala mo pa ba nung muntik nang makidnap si Kate? Yun din ang araw na inatasan akong magbantay sa inyo para di na maulit iyon."
 
 
"Teka, bakit alam mo ata ang lahat?"
 
 
"Siyempre naman! Ako pa!" pagmamayabang pa ng unggoy.
 
 
Tsk! Kung kalaban lang to kanina pa basag mukha nito. At mukhang wala talagang balak sabihin sa'kin ang lahat-lahat. Pero alam kong mapagkakatiwalaan ang taong to. Pero... mahirap pa rin magtiwala sa mga taong kakikilala mo pa lang. Lalung-lalo na sa mga kagaya nito.
 
 
"Alam ko ang mukhang yan. Hindi ka pa rin naniniwala sa akin. Tsk.. bahala ka nga. Basta ako I meant no harm sa inyo."
 
 
"Sino ka ba?"
 
 
"Yue pare and your Jerwin Rey Salazar right?" (pronounced as 'yu-we')
 
 
Tumango lang ako. Nakakakilabot lang pakinggan mula sa estranghero na'to na alam niyang buo kong pangalan na para bang kilalang-kilala na niya ako. Samantalang ngayon ko lang siya nakita. Mukhang magkaedad lang kami nito.
 
 
"Wala ka talagang balak sabihin sa akin kung sino nag-utos sa iyo?"
 
 
"Wala" walang pakundangan niyang sagot. Tss... Talagang wala akong makukuha sa g@gong to. Bahala siya sa buhay niya. Basta wag niya lang kaming subukang galawin ni Katey, talagang magtutuos kami hanggang impyerno.
 
 
Iniwan ko na siya doon sa labas at pumasok na ako ng gate namin. Binulungan ko yung isang tauhan namin doon na nagbabantay sa gate na bantayan yung unggoy sa labas. Hindi ko basta-basta ipagkatiwala ang seguridad ni Katey sa iba lalung-lalo na sa delikadong taong yun.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
*************
 
 
 
(Yue's POV)
 
 
 
Heh! Talaga namang hindi ko masabi-sabi kung sinong nag-uutos sa akin na gawin ito dahil WALA naman talagang nang-uutos at inuutusan.
 
 
I'm doing this on my own accord. I have my own plan. Pero alam naman 'nila' ang ginagawa ko at hinayaan lang ako. Wala naman silang rason na pigilan ako. Actually nakatulong pa nga ako. Pero sa oras na sumasalungat sila sa akin at naging sagabal sa aking mga desisyon ay hinding-hindi ako magdadalawang isip na kalabanin 'sila'.
 
 
 
 
 
 
 
 
**********
 
 
 
(Kate's POV)
 
 
"GOOOOOOD MOOOOORNIIIING!!!" Bati ko kina nanny Silva at kuya JR sa sala.
 
 
Tumingin lang si kuya sa dirkesyon ko at binalik ulit ang tingin sa T.V.
 
 
"Hija, kumain ka na. Siguradong gutom ka na."
 
 
"Gutom na gutom na talaga ako nanny Silva.. teehee.." sabay kamot sa batok.
 
 
"Sino ba namang hindi gutumin eh tanghaling tapat na bumangon. Hindi pa nahiyang bumati ng 'good morning'-Araaaay!!"
 
 
Kinurot ko nga ang pisngi ni kuya pagkadaan ko sa likuran niya.
 
 
"Wag mo'kong barahin ngayon kuya. Bago lang akong gising at gutom na gutom pa."
 
 
"So? Are you threatening me?- Ara-Araaaay!! Katey!"
 
 
Kinurot ko naman sa kabilang pisngi para pantay. Tahahaha! XD
 
 
Inis naman itong humarap sa akin at akmang kukurutin din ako sa pisngi ngunit natigil ito nang magsalita si nanny Silva.
 
 
"Oh mamaya mo na yan awayin yang kapatid mo Jerwin. Pakainin mo muna yan." natatawang saway ni nanny Silva.
 
 
"Tsk.. kumain ka na nga dun! Humanda ka sa'kin mamaya."
 
 
"Really??? I'm scared!" nag-acting pa akong natatakot sabay takbo habang tumatawa sa kanya. Hinabol niya ako at binato ng throw pillow (talagang nagamit na ang 'throw' pilow sa purpose nito XD) ngunit nakaiwas ako at sabay behlat sa kanya.  XP
 
 
Ahahahaha!! XD Ang mukha ni kuya, di niyo talaga ma-imagine!! Nakakatawa! Ahahahah!! XD
 
 
 Nakaliko na ako papuntang dining area namin. Hmmm... dito pa lang amoy na amoy ko na ang ulam! Naramdaman ko namang kumulo ulit ang tiyan ko. Ayan na... nagreklamo na ang mga little pets ko sa tiyan.
 
 
"Don't worry.. pakakainin ko na kayo. Kalma lang okay? Wag kayong hot dahil ako lang ang hot dito." sabi ko habang hinimas-himas ang tiyan. Ahahaha... parang baliw lang eh no, kinausap ang tiyan.
 
 
Baliw na konsensiya: Talaga namang baliw ka. -___-
 
 
Oo, nang dahil sa'yo! Umalis ka nga!
 
 
Baliw na konsensiya: nye nye... ayoko nga! kung mawala ako hindi ka na maging maganda! XP
 
 
Konek?? Psh... baliw talaga!
 
 
Baliw na konsensiya: Kaya nga ako ang baliw na konsensiya mo! Tss...  -____-
 
 
Sabi ko nga.
 
 
Makakain na nga. Baka mamaya lalabas pa ang iba't ibang konsensiya ko. Oo, marami sila readers kaya kakain na ako't baka magsilabasan pa yun! Magkaroon pa ng World War III sa sistema ko. Tss...  =______=
 
 
Siyanga pala, wala po kaming klase ngayon dahil holiday kaya sinamantala ko na ang pagbubyuti rest. Wala naman akong gala ngayon. Simula nung dumating si kuya Spicy ay palaging busy na si Lovi. Si Shar naman ay ewan. Parang wala sa mundo sa tuwing magkasama kami. Si kuya Khyler naman ay di ko na nakita. Problema ng mga tao ngayon? Haiszt... bayaan na nga lang natin sila sa kani-kanilang storya sa buhay dahil ako ay may sariling storya din na kailangang atupagin.
 
 
 
 
Patapos na akong kumain nang pumasok si kuya sa dinning area namin at nakabihis.
 
 
May lakad?
 
 
"Katey, may photoshoot ako ngayon kaya dito ka lang ah. Wag kang lalabas kung wala pa ako."
 
 
"Yes kuya. Don't worry wala naman akong gala ngayon at wala rin akong balak na lumabas. So no worries. Owkie?"
 
 
"Good" then pinat niya ang aking ulo at umalis na. Gawin ba naman akong aso. =___________=
 
 
Pagkatapos kong kumain ay nagkulong lang ako sa aking kwarto at nagbabasa ng......
 
 
 
MANGA!!!
 
 
Yes! Sana may update na ang Vampire Knight Guilty at yung Gakuen Alice.. haaay.. per month ba naman ang update.. hiatus talaga.. T______T
 
 
"BOOOH!!"
 
 
"Ay Tsekwa!!" nahulog ako mula sa pagkakaupo ko sa kama.
 
 
"Ahahahahaha!!" XD
 
 
"Napaka mo talaga kuya Spicy!! Wala ka bang magulo dun sa bahay niyo at talagang dito ka pa manggulo!" bumalik na ako sa pagkakaupo sa kama at tumabi naman si Mr. Spicy.
 
 
"Ouch naman bunso! Inatasan lang naman ako ng magaling mong kuya na bantayan ka."
 
 
Tss... Si kuya talaga, umalis na nga sa photoshoot niya't lahat may iniwan pang tagabantay saken. Ako lang mag-isa dito sa bahay. Si daddy as usual nasa work. Si mommy naman di pa nakauwi sa kanyang business trip. Si nanny Silva naman ay namamalengke. Kaya i'm all aloooone~
 
 
Pero kanina lang yun, ngayon ay may kasama na ako. Ewan ko ba kung matutuwa ako dahil sa wakas may kasama na ako o hindi. =_____=
 
 
 
*tok tok tok*
 
 
"Mam Kate?"
 
 
Sabay kaming napalingon ni kuya sa pinto ng kwarto.
 
 
"Bukas yan"
 
 
Binuksan naman ng katulong ang pinto.
 
 
"Mam may naghahanap po sa inyo sa labas."
 
 
"Sino?"
 
 
"Eh ayaw po magpakilala eh."
 
 
Nagakatinginan naman kami ni kuya nun.
 
 
"Pinapasok niyo?" tanong ni kuya Spicy.
 
 
"Hindi po"
 
 
"Good, dito ka lang bunso ako na ang bahala dun" tumayo na siya at umalis.
 
 
 
 
 
 
 
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 
 
Saichi's Note:
 
dyeren! ayan na ang update! mehehehehehe.... sarreh if yan lang ang nakayanan ng powerz ko ngayon. galing pa po akong practice at di pa nakabihis.. tahahaha.. plano ko sanang mag-update bukas kaso mag-sleepover po kami sa bahay ng aming ka-grupo para magpractice. nape-pressure po kami ngayon sa aming valentine concert kaya sana maintindihan niyo po ang kawawang Ms. Otor na'to.. (____  ____);
 
Einiweiz, doncha worry! i'll find time para maka-update owkie??
 
So enjoy reading this chapter guys! vote, fan and comment all you want if you likey likey.. tenchuu po talaga lalung-lalo na sa mga matyagang naghintay sa aking mga updates.. God bless to ya all guys... chu~  (~.^)/
« Last Edit: January 25, 2012, 10:41:59 pm by syjoy »

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
WANTED: KUYA...? - Chapter 14 1/2
« Reply #53 on: April 11, 2012, 12:39:19 am »

Enjoy reading guys~
(~,^)v

Chapter 14


(Spencer's POV)

Pagkalapit ko sa may gate ay lumapit agad ang guard sa akin.
"Saan na yun?"
"Umalis na po sir Spencer. Pero may iniwan siyang maliit na pulang box. Regalo daw para kay mam Kate. Eto po."
Kinuha ko yung maliit na box. At nagulat sa bigat nito.
"Sige ho salamat. Wag niyong hayaang may makalapit pa ng ganun dito sa bahay." bilin ko.
Tumango naman ang guard na naiintindihan niya.
Bumalik na ako sa kwarto ni Kate at nakitang nagbabasa na naman ng mangga sa laptop. =________=


(Kate's POV)

"Oh? Sino daw yun kuya?"
"Wala. Umalis na pero may ipinabigay sa'yo. Regalo daw." tapos initsa niya ang isang bloody red na maliit na box.
"Ano naman kaya 'to? Medyo mabigat."
Regalo? Next year pa naman birthday ko ah.
Medyo mabigat ang box na'to kahit maliit. Tapos may nakita akong maliit na sulat sa harapan.

'Open this when you're alone'

"Buksan mo, para malaman natin ang nasa loob."
"Nah.. mamaya ko na 'to bubuksan. Magbasa muna ako ng mangga. teehee.."
"Sige na bunso! Ako'y naiintriga sa laman niyan!"
Nagpumilit pa si kuya Spencer. Tsk... Di talaga to titigil pag di ko 'to bubuksan. Two choices lang yan eh.

1. Bubuksan ko to at nang makita niya.
2. Hindi ko to bubuksan ngunit sigurado akong kukunin niya ito upang siya na lang ang magbubukas.

"Tsk... kuya.. hindi pwede eh.." paano ko ba'to sasabihin sa kanya na dapat ako lang makakita sa laman nito.
"Bakit hindi pwede? May manliligaw ka na ano? Ikaw ah... lagot ka kay kuya mo!"
"Wala noh! Basta.. ano kasi.. may nakalagay dito na dapat pag buksan ko to ay ako lang mag-isa.."
"Huh? Bakit naman? Meron bang nakasulat? Patingin nga."
Binigay ko ulit sa kanya ang maliit na box at nakita niya ang maliit na sulat sa ibabaw nito.
"Weird. Pero di naman malaman ng nagpapabigay nito na nag-iisa ka o may kasama ka habang nagbubukas niyan."
Tsk... Sige na nga. Hindi naman malaman ng nagpapabigay nito na may ibang taong nakakita sa laman ng binigay niya di ba? Kaya okay lang siguro.
"Sige na nga"
Binuksan ko na ang bloody red na small box at ang laman ay....

*drum rolls*

*drum rolls*

*drum rolls*

Ehem! Ehem! Eto na talaga...

makikita ko na...

makikita ko na...

ang...


ang...


PAPEL?


NANAMAN?

"Papel lang ang laman? Medyo mabigat nga yang maliit na box na yan."
Pati si kuya Spencer ay nagtataka rin.
Binuklat ko ang MAHIWAGANG papel at ang nakasulat?
Pangalan ko na capitalized lahat pero maliit lang pagkasulat nito. Parehas sa laman ng papel nung black box na natanggap ko.
Di kayang posible na iisa lang ang taong nagpapadala sa'kin nito?
Chineck ko ulit ang box baka may laman pa katulad nung nauna na akala ko papel lang ang laman ngunit may real peridot stone pendant pa pala.
Tinignan ko ulit ang loob ng box ngunit wala na itong laman.
Siguro ang box na mismo ang gift niya?
Maganda naman ang box. Kagaya nung una velvety ang texture at napakapure ng color. Napaka-bloody red talaga.

"Papel lang talaga ang laman."
Medyo disappointed naman si kuya.
"Ano bang inexpect mo kuya?"
"Akala ko ang laman niyan ay bato"
"Nyek! Magbibigay man lang ng regalo bato pa?"
"I mean yung mamahalin na bato. Ano ba yan! Baka isa yan sa mga naglakas loob na magparamdam sa'yo bunso. Bayaan mo na yan diyan."
"Ewan." Di ko na lang sabihin kay kuya na may natanggap din akong ganitong klaseng box nung una.

"Mabuti pa'y ipagbake mo na lang ang gwapo mong kuya ng special cookies mo. Na-miss ko na ang mga cookies mo bunso. Walang ganung klaseng kasarap na cookie dun sa America. Da best pa rin ang cookie mo!"
*roll eyes*
Asus! Nambola pa! If I know nagugutom na yan! Kaya bumaba na ako at nag-prepare sa mga ingredients habang si kuya naman ay tumambay sa aming entertainment room. Doon ko na lang daw siya puntahan pag tapos na ako. Owkie. Para naman akong katulong sa lagay na'to. -_____-
Habang naghihintay na ma-bake ang cookies ay paupo-upo lang ako sa may lamesa namin.
*KRIIIIIIIIIING!!*

*KRRRRRIIIIIING!!! KRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGGGGGGGGG!!!!!*

*KRRRRRRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!*

Sandali! Oo na! Eto nah!
Anuber?! Kay galit naman kung makatawag!

"Hello--"
(KATEY?? Okay ka lang ba diyan? Walang masamang nangyari? Si Spencer? Andiyan pa ba? Buhay pa ba?)
"Kuya, ano naman iyang pinagsasabi mo? Oo andito pa si kuya Spencer. Klarong-klaro na humihinga at buhay na buhay at mainit pa ang katawan. Gusto mo patayin ko para sa iyo at nang maging malamig na bangkay na'to pag-uwi mo?"
Pinandilatan ko nga si kuya Spencer.
Eh kasi naman nakikinig sa usapan ng may usapan. Nasa likod ko siya ngayon at nakidikit ang tenga niya sa telepono.
Ang lapit-lapit niya kaya damang dama ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng leeg ko.
(No, hintayin mo na lang ako diyan. Ako na ang papatay niyan.)
"Ahahahahaha!!!"  XD
Tumawa naman ng malakas si kuya Spencer pagkarinig niya sa sinabi ni kuya.
Sheesh... ang kulit lang. -______-
"Oh? Yan lang ba tinawag mo kung papatayin na ba natin si kuya Spencer, kuya?"
(I've heard may pumunta diyan at hinahanap ka sabi ni Luigi.)
Kung di niyo alam, si kuya Luigi po ang head sa security namin dito.
"Yeah. Pero umalis agad. Di na namin nakita ang mukha."
(Good. Uuwi na ako in an hour kaya wag lalabas ah?)
"Okay kuya"
(Wag mo ring palabasin si Spencer. Baka sumibat agad yan pag nalaman niyang pauwi na ako. Malilintikan talaga yan sa'kin.)
"Ahahaha.. sige sige kuya.. ingat!"
(Kayo mag-ingat diyan. Sige.)


--------------------End of call----------------------



"Oh kuya narinig mo yun?"
"Ang alin?" nagtataka naman siya.
"Wala." XP

Malamang di na niya marinig si kuya kasi umupo na siya sa sofa nung tumawa siya sa sinabi nito.
Umalis na ako at pumuntang kitchen. Bake na siguro yung cookies ko.
"Ang alin nga?"

Ilang beses ko na bang nasabi na ang kulet ni kuya Spencer? -_____-
Nakasunod pala sa akin hanggang sa kusina.
"Ang sabi ko, luto na ang cookies kaya palamigin na natin to."
"Yes! Yummy!" kukuha na sana siya ng piraso pero pinalo ko ang kamay.
"Kuya mainit pa yan. Palamigin muna natin owkie? Don't worry sa'yo naman talaga yan lahat"
"Yehey! Bait naman ng bunso ko! Pa-hug nga!" pero bago pa siya makalapit sa akin ay may biglang sumulpot naman na kabute- este sexyng nilalang pala.
"Hoy syokoy! Anong balak mong gawin sa bestfriend ko? Naku! gagawin kitang ginisang syokoy sa oras na may masamang kang ginawa kay K!" tapos lumapit naman si Lovi sa akin.
"Wag ka nang magselos babe. Alam mo namang ikaw lang nag-iisa sa puso ko eh"
"Mga banat mo Spencer, hindi yan tumatalab sa akin"
"Ows? Talaga lang ha? Noon nga--"
"Halika ka na K, dun tayo sa kwarto mo. Malansa na kasi dahil sa LAMANG DAGAT na nandito."

At iniwan na namin si kuya Spencer doon. Hahaha.. kawawa naman. Bahala na siya sa mga cookies niya dun. XD

*toot toot* *toot toot* (Toot? ikaw ba yan? XD)

May text.
Number lang?

From: +6392073*****
[ei nu gwa mo ngaun? btw, ds s MM  ;D]

MM???!! O___________O!!

Pwede na bang kiligin?? >/////<

Binasa ko paulit-ulit ang text message niya. Hindi makapaniwala. Totoo ba talagang si MM toh? Pakisampal nga sa akin baka nananaginip lang ako.

Ay wag na lang pala. Masakit!

"Huy loka! Hinga ka naman diyan! Sino ba yang nagtext at talagang pigil hininga ka pa!"
Hindi pa rin ako natinag kakatitig sa mensaheng sinend ni MM.
Kinuha naman ni Lovi ang cp mula sa pagkahawak ko at binasa.
"AAAAHHH... kaya naman pala! Naku girl! Isa lang masasabi ko diyan, sagutin mo na!"
"Nukaba! Di pa nga yan nanliligaw sa'kin! Atsaka wala rin nga yang gusto saken eh."
"Girl, wag slow okay? Malamang nagtetext siya sa'yo dahil gusto ka na rin niyan!"
"Ganun??"
"Yup!"
"Sana nga"
To: +6392073*****
[hi MM! panu mo pla nakuha num ko?]
Send!

"Huy! kilig ka diyan!"
"Siyempre naman noh! Sinong bang hindi? Crush mo na nagtetext sa'yo" ♥
Di na nagreply ulit si MM sa akin nun. Ano yun? Trial and error? Nakakahiya naman kung na-wrong sent lang siya tapos nag-reply pa ako. >/////<
Nagkwentuhan lang kami ni Lovi dun sa kwarto. Ewan ko kung ano na nangyari kay kuya Spicy sa baba. Baka siya na ang kinain ng mga cookies. Ahahahahaa..  XD

"HALA! OY! WAAAAAAG!!" narinig naming sigaw ni kuya Spencer galing sa baba.
Kitams? Baka kinain na talaga siya ng mga cookies ko. Mehehehehehe...  XD
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!"
"Hala baka inihaw na ang syokoy sa baba. Tignan natin!"
Lumabas naman na kami ni Lovi ng kwarto at nakita namin sa kusina na nakipag-agawan si kuya Spnecer ng cookies kay kuya... Jerwin? Nakauwi na pala to di namin namalayan.

"Ano nangyari dito?" tanong ko.
"Bunso! Turuan mo nga ng good manners and right conduct yang kuya mo! Bad kaya mang-agaw ng cookies ng iba!"

-_______- ako yan

Para namang bata kung makasumbong.
Eh panu ba naman, inagaw ni kuya Jerwin yung pinaglagyan naming jar ng cookies kanina para palamigin muna. Lakas ng pang-amoy ah, naunahan tuloy si kuya Spencer.

"Kuya JR, ipag-bake na lang kita ng bago. Kay kuya Spencer yan"
"Ayaw" Geez... isa pa to!
"O sige maylabs share na lang tayo, pero susubuan kita gamit ang bibig ko."
"Nevermind!" mabilis namang niyang binalik ang cookie jar kay kuya Spencer.
"Yes!" mahinang sambit naman ng Mr. Spicy.
"Katey, bake me cookies yung mas marami at mas masarap sa ginawa mo kay Spencer."
"Ano??" angal ko sa kanya.
Tapos nakita ko naman si kuya Spicy na ang mukha na parang nagmamakaawa na papayag na ako para sa ikatatahimk ng aming buhay.

Psh..! Sige na nga!

"Sige"
"Damihin mo ah at dapat mas masarap pa kesa sa cookies ni Spencer!"
"Yes Sir!"
Psh! Nagselos ba naman kay kuya Spencer. Kunsabagay sila naman talaga laging mag-aagawan pagdating sa cookies ko. Haaaiszt... oo alam ko... ako na... ako na ang masarap magluto ng cookies. ;D  ;P
Nang makauwi na ang mga kabute- este sila kuya Spicy at Lovi na nag-aaway pa hanggang sa paglabas sa gate namen, ay dumiretso na ako sa kwarto ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng aking kwarto nang maramdaman kong may yumakap mula sa aking likuran.

"K-kuya-"
"Sshhh... bayaan mo muna ako." bulong niya sa aking tenga.
Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa'kin.
Bigla namang tumahip ng mabilis ang puso ko na parang kinakabahan na nae-excite. May sakit na ata ako. Bigla-bigla ba namang bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan.
Ramdam ko ang init ng katawan ni kuya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Pati na rin ang mabango niyang hininga sa leeg ko. Nakayuko kasi siya habang yakap ako.
Maya-maya ay tinanggal na niya ang pagkakayakap sa'kin at hinarap ako sa kanya.
"Katey, tandaan mo na kahit na anong mangyari di kita pababayaan." seryosong sabi ni kuya habang tinitigan ako sa mga mata.
"Pinagsasabi mo kuya? Alam ko na yan noh! No worries!"
Mataman pa rin niya akong tinitigan tapos ngumiti siya at pinat aking ulo.
"Sige na matulog ka na. May pasok na tayo bukas." then he kissed me on my left cheek.
Nakapasok na si kuya sa kanyang kwarto, pero ako ay nanatiling nakatayo pa rin na parang tuod sa labas ng kwarto ko.
I felt myself blushing. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ako naapektuhan sa paghalik na yun na dati naman niyang ginagawa? Hinawakan ko ang pisngi kung saan dumampi ang labi ni JR.
I felt a tingling sensation na nakakakilig na ewan.
Haynaku! Itutulog ko na nga lang to! Anu-ano na lang pumapasok sa aking isipan. -_____-


syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
WANTED: KUYA...? - Chapter 14 2/2
« Reply #54 on: April 11, 2012, 12:41:15 am »
************

*UWAAAAAAAK!! UWAAAAAAAAAK!! UWAAAAAAAAAAAAAAAAAA---!*

Ang ingay naman ng alarm clock na'to!
Kaya nga maingay dahil alarm clock. Psh! -______-
Ano na bang oras?
Time Check: 6:30am

Ayoko pang bumangon... Ang bigat-bigat ng katawan ko na para bang may sementong nakadagan sa'kin. Halos di ko rin maimulat ang aking mga byutipul eyes.
Ang lamig! Sira siguro tong orasan ko. Baka 2:00am pa dahil ang lamig-lamig.
Binalot ko na lang ng habol ang buo kong katawan hanggang ulo at nakatulog ulit.
Di nagtagal ay naramdaman kong may yumugyog sa aking balikat.
"Hmmmm..."
"Katey, gising na... Iiwan kita dito pag di ka pa bumangon diyan."
"Hmmmm..." Tumango lang ako kay kuya. Ang lamig-lamig talaga.
"Katey.. huy!" Hinila niya ang habol mula sa pagkakatabon sa aking mukha. "Bumangon ka na-- Katey? Bakit ang init-init mo?"
"Ano ba kuya... Inaantok pa ako eh... atsaka anong mainit? Malamig nga..."
"Tsk! You brat... you have a fever. I'll excuse you sa mga professors mo today. Si nanny Silva muna bahala sa'yo. Babalik rin ako agad."

Agad? Wala ba siyang klase ngayon?
Tumango lang ulit ako sa kanya nun then I felt he kissed me on my forehead.
"Babalik din ako agad." he whispered, then he left.
Nakatulog ulit ako pagkaalis ni kuya. Ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam ko.


(Jerwin's POV)

Tsk!
"Nanny Silva, pakiasikaso po kay Katey sa kwarto niya. May lagnat."
"Naku naman yung batang yun. O sige hijo.. ako na ang bahala sa kanya."
"Sige po, punta lang po ako saglit sa school. Babalik rin ako agad."
"Sige hijo, ingat sa biyahe"
Lumabas na ako and as usual nakita ko na naman ang kolokoy sa bandang kanto umiinom ng softdrinks. Kumaway pa ang loko sabay tango.
Tss...
Sumakay na ako ng kotse at umandar papuntang school. Napansin ko namang hindi sumunod ang loko. Tss... sabi na nga ba. Si Katey binabantayan nito.



(Nanny Silva's POV) perstaym!  XD

Tong batang to oo... bigla-bigla na lang nagkakasakit.
Di man sabihin ni JR ay alam kong sobrang nag-aalala ito para kay Bridgette. At alam kong higit pa sa pagiging kapatid ang nararamdaman niya para dito.
Nag-aalala tuloy ako para sa mga bata sa mangyayari sa kanila sa hinaharap.
Pagkatapos kong punasan at bihisan ang alaga ko ay bumaba na ako at magluto na para sa tanghalian.
Habang nagluluto ay narinig kong tinatawag ang pangalan ko.
"Manang Silva! Manang Silva!"
"Andito ako sa kusina Grace."
"Manang Silva!"
"Oh bakit? Ba't hingal na hingal ka diyan?"
"Manang Silva, kasi po... may naghahanap sa'yo.." medyo nag-aalangan pang sabi nito.
"Sino daw?"
"Eh... di po sinabi eh. Di nga bumaba ng kotse para makita namin. Nakashades pa. Pero makikita mo talagang mayaman! Kotse pa lang nakakalula na! Tantiya ko matanda na yung babaeng yun pero napakaganda pa rin ng kutis!"
"Kilala niya ako? Sinabi ba niya ang buong pangalan ko?"
"Ah opo! Sabi niya kung andiyan ba si Silva Ligan. Diba yun po ang buo niyong pangalan?"
Bigla akong nanlamig sa aking narinig at nahulog ang sandok mula sa pagkahawak ko.
Totoo na ba ito? Alam kong darating ang panahon na ito ngunit di ko inaasahan na ganito kadali.
"Grace... pakibantay muna ng niluto ko ah? Para yan sa tanghalian nila Katey."
"Sige po"

Nagmamadali akong naghugas ng kamay at lumabas ng kusina at hinubad ang apron.
Walang duda kung sino ang naghahanap sa'kin ngayon. Buti na lang wala sila sir at lalong-lalo na tulog si Katey sa itaas.
Dali-dali akong lumabas ng gate at sa pagkatagal-tagal ng panahon ay nakita ko ulit ang




DOŅA.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Saichi's Note:

Oh ha! oh ha! nakapag-update ang magandang baliw na Otor ngayon!! magbunyi!!! yeeeeey!!
\(^___________^)/

Vote, fan and comment guys! tenchuu sa pagbabasa~! chu~ tata! (~,^)v

syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
WANTED: KUYA...? - Chapter 15 1/2
« Reply #55 on: April 11, 2012, 12:53:15 am »
I dedicate this to you as my thanks sa pag-fan sa'kin like.. kahapon ba yun? hahahaha.. nakalimutan ko kailan. XD

Chapter 15 1/2


(Nanny Silva's POV) sekandtaym! XD

Lumapit ako sa nakabukas na bintana ng kotse.[size=78%] [/size]
"D-Doņa Victoria... a-ano po--"
"Good to see you again nanny Silva. How's my little Bridgette?"
"A-ah... k-kasi..--"
"C'mon stop stammering.. i'll not gonna eat you" tapos tumawa ito ng mahina.
Sino ba namang hindi kabahan pag kaharap mo ang Doņa?
Alam ko ugali nito...
"N-nasa loob po si Miss Bridgette ma'am..."
"Anong ginagawa niya?"
"N-natutulog po." Sana naman di tanungin kung bakit natutulog samantalang may klase dapat sa mga oras ngayon. Kung malaman lang nitong nagkasakit si Bridgette...
Sana wag naman.
"Okay. I just came here to personally check na andito ka nga with my granddaughter. Siguro alam mo na ang dapat mong gawin."
Mataman niya akong tinitigan sa pagkakataong iyon.
"Y-yes madam.."

Pagkatapos ay umandar na ang kotse. Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko sa labas ng gate nang dumating ang kotse ni JR.[size=78%] [/size]
Bumaba ito at nilapitan ako.
"Nanny Silva? May problema po ba? Namumutla po kayo."
"A-ah? W-wala.. wala naman hijo. Tara na pasok na tayo."



(Jerwin's POV)
[size=78%] [/size]
Kinabahan ako nang makita ko si nanny Silva na nakatayo sa labas ng aming gate nakatulala at namumutla.
Agad ko naman siyang nilapitan pagkalabas ko ng kotse at tinanung, sabi naman niya wala.
Buti naman okay lang si Katey. Kasi kung may problema kay Katey ay agad naman niyang sasabihin yun. Pero di pa rin mawala-wala ang kutob ko na may tinatago si nanny sa akin.
Agad akong pumunta sa kwarto ni Katey at nakitang mahimbing itong natutulog.
Kumuha ako ng single chair mula sa sofa ng kanyang kwarto at hinila ito malapit sa kama at naupo dun.
Dinama ko ang noo niya.
Mabuti naman at bumaba na ang lagnat niya... *Sigh*
Sobrang nag-aalala ako kasi ang init-init niya kanina. Kinansela ko na rin ang dapat kong photoshoot ngayon. Si Benj na lang nag-sub sa'kin.
Kumuha ako ng towel at binasa ito at pinatong sa noo niya.
Gumalaw naman si Katey at nagmulat konti ng mga mata.
"Kuya..." hinawakan niya ang kamay ko.
"Hush... dito lang ako. Aalagaan kita."
Ngumiti naman ito at nakatulog ulit.



(Nanny Silva's POV)
[size=78%] [/size]
Nakasilip lang ako ngayon sa pintuan sa kwarto ng alaga ko. Kitang-kita ko kung paano inaalagaan ni JR si Bridgette at rinig na rinig ko ang mga katagang binitawan nito na punung-puno ng tunay na nararamdaman niya.

Diyos ko po... Nawa'y tulungan Niyo po ako sa pagdesisyon ng tama. Ayaw ko pong sirain ang magandang kinabukasan ng dalawang bata... Sana makahanap ako ng ibang paraan para mailigtas sila sa sakit na mararanasan nila sa hinaharap.



(Kate's POV)
[size=78%] [/size]
Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa akin.[size=78%] [/size]
Anuber!! Kitang natutulog pa yung tao! Sino ba namang nagbukas ng kurtina??
Ay ako pala.. natandaan kong nakalimutan kong itabon muli sa glass wall ng kwarto ko.
Naramdaman ko namang may towel sa ibabaw ng noo ko. At biglang may gumalaw sa tabi ko.
Tabi ko??
Lingon to the left *slow motion*

"AAAAAAAAAAAAHHHHH-MMFF!!" bigla niyang tinakpan ng kamay ang aking bibig.[size=78%] [/size]
"Nice... ganda ng alarm clock ko. Tss..." tinanggal na niya ang kamay mula sa aking bibig.
"Kuya?? Ba't ka andito nakahiga sa kama ko?"
"Natutulog malamang! Ano ba namang tanong yan Katey! Common sense! Yan na bang gawa ng lagnat? Nawawalan ng common sense pagkatapos? Tss..."
"At bakit ka naman-- Teka.. lagnat? Nilalagnat ako?"
"Hindi ikaw... ako...ako.. tsss.. makatulog na nga--"
"Teka teka lang kuya! Anong araw na ngayon?"
"Friday."
"Wala tayong klase? 10am na oh!"
"Tayo lang ang walang klase dahil hindi tayo pumasok."
"Eh? Hindi pwede yan! Isa akong ulirang estudyante kaya papasok ako sa afternoon classes ko."
"Good. Pero okay na ba ang pakiramdam mo?"
Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Wala na akong kakaibang nararamdaman so okay na ako.
"Yups!"
"Sure ka?"
"Oo nga! Kulet!"
"O sige kung okay ka na nga talaga ay... ilan to?"
"Kuya... nagkasakit lang ako... hindi nabulag." Psh! *roll eyes*
"Ilan nga to?"
"Tatlong daliri okay?"
"Nope... apat yan."
"Kuya... umandar ka na naman sa kalokohan mo"
"Tss.. di ka pa nga okay. Matulog na lang tayo dito."
"Ahhh!"
Hinila ba naman ako bigla pabalik higa.
"Kuya naman eh! Mag-ayos na tayo! May klase pa tayo sa hapon! Atsaka may general meeting pa tayo mamaya sa org remember? Bawal umabsent dun! Kaya mag-ayos na tayo okay?"
"Tss... Sige na nga. Bilisan mo ah.. pag matagalan ka sa pag-aayos matutulog na lang ako. Di ako nakatulog magdamag sa kakaalaga ng damulag na tulad mo. Kaya bilis-bilisan mo ang pagkilos bago pa magbago ang isip ko. Copy?"
"Roger! Copy that!" sabay salut sa kanya.


*************[size=78%] [/size]
"Good evening everyone, I called a general meeting to announce some changes in our organization. We've decided that we can recruit anyone as many as we can in a year as long as we need them and they live up to our standards. We already have our Recruit and Research Team to do that job. As for the activities for this month of December... we have LOADS of them. Your Chief Department will explain that further to you. And I want superb results for that. On february, we'll have a big event. As you observed we have several new faces already here. We need more people for the big event. The new ones are still trainees. My Asst. Director will train you. Remember that anybody will be kicked out from the org anytime either old or new members if you don't have the right attitude. And you know what i'm talking about..."

"yada yada yada...*YAWN*... kailan pa'to matatapos bunso? Ang boring naman... *YAWN*"[size=78%] [/size]
Siniko ko nga.
"Araaay!"
"OA mo kuya Spicy ah! Tumahimik ka na lang diyan kung ayaw mong pagalitan pa tayo."
"Bakit ba ang dami pang satsat!"
"Anong gusto mo? Pagkatapos mag 'Good evening' 'Good bye' agad?" sabat ni Lovi.
"Yown! Yown ang gusto ko! Para uwian na-- ARAY!!"
Tahahaha... kinurot ni Lovi. XD
"SSSSHH!! Tumahimik ka nga diyan syokoy! Kung ayaw mong ipatapon kita ulit sa dagat!"
"Magsitigil nga kayong dalawa. Ikaw Spencer kung ayaw mong makinig matulog ka na lang diyan." saway ni kuya sa dalawa.
Mabuti naman at tumahimik na sila. Nakita ko kasing napatingin sa aming direksiyon ang Head Director. Patay talaga pag napagalitan pa kami. -_______-
Pagkatapos ng general meeting ng 8pm. Yeps, 2hrs talaga yan, ay nagsiuwian na siyempre. Pagkalabas namin ng building ay tumunog ang phone ni kuya.

"Tol, oo... kakatapos lang... sige sige..."[size=78%] [/size]
"Sinong tol?" tanong ni kuya Spencer.
"Si pareng Jeff. Andun silang dalawa ni Lhar sa bahay."
"Oh? Tara na sa bahay niyo!"
"Ano daw sabi?" tanong naman ni kuya Eli. Kasama namin siyang lumabas.
"Doon na lang daw nila sasabihin ang ANNOUNCEMENT. Tss... di na lang makapaghintay sabihin hanggang bukas. Baka kung ano na namang kalokohan naisipan ng dalawang yun."
"Let's find out, tara na."


syjoy

  • jellybean
  • **
  • Posts: 102
  • Karma: +3/-1
  • Talent is God given. Be humble.
    • Facebook
WANTED: KUYA...? - Chapter 15 2/2
« Reply #56 on: April 11, 2012, 12:56:10 am »
Chapter 15 2/2


Sumunod naman kami kay kuya Eli papuntang parking lot ng school. Convoy lang kami. Eh paano may kanya-kanyang sasakyan.
Si Lovi naman ay nakasakay kay kuya Spicy. Coding kasi siya ngayon. Ako na ang pumilit sa kanyang sumakay doon. Hahahaha.. *evil laugh*
Si kuya Khian naman ay nandun na rin sa aming bahay.
I miss this... yung buong tropa sa aming bahay.

Nakasanayan na kasi ng tropa na sa bahay namin tumambay. Paminsan-minsan naman ay sa ibang bahay. Para na ngang pangalawang bahay namin ang mga bahay nila. Ganun din sila sa amin. Ngayon lang kumpleto ulit ang barkada simula nung pumuntang America ang pamilya nila kuya Spencer. Mas lalong magiging maingay na naman to.

Kami daw ni Lovi yung 'princessa' ng grupo kuno kaya masyado kaming alaga nila. Siyempre ako yung pinakabata kaya ako yung bunso.  Iba talaga ang privilege pag bunso ka, right?  ;D  (n.~)v

Nang makarating sa bahay ay kanya-kanya namang park sa garage namin. Mabuti at malaki ang garage namin kasya lahat ng sasakyan ng barkada. Para ngang may car show eh. Pinarada ba naman nila ang kanilang magagarang model cars.

Ang yabang lang men!

"Tol! Tagal niyo naman! Kanina pa kami dito." salubong sa amin ni kuya Khian.
"Halika, pasok muna kayo. Doon na tayo sa loob mag-usap. Sige na, wag na kayong mahiya dahil wala naman talaga kayong mga hiya." sabat naman ni kuya Jeff at nag-guide pa sa amin papasok ng bahay.

Ahahahaha.. loko rin to!  XD

"Kung palabasin kaya kita dito Jeff."
"To naman! Di na mabiro! Pero totoo naman talagang mga wala kayong-- OO NA! Sabi ko nga ako lang ang walang hiya dito."
"Tss..."

Ahaahaha.. eh panu.. pinandilatan ni kuya Jerwin. XD
"Hoy! Teka lang mga unggoy! Hintayin niyo ako! Ba't niyo ko iniwan doon sa MoPhA building ah? Andaya!"
"Oh? Buhay ka pa pala? Busyng-busy ka kasi sa Shar mo. Di mo man lang kami pinansin. Ganyanan na ba tayo tol?" drama naman ni kuya Spencer.
"Selos ka pa ulul! Siyempre dapat good shot ako nun para pogi points!"
"Sus! Bayaan niyo na nga yan, nagbibinata eh. Atsaka kahit ano pang gawin niyo diyan hindi yan makikinig sa inyo dahil walang makakahadlang sa tao kapag in-LOVE!" si kuya Khian.
"Ayown! Nagsalita ang expert eh!" nag-appear naman si kuya Benj kay kuya Khian.

Pumasok na kaming lahat at doon kami sa...
Entertainment Room! Ang official tambayan room ng barkada! XD

"Oh? Ano na? May pasuspense suspense pa kayong nalalaman at dito pa talaga iaannounce." -kuya Jerwin.

"Bro, chillax.. wag hot dahil hindi lang ikaw ang hot dito. Okay eto na--"

Naputol ang sasabihin ni kuya Khian dahil umepal si kuya Jeff.

"Let me do the honor. Ako na ang magsasabi" saad niya kay kuya Khian. "Okay, wag kayong mabibigla guys ah. Check muna mga pulso niyo baka aatakihin kayo. Hindi ito basta-bastang announcement lang na inyong maririnig. Ito'y nakakagulat, nakakapanindig-balahibo, nakakamangha, nakakasuka, nakakatae at lalung-lalo na... nakakamatay kaya ihanda--"

"Ako na nga lang magsasabi! Ang dami mo pang intro diyan! Anong nakakasuka at nakakatae? Pinagsasabi mo?"

"Ako na nga lang sabi. Eh labas ka naman dito. Wag ngang epal. Kami lang ni pareng Lhar ang may sasabihin eh. Bakit, alam mo ba ang announcement namin?"

"Hindi, nakigaya lang ako sa inyo."

"Gulo niyo tol! Umupo ka na nga lang Khian kung wala kang alam sa announcement na yan!" saway naman ni kuya Spencer.
Hala ang gulo na nila! Tahimik lang sila kuya Jerwin at kuya Eli pero alam kong nagtitimpi lang ang mga to. Nakakunot na kasi ang mga noo eh. hahahaha.. ssshhhhh...! XD

"Sige, gaya ng sinabi ko ay ihanda na ang mga sarili niyo sa announcement--"

"Anong announcement ba yan?? Can't you just spill it out straightly??!" hala ka! Pumutok na ang Bulkang Jerwin!

"Ahehehehe.. sabi ko nga eto na talaga--"

Hindi na natapos ni kuya Jeff ang sasabihin niya dahil si kuya Lhar na ang nagsalita habang nakatuon pa rin ang tingin sa binabasang makapal na libro.

"We just transferred to Monte Claro University."


........
......
......

"TOTOO??" tumayo si kuya Benj.
"TALAGA??" tumayo rin si kuya Spencer.
"REALLY??" sumunod naman si kuya Khian.

*BOINK!*
Binatukan nga ni kuya Spicy.
"Tol trinlaslate mo lang yung akin eh!" - kuya Spicy
"Aray naman! Eh sa wala akong ibang maisip na i-exclaim!" tahahaha.. kawawa naman si kuya Khian. Kanina pa to pinapagalitan.
"Masaya yan mga tol! Sama-sama ulit tayo sa iisang school!" - kuya Spencer
"Yeah nice... REALLY nice..." - kuya Jerwin
"Nice talaga tol! Sa monday na nga kami papasok!" hindi napansin ni kuya Khian ang sarcasm sa boses ni kuya JR. =__________=
"Tss..."
Yan lang ang reaction ni kuya Eli. Nagtitipid kasi ng words.. tahahaha... sssshhhhh...! (~,^)v
Paano ba yan? Kumpleto na ang tropa sa lunes? Ano na kayang magiging hitsura ng university at full power na kaming papasok doon? Magkakagulo na naman kaya gaya nung highschool days? Ewan.. eh college na'to eh... teehee..

Abangan na lang daw ninyo sabi ni Ms. Otor.

Hahahahha.. XD   (~,^)/

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Saichi's Note:  Nakapag-update po ako dahil feeling maganda ako ngayon.. nyahahahaha.. Sana po makapag-update na naman ako tomorrow night. I'm hoping that i can guys... but i can't promise you coz i hate breaking promises owkie?  hope you enjoy this update readers~! fan, vote, and comment if you likey likey~! (~,^)v ciao~ (~,^)/

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website