Teentalk

Poll

Love vs Friendship

L ^-^
3 (30%)
F O0
3 (30%)
::)
4 (40%)

Total Members Voted: 10

Author Topic: LvsF: 1  (Read 820 times)

bluish ace

  • jellybean
  • **
  • Posts: 152
  • Karma: +14/-2
  • i can see you, with my blue eye
Re: LvsF
« Reply #15 on: October 22, 2011, 01:31:18 pm »
^tama siya. ahihihihi.. nakakamiss sobra  ;)
Blue is what they call me

.L.

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1822
  • Karma: +296/-38
  • wattpad mode.
Chapter 1: BFF. Erza.
« Reply #16 on: October 22, 2011, 06:22:04 pm »
Chapter 1.


From: BFF.Erza.
I need you right now. :’(

Nagmadali akong nag ayos at umalis ng bahay para mapuntahan si Erza sa condo niya. Once na nareceive ko ang text na `yan, sigurado akong umiiyak siya o baka mamaya eh nag iisip ng maglaslas or something.

Medyo hinihingal pa ako pagpasok ko ng lobby ng condo nila, nginitian ako ng mga staff dun dahil halos araw araw na akong nandito—eh kaya berks ko na sila ate/kuya staff.

Pinindot ko `yung up button. Ilang beses kong pinindot kahit na alam kong wala namang magagawa ang maraming beses ng pagpindot pero kase eh, you know. Baka biglang bumilis?

After ilang buwan ng paghihintay, nag-ting na ang elevator na naging hudyat na bubukas na siya. Wow, hudyat. Big wuurd.

Pagbukas, nagmadali akong pumasok. Tutal ako lang naman mag isa, pinindot ko `yung close button. Pero bago pa tuluyang magsara `yung elevator door:

“TEKA!”

Nagpanic ako tapos hindi ko na lang namalayan, NAPUTOL `YUNG KAMAY NUNG SUMIGAW!!!!


De joklang, pinigilan niya sa pagsasara nung pinto kaya nakapasok siya. Napatulala lang ako panandalian nun tapos pinindot na niya `yung close.

“Anong floor ka?”

Eh itong si kuya, hindi siya ganun kagwapo na tipong mapapanganga at mapapalaway ka sa sobrang kagwapuhan pero sakto lang. Mukha nga siyang model-ish type sa porma niya, medyo maputi pero hindi ganun kaputi at medyo chinito. Yung buhok? Clean cut.

Tapos, bakit ko siya dinedescribe?

“Uh, 33 po”

Pinindot niya `yung 33 tapos bigla siyang nagsalita.

“Ay syet, lagpas na ako sa 3!”

Napatingin ako sa may taas para makita kung saan na kaming floor, 4th floor. Hala, ang tamad naman nito. 3rd floor lang pala, hindi na lang nagstairs.

Tumingin siya sa akin, medyo nailang ako pero nginitian ko na lang siya para kunwari di snob.

“Uh, dito ka nakatira?”
“Hindi”
“Ah… Kami kasi bagong lipat”

Tumango tango lang ako kunwari kasi may care ako sa sinasabi niya pero ang totoo niyan eh wala talaga. Bakit nga ba sinabi pa niya yun sa akin di ko naman tinatanong.

Antagal, antagal naman ng 33rd floor.

After 3 years, ayun. Nag ting na ang elevator na hudyat na nasa 33rd floor na kami. Nakatingin sa akin si kuya kaya napatingin din ako sa kanya. Nakangiti siya kaya napangiti na din ako para nga kunwari hindi ako snob.

Bago pa magsara `yung elevator door:

“Bye ate”

Weird.

Nagmadali akong pumunta sa kwarto ni Erza, nakarinig ako ng mga hikbi. Habang papalapit ako ng papalapit, nakita kong ang kalat ng condo niya. Siguro nagwala siya.

“Reiko? Ikaw ba `yan?”

Nakarinig ako ng parang may bumagsak saka ko nakita ang itsura ng bestfriend ko.

“Reiko!”

Niyakap niya ako saka umiyak ng umiyak.

“Iniwan niya ako”
“Sabi na eh. Next time kasi huwag ka padalos-dalos. O anong nangyari? Padalos-dalos din `yung sakit”

Lagi na lang siyang umiiyak. Lagi na lang. Dahilan?

Yang lovelife na `yan.

“Sinabi ko na kasi sa`yong may something wrong d`yan sa lalaking `yan, sige ka lang ng sige. Makinig ka din kasi minsan sa sinasabi ng iba, hindi `yung kung ano lang nakikita mo `yun lang totoo. Eh peste pa `yung lalaking `yun, magaling umarte. Hay nako”

Nakasubsob lang ang ulo niya sa balikat ko habang nakayakap sa akin.

“akala ko kasi siya na”
“Oo, lagi naman eh”



Gusto ko lang ipakilala sa inyo si Lorenza, pero Erza na lang dahil ang baduy daw ng real name niya. Sa halos limang taon naming pagkakaibigan, hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang umiyak ng dahil sa lalaki, eh take note. Iba’t ibang lalaki pa `yun ah.

Lagi niyang reason?

“Akala ko kasi siya na”

Oo, puro na lang akala. Puro na lang akala na siya na, siya na, siya na. Pang ilang beses ng “siya na” na ba `yun? 18? Alam mo `yung cliché? Yung kunwari, `yung salitang “I love you”, napaka cliché di ba? Pero ang dami pa ring naniniwala.

And apparently, mabilis maniwala sa I love you’s ang bestfriend ko.

Eh hindi naman pwedeng maging kontra bida ako sa love life niya at ihiwalay siya sa lalaki niya kaya ang naging trabaho ko eh taga gabay at taga salo sa best friend ko sa tuwing umiiyak siya—tulad na lang ngayon.

Minsan hindi ko na din masyadong pinapansin `yung “panloloko” sa kanya kasi nakikita ko sa mga mata niya na sobra siyang masaya kapag may ‘alam’ siyang nagmamahal sa kanya. Alam mo `yun, minsan parang ayaw mo na lang makisali kasi nakikita mong masaya naman `yung bestfriend mo, maging masaya ka na lang din di ba?

Hay nako.

“Tahan na Erza, marami pa naman d`yan”

Ipinunas niya ang damit niya sa mukha niya sabay tingin sa akin, at ngumiti.

“You know what Reiko, you`re right. Hindi siya kawalan, marami pang lalaki d`yan!”

Teka teka, parang mali ata `yung sinabi ko.



Replies;
Gia: Yan berigud :D
Zii: Naks, pinapakilig mko bruha.
Blue: Isa ka pa e, tenkyow.
Active user of: wattpad | tumblr

mediumvioletred

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 982
  • Karma: +43/-4
  • Payakap, pwede? Ngayon lang.
Re: LvsF: 1
« Reply #17 on: October 23, 2011, 04:44:31 am »
Iba ka talaga magsulat bruha. May chenes factor.  ;D Di pa rin nawawala ang iyong sense of humor. Tawang-tawa ako. Haha. Alabit!  ;)
Paalam, aking mahal
A sequel to Paalam, Noelle

aliyuuuh

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: LvsF: 1
« Reply #18 on: October 23, 2011, 01:20:44 pm »
Support ko 'to, idol. :))

teneighteen_06

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1232
  • Karma: +64/-15
  • T_T
    • Save+Close
Re: LvsF: 1
« Reply #19 on: October 24, 2011, 07:00:43 pm »
ay grabe lang. may naalala ako sa eksena. HAHAHAHA!
remember nung bagong break up ako? hahahaha! may scene kami ng college friend ko na parang ganyan e. hahahaha! yung pumunta siya sa condo. Yun nga lang ang kaibahan, masyadong madrama yun tsaka di niya ko pinagalitan. hahaha! nakiiyak siya sakin. hahaha!

infairness si Kuya. nagtungo pa ng 33th floor. ang layo nun a. hahaha!
Ito ang signature ko. Cool noh?

gheeyah

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4147
  • Karma: +109/-41
  • Young.Wild.Free <3333
    • little by little
Re: LvsF: 1
« Reply #20 on: October 30, 2011, 10:28:46 pm »
true true true marami pang lalaki jan..
haaay yung linya talagang "Akala ko siya na"
Nakakamatay nakakasakit talaga yang salitang AKALA e T___T

junachoopxz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2228
  • Karma: +86/-38
  • is undeniably in ♡
Re: LvsF: 1
« Reply #21 on: October 31, 2011, 10:17:57 am »
Maling mali talaga yung sinabi mo, Reiko! Haha! Iba yata yung pagkaintindi nun sa kaniya. Meaning: "madami pang lalake diyan, madami pang pwedeng manloko sa kaniya" Haynako, Reiko. Mag-lovelife ka na lang rin. Malay mo, si Kuya na nasa elevator na ang para sayo.. ;D

devil_jazmin

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1220
  • Karma: +33/-28
  • letting him go is so painful, and its not easy.
Re: LvsF: 1
« Reply #22 on: November 07, 2011, 12:08:30 am »
Hi Rayne.. support here..

.L.

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1822
  • Karma: +296/-38
  • wattpad mode.
Re: LvsF: 1
« Reply #23 on: November 07, 2011, 09:28:55 pm »
Hello po!

Wattpad wattpad kayo d`yan oh. Nilalangaw na `to, wattpad kayo d`yan:

http://www.wattpad.com/user/pilosopotasya
http://www.wattpad.com/user/pilosopotasya
http://www.wattpad.com/user/pilosopotasya


Dun muna ako sa wattpad, balik na lang ulit ako sa CC. :D
Active user of: wattpad | tumblr

lehzear

  • jellybean
  • **
  • Posts: 151
  • Karma: +14/-1
  • Raez|IMBDR♥
    • http://i1244.photobucket.com/albums/gg580/rawr0426/hahahaha-1.jpg
Re: LvsF: 1
« Reply #24 on: November 07, 2011, 09:46:51 pm »
Ate Rayne! Ngayon ko lang nakita 'to.
Support ko to!  ;D :D
Natatandaan mo ba ako? Haha.
Godbless!
I was sentenced to love you forever.

.L.

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1822
  • Karma: +296/-38
  • wattpad mode.
Re: LvsF: 1
« Reply #25 on: November 07, 2011, 09:59:47 pm »
Hello! Parang pamilyar ka nga sa akin.. medyo hazy lang. hahaha sorryy~ :( :( :(
Uh, hindi ko muna to iuupdate magpapakaadik muna ako sa wattpad eh.

Tara samahan mo ako sa wattpad! hahah :D

Ok lang naman kahit hindi but anyways, salamat sa pagsupport nitong story! :)
Active user of: wattpad | tumblr

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website