Chapter 1
“Sa catholic school ka na papasok next school year, Lulli.” Nasamid ako sa iniinom kong gatas.
Last day na ng klase but since graduation day na ng mga 4th years eh dineclare na wala na daw pasok.
Anyway, enough about that.
This is a major issue we have here right now.
“What?!” Tumaas ang kilay ni mama ang pag-react ko sa sinabi niya.
Of course, di na niya kailangan pang magsalita. It’s obvious na she didn’t like the tone of my voice.
“I mean, po?” “Yun kasi ang hiling ng papa mo before siya umalis. At least man lang daw na grumaduate daw kayo sa isang private school. Isa yun sa mga condition bago siya pumayag na mag-Saudi.” I sighed.
Yeah, you read it right. Pumunta ng Saudi ang papa ko para mag-trabaho. Tinulungan kasi siya ng kapatid ni mama na nasa Saudi din. Since malapit na akong mag-college eh kailangan na talaga nilang kumayod since dagdag expenses na din yun.
Looking back then, natawa ako sa sarili ko na inisip ko na iniwan na kami ni papa.
The day nung big revelation ni Lark sa akin.
Or I think mas tamang sabihin na nung time na BINASTED ako.
“Pupunta ka bas a graduation nila Rima?” “Opo. Susunduin nga daw ako ni Lark eh.” “Really? Kayo na?” This time, ako naman yung tumaas yung kilay. Gosh, ma. If you only knew.
“Hindi po. Friends lang po kami nun!” And with that, tumayo na ako. Di ko na tinapos ang breakfast ko para din a ako iinterogate ni mama tungkol kay Lark.
Lumabas na ako ng bahay at naghintay nalang sa gate. Chineck ko yung relo ko. Medyo maaga pa.
Maya maya pa eh naaninag ko na si Lark papunta sa amin.
Gosh, di pa rin pa siya nagbabago. Ang gwapo at ang fresh niya talagang tignan.
Ilang weeks na nga bang nakalipas since that one fateful day?
Call me martyr pero naging magkaibigan kami ni Lark after a few days after nung gabing yun.
Ouch much?
Pero tulad ng sinabi ko sa sarili ko, and of course kay Lance na yun, eh tinapos ko na ang lahat sa lugar na yun.
Speaking of that place, binigyan pala naming ng name ni Lance ang lugar na yun. Napagkasunduan namin na tawagin yung haven. Like, duh?
Sabagay, parang teritoryo na namin yun. So it's kinda like ours.
Our haven.
Speaking of Lance, kamusta na kaya yun?
Sa kakaisip ko sa lalaking yun eh di ko na napansin na nasa tapat ko na pala si Lark.
“A penny for your thoughts?” Nagulat ako nun at tumingala sa kanya. Nakangiti ito.
Gosh, it still has the same effect sa akin yung mga ngiting yun.
Pero this time, di na talaga siya tagos.
“Di kita napansin.” “Pansin ko nga.” Tumawa lang ito ng mahina.
Gosh, Lark. Ikaw na talaga. Teka, tumaas ba ito?
Parang nabasa yata niya yung inisip ko at bahagya itong tumawa. Inabot niya yung kamay niya para hilahin ako patayo.
“Sira. Nakaupo ka kaya.” “Sabi ko nga. Tara, alis na tayo.” “Teka, mama mo. Magpapaalam lang muna ako.” “Gosh, wag na Lark. Trust me!” At talaga naman di sumasangayon ang fate sa akin eh saktong lumabas si mama habang pinipilit kong hilahin si Lark paalis sa lugar na yun.
“Oh Lark. So it is you?” Gosh, parnag kinilig naman si mama sa pagsabi niya yun. Di pa siya nakuntento eh binigyan pa niya kami ng magkahulugang ngiti. Of course, natagalan talaga kami since marami pang ikinuwento si mama. Kung di ko pa sinabi na male-late na kami sa graduation eh di ata yun titigil.
“Alis na po kami.” “Sure, sure. No problem. Ingat kayo.” I rolled my eyes. Si mama talaga.
Finally eh nakaalis na kami dun. As usual eh nakasakay kami sa tricycle. Tabi kami ni Lark.
Napansin kong medyo tense ito.
“Yo, chill lang. Everything’s gonna be all right.” Ngumiti lang ito.
Gosh, martyr na talaga ako sa gagawin kong ito.
Pero sabi ko nga, move na ako.
Eto na ang huli, I just wanted to make sure na happy ang friend ko.
This would be the day na magma-mark ang pagbabago ni Loren Lei.
Nakarating na din kami sa gym, sinalubong kami agad nila Rubylyn at nung kambal. Si Kuya Herald eh nandun din.
Bumalik nga pala si Rubylyn pero tuloy pa rin yung pagta-transfer niya. Pinilit lang niya yung kuya niya na umuwi dito para naman makasama niya kami since biglaan naman yung pag-alis niya.
Just so you know, alam na ni Kuya Herald ang tungkol sa amin ni Lark.
At first, nagalit siya pero I explained naman everything to him.
Medyo na-touch nga ako nun.
So ngayon, happy na kaming lahat.
And now, nag-prepare na kami sa surprise namin for ate Rima.
Hindi para sa graduation but for something else.
Alam ko naman kasi na even though di niya sinasabi sa amin eh alam naming na gusto na rin ni Ate Rima si Lark.
And today is the day na magco-confess si Lark sa kanya.
Umupo na kami sa reserved seats namin care of Kuya Herald. Iba na talaga pag malakas ang connection mo sa school.
Of course,
Second row kami.
Awayin palang kami ng principal.
Ayun, speech here and there. Awards here and there.
And sa wakas eh, tapos na!
Tinignan ko si Lark. Throughout the whole ceremony eh di ito mapakali.
Ang cute niyang tignan!
Di muna lumapit si Ate Rima sa amin.
Nag-picture taking pa siya with her friends, teachers and of course, with her family.
Siyempre, kasali din kami dun!
Sa wakas, eh nagkaroon na kami ng time para ma solo si Ate Rima. Of course, nandun din yung congratulations and stuff.
Tinignan ko lang siya habang kinakausap siya ni Kuya Herald. Parang may sinabi ito at bigla itong napatingin sa akin at lumapit.
Lahat kami eh tahimik. Niyakap ko nalang siya nun.
“Be happy.” I whispered then dinala ko siya papunta kay Lark.
Okay fine, siguro nga medyo maaga pa na sabihin ko na naka move on na ako so I decided to excuse myself at sa labas nalang maghintay.
Nasa labas na ako nun pero nagulat ako nung nakita kong sumunod pala sila sa akin pero din a nila kasama si Lark at Ate Rime.
Agad akong inakbayan ni Kuya Herald.
“C’mon. May sarili tayong celebration. My treat!” Oh yeah, yung celebration na sinasabi ni Kuya Lark eh despidida party namin na magbabarkada.
Well, di naman ako aalis. Magtatransfer nga lang.
Sila Carolyn at Cheryn ay aalis na din. May kanyang-kanyang issues which opted na umalis sa bayang yun. Baka nga daw may possibility na titigil silang dalawa sa pag-aaral. Wag naman sana.
Magkakahiwalay na kami and just thinking of it eh naiiyak na ako.
Of course, si Lark din.
Sasama kasi siya kay Ate Rima sa city.
Hay, love talaga.
Ayun, dinala na kami ni kuya Herald sa kung saan kami nag-date ni Lark.
Naks! Date talaga? Oh well. At di pa talaga nakuntento eh ang inorder namin eh lomi. Ayun, enjoy naman din. Matagal din kami dun. Puro kuwentuhan at tawanan.
I’m really gonna miss this.
Pumunta naman din kami sa ibang lugar.
Saan pa nga ba, eh di sa videokehan!
Ayun, dun talaga kami nagtagal. Di ko namalayan na gabi na pala. So napag desisyunan naming na umuwi na.
Siyempre, nag iyakan kami nun since starting bukas eh di na kami magkikita.
Nauna na sila sa akin since medyo malayo pa nag bahay nila at yung sa akin eh walking distance lang.
Pero I decided na sumakay nalang ng tricycle. Mahirap na at gabi na.
Ayun, nag abang nalang ako. Grabe medyo matagal din akong nakatayo dun.
“Hey. Long time no see.” Nagulat nalang ako nung bigla siyang tumabi sa akin. Kahit kailan talaga.
“Alam mo, para kang kabute. Kung saan saan lang sumusulpot.” “Cute naman.”
“Kapal.” Tumawa ito. Medyo na miss ko din ‘to.
Medyo nga lang.
“Gabi na ah. San ka galing?” “Nag-party kami. Ikaw?”[/b]
“Ala lang.” “Adik”
“Sa’yo” Tinaasan ko lang siya ng kilay. Sabog ba ‘to?
“Ikaw lang?” “Obvious ba?” Gosh, medyo naiirita na ako sa lalaking ‘to. Parang napansin naman yata niya ‘to at pi-nat ang ulo ko.
Sus, palibasa mataas. Kung maka-pat lang feeling ko para akong bata.
“Chill. Kasama ko kapatid ko. Me binili lang dun.” Tinuro naman niya yung drug store sa likod namin.
“Ano?”
“Duh?” Aba’t tong lalaking ‘to namumuro na ah!
“Pakilala kita, gusto mo? Magugulat ka.” “Ba’t naman?” “Basta. Tagal naman nun.” Kinuha niya yung cellphone niya at nagsimulang pumindot. Gosh, ipakilala niya ako sa kapatid niya?
Ganun na ba kami ka-close?
“Oh man! Medyo mtatagalan pa daw yun.” As if on cue eh dumating na yung tricycle. Finally!
“Lance, I really got to go na. Next time na lang ha?” “H-Ha? Sure. Sayang. O sige ingat ka ha?” “Thanks. Ikaw din.” Paalis nasana kami nun kaya lang pinigilan niya muna yung driver. Kinapa niya yun g bulsa niya at parang may hinahanap. May nakuha nga siye, resibo ata yun. Pero di pa rin siya tapos nun at parang may hinahanap and I think alam ko na kung ano yun.
Inabot ko nalang sa kanya yung ballpen ko. Medyo nahiya pa nga siya nung kinuha niya yun.
Then I heard him mumble something.
Mabilis itong nagsulat sa papel at inabot agad sa akin.
“Basahin mo lang yan pag nasa bahay ka na ha?” “Bakit di nalang ngayon?” “Ah basta. Makinig ka nalang.”
“Fine” Nag-wave na siya sa akin at ngumiti. With that eh pinaandar na uli ni manong driver yung tricycle. Pero bago pa kami nakaalis eh napansin ko nq may lumabas sa drug store. Lumingon si Lance at ngumiti.
“Bro!” Sa di maipaliwanag na dahilan eh napatingin ako uli sa kanila. Yun siguro ang kapatid ni Lance. Since medyo madilim na nga eh at malayo na kami eh di ko na masyadong nakita yung mukha.
Umayos na ako sa pagkakaupo.
Oh well.
There’s always a next time.