Chapter 1
"Ayiiee kasabay mo na naman si Mr. Sungit!"
Jusko naman. Kapapasok ko palang ng room, pang-aasar agad ang pambati sa akin netong si Ysa. =__=
"Sus. Sanay na ako no."
Umupo naman kami sa upuan namin. Seatmate kasi kami eh. Oops, bestfriends din pala. ^__^
"Hmm, ang gwapo talaga ni Mr. Sungit no? Sana dun din ang way ng bahay ko para nakakasabay ko siya. Eh ikaw Pau? Di ka ba nagagwapuhan dun? T_T"
Hahaha. Ang landi talaga ng babaeng 'to oh. Pati si Mr. Sungit, papatusin pa. May boyfriend na nga eh.
Ako? Gwapo naman si Mr. Sungit eh. Kaso napakamysterious kasi. >_<
Nagtataka ba kayo kung bakit para kaming stalker ni Mr. Sungit? Hahaha. Ganito kasi yun. Nung nagsimula ang klase ngayong school year, nakasabay kong pumasok si Mr. Sungit. Oo, same street pala kami. Syempre noticeable siya, kasi nga gwapo. Tapos nung uwian na nung araw na yun, nakasabay ko ulit siya.
Oh di ba? Ang gulo lang ng tadhana eh. Tapos ayun, araw-araw kaming magkasabay pumasok at umuwi. Sasakay ng jeep tapos maglalakad. Pero ang kaibahan sa amin, hindi namin kilala ang isa't isa. Walang batiang nagaganap. Bakit nga naman? Eh kasi di naman kami close no. Schoolmate lang kami.
"Oy Pau, pakopya nga ako ng assignment sa Math. Di ko ma-solve eh. Pesteng ellipse yun. =__="
Kita mo 'tong si Ysa. Iniisip ko si Mr. Sungit, tapos biglang sisingit. -___-
Ay teka ano bang pinagsasabi ko?!
Nah. Di ko siya iniisip.
Ay, papakilala pala ako. Hahaha.
I'm Pauline Berdino. Pau for short. Fourth year highschool sa Amarrison National High School. Eto namang katabi ko eh si Alyssa Mae Amarena a.k.a Ysa. Bestfriend ko since elementary yan. Kasi magkapitbahay kami dati kaya naging bestfriend ko siya, plus forever classmates pa kami since grade 1. Pero lumipat na sila simula nung maghighschool kami kaya di na kami magkapitbahay ngayon.
Ang aga pa pala? Medyo madilim pa kasi eh. 5:30 AM palang sa relo ko. Eh 7 pa klase namin. Haha, angry bir-- este EARLY BIRDS kasi kami ni Ysa eh. Gusto namin laging nauuna. Actually, kami palang ang tao sa room. Haha.
Pati rin yung si Mr. Sungit. Early bird din. Ang aga ring pumasok. Ang ganda ng codename namin sa kanya no? Mr. Sungit! Ahaha. Pano kasi, ang sungit sungit daw nun.
Kasi sa kabilang section siya eh. Tapos naririnig namin ni Ysa yung mga classmates niya na nagtsitsismisan. Kesyo sinusungitan daw sila nung gwapong nilalang, kesyo di daw sila pinapansin. Ay nako, mga babae nga naman. =___=
“SALAMAT PAU!!”
Gulat naman ako sa babaeng 'to. Ang hyper.
Sinauli naman niya sa akin yung notebook ko sa math.
Tapos ayun, nagtawagan na sila ng boyfriend niya. Psh.
Lumabas muna ako ng room para magpahangin. Ang init kasi sa loob ng room eh!
*U*
Ang ganda ng moon. Meron pa rin kahit 5:30 na.
Sarap titigan eh.
Siguro mga ten minutes na akong nakatayo dun sa corridor at tinititigan yung buwan. Wala lang. Ang peaceful kasi ng view eh. Tapos mahangin pa.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa tapos kinuhaan ko ng picture. Yay! Cute!
"PAULINEEEEE !!!!! I have something to tell you!! Daliiiiiiii."
=___=
Makasigaw naman 'tong si Ysa parang walang bukas!
Ano na naman kayang problema neto??
Pumasok ako sa room at ayun nagkwento na siya. Tapos dumami na rin yung mga students. Waaaahhh tinatamad akong makinig. T____T Sana wala kaming teacher sa first subject! Please?
At nagdilang-anghel ako!
HAHAHAHAHAHA!
Ang galing ko talaga! Wala nga si Ma'am MAPEH!
Kami naman ni Ysa eh hindi halatang patay-gutom kaya nagmamadali kaming lumabas ng room para pumuntang canteen. Haha, di kasi kami nagbebreakfast eh. Paglabas namin ng room...
*BOOGSH!*
"Kyaaa! Ouch! >__<"
Aray! T___T Ang sakit. Ano ba yung tumama sa akin?! Dumilat naman ako at nakita ko--
O______O
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!