Teentalk

Author Topic: Masama ba mag-mahal? - Chapter 1 is out. Bili na kayo, libre lang. Nu daw? AHAHA  (Read 600 times)

-mallows-

  • jellybean
  • **
  • Posts: 177
  • Karma: +7/-3
  • TeenTalker
Introduction




"Alam mo, simula nung naging close kayo ni Daniel, nauubos na ang kaibigan mo." Sabi saken ng so-called friend ko. Si Justine nga pala sya, paki hunt na lang ;D


"Wala akong pakielam, mas mabuti nga yun ee, alam ko na kung sino tunay kong kaibigan."


"Wew? Pinaplastic ka lang ng iba." Tsk. Halata naman ee.


"Alam mo, hindi ako tanga. Alam ko kung sino ang puma plastic saken." Tinignan ko sya na parang sinasabi ng mata ko, "Hindi-ako-tanga-wag-ka-ng-mag-maang-maangan"


Siguro naman alam niya na sya yung tinutukoy ko, diba? -_______________-






"May gusto ka bang sabihin saken?" Tanong saken ni Nichole. Actually, meron. Sawang sawa na ako sa pang aapi niyo saken. Oras na para lumaban ako.


"Actually, meron."


"Ano yun?"


"Inagaw ko ba talaga sya sayo?" Pranka kong tanong.


"Oo." Aba! Hindi rin naman ganun kakapal ang muhka mo no?


"Alam mo Nichole, hindi na kayo. Break na kayo. Hiwalay. Over. Tapos na. Kaya bakit ko sya inagaw sayo?" Hindi sya sumagot sa tanong ko. Umalis sya sa harap ko at iniwan akong magisa. Tsk.






"Sino bang pipiliin mo? Sya o kaming kaibigan mo?" Tsk. Makapal din ang muhka mo no? Hindi tayo close para pag sabihan ako ng ganiyan.


"Bestfriend ba kita o close friend?"


"Bestfriend?" Tanong niya. Actually, talagang nakakagulat yung tanong ko. Hindi kaya konek sa topic namen. O sya, kuha sya ng pang saksak para konek :D


"Kung bestfriend kita, maiintindihan mo ako. Hindi yung pangungunahan mo ako at ikaw pa mismo nag didikta sa mga gagawin ko." Mataray kong sabi.


"Edi close friend." Takte. Binawi? -_______________-


"Ahhh. Close friend lang pala. So, wag kang mangielam ng buhay ko aa? Buhay ko ito ee, hindi sayo."






"Alam mo Angel, an daming nagagalit sayo."


"Alam ko, hirap nga ee."


"Bakit ba kasi mas pinili mo yung lalaking yan, keysa sa kaibigan mo?"


"Mahirap na tanong yan aa." Sabay tawa ng mahina na akala mong malaking biro lang ang nanyayare, "Bago ko sagutin yan, may tanong din ako." Huminga muna ako ng malamim, "Masama ba mag mahal?"






Pano mo ba malalaman kung mali ang desisyon mo?

Pag hindi ka masaya.






Masama ba mag-mahal?


Kahit nakasakit ka na, mamahalin mo pa rin ba? Ako oo.


Kahit ba layuan ka na ng kaibigan mo, hindi mo pa rin ba sya iiwan? Kasi ako ginawa ko.


Kahit ba nasasaktan ka na, lumalaban ka pa rin? Hirap diba?


Kahit lahat sila, ayaw sayo, wala kang pakielam kasi at least nakakasama mo yung taong gusto mo.


Kahit alam mong maraming magagalit sayo, tuloy ka pa rin.


Yung tipong, wala ka ng pakielam sa mundo dahil sya na ang mundo mo. Shet na malagket. Dinadaga na ako sa ka cheesyhan ;D





Tanong ko lang sayo,



Masama ba mag mahal?






Quote
A/N : Hello. I've deleted all of my stories at gumawa ng bago. AHAHA, la kasi akong trip sa buhay ;D P.s. Mag kakaibang tao yung purple ang color.
« Last Edit: October 21, 2011, 09:23:01 pm by -mallows- »
May tanong ako sayo,

Masama ba mag-mahal?


Siguro hindi. Pero masakit.

-mallows-

  • jellybean
  • **
  • Posts: 177
  • Karma: +7/-3
  • TeenTalker
Chapter 1



Quote
Good morning mahal :)


Text niya saken. Umagang umaga pinakikilig na agad ako nitong lalaking to ;D


Hindi naman talaga kame ee, pero mahal ang tawagan namen. Dapat kasi ang tawag ko sa kanya kuya, tapos saken kapatid, pero parang boring, kaya ginawa naming mahal ;D


Pero kuya mahal ang minsan kong tawag sa kanya ;D Tatlo ang tinatawag kong kuya sa school. Mag kakapamilya kame.


Daniel. Ang aming panganay. 14 years old na siya. Born on Sep. 26, 1997. Yung tita niya ang nag papaaral sa kanya. Tapos nanay niya, walang trabaho. Ung tatay niya, ewan namen kung nasaan ;D You'll get to know him more as the story goes :D


Jomel. Ung pangalawa sa aming apat. Birthday niya is October 26, 1997. Tita niya den ang nag papaaral sa kanya. Wala din syang tatay. Pero alam niyang buhay yung tatay niya, andun sa kabet nakatira ;D


Allen. Ung bunsong kuya namen. Bertdey niya is March 22, 1998. Ampon nga tawag namen sa kanya, kasi kameng tatlo, puro 26, sya lang ang 22 ;D Ang nanay niya ang nag papaaral sa kanya, pero wala din syang tatay.


Quote
Good morning den mahal :)


Masaya ako, kahit na mag kagalit kame ng mga kaibigan ko. Kasi nakakasama ko ung taong mahal ko ;D


At since september 25 ngayun, mag gagala kameng pamilya ;D Family bonding -slash- birthday celebration namen.


Quote
Nakaligo ka na ba mahal? Kita tayong dalawa sa 7/11 aa? Tapos punta na tayong sm.


Kame talaga ang laging sabay tuwing may family gathering kame. Wala lang. Kasi malapit lang bahay nila sa bahay namen. Shet, swerte ko ;D


Quote
Yup. Ligo ka na mahal. Baho mo na ee ;D Pwede bang pumunta ka dito sa bahay? Tinatanong kasi ni mama kung sinong kasama ko.


Every sunday, nakagawian na namin nila mama na mag sm, ee since birthday bukas ni Daniel, excpetion tong araw na to ;D


Quote
Ang baho ko ba? :( Sige mahal, papunta na ako diyan sa inyo.


At dumating na sya. Naka pants lang sya, tapos t-shirt tsaka naka sumbrero. Shet ang gwapo. AHAHA.


Pero, I have to admit gwapo nga sya. Kaya ang daming nag ka kacrush sa kanya. Naman! Dami kong kaagaw sa kanya >:(


"Sya ba kasama mo?" Tanong ni mama.

"Opo."

"Good morning po."

"O sige na umalis na kayo."

"Sige po, aalis na po kame."


Nag kiss ako kay mama at umalis na. Habang nag lalakad kame, may naka sabit na earphone sa tenga niya. Tsk. Kinakausap ko tapos may earphone?! May ka text pa!


"Bastos! Kinakausap kita tapos naka ganyan ka!"


Tapos tinaggal niya. Alam ko namang hindi niya ako matitiis ::)


The day went on at ang saya namen. Alam ko masaya sya ngayun. Hay naku. Masaya akong makita syang nakangiti.


At nasira ang mood ko ng makita ko si nichole, kasama ang iba sa "So-called" friends ko. Lord, ayaw ko pong pumatay ng tao ngayun ::)


"Ano ba yan?! Panira naman ng araw oh! At talagang mag kasama pa?! Holding hands while walking pa yan!"


Parinig niya. To namang abnormal na lalaki sa tabe ko, nakangiti pa. Tsk. Sira talaga to kahit kelan. ;D


"Anong tinatawa tawa mo diyan?"

"Ee kasi naman, badtrip si Nichole ;D"


Alam ko, kahit hindi niya aminin. Mahal pa rin niya si Nichole. Tsk. Ke bata bata mahal - mahal agad ang alam ::)


Hindi naman ako bulag para hindi makita na totoong mahal niya si Nichole. Nichole, sana mamatay ka na. ;D


Nung umuwi na kame, dumaan muna kame sa kainan ng ice cream bago tumuloy sa bahay. Ihahatid niya lang ako sa kanto lang.


Tandaan mo ito Daniel. Maiinlove ka saken ;D






Quote
Happy Birthday mahal! Wake up na! It's morning and it's your birthday! Kaya parang awa mo na, wag kang malungkot ngayun, dapat ngumiti ka, kundi ipapakidnap kita sa langgam! :)


Quote
Good morning din mahal. Hindi ako makakapasok ngayun. Ingat ka na lang sa school aa?


Hindi ko na sya nireplyan dahil tinatamad na ako. Tsk. Nu ba yan! Hindi daw sya papasok. Malungkot tuloy ako T.T


"Good morning class. Today hindi tayo mag le lesson. May ikwekwento ako sa inyo." Sabe ni Tr. Corrie, first subject namen ang class niya, at saka, tita sya ni Daniel.


Pinabilog niya samen yung upuan namen. (p.s. hindi ung upuan mismo ang pinabilog aa! Basta, gets niyo na siguro un ;D)


Bigla na lang syang umiyak.


"Alam niyo ba na si Daniel, nag balak mag suicide. *Cries* Nung saturday, pinakita saken nung kuya niya na may suicide note si Daniel, kawawa naman ung bata *Cries again* Sino ba kasama niya kahapon?" Nag taas naman kame ng kamay.


"Salamat. Dahil kahapon, pag uwi niya, masaya sya. Kaya nga ngayung birthday niya, hihingi ako ng advance sa office, kahit isang libo lang, para mapasaya naman sya." At mas lalo syang umiyak. Nag dadadada na sya tungkol sa kung ano ano ;D


And since birthday nga ngayun ni Daniel. Isusurprise namen sya. Nag gawa kame ng poster na nakasulat, "Happy Birthday Daniel." tapos may pangalan ng nag ambag dun sa regalo namen sa kanya.


Nu ba yan, nag regalo na nga ako sa kanya, nag ambag pa ako ng 30.


Pag punta namen sa bahay nila Daniel, andun sya, malamang lamang nasurpise sya ;D AHAHA.


Pinakain kame nung nanay niya, tapos masaya na sana ako ee, biglang epal nung kuya.


"Sino ba diyan si Nichole?" Ouch </3


Tapos nag ayyie naman sila. Tsk. Kung alam lang nila, nasasaktan ako. Sobra. Tumingin ako kay Daniel, nakangiti sya. Iba dun sa ngiti niya kahapon. Kahapon masaya sya, ngayun, masaya sya. At kinikilig pa.


Lupa, lamunin mo na ako please. :'(


"Ayos ka lang ba Angel?" Tanong saken ni Rhosemine, wala na akong lakas para mag salita dahil paluha na ako nun. Buti na lang madilim kaya hindi ako kita. Kaya, I gave her my brightest smile, at nag nod ako.


Baka pag nag salita ako, bumaha sa bahay nila ::)


"Sino nga pala dito si Angel?" Tanong nung nanay, naks! Boto saken ang ina at ako pa ang hinahanap ;D


"Si Nichole po?" Tanong ni Justine. Hoy bakla! Ako nga ang hinahanap diba? Ang lakas na nga ng pagka sabe ee >:(


"Hindi. Si Angel." Tapos tinuro ako ng mga classmate ko. Tapos binigyan ko yung nanay niya ng isang matamis na ngiti.


Aba! Kung alam niyo lang, aakalain niyo akong mabait kung nakita niyo ako, sweet daw ang muhka ko, ung muhka ng inosente, kahit hindi ;D


At eto pa ang love ko sa katangian ko. Sweet na nga tignan, pag nalambing lang kita saglit, gagawin mo na ang lahat ng sasabihin ko. MUAHAHAHAHA. ;D


"Kain ka ne." Sabe saken. Hindi ako nene! >_______< Pero dahil magiging nanay na rin kita, gueh na nga lang :D


After naming kumain, umuwi na kame, pero bago kame umuwi, nag request si Justine ng, "Hug mo muna si Birthday Boy!"


Pwede bang pa suggest? Tatapyasin ko lang yung muhka mo. Ng hindi ko na makita yang pag mumuhka mo.


Nasaktan na nga ako kanina, sasaktan na naman ako. Letse.


Hinug naman ni Nichole. P*ta! Sa harap ko pa talaga no?!


Alam na nga niyang gusto ko ung tao ee. NANANADYA YAN EE! >:(


Habang nag lalakad kame ni Gemma, tumulo ung isa kong luha pero pinunasan ko. Mahirap na.


"Okay lang, umiyak ka na, alam kong nasasaktan ka."

"AHAHA. Hindi aa."

"Anong hindi? Naaawa nga ako sayo kanina ee, paiyak ka na."

"Ganun pala kahalata :("


After nun. Umiyak ako. Pag uwi ko sa bahay, umiwak ako. Bago ako matulog, umiyak ako.















Hindi naman masama magmahal. Masakit lang talaga.





Quote
A says - Walang napansin sa story ko. Ganun ba sya ka boring? AHAHA ;D
May tanong ako sayo,

Masama ba mag-mahal?


Siguro hindi. Pero masakit.

nice_girl_3520

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +11/-1
  • TeenTalker
hi ! nd nmn cguro hehe
 :)

-mallows-

  • jellybean
  • **
  • Posts: 177
  • Karma: +7/-3
  • TeenTalker
Veniceeeeeeee!! Do you remember me? Nice of you to stop by ;D Hindi mo ako kilala pero kilala kita. AHAHA. Ako nga pala si A, friends? Parang who's who lang ee :D
May tanong ako sayo,

Masama ba mag-mahal?


Siguro hindi. Pero masakit.

celinetot

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 4
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Ganda  ;D Update ka na po.

-mallows-

  • jellybean
  • **
  • Posts: 177
  • Karma: +7/-3
  • TeenTalker
Syempre. Maganda yung author ee ::) Hehe joke. Thanks po! I'm A nga pala. :)
May tanong ako sayo,

Masama ba mag-mahal?


Siguro hindi. Pero masakit.

celinetot

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 4
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Syempre. Maganda yung author ee ::) Hehe joke. Thanks po! I'm A nga pala. :)

hahaa. taray  :) update na po!

nice_girl_3520

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +11/-1
  • TeenTalker
Veniceeeeeeee!! Do you remember me? Nice of you to stop by ;D Hindi mo ako kilala pero kilala kita. AHAHA. Ako nga pala si A, friends? Parang who's who lang ee :D

prang kilala kita ewan k b pamilyar eh
btw to meet you A
cgeh friends hehehe
 ;D

kailan k pla maguupdate?

-mallows-

  • jellybean
  • **
  • Posts: 177
  • Karma: +7/-3
  • TeenTalker
@celinetot - Wala kasing napansin sa story ko kaya ganun. ;D AHAHA. By the way, ano neym mo?


@Venice - Pag may namansin na sa story ko. AHAHA. Wawa nga ako ee. Ngayun lang ulit may nag comment after a decade. AHAHA. Exaggerated masyado ako ;D
May tanong ako sayo,

Masama ba mag-mahal?


Siguro hindi. Pero masakit.

blue_protons

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 666
  • Karma: +102/-7
  • CONQUEROR ♥
Uwa, interesting story mo. ahahha. Support ako! *kaway-kaway*

nice_girl_3520

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +11/-1
  • TeenTalker
@Venice - Pag may namansin na sa story ko. AHAHA. Wawa nga ako ee. Ngayun lang ulit may nag comment after a decade. AHAHA. Exaggerated masyado ako ;D
[/quote]

toinks hehehe gnun tgal nmn  :D

celinetot

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 4
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
@celinetot - Wala kasing napansin sa story ko kaya ganun. ;D AHAHA. By the way, ano neym mo?


@Venice - Pag may namansin na sa story ko. AHAHA. Wawa nga ako ee. Ngayun lang ulit may nag comment after a decade. AHAHA. Exaggerated masyado ako ;D

Celine po name ko  :P Ikaw po?

cuddly.lyviel

  • taffy
  • ***
  • Posts: 439
  • Karma: +30/-2
  • I would risk everything just to have you for real.
Who says this story is boring???
tara at sapukin!!  >:(  >:(

Okay. chill muna and lemme introduce myself.
I'm Elaine lyviel. a newbie.

Back to your story...
It's not boring!!! ganda kaya.
nakakaintriga kayaaaa...

Update ka lang. asahan mong babasahin ko...
Love is all about taking the risks and never minding its returns.

My story: Risks and Returns

-mallows-

  • jellybean
  • **
  • Posts: 177
  • Karma: +7/-3
  • TeenTalker
@blue_protons - Waaaaaaaaaa. Thanks so much! *Cyber hugsis* Letch. Ang arte ko lang ;D Ako si A. Ikaw ?


@Venice - Nd yun. AHAHA. Sem break na namen kaya baka makapag update ako. Pero baka lang ;D


@Celine - Ako si A. Ang kyut ng neym ko no? Mysterious  ;D


@Elaine - Hey there. Thanks naman at sinabi mong nd sya boring. Ako nga pala si A, medyo newbie din ako dito. Sana maging friends tayo aa? :)
May tanong ako sayo,

Masama ba mag-mahal?


Siguro hindi. Pero masakit.

blue_protons

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 666
  • Karma: +102/-7
  • CONQUEROR ♥
Eloisa po ay nandito. Yey! haha. Ipagpatuloy mo! Aabangan ko to.  :)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website