Teentalk

Author Topic: When Kieffer Heard the Unseen [SIX & SEVEN]  (Read 1884 times)

kleixha_c:

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1487
  • Karma: +70/-5
  • "GP² forever."
When Kieffer Heard the Unseen [SIX & SEVEN]
« on: November 12, 2011, 01:45:19 pm »
I, Kieffer, live for twenty years untroubled.


After that long period of existence,
life became too complicated for me.


I started to hear the voice of this woman
 I don't see with my naked eyes.









WHEN KIEFFER HEARD THE UNSEEN...

Quote
Nakakatawang isipin na dati ay gusto ko ng mabingi para `di ko na marinig ang nakakataas balahibo niyang boses. But now, I'm going crazy of her silence. </3



CLICK Ü
PROLOGUE
ONE
TWO
SPECIAL (01)
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN












Hello madlang people! HAHAHA. Naku, pa on and off ako dito sa CC ng CM (creative corner ng candymag). Ang dami kong utang sa mga binasang kong kwento. :< AKO na, AKO na ang tambak sa utang. Patawarin niyo ako.

Heto nanaman ako at naghahatid ng istorya. Nakailan na akong try sa paggawa ng kwento, hopefully eto yung una kong matatapos. I envy those authors who have finished stories here in CM. Sumasaludo ako sa inyo.

Patuloy po sana kayong maging inspirasyon sa mga manunulat na gaya ko na hindi pa nakakatapos ng story. HOHO. Maraming salamat po talaga!

« Last Edit: December 07, 2011, 10:08:52 am by kleixha_c: »
WKHTU
kwento

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: When Kieffer Heard the Unseen [i]
« Reply #1 on: November 12, 2011, 01:58:03 pm »
Na-curious naman daw ako sa title mo. Hihihi. Support! -Rach

carlene27

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1287
  • Karma: +100/-7
  • You're the reason I believe in LOVE
Re: When Kieffer Heard the Unseen [i]
« Reply #2 on: November 12, 2011, 02:04:26 pm »
Mare! Still remember me? ;D Welcome back. I got curious sa title, its interesting. Please continue this! Support! (:

kleixha_c:

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1487
  • Karma: +70/-5
  • "GP² forever."
Re: When Kieffer Heard the Unseen [i]
« Reply #3 on: November 12, 2011, 02:07:15 pm »
OH MY GOD!  :o

@ate Rachelle
Wala ka paring kakupas kupas dito sa CM. Hahaha! Ako kumupas na. XD

@ Mare!
Kilala pa kita! Grabe ka, mare! :D Nagulat ako ng mabasa ko reply mo at the same time natuwa, SAGAD! XD


Salamat sa mga suporta niyo!
WKHTU
kwento

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: When Kieffer Heard the Unseen [i]
« Reply #4 on: November 12, 2011, 02:38:42 pm »
Grabe ka naman sa walang kupas! Hahaha. ;D

Walang anuman! :)

abbiyang

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +3/-0
  • TeenTalker
Re: When Kieffer Heard the Unseen [i]
« Reply #5 on: November 12, 2011, 05:17:06 pm »
super nice :D

support!

kleixha_c:

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1487
  • Karma: +70/-5
  • "GP² forever."
Re: When Kieffer Heard the Unseen [i]
« Reply #6 on: November 12, 2011, 10:02:14 pm »
P R O L O G U E : THE DAY HE HEARD HER VOICE
-- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- --




ALAS-DIYES na ng gabi ng matapos ang birthday celebration ko. Mark,  Paul and Kirk are the only visitors left now.



"Kieff,"Mark called. " You're already 20 --"


"So?" ???


"Don't tell me, wala kapang balak ligawan si Prynces?" tanong nito.


"Bakit, are you planning to court her?" ???


"No --"


"Ayun naman pala, eh. There's no reason for me to rush my plans."


"Kieff has a point. Hayaan niyo na nga tong bunso natin. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya," pagtatanggol sa akin ni Paul.


"Pero kung kailangan mo ng tulong kung paano mo didiskartehan si Prynces --"


"Kirk, I can handle this, okay? Sabi nga ni Paul, malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko."




I'm the youngest among them. Justine and Kirk are 21. Paul is 22. Hindi naman ganoon kalayo ang agwat ko sa mga age nila pero parang bata kung ituring nila ako.




"It's getting late, bros. 7:30 pa ang pasok ko bukas," said Mark while looking on his watch.



Tumayo na kaming apat at naghanda ng lumabas sa restaurant na nirentahan ko para sa birthday celebration ko.


Paglabas  namin ay nagsalita si Kirk na parang may napansin.



"Wala ka palang service ngayon, Kieff."


"Ang laki-laki na may service parin? Bumili ka na ng kotse mo," pang aasar sa akin ni Mark.


"Oo nga. Baka mapasagot mo si Prynces ng di oras kapag nakita niya `yung wheels mo." at natawa ng malakas si Kirk. ;D


"Tumigil na nga kayo diyan. May rason naman si Kieff kung bakit may service pa siya hanggang ngayon," giit ni Paul.


Natigil si Kirk sa pagtawa. "Kumusta na pala `yung anak ni Manong Bert?"


"Hindi ko alam, pero malabo na yatang tumagal pa buhay `nung anak niya."


"Tsk, tsk. Sayang, chicks pa naman `yung anak niya," biro ulit ni Mark.


"Sira. Ganoon na nga yung kundsiyon ng tao nagawa mo pang magjoke," sagot ni Paul.


"Pero, sa totoo lang, maganda talaga `yung anak ni Manong." singit ni Kirk. "Okay sana siya sa akin kung di lang ganun yung ugali niya," tuloy nito.


"Sixteen years old lang siya, Kirk. Masyado ka ng matanda para sa kanya." :D



Nagsalita ang isa pang matanda.



"Pero okay narin yun. Fresh and young. Jackpot."


"Naku, Mark! Respetuhin mo yung tao kahit ganun yun." naiinis na sabi ni Paul.



Sa aming apat, si Paul ang pinakamatino. Si Mark at Kirk naman ang kabaligtaran niya. Obvious ba?



"Oo nga naman." :D


Kung maka 'oo nga naman' `tong si Kirk akala mo kung sinong hindi kaugali ni Mark.


"Kung wala na kayong sasabihing matino, umuwi na kayo," utos ni Paul sa mga ito.



Sabay na umalis sina Mark at Kirk, tutal magkatabi lang ang ang condo na tinitirhan nila. Nagpaiwan muna si Paul dahil mukhang may sasabihin pa siya sa akin.



"Kieff, I want to talk about Prynces before I go."


"What about Prynces?"


"Ayokong sirain `yung image niya sa`yo, pero parang may mali sa kanya."


"Huh?" ???



I don't know why he said that. Pero sigurado akong kapag si Paul na ang nagsalita, seryoso siya at walang halong biro ang pinagsasabi niya.



"Just observe her before making a move. Payong kapatid to, Kieff."


"Okay. I understand. Thanks, by the way."



Hindi ko man alam `yung pinu-point out niyang mali kay Prynces ay sumang-ayon nalang ako sa kanya.



"Saan ka sasakay?" tanong ni Paul sa akin.


"Di pa ako uuwi. Maglalakad-lakad muna ako."


"Oh, sige. I need to go now. Just approach me if you have problems." at tuluyan na siyang umalis.


 
Nagpahangin muna ako bago umuwi. Matagal-tagal narin akong hindi nakakadaan dito sa Imelda Avenue. Hindi nakakatakot dahil nagkalat parin ang mga tao dito kahit late na.

Habang naglalakad ako ay bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Paul tungkol kay Prynces. I really don't know what's wrong with her. Disente, mabait, matulungin at masayahing tao si Prynces that's why I like her. But no body's perfect, right? Importante pa bang malaman ko yung imperfection niya?

No. Hindi ganoon kakitid mag-isip si Paul. Hindi niya sasabihin ang isang bagay kung hindi naman magiging big issue yun sa future. Higit sa lahat, hindi klase ng tao si Paul na naninira ng buhay ng iba.

My cellphone suddenly rang. Doon ko lang namalayan na nalunod na pala ako sa mga pinag-iisip ko.  Mom's name appeared on the screen. I immediately pressed the answer call.



"Kieff? Ikaw na bata ka, saan kana nakarating?" nag-aalalang tanong sa akin ni mama.


"Ma, bata pa ba ang 20 years old?" :D


"Hay, nako. Umuwi ka na at baka mapano ka pa diyan. Magaya ka sa anak ni Manong Bert."



Sa sinabing niyang yun, pakiramdam ko tuloy hindi ako tumanda ng isang taon. Paano ba naman, kung tratuhin niya ako parang high school.



"Eto na nga, oh. Naglalakad na ako papunta sa station pauwi ng bahay --"



Bigla akong napatigil sa paglalakad at pagsasalita. Pakiramdam ko kasi ay may bumangga sa katawan ko kahit wala naman akong nakasalubong.



"Oh, anong nangyari sayo?"


"Umm, wala naman Ma --"


Sorry.


"Sorry for what?"


"Ha? Anong sorry? May kasama ka ba, Kieff?"


"Diba ma sabi mo sorry?"


"Kieff, nag-inuman ba kayong magbabarkada at di mo na alam kung anong pinagsasabi mo?"


"Kumain lang kaya kami --"


Naririnig mo ako?


"Oo, rinig na rinig."


"Kieff, ano ba yang pinagsasabi mo? You're not answering me appropriately. Umuwi ka na."


"What? Not answering you appropriately?"


"Kailangan pa ba kitang ipasundo?"


"I'm not drunk, I can go home by myself."


"Sige, umuwi kana kaagad, ha?"


"Yes, I will."



I pressed the end call. Ang gulo ni mama, hindi naman talaga ako naglasing. Sinasagot ko naman siya ng tama tapos hindi daw.



Hey...



Biglang tumaas yung mga balahibo ko sa katawan.


May narinig ba ako?


Oh, come on, don't tell me bukod kay mama may isa pa akong kausap.



Huy!



Sht.


Ano tong naririnig ko? Kanina lang 'hey' ngayon naman 'huy'.


Napalingon ako sa paligid ko. Wala namang taong malapit sa akin.



Akala ko ba naririnig mo ako?



WHAT THE HELL.


May naririnig talaga ako! This can't be happening, Kieff. Mabuti pa ay lumakad na ako pauwi bago pa ako mabaliw sa naririnig ko.



Saan ka pupunta?



Grabe, anong nangyayari sa akin? May naririnig talaga akong boses pero hindi ko alam kung saan nanggagaling. :-\



Are you pretending that you can't hear me?



Dirediretso lang ako sa paglalakad. Walang lingon-lingon.



Don't ignore me. Please, nagmamakaawa ako.



Bakit ganun? Sumusunod yung boses kung saan ako nagpupunta? May kumakausap ba talaga sa akin?


Sana lang eh wala, no. Ikababaliw ko talaga kapag meron.



STOOOP!!!



Naging bato ako sa kinatatayuan ko.


May sumigaw.


Ang lakas.


Ang sabi 'stop'.


Tinignan ko yung mga tao sa paligid ko, parang wala silang narinig na sumigaw. Napalunok ako ng ilang beses. Ako lang ba ang nakakarinig sa boses na yun?



Huwag kang matakot. Wala akong gagawing masama.



Ayan nanaman.


Naririnig ko nanaman yung boses. Hindi na talaga to guni-guni. Totoo na to. I heard it already many times. Isang beses pa na may marinig ako ay tatakbo na talaga ako.



Okay ka lang?















At tinotoo ko nga ang sinabi ko. KUMARIPAS AKO SA PAGTAKBO.














Ang haba ng prologue. Sana naman maging mabenta sa mambabasa ang update. HAHAHA.

@Ate Rachel & Mare, may update na. yihee. XD

@Abbiyang, iwas spam po tayo. Maraming salamat =)

Note: Pinalitan ko yung 19 years ng 20 years. XD
« Last Edit: November 22, 2011, 05:43:57 am by kleixha_c: »
WKHTU
kwento

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4898
  • Karma: +252/-31
  • Master's Degree! :)
Re: When Kieffer Heard the Unseen [Prologue]
« Reply #7 on: November 12, 2011, 10:12:32 pm »
I love your prologue! Parang may naalala akong two combined stories. Ha ha... Next please! ;)
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

kleixha_c:

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1487
  • Karma: +70/-5
  • "GP² forever."
Re: When Kieffer Heard the Unseen [Prologue]
« Reply #8 on: November 13, 2011, 07:13:04 am »
hi ate ramona! Ang ganda naman ng UN mo. hehehe. =))

mejo matatagalan pa po yung update kasi kakapost lang po ng prologue.

pero maraming salamat sa pagbabasa at pagcoment! ;)
WKHTU
kwento

carlene27

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1287
  • Karma: +100/-7
  • You're the reason I believe in LOVE
Re: When Kieffer Heard the Unseen [Prologue]
« Reply #9 on: November 13, 2011, 10:49:23 am »
WAAAA!~ Supeeeer biteeen naman! HAHA! =))) I can sense na medyo nawindang si Kieff sa mga naririnig niya. Kahit sino naman siguro mawiwindang! Just answer her already Kieff. Para magsimula na ang, you know... ::) HAHA! Nice Mare! I'm exited for the next update! :)

sunnyshine

  • jellybean
  • **
  • Posts: 264
  • Karma: +12/-0
  • TeenTalker
Re: When Kieffer Heard the Unseen [Prologue]
« Reply #10 on: November 13, 2011, 12:22:33 pm »
hhahha! cool support!!!!!!!!!!!!!!!1

naks kapangalan nung player ng admu! wahahahha!!! coool!
LOVE IS UNDEFINED
-hi gays! ako si SUNSHINE ♥
:-*


pa add po-----> http://www.facebook.com/sunshine.gepilano

mediumvioletred

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 982
  • Karma: +43/-4
  • Payakap, pwede? Ngayon lang.
Re: When Kieffer Heard the Unseen [Prologue]
« Reply #11 on: November 13, 2011, 03:37:04 pm »
Kinilabutan ako sa middle part nung sinusundan siya ng boses Putek, naiimagine ko tuloy sarili ko sa sitwasyon ni Kieff. >_____< Tapos sa last part, natawa naman ako. Syempre, ganun din gagawin ko no.  ;D

Support ko to! Pero paalala, di muna ako makakapagcomment per chapter.  ;D

Mallows!!! Is that you? Waaah! Remember me?
Paalam, aking mahal
A sequel to Paalam, Noelle

raice03

  • jawbreaker
  • *****
  • Posts: 13214
  • Karma: +616/-51
  • I am raice03 and I am Inevitable.
    • Twitter
Re: When Kieffer Heard the Unseen [Prologue]
« Reply #12 on: November 13, 2011, 03:37:28 pm »
HAHAHAHA. Naiimagine ko yung itsura ni Kieff nung narinig niya yung boses habang kausap niya yung mom niya. Ang benta lang. Lels. ;D

Wait. Ano bang mali kay Prynces? Nacurious din daw ako. Hihihi.

kleixha_c:

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1487
  • Karma: +70/-5
  • "GP² forever."
Re: When Kieffer Heard the Unseen [Prologue]
« Reply #13 on: November 13, 2011, 04:57:39 pm »
hhahha! cool support!!!!!!!!!!!!!!!1

naks kapangalan nung player ng admu! wahahahha!!! coool!
WAHAHA. Maraming salamat shine! ;)
WAAAA!~ Supeeeer biteeen naman! HAHA! =))) I can sense na medyo nawindang si Kieff sa mga naririnig niya. Kahit sino naman siguro mawiwindang! Just answer her already Kieff. Para magsimula na ang, you know... ::) HAHA! Nice Mare! I'm exited for the next update! :)
HAHAHA. Naku, ako rin naman siguro, mawiwindang. ;D Tignan natin kung magawan ko ng paraan sa next update na kausapin niya yung unseen creature

Thanks mare!

Kinilabutan ako sa middle part nung sinusundan siya ng boses Putek, naiimagine ko tuloy sarili ko sa sitwasyon ni Kieff. >_____< Tapos sa last part, natawa naman ako. Syempre, ganun din gagawin ko no.  ;D

Support ko to! Pero paalala, di muna ako makakapagcomment per chapter.  ;D

Mallows!!! Is that you? Waaah! Remember me?

MALLOWS. :o OMG. Ilang beses na akong nagulat.  Nakita ko yung mga old na ka ttalk ko dati. XD isa ka dun sa tatlong yun. IMYSM!!
HAHAHA, siguro naman hindi kabadingan yung pagtakbo niya, ano?  ;D

Ok lang yun noh. XD basta comment kalang kapag feel mo yung update XD

HAHAHAHA. Naiimagine ko yung itsura ni Kieff nung narinig niya yung boses habang kausap niya yung mom niya. Ang benta lang. Lels. ;D

Wait. Ano bang mali kay Prynces? Nacurious din daw ako. Hihihi.
;D
Napansin mo rin yung kay Prynces, 'te Rachelle. Si Paul palang nakakaalam eh. Dont worry, si Kieff ang sasagot sa tanong mong yan. :D




MARAMING SALAMAT SA MGA COMMENTS NIYO. HAHAHA. :D SUPER SAYA KO DAHIL MUKHANG NAGING MABENTA NAMAN YUNG UPDATE. Yay for everyone! ;)
« Last Edit: November 13, 2011, 05:00:11 pm by kleixha_c: »
WKHTU
kwento

mediumvioletred

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 982
  • Karma: +43/-4
  • Payakap, pwede? Ngayon lang.
Re: When Kieffer Heard the Unseen [Prologue]
« Reply #14 on: November 13, 2011, 08:58:59 pm »
Ako na ang flattered at kinilig sa comment mo mallows!  :D <3 Yiiieh. Special ako. (o sadyang feeling special lang. haha)
Paalam, aking mahal
A sequel to Paalam, Noelle

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website