Chapter 1 10 years had passed...
"Katey!" tawag sa akin ni kuya JR.
Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na di na ako bata para tawaging Katey. Kasi daw parang kitty ang tunog, ang cute-cute daw. Aysus! If I know excuse niya lang yan. Napakahilig kasi niya sa pusa at sa sobrang pagkahilig ay pati ako ginawang pusa! Tama ba naman yun??! >.
"HOY!!" "Ay pusang gala!" napatalon ako dun mula sa kama.
Aray! Bumagsak ako sa sahig.
"Asan? Asan ang pusang gala? Para mapakain natin." sabi pa niya na naghahanap.
See? Ganyan ka-adik ang kuya ko sa pusa.
Na pati kapatid niya di na niya maalala na nahulog na pala. Hmph! Bahala siya. Dun siya sa pusa niya!
Tumayo na ako dun at pumunta sa pinto ng kwarto ko. Habang siya ay hinahanap pa din ang 'pusang gala'. XP
Bumaba na ako sa staircase namin at sa ikatlong hakbang ay natapilok ako. Mahuhulog na sana ako nang maramdaman kong may humila sa akin at napayakap naman ako dun.
"I told you to watch your steps all the time. I'm not here always to catch you when you fall" he said it on my ear. I could feel his breath and lips touching on my earlobe while he speaks. It brings shiver to my whole body. >/////<
I admit that I had a crush on my brother but it's only a crush and I think it's normal to admire your brother. Even though we're both aware that we're not siblings biologically but it didn't hinder to our close relationship as siblings.
Naramdaman kong mas hinapit pa niya ako sa beywang. Ngayon ay sobrang lapit na namin sa isa't isa. I could feel i'm blushing.. This can't be!
"T-teka kuya, nakikiliti ako diyan! Ahahaha!" sabi ko sabay tawa at tulak ng mahina sa kanya. Binitiwan naman niya ako.
Whew!
Buti di niya napansing uneasy ako kanina sa posisyon namin. Di naman ako ganito dati.
Actually we huggle most of the time in the past. He loves to give me bear-hug. Pero siyempre bata pa kami nun. But now he's 17 and i'm 16 we seldom do those things.
I was just enrolled in Monte Claro University. My brother will be in his 2nd yr. in BS Business Ad. this opening of classes while Me in BS Mass Comm 1st yr.
"Magbihis ka na. May date tayo ngayon"
"Okay" pumasok na ulit ako sa kwarto.
Date ang tawag namin ni kuya sa mga lakad na kami lang dalawa. Kasi... feel lang namin.
Kahit na mamalengke lang kami, o bibili ng maiinom sa convenience store, basta kami lang dalawa ay date yun. Tulad ngayon, may date kami sa National Book Store. Bibili kami ng mga gamit namin para sa pasukan. Bukas na magstart ang klase at college na ako! Yehey! Makakasama ko ulit si kuya JR sa iisang school.
Last year was my saddest school year dahil 1st year college na si kuya noon at ako ay 4th year pa lang so di ko siya makasama tuwing lunch at uwian. Iba kasi schedule niya. Gabi na siya makauwi noon.
*Knock knock*
"Katey? Tapos ka na?" "Patapos na kuya, saglit lang" "Dalian mo, may iba pa tayong pupuntahan" "Roger! Copy that!" Narinig kong bumaba na siya. Nagmamadali naman akong magbihis. Jeans at blouse lang naman tapos doll shoes na.
Iba magalit yang si kuya. Parang sundalo. Napaka-istrikto pagdating sa'kin. Daig pa si daddy. Kaya nga zero lablayp ako eh. Sayang naman kagandahan ko kung walang makinabang. Gustong-gusto ko na ngang magka-lablayp eh paano naman kung nakakatakot naman tong kuya ko. Kaya shupi-shupi agad ang mga suitors ko.
Tsk. Bumaba na ako at nakita ko siyang nakaupo sa sala. Tumayo agad siya nang makita ako.
"Let's go! Move!" tapos lumabas na siya.
"Yes sir!" at sumaludo ako. Yan ang palaging nilalaro namin ni kuya noong bata pa kami, kunyareng mga sundalo. Siya ang Commander ako naman ang soldier. Nice no?
Not.
Eh soldier kaya ang parating on field sa war. -____-
Narating na namin ang mall at dumiretso agad sa book store.
Pili dito.
Pili doon.
Tingin dito.
Tingin doon.
Kuha dito.
Kuha doon.
Nang matapos ay pumila na kami sa counter at nagbayad.
After sa bookstore ay pumunta kaming McDo. Yehey! Love ko coke-float nila dito. Nakaka-adik. Kaya dito kami kakain ngayon. Alam na alam talaga ni kuya lahat ng hilig at paborito ko. Kaya nga love na love ko yan eh!
Kumain na kami at may nahagip ang aking byutipul eyes at automatic na nag-twinkle ito. "Kuya! kuya! Andito siya!" excited kong sabi sa kanya habang tinuturo yung nakita ko.
Well, aside sa crush ko si kuya ay may crush pa ako na iba. Yun ay walang iba kundi si MM short for Martin Miguel. Long time crush ko siya ever since elementary pa kami at hanggang high school. Pero talagang napakasaklap ng tadhana sa akin dahil kahit once in a school year ay di ko pa siya na-classmate. Kaya patanaw-tanaw na lang ako sa kanya mula sa malayo.
Alam lahat ni kuya yan. Open kami sa isa't isa. Pero sa aming dalawa ako ang mas open. Ang daya nga. >.
"So?" sabi niya na walang ka amor-amor.
"Kuya naman eh! Support na lang ok?Alam mo namang hindi ko siya nakita whole summer kaya na-miss ko siya! I wonder kung saan siya magco-college. Sana sa Monte Claro din siya para makikita ko na naman siya araw-araw" "At para tulo-laway ka nanaman habang tinatanaw siya araw-araw" dagdag pa niya.
Sinimangutan ko nga.
Ayun dumaan na talaga si MM sa banda namin. Di ko na siya mahabol pa ng tingin!
"Leeg mo mababali" puna naman ni kuya.
"KJ mo talaga kuya! Di mo man lang ako suportahan sa lablayp ko" pagmamaktol ko sa kanya.
"Lablayp-lablayp ka diyan. Pag-aaral muna atupagin mo, tsaka na yang lablayp" sermon niya sa akin.
"Unfair naman! Eh bakit ikaw? nakakarami ka na nga ng girlfriend tapos sasabihin mo tsaka na lang ako magla-lablayp? Napaka-unfair talaga!" reklamo ko.
"Hindi din naman ako nag enjoy sa mga naging girlfriends ko. Palagi mo kaming pinaghihiwalay. Laging ikaw ang dahilan ng break-ups namin." "Eh sa ayaw ko sa kanila para sayo." nakapout na sabi ko.
"Hindi naman ikaw magiging boyfriend nila so wag ka nang makealam" "Andaya mo talaga! Ako di pwedeng makialam sa lablayp mo pero ikaw, kung makabantay sakin daig pa si daddy." *pouts*
"Ayusin mo nga yang mukha mo." "Inggit ka lang dahil di ka cute pag naka-pout" dinilaan ko siya. XP
"Talagang di ako cute dahil gwapo ako." "Hoy JR! wag ka ngang feeling!" *roll eyes*
"Ikaw, kung maka-'hoy JR' ka parang di mo ako kuya ah." "One year lang naman agwat natin noh." "Kahit nah, mas matanda pa rin ako sayo. Matuto kang gumalang." "Opo lolo" duh... *roll eyes*
Hmf! Para naman akong bata neto. Napaka talaga netong si lo- este kuya.
-------------------------------------------------------------
"Katey..." Naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko.
"Katey... gising na" tapos niyugyog ako ulit.
Si kuya pala.
"Hmmmmm..." bumaling ako sa kabila.
"Katey malelate na tayo, start na ng class today." "Mngnhknshshljrhm" sana maintindihan niya yun. -____-
"Ano sabi mo?" Bahala ka diyan kuya.
Inaantok pa ako, pinauulit mo pa yun. Naramdaman ko nalang na umangat ako mula sa kama ko. At maya maya ay naramdaman kong lumulubog ako sa malamig na... tubig!
"Aaaaaaaaaaaaah!!!" Tumili ako napakapit sa leeg ni JR kaya pati siya ay nahulog sa bath tub. Takteng nilalang naman oh!
"ANO BA JR???!!" galit na galit ko siyang hinarap. Kapag ganitong galit ako or seryoso ako ay JR na tawag ko sa kanya.
"Chillax lang my little Katey! Hirap mo kasing gisingin eh. First day na first day ng class ay male-late tayo. Gusto mo?" "JR naman eh! Marami namang options sa maayos na paggising ng isang tao!" Umiinit talaga ulo ko pag dinisorbo tulog ko! *roar*
"Hindi naman tumatalab ang ganung options sa iyo eh. You leave me no choice." sabi niya na natatawa.
"Natawa ka diyan?" tinaasan ko nga ng kilay o.O?
"Ahahaha! Tingnan mo nga yang itsura mo. Hindi mo pa pala nakuha yan. Ahahahaha!" Bakit kaya?
Dali-dali naman akong umahon sa bathtub at tinungo ang salamin.
Waaaaaaaah!! Kita ko pa rin ang bakas ng marker sa mukha ko! Akala ko nawala na to kagabi. Siguro di ko lang namalayan dahil inaantok na ako nung naghilamos ako. Naglaro kasi kami ng Tekken ni JR at ang matalo ay lagyan ng marker sa mukha.
Kaya ayun, ginawa akong panda.
Nagdrawing lang naman siya ng dalawang malalaking circles around my eyes at linagyan ako ng hugis triangle sa ilong ko at pati whiskers. Panda daw yung dinrawing niya. Ewan ko lang. Baka may sarili siyang version ng kanyang panda.
Buti na lang di permanent marker yung ginamit niya kung hindi, mapapasalvage ko talaga tong taong to! Tinanggal ko na yung natitirang bakas sa mukha ko at nilingon ang halimaw kong kuya.
"Umalis ka na nga dito! Maliligo na ako!" sabay tulak sa kanya sa pintuan ng banyo ko.
"Sabay na lang tayo, nabasa mo na ako eh." "Tse!" sabay tulak ulit sa kanya. Feeling ko namumula mukha ko ngayon.
"Bakit? Sabay naman tayo nung mga bata pa tayo ah." Inis talaga to! Haller! Twice lang kaya yun! Atsaka mga bata pa kami nun noh!
"Tumahimik ka nga JR! Kung ako mapikon sayo lulunurin talaga kita sa tubig!" Sobrang namumula na talaga ako.
"Ahaha! Bakit namumula ka diyan? Sus! Ngayon ka pa nahiya eh nakit- Ow!" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil binato ko na siya ng bote ng shampoo doon.
"Umalis ka na!" "Oo na! Aalis na! Parang jino-joke lang naman eh. Pikon agad." "Joke? Pwes hindi nakakatawa joke mo kaya umalis ka na dito kung ayaw mong ma-late pa tayo!" Lumabas naman siya. Hay salamat! Umandar na naman ang pagka-kulet. -____-
Pumasok na kami sa school at di ko alam kung bakit pinagtitinginan kami.
"May girlfriend na siya? Sayang naman!" "Girlfriend niya yan? Ang ganda naman! Bagay na bagay sila" "Oh no gurlz! May girlfriend na si fafa Jerwin koh!" sabi naman nung bakla. Ano ba to! hanggang dito ba naman ay mapagkakamalan akong girlfriend ng halimaw na JR na to! >_
Okay lang sana sakin para wala nang aali-aligid na mga babae sa kuya ko.
Kaso zero naman lablayp ko neto. Ow hindeee...~ -_____-
Sana may dumating na lalaki na hindi matatakot sa halimaw kong kuya.
Nakakatakot naman talaga ang halimaw...
Tsk. -_____-
"Simangot ka diyan?" "Wala." Tipid kong sagot. Sensitive talaga tong si kuya pagdating sakin. Lahat nalang mapupuna niya. Kagaya ngayon, pati ba naman pagsimangot ko pakikialaman? Bakit? May batas na ba na bawal nang sumimangot? Ha? Ha? Sumagot kayo!
Tss... Nababaliw na ata ako. -____-
Alam ko concern lang siya pero... basta! Hindi na ako bata tulad ng dati na palagi niyang binabantayan noon. Ipapakita ko sa kanila na iba na ang Bridgette na makikilala nila ngayon. Lalung lalo na kay kuya. Ipapakita ko sa kanya hindi na ako iyakin tulad noon.
Ipapakita kong nag mature na ako para hindi na siya masyadong mag-alala sa akin. Hindi na rin ako makikialam sa lablayp niya. Basta ba hindi na rin siya makikialam sa lablayp ko. Para patas. XP
"O ngayon ngingisi-ngisi ka diyan. Ako'y kinikilabutan sa'yo Katey. Kung ano man ang balak mo wag mo nang gawin. Siguradong papalpak na naman yan" naman eh! Hinampas ko nga sa braso.
"Ay ang sweet naman nila. May pahampas-hampas epek pa!" narinig ko namang sabi ng mga echosera sa gilid ng hallway.
"Kuya naman eh! Panira ka talaga ng mood kahit kelan!" Maganda na ngang plano kong pagbabagong buhay. Umepal naman to!
"Eto na classroom mo. Wag kang maliligaw dito ah. Tawagan mo lang ako pag may kelangan ka." tapos pinat niya ako sa ulo. Gawin ba daw akong aso. =____=
"Yes boss" sang-ayon ko na lang.
"Good. Tawagan na lang kita mamayang lunch." tumango ako at tumalikod na siya at nagmamadaling naglakad. Nagbell na kasi baka ma-late pa yun.
Pumasok na ako sa room ko at...
at...
at...
OHMAYGOLLYWOW!
I can't believe this!!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------