Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Author Topic: Broken Arrow - AUTHOR'S NOTE ON PAGE 3.  (Read 1870 times)

eriinLabbs28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1971
  • Karma: +132/-39
  • CookieMonster. ♥
    • HNNNNNG, RAWR.
Broken Arrow - AUTHOR'S NOTE ON PAGE 3.
« on: November 20, 2011, 06:09:53 pm »
Broken Arrow.



Maraming beses na kong kinilig.
Madalas rin akong nabibigo.
Lagi rin akong nasasaktan.
Minsan na kong umiyak.
Naiisip ko na ring sumuko.


Hindi ko alam pero sa tuwing magmamahal ako.
Laging pumapalpak ang pana ni Kupido.



Hanggang kailan ba ’ko uuwing luhaan?
Hanggang kailan ba ’ko laging matatalo?
Hanggang kailan ba ’ko kikiligin sa lovelife ng iba?


Kailan ba tatama si Kupido?


Kapag lahat ng crush ko, taken na?
Kapag lahat ng gusto ko, committed na?
Kapag lahat ng mahal ko, masaya na sa piling ng iba?


At ako na lang ang hindi?
Aba, sino na lang ang matitira sa akin.


Edi yung dahilan kung bakit pumapalpak ang pana ni Kupido.




Sino?



Broken Arrow. ©Erin Tomas



Reproduction of this work is forbidden without the permission of the author. All characters and plot of this story are products of the author’s imagination. Any resemblance to the reader’s life is pure coincidence.
« Last Edit: December 06, 2011, 10:12:33 pm by eriinLabbs28 »

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 12914
  • Karma: +617/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: Broken Arrow.
« Reply #1 on: November 20, 2011, 06:33:45 pm »
Eeeeee. Me likey your intro Erin! Me is here to support. <3

eriinLabbs28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1971
  • Karma: +132/-39
  • CookieMonster. ♥
    • HNNNNNG, RAWR.
Re: Broken Arrow.
« Reply #2 on: November 20, 2011, 06:48:23 pm »
Eeeeee. Me likey your intro Erin! Me is here to support. <3

Weeeee~ Thank you, Rachelle! Haha. Feel ko talaga banggitin buong name mo. =))

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 12914
  • Karma: +617/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: Broken Arrow.
« Reply #3 on: November 20, 2011, 06:50:21 pm »
Walang anuman! Wahahaha. Di pa buo yan. First name ko lang yan e. Waley pa yung second. Hihihi.

Be Good :]

  • jellybean
  • **
  • Posts: 153
  • Karma: +21/-1
Re: Broken Arrow.
« Reply #4 on: November 20, 2011, 06:52:37 pm »
Nice intro. Kaya pala broken arrow ang title ^^ Support! Expect my comments to your updates every Sunday.

-<3 Ma-ann

eriinLabbs28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1971
  • Karma: +132/-39
  • CookieMonster. ♥
    • HNNNNNG, RAWR.
Re: Broken Arrow.
« Reply #5 on: November 20, 2011, 07:06:03 pm »
Walang anuman! Wahahaha. Di pa buo yan. First name ko lang yan e. Waley pa yung second. Hihihi.

Haha. Salamat ulit! Eh ano ung second? =))

Nice intro. Kaya pala broken arrow ang title ^^ Support! Expect my comments to your updates every Sunday.

-<3 Ma-ann

Thanks Ma-ann! =)

curiousity kills

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2955
  • Karma: +266/-32
  • crazy chicken. <3
Re: Broken Arrow.
« Reply #6 on: November 20, 2011, 07:22:54 pm »
intro is just pure love. :D
update soon!

eriinLabbs28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1971
  • Karma: +132/-39
  • CookieMonster. ♥
    • HNNNNNG, RAWR.
Re: Broken Arrow.
« Reply #7 on: November 20, 2011, 08:07:01 pm »
intro is just pure love. :D
update soon!

Salamat Bee! Btw, silent reader nga pala ako ng mga stories mo, hehe. =)
« Last Edit: November 20, 2011, 08:12:11 pm by eriinLabbs28 »

eriinLabbs28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1971
  • Karma: +132/-39
  • CookieMonster. ♥
    • HNNNNNG, RAWR.
Re: Broken Arrow - ONE.
« Reply #8 on: November 20, 2011, 08:29:35 pm »
ARROW ONE.


Bebs! I think I’m in love! Batok at irap lang ang natanggap ko mula kay Trick. Ang bespren kong patay gutom. Hinde, joke lang. Matakaw pala. Tignan mo ‘to, busy pa rin sa kanyang pagkain hindi naman tumataba. Habang ako, kilig na kilig dito.

Pang-ilang beses mo nang sinabi ‘yan. Bukas makalawa, may bago ka na namang crush. Kahit kailan, panira ‘to sa araw at gabi eh.

Dapat talaga babae na lang best friend ko eh. Panira ka. Di ka na lang maging masaya for me! Hmp. Syempre idadaan sa konting drama.

Alam mo, ang oa mo. Deh magbest friend ka ng babae, iwan mo ko. Kainis. Di ka na lang makuntento, buti nga pinagtiya-tyagaan pa kita. Oh, eh di nireverse psychology lang ako ng damuhong ’to.

Hindi ko na lang siya pinansin at diretso na ko sa classroom namin. At syempre, chikahan galore kasama ng mga kaibigan kong babae. Meron naman talaga kong kaibigang babae, sadyang si Trick lang talaga ang best friend ko. Sabi niya yun eh. Deh, oo na lang ako.

Pagdating ng uwian, hindi pa rin kami nagpapansinan ng damuho kong best friend. Ganun talaga, sanayan lang yan sa buhay. Tanggapin ko ng damuho talaga siya at makauwi na nga lang.

Hoy sa’n ka pupunta? O kitams, biglang magpapakita. Daig pa ang kabute.

Malamang uuwi. Dire-diretso pa rin ako sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep pauwi sa amin. Kunware tampo-epek pa rin ako.  Pero ang bruho, ni hindi man lang ako hinabol. Akala ko pa naman.

Sige, magtampo ka pa. Wag ko kayang bayaran pamasahe mo? Akala mo naman sino ‘to. Hindi naman ako nagpapalibre eh. Kaya mo yan Ellie, wag mo siyang pansinin.

Bebs, kapag hindi mo pa ko pinansin dito. Sasabihin ko sa katapat ko na crush mo siya. Automatic naman na napaharap ako kay Trick sabay pout. Yung pout na naiinis. Tapos biglang napatingin nga ako sa tapat niya. Nagulat ako sa aking nakita.

Nakakaiyak. Yung bago kong crush, may kaholding hands. Ang masama dito, mas maganda pa ko sa ka-holdinghands niya. Totoo. Napahawak tuloy ako sa kamay ng damuho kong best friend.

Alam mo bebs, mamili ka kasi na magiging crush. Tignan mo nga, walang taste. Buti pa ko oh. Sabay hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay namin.



Oo nga, buti pa si bebs may taste. Hay, sayang si crush.
« Last Edit: November 21, 2011, 08:24:03 pm by eriinLabbs28 »

gheeyah

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4215
  • Karma: +109/-41
  • Young.Wild.Free <3333
    • little by little
Re: Broken Arrow - ONE.
« Reply #9 on: November 20, 2011, 10:18:37 pm »
Support ko pala to. Yung arrow one. ang ganda. sayang naman ang crush. di marunong. HMPH.

veejay28

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 521
  • Karma: +65/-5
  • random stranger ♥
Re: Broken Arrow - ONE.
« Reply #10 on: November 20, 2011, 11:47:33 pm »
Bebe Erin! Namiss kita! :D Kamusta? Naexcite naman ako nung nakita ko to! Haha. Aabangan ko ang mga susunod na update! Natutuwa naman ako sa tawagan nila, bebs talaga =)

Teka yung pisong puso dinelete mo ba? Namiss ko na din yung mag-babe. Hehe

eriinLabbs28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1971
  • Karma: +132/-39
  • CookieMonster. ♥
    • HNNNNNG, RAWR.
Re: Broken Arrow - ONE.
« Reply #11 on: November 21, 2011, 02:49:36 pm »
Support ko pala to. Yung arrow one. ang ganda. sayang naman ang crush. di marunong. HMPH.

Salamat ng marami! =))

Bebe Erin! Namiss kita! :D Kamusta? Naexcite naman ako nung nakita ko to! Haha. Aabangan ko ang mga susunod na update! Natutuwa naman ako sa tawagan nila, bebs talaga =)

Teka yung pisong puso dinelete mo ba? Namiss ko na din yung mag-babe. Hehe

WAAAAAH! ATE NAMISS KITAAAAAAAAAAAAA! HAHA, Nahyper tuloy ako. Okay lang ako. Ikaw, kamusta na?! Grabe tagal nating di nakapagkwentuhan. Haha, salamat sa support! Haha, may nabasa kasi akong story eh bebs tawagan nila kahit magbespren sila. Mas sweet dating eh.

Yung Pisong Puso, uhm, hehe. Wala eh, di ko na matapos-tapos. pero namimiss ko rin yung mag-babe na yun. HAHA. Salamat ulit, te!

shelovesyounot

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 10
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: Broken Arrow - ONE.
« Reply #12 on: November 21, 2011, 04:36:58 pm »
Hi there! I like your story.
Nafifeel ko na bestfriends-lovers ang drama neto.
And I'm a sucker for bestfriends-lovers na love team!
Hahahahaha. I'll support this!  :)
Next na po.  ;)

eriinLabbs28

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1971
  • Karma: +132/-39
  • CookieMonster. ♥
    • HNNNNNG, RAWR.
Re: Broken Arrow - TWO.
« Reply #13 on: November 21, 2011, 08:20:27 pm »
Hi there! I like your story.
Nafifeel ko na bestfriends-lovers ang drama neto.
And I'm a sucker for bestfriends-lovers na love team!
Hahahahaha. I'll support this!  :)
Next na po.  ;)

Hi! Anong name mo? Hehe. Mejo ganun na nga. Bakit, you're on the same sitch ba? Thank you!




Arrow Two.


Hoy Ellie, naalala mo si John? Maka-hoy naman ’tong si Sab. Kulang na lang batukan ako para sulit na ’yung pagtawag niya sa akin.

Yung taga-tapat na school na varsity ng swimming? Oh ano meron? Tanong ko habang tuloy pa rin sa pagkain ng fries ni Trick na kasalukuyang tulog sa table.

Yun nga. Hinihingi number mo sa akin. Bigay ko ba? Magsasalita na sana ako nang bigla namang bumangon ‘tong si Trick sabay kuha ng fries na hawak ko. Kelangan talaga yung hawak ko yung kukunin, ang dami pa sa table eh.

Subukan mo at ng isumbong kita sa boyfriend mo. Pano mo nakilala yun ha? Tanong ni Trick kay Sab na parang medyo namutla sa pagbangon ni Trick.

Grabe ka talaga, Trick. Kaya di nagkakaboyfriend ‘yang si Ellie eh. Para textmate lang, saka magkakilala naman sila ah. Depensa naman ni Sab.

Hoy Isabelita, hindi ‘yun ang point ko. Nakarami na ngang boyfriend ‘to eh. Binawalan ko ba? Hindi naman ‘diba. Ang akin lang, kung sino man ‘yan gustong kumuha ng number ni Ellie, di kuhanin niya ng personal. Sus, torpe yata ‘yan eh.

Aba’t biglang walkout? Ay bumalik. Kinuha lang pala yung fries. Makakalimutan niyan lahat except pagkain eh. Nako.

May point naman si Bebs, Sab. Pati hindi ko rin type si John, itim eh. Natawa na lang ako sa sarili ko, gwapo naman si John. Matangkad at built ang katawan pero ang itim eh. Maitim na nga ako, mas maitim pa siya. Ano kami, tsokolate at kape.

Loka, syempre swimmer. Babad sa ilalim ng araw, panong di iitim. Tawanan na lang kami ni Sab habang pinagkwentuhan namin yung mga boys sa tapat na school. All boys kasi siya. Kaya ayun, daming fafabols. Nagpi-fiesta tuloy mga kababaihan at kabaklaan sa school namin.

Paglabas ko naman ng school pagkatapos ng klase, hinanap ng mga mata ko si Trick. Aba’y malamang, sabay kaming uuwi. Pero ibang tao ang nakita ko. Isang tall at sobrang dark na tao.

Hi Ellie, san ka uwi? Tara, hatid kita. Ay te, feeling close. Ngayon ko pa nga lang siya nakausap eh.

Ah may kasabay ako eh. Hindi ko naman na kinailangang lumayo dahil palapit na pala ang hinahanap ko.

Bebs, wala ka bang taste? Makuntento ka na nga sa kaitiman natin. Tara na. Tsokolate nga rin pala ’tong si Trick parang ako. Pero atleast, hindi kape.

Be Good :]

  • jellybean
  • **
  • Posts: 153
  • Karma: +21/-1
Re: Broken Arrow - TWO.
« Reply #14 on: November 23, 2011, 05:21:04 pm »
hahaha, at this moment I'm thinking if Trick secretly admires Ellie. ;D
kulit ng pov nitong si Ellie. Lalo na yung tsokolate. ;D

 

Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version

CANDY BLOG

What We Read: "Here"

by: marla, 2013-05-20

I won't deny it: I spend way too much time online. Mostly I'm just stalking people on Facebook and Instagram, other times I'm doing something more useful like reading articles...


TEENTALK