o1. Hindi no! Matagal na kaming magkakilala. Magkapitbahay kami simula pa pagkabata.
Parang magkapatid na nga ang turing naming sa isa’t-isa eh. Ako rin ang bestfriend niya. Masyado kaming close kasi mag kumare ang mga Mama naming. Ako na rin nga ang tutor at caretaker niya. Ako rin ang babaeng sikretong nagmamahal sa kanya. Galing ko no? Biro mo, nagawa ko lahat yun para sa kanya. Mokong kasi yun e, si Justine. Ninakaw niya kasi yung puso ko.
“Oi, Parekoy, tara na.” Tinawag niya ako.
Ayos na ako sa ganito lang. Lagi kaming magkasama. Hatid at sundo. Masaya na ako sa ganito. Ako lang naman ang may alam na mahal ko siya e. Ako nga lang ba? Ewan. Basta, ang alam ko, mahal ko siya. Kaso nakakainis minsan kasi, nangaasar siya. Pero ayos lang yun. Kasi, mahal ko naman siya e. Graduating na kami ngayon sa highschool. Almost 10 years na nga kaming magkaibigan. Napaka amazing no? More than half of my life, kasama ko siya. Di kami mapaghihiwalay nun. Kami pa, “parekoy” ko yun e. Ni minsan, di ko tinangkang sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ko. Ayoko naman kasing maging komplikado ang lahat sa amin. Alam mo yun? Di ko man masabi sa kanya, sana maramdaman naman niya. Oo nga pala. Ako si Perla. Joke. Haha. Pearl Cunanan ang mahiwagang ngalan ko.
“Saglit lang, parekoy. Ang gulo pa ng buhok ko.” Lumabas na ako kahit gulo gulo pa buhok ko.
“Akin na nga yang suklay!”Kinuha niya yung suklay sa kamay ko at sinuklayan niya ako!Nakakahiya. Super.
“Oi. Parekoy, pwede ka ng maging hair stylist niyan. Haha.”“Buhok ba talaga ng babae to? Grabe ka Parekoy. Lambot ha.”Natawa ako. Maloko talaga to. Natural na yung mga sinasabi niya sa akin. Sanay na ako. Sa sampung taon ba naman na pagsasama namin. Haha.
“Wehhhh. Sarcastic much, parekoy? Oo na. Magulo na po. Wala naman kasi sinabing malambot e. Haha.”“Lambot nga sabi eh. So kelangan, ulit-ulitin?”Maloko kasi si Justine. Pero sanay naman na ako. Tsaka alam nyo, siya lang ang lalaking pinapahawak ko ng buhok ko. Haha. Eh kasi naman parang kapatid ko na yan eh. Sabay kaming pumupunta ng school. Sabay rin kaming umuuwi. Minsan nga, pinagkakamalan kaming magsyota. Kinikilig ako pag ganun. Pero siya, tumatawa lang. Ang sakit. Pero okay lang, di naman ako umaasa e. Pagkarating naming ng classroom, kinausap ako agad ni Lea, kaibigan ko.
“Pearl. Paano na yung project natin? Kelangan nating pumunta sa SM mamaya. Bibili pa tayo ng materials.”Bwiset kasing mga school projects yan. Andami. Sandamakmak. Over! Kulang na lang SCHOOL BUILDING ang project namin eh. Yknow. Tumango na lang ako kay Lea. Buti na lang kaming magbabarkada ang magkakagroup.. well, except kay Justine, sa kasamaang palad. Hindi naming siya kagroup e. Kainis nga. Nung lumingon ako, nakita ko si Mike. Ayun, tahimik parin. Siya nga ang seatmate ko e. Kabarkada ko rin to. Kahit na tahimik siya, marunong siyang makibagay tsaka matalino siya. Actually, 5 kaming magkakaberks dito. Ako, si Justine, si Lea, si Mike, tsaka si Neil. Habang nakatingin ako sakanya, nagulat ako, kasi bigla siyang humarap sa akin ng nakangiti.
“Morning.”Sabi niya. Putek. Kung hindi lang ako in love kay Justine, matagal na ‘kong nagkagusto dito kay Mike. Bakit kaya wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon? Nakapagtataka ha. After ng class namin, nagkumpol kaming barkada.
“Oh, san tayo niyan?” Tanong ni Neil.
“Sa SM tayo. Sa National Book Store.” Mabilis na sagot ni Lea.Malay ko ba kung bakit atat na ata pumunta ng SM ito.
“Tara na.” Sabi ni Justine. Pero nagtaka ako kung bakit umiiling si Lea, Neil at Mike. Anong meron?
“Ha? Teka. Iiwan niyo ko dito? Oi.. parekoy, wala naming ganyanan.”“Wala akong kinalaman jan, Parekoy.” “Para sa project namin to, Justine, next time na lang.” Ika ni Lea. Kung kamalasmalasan ba naman kasing hindi siya nasama sa group namin.
“Tss. Pasalubong ko ha.” At humirit pa ang mokong na to.
So, pumunta na nga kami ng SM. Kinakabahan ako ha. Baka may pinaplano itong mga ito ng hindi ko alam. Sinusundan ko lang si Lea sa paglakad. Nasa harap ko siya, kaholding hands si Neil. Oo, sila. Wag kayong mag-alala. Tinanong ko si Mike.
“Anong meron? Akala ko ba bibili tayo ng materials? Bakit nandito tayo sa Food Court?”Pero di siya sumagot at nakasmile lang. ANO BA. Naiintriga ako ha. Naghanap kami ng pwedeng mauupuan. At ayun, nakakita naman kami.. Limang segundong katahimikan ang nangyare.. Hanggang sa may nagsalita na nga sakanila.
“Excuse me, Ms. Cunanan. May atraso ka sa amin.” Sabi ni Lea. Nagtaka ako. Atraso? May nagawa ba ako?
“H-ha?” “Akala mo magaling kang maglihim ha.” Anong pinagsasabi nila?
“Kinuha na naming ang pagkakataong ito para magkaroon tayo ng meeting. Meeting ng barkada, actually. Pero wala si Justine ditto, diba? Alam mo na siguro ang dahilan..”Anong pinagsasabi NILA?
“Te-teka. Wag niyong sabihing..” Shoot.
“Halatadong halatado.” Sabi ni Neil. Tumango naman si Mike.
“May gusto ka kay Justine no?”Go! aabangan ko, yeeey.

Eto na sis.
