Ehto na ang chapter two guys
thanks sa mga support nyo sa chapter 1 ha?
I hope magustuhan nyo rin to

Enjoy!
Chapter II Mr. and Ms. ChE
Nasabi ko na ba sa inyong bisaya ako? Oo, bisaya ako. Im from the City of Waterfalls—Iligan City!
Ehhehe, pero dito ako sa Manila nag-aaral ngayon. Nakapasa kasi ako ng scholarship sa isang prestigious na university. At sa awa ng Diyos, dean’s lister pa rin ako kaya hanggang ngayon scholar pa rin ako.
2nd week of classes na pala, Monday, at last subject ko tong Chem 323. Naalala nyo yung may assignment? 2 days na din pala ang nakakaraan nung may nangyari doon sa net café.
Prof. Ybañez: you may now pass your assignments
Nagsisimula na pala ang klase namin. Inabot na namin yung assignments namin kay prof.
Prof: and by the way, we are going to have a field trip next month. And this field trip will 25% of your grade. At makakasabay nyo ang klase ko sa 5th yr. each one of you will have a 5th yr partner. Three days ang field trip natin so I suggest magsave na kayo ng pera para dito. Am I understood?
(tok! Tok! Tok!)
Napabaling lahat ng tingin namin sa kung sino man yung kumatok
Prof: yes? What is it?
Student: ahm, sorry for interrupting sir but Ms. Saavedra is called by the Chairman
At napunta sa akin ang lahat ng tingin
Ako? Pinapatawag ng Chairman? Bakit? Anong ginawa ko? Pinapakaba naman ako nito o!
Ang OA ko din ano? Hehe
Prof: Ms. Saavedra
Ako: s-sir?
Prof: you heard what he said. Pinapatawag ka ng chairman
Ako: ah opo sir
Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko. Kinakabahan na talaga ako. Ano ba yan! Lumabas na ako sa room at naglalakad na papuntang chairman’s office
Habang naglalakad…
Ako: ahm, excuse me..bakit daw ako pinapatawag?
Student: hindi ko rin alam eh. Bakit kinakabahan ka ba?
Ako: ay hindi obvious?
Tumawa lang ang lalaki
Student: bakit ba sa tuwing tinatawag kayo ng chairman, natatakot kayo? Hindi naman sa lahat ng pagtawag ng chairman eh ang ibig sabihin ay may nagawa kayong kasalanan.
Ako: sabagay
Student: kaya nga relax ka lang okay?
Ngumiti lang ako sa kanya
Nakarating na kami sa chairman’s office
Student: o ayan, kumatok ka na lang…
Ako: salamat ha?
Student: walang anuman (sabay ngiti)
At naglakad na sya palayo
This is it Lei! Relax ka lang okay? Breathe in, breathe out!
(tok! Tok! Tok!)
Voice from the inside: come in Ms. Saavedra
Ay? Expected na pala ako? Malamang! Pinatawag ka nga diba?
Tinwist ko ang door knob at binuksan ang pinto. Dahan dahan akong pumasok.
Ako: g-good evening ma’am
Chairman: come in Ms. Saavedra
Napatigil ako nang may nakita akong isang lalaki na familiar sa akin. Teka?
Ako: ikaw? Bakit ka andito?
Ngumiti lang sa akin ang lalaki (*shashing!*). Ayai! Ayan na naman ang killer smile nya!
Tumikhim naman ang chairman.
Chairman: magkakakilala kayo?
Sabay turo pa sa amin ng chairman. Si rafael naman ang sumagot.
Rafael: we just bumped in last Saturday night but we are not formal acquaintances
Tumingin naman sa akin ang chairman.
Chairman: is that true ms. Saavedra?
Hindi ko alam ang isasagot ko. So…
Ako: ahh..y-yes ma’am
Ano ba yan! Nauutal ako!
Chairman: okay. You may take your seat.
Umupo naman ako sa tapat ni rafael.
Chairman: Ms. Saavedra?
Ako: ma’am?
Chairman: alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito?
Ako: im afraid not ma’am. Bakit nyo po ba ako pinatawag?
Chairman: well this guy here…
sabay turo kay rafael. Napatingin naman ako sa kanya at ayon! nakangiti ang kumag.
Chairman: suggested you to be his partner in the upcoming Mr. and Ms. COE. Alam mo naman siguro na this January na ang COE week natin.
Nanlaki ang mata ko O.O
Ano daw? Stop, rewind and freeze!
Ka-kadepartment ko ang lalaking to? At ano pa daw? Magiging partner nya ako sa Mr. and Ms. COE?! Tadhana nga naman!
Chairman: ms. Saavedra?
Ako: ma-ma’am? (tuliro pa rin ako)
Chairman: did you hear what I’ve just said? You two are going to represent the department of Chemical Engineering.
Ako: loud and clear ma’am. P-pero bakit ho ako?
Chairman: to tell you honestly Ms. Saavedra…
Ako: Lei nalang po ma’am
Chairman: okay lei. Last sem pa kami naghahanap ng magrerepresenta sa department natin. Nang napili namin tong si Mr. Amadeo, Tumanggi sya noong una. But ngayon bumalik sya and asking if open pa ba sa kanya yung offer. And believe it or not, our department really deamands mr. amadeo-actually not us but the girls. So kahit may napili na kami, iniba namin ang desisyon at sya na nga ang representative.
Napatingin na naman ako kay rafael. Nakangiti pa rin.
Ano ba tong lalaking to!
Chairman: but he told us that he will only participate this contest if you will be his partner. At hindi na ako kokontra. Rafael chose well. That’s why you are here today. I believe na maipapanalo nyo ang department natin.
Huh? Teka, binablackmail ng taong to ang chairman namin? Ang kapal ng mukha ha! At ako pa talaga ang napagdiskitaan!
Ako: pero ma’am…
Chairman: no buts Ms. Saavedra. And I don’t like to beg. Didn’t I tell you that if you’ll win in this pageant you’ll earn the highest grade possible to all your major subjects?
Earn the highest grade sa lahat ng major subjects? Totoo ba ang narinig ko? Whoah! I can’t believe it!
Ako: w-what?
Rafael: you heard our chairman right Lei. Ang like what I’ve said before you can’t back out with our deal. I believe hindi mo pa nakakalimutan right?
Ako: te-teka anong deal?
At naalala ko ang nangyari noon sa net café two days ago
Ako: so this is your condition na gusto mong ipagawa sa akin?
At ngumiti sya ng nakakaloko
Rafael: im glad you remembered. And yup ito na nga ang condition. chairman…
Binaling nya ang tingin sa chairman namin na puzzled ang ekspresyon ng mukha
Chairaman: yes rafael?
Rafael: oo na ho daw!
Ngumiti naman ang dean. Naks! Ang ekspresyon ni ma’am ha…parang nanalo ng lotto!
Eh ikaw ba naman magkakaroon ng representatives na dyos at dyosa ang kagandahan. Hahahah

Feeling ko din naman ano!
Chairman: im glad you agreed ms. Saavedra.
Ako: teka may sinabi ba akong oo?
Bulong ko kay rafael
Rafael: akala ko ba you keep your word?
Ako: fine!
Napangiti naman ang mokong. Bwiset!
Tapos binaling nya ulit ang tingin sa chairman namin
Rafael: don’t worry dean
sabay akbay sa akin. Feeling close talaga tong taong to!
Rafael: we’ll win (sabay ngiti *shashing!*)
Ang hangin ah! Signal no 5? Napaka arogante talaga!
Umismid lang ako at iwinaksi ang kamay nya na nakaakbay sa akin. Bubwit na to!
Ngumiti lang naman ang chairman
Chairman: I’ll trust you on that. Ok, you may now proceed to your respective classes.
Ako: thank you po ma’am
Sabay ngiti
Paano na to? Lecheng deal yan! bakit pa kasi ako pumayag!
Tsk! Nasa huli nga naman talaga ang pagsisisi.
Huhuhu Lord help me! Paano na talaga to? Eh wala nga akong kapera-pera para sa field trip namin tapos sumunod pa to?
Ang kapal din naman ng mukha ko kung ireklamo ko pa ito sa chairman namin. Eh sinabi na nga nya na I can earn daw the highest grade possible sa lahat ng major subjects ko. Ano na ba gagawin ko?
*Snap!*
Rafael: hoy, okay ka lang ba?
Ako: anong okay? Sa tingin mo ok ako sa lagay na to?
Tinignan naman nya ako from head to toe
Rafael: ok ka naman tignan ah!
Bwuset! Batukan ko to eh!
Ako: bwiset ka! Ikaw pang may lakas ng loob ba iblackmail ang chairman natin! Ang kapal din naman ng mukha mo noh?
Rafael: teka, ano bang ginawa ko?
Ano daw? May amnesia ba tong lalaking to?
Ako: anong “anong ginawa mo?” alam mo ba ang ginawa mo sa akin?
Rafael: ahh…
at nag-isip pa talaga ang mokong! Kaasar talaga!
Rafael: ginawa kitang representative sa Chemical Engineering Department?
Ako: oo! Bwusit ka!
Rafael: anong nakakabwusit doon? Ayaw mo nun? You’ll have the pleasure of being my partner
Sabay nakakalokong ngiti
Ako: anong pleasure? Pleasure.in mo yang mukha mo! Akala mo kung sino ka!
Rafael: oo, alam ko kung sino ako. Im Rafael Amadeo.
Arrgh! Kaasar ang lalaking to!
Ako: pwede ba! Wala ka bang ibang alam gawin kung di ang asarin ako? Nakakailan ka na ha! Akala mo siguro nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin sa internet café?
Rafael: nope, hindi ko nakalimutan. At alam kong hindi mo rin babawiin ang sinabi mo sa akin dun sa net café. At ehto na nga iyon.
Ako: what? Ang maging representative ng Department natin? Alam mo bang wala akong oras at pera para sa mga ganyang bagay. Ni sa field trip ko nga di ko alam kung saan ako kukuha ng pera. At isa pa busy ako! Working student ako…alam mo ba yun? Now, tell me anong hindi nakakabwusit dun?
Nagtitimpi na ako sa galit ko. I don’t want to cause any trouble.
At bigla syang tumawa.
o.O? potek! Nasa hallway pa naman kami. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Ano ba tong taong to!
Nag-aalburuto na nga ako at lahat sya pa tong may ganang tumawa ng malakas.
Pigilan nyo ako! Baka mapatay ko to ng wala sa oras!
Ako: do you think this is funny huh?
Rafael: oo! Ahahahahaha

*pak!*
Rafael: aray! Masakit ah!
Sabay hagod sa batok nya
Rafael: ok…(seryoso mode) look, you already knew that I declined this offer last sem. Hindi rin kasi ako mahilig sa ganito eh. But nung Saturday, dun sa internet café remember? Yung una nating pagkikita?
Ako: oo! Ano naman ang koneksyon doon?
Rafael: hindi pa ako tapos. Makinig ka muna kasi.
Ako: oo na!
Rafael: nung naupo ako dun sa tabi mo, tinitignan ko ang ginagawa mo. Your doing an assignment sa Chem 323
Ako: teka. Paano mo nalaman na Chem 323 nga yon?
Rafael: dahil yun din ang binigay na assignment sa amin ng prof namin 2 years ago.
Ahh! So 5th yr na pala sya ngayon. Oh no! don’t tell me…kasama sya sa field trip namin?!
Ako: o tapos?
Rafael: that’s basic Chem kung baga. So doon ko nalaman na student ka pala ng BS Chemical Engineering. At alam kong mahirap yun na assignment that’s why I volunteered to help you
Ako: anong help pinagsasabi mo? May condition ka nga para sa akin diba? Help ba tawag dun?
Rafael: tulong lang sana dapat ang gagawin ko but since pinahiya mo ako nun sa pagsigaw-sigaw mo sa akin, so I decided to get even. That’s why a deal has made. At tama naman ang in.expect ko sa iyo. You actually fall for it (sabay smile ng nakakaloko)
Ako: fine! Wala naman na akong magagawa eh! Andito na ito. Might as well do it! So ito ang condition mo?
Rafael: precisely
Ako: eh paano mo naman nalaman na parehas tayo ng pinapasukan na University?
Ngumiti na naman sya (*shashing!*)
Rafael: simple. The print in your keychain dangling on your wallet. Nakita ko yun sa may gilid ng computer while I was answering the assignment. Meron kaya ako non.
Ako: meron ka ding wallet?
Rafael: no (tumawa sya) silly! Nung keychain.
Ay oo nga naman! Lei talaga! Anong akala mo kay Raf? May dugong berde? Naku wag naman sana!
Yayks! Ano ba yang pinag-iisip mo Lei?
Hmp! Bubwit na keychain yun!
Rafael: and so I thought. Kung I’ll give a condition dapat it would be unforgettable para sa iyo at syempre para sa akin.
Ako: at ito ang naisip mo?
Rafael: yeah, yeah! I know..i know. Im a genius. Aren’t i?
Sabay ngiti (*shashing!*)
(*pak!*)
Binatukan ko nga ulit
Rafael: aray! Ano na naman? (sabay hagod sa batok ulit)
Ako: Leche ka! No! I won’t do it!
Rafael: yes you will! Remember the deal?
Ako: alam ko! Pero, hindi ko to kaya! I can’t stand and pose in front of a crowd! And besides, sinabi ko naman sa iyo ang mga rason ko diba? Pwede iba nalang?
Rafae: hmm…
Please…please…please! Sana magbago ang isip nya!
Rafael: Hindi!
Ay tae! May pa suspense pa eh noh? Hindi rin pala ang sagot! Tae talaga!
Ako: hindi nga pwede! Ano ba!
Rafael: look, if pera ang problema mo, magagawan naman natin yan ng paraan! If there’s a will, there’s a way!
Taray! May nalalaman pang kasabihan!
Naku! Paano na to? Hindi na ako makakaback out nito!
Ako: o sige. Payag na ako. Pero ikaw ang bahala sa mga kakailanganin ko! Gets?
Rafael: ano? Wala naman akong sinabing ako ang bahala ah!
Ako: ika mo nga ‘if there’s a will, there’s a way’. Eh ikaw ang may will nito so ikaw na rin ang mag-isip ng way.
Rafael: o-oo na! sige na…ako na ang bahala.
Ako: are we even now?
Rafael: not yet!
Ako: ano? At bakit?
Raf: not until we win.
Ako: diba ang sabi mo…
Raf: I change my condition. And besides, ako ang bahala sa kakailanganin mo diba? So dapat lang ipanalo mo ang paghihirapan ko.
Ako: meganon?
Raf: oo, meganon!
Ako: eh paano pag hindi ako mananalo?
Raf: ehdi hindi pa tayo even.
Ako: so, hihintayin mo talagang manalo ako?
You mean…I’ll join every pageant hanggang manalo ako?
Raf: yes (sabay nakakangiti ng nakakaloko) and I’ll be there every step of the way.
Ako: potek!
Raf: so, kung ayaw mo maging trying hard. Dapat ipanalo mo to!
Ako: anong sinabi mo?
Raf: wala. Sabi ko, Go ChE Department!
Sabay taas pa ng dalawang kamay. Naging cheerleader pa eh noh?
(*pak!*)
Hinampak ko sya sa braso
Natawa ako
Raf: aray! Bigat ng kamay mo ha! Nakailan ka na!
Ako: eh ikaw naman kasi.
Tapos napatitig sya sa akin. Na conscious naman ako bigla.
Ako: o, ano tinitingin tingin mo jan? nasulaw ka sa kagandahan ko no? hahaha
Raf: oo
O_O
Nabigla ako dun ah! Seryoso kasi ng mukha nya nung sinabi nya yun eh.
Ako: a-ano?
Tapos ngumiti lang sya. Tae, ang gwapo talaga ng lalaking to! Ngayon ko lang namalayan na aside sa maganda nyang “killer smile” eh maganda din pala ang mga mata nya—light brown kasi! Matangos din ang ilong nya at may dimples din sya! Mestisong mestiso talaga! Bango bango pa nya! Sarap singhutin! Ooh..lala! hehehe :p
Raf: o, ikaw naman ang nasulaw sa kagwapuhan ko.
Nyek! Nakatitig na pala ako sa kanya! Naman oh! Nabuking pa ako! Aish! Nakakahiya tuloy :/
Ako: anong nasulaw? Kasulaw-sulaw ba yang pagmumukha mo? Kapal mo ha! (defensive? Hahaha

)
Raf: eh ba’t ka nakatitig sa akin ng ganyan?
Ako: anong ganito? It’s a free country! I can do whatever I want! Eh ikaw din naman ah!
Hindi sya naka-imik! Natameme si kuya! Hahaha
Iba talaga kagandahan ko. Nakakatameme! Hahahah:D
Ako: o, natameme ka?
Raf: ah, w-wala. Sige, una na ako…kita na lang tayo bukas!
Tapos pinisil nya cheek ko
At tumakbo na sya palayo.
Hindi naman sya masakit pero napahawak ako sa cheek ko na pinisil nya.
Bakit nung hinawakan niya cheek ko, parang…nakuryente ako bigla?
Gahd, ang init ng kamay nya nun!
Bumilis ata tibok ng puso ko.
What’s this feeling surfacing inside of me?