First Flash
[Nostalgia]
2nd week of classes na ngayon. Ngayon na din pala ulit bubuksan yung freedom wall sa school. Para sa kaalaman na nga pala ng lahat, yun yung wall kung san ka pwede mag express nung feelings mo. Para bang kapag wala kang mapagsabihan, pwede ka magsulat sa isang papel at idikit sa wall na to. Kung may isa mang bagay sa Philippine Constitution ang naaapply dito, ay yun ang pagpapractice ng freedom of expression ng bawat isa sa aming mga estudyante.
Kung sino ang nakaisip ng kaek-ekang to? Yung mag-asawang may ari lang naman ng school na pinapasukan ko. Di ko alam yung buong kwento pero sabi ng karamihan, sa mga post-its daw kase nila nakilala ang isa’t-isa. Kaya ayun, shinare daw nila sa iba. Gusto daw kase nilang makatulong para sa pagahahanap ng mga tao sa “Right Love” nila. Medyo malabo ng konti pero hayaan na lang naten. Di ko naman na kase kailangang maghanap ng babae para sakin e. Baket? Dahil sila ang naghahanap saken! Nyahahaha.
9:00 na pala. Sumakay na ko ng kotse at nagdrive papunta sa bahay nila Aleli. Ang bago kong girlfriend. Naging kami nito two days ago. Bali-balita kase, may gusto daw saken to. Kaya ayun, niligawan ko nalang. Sigurado na din naman akong sasagutin ako nito e. At yun, tama nga ako. Well, sino ba namang aayaw saken diba? Sinong aayaw sa isang tulad kong, ehe-ehem, POGI. Para nga atang naimbento ang salitang yun para madescribe ako e. Oo, alam ko na, ang yabang ko ba? Sorry lang. Di ko mapigilang magsabi ng totoo e.
Di pa man ako nakakadoorbell sa bahay nila e may nagbukas na agad ng gate nila para saken. “Goodmorning po, Tita. Si Aleli po?” Hay. Nakakakaba talaga pag nakakaharap ko mga magulang ng mga nagging girlfriend ko. Para kaseng anytime, iha-hot seat nila ako e. Hahaha.
“Nasa loob pa. Pero pababa na din yun. Pumasok ka muna sa loob. Ipapakuha kita ng makakain.”
“Ay wag na po. Kakakain ko lang din po sa bahay e. Antayin ko nalang po siya sa loob.”
“Sigurado kang di ka na kakain a? Sige. Tawagin ko na si Aleli.”
“Opo.” So yun, pumasok na ko sa bahay nila. AT, akala ko ba e pababa na yung babaeng yun? Katagal naman o. Nabuburyo na ko kakaantay. Nagtahi pa ata ng isusuot yun e, Nako. Ayoko pa man din ng pinaghihintay ako. Tsk. Kapagungang taglay e!
“Ma, pasok na po ako. Bye, Ma.”
“Sige, ingat kayo.”
“Ano? Tara na?! Baka abutan tayo ng traffic. Malelate tayo e.”
Ngayon lang nagsink in sa kanya na baka ma-late kami enu? Lechugas na to! Sarap sipain palabas ng earth! “Ayos lang yun, I love traffic as long as I’m with you.” Nyahaha. Nakuha ko pang bumanat enu? Natural. Para naman makaramdam siya ng kilig mula saken! Hahahaha.
“Hoo. Sweet naman ng boyfriend ko.” Yayakap pa sana siya e. Kaso sabi ko, sumakay na siya para makaalis na kame. Hahaha. Kase naman, lalandi pa sa kalsada? Nako. Tigilan niya ko a. May delikadesa pa din naman ako kahet panu sa katawan ko no.
At ayun, inabot nga kami ng traffic. Sasabog na ko sa init ng ulo ko e. Pero siya, nakangiti lang. Kinikilig ata, Dinibdib niya ata masyado yung pick up line ko kanina. Lokong to. Nakuha pang kiligin! Kung pwede ko lang ihagis palabas ng sasakyan to ngayon e. Nakooooooo!
Pagdating ko sa school, bumungad sakin ang pagkadamin-daming estudyante sa harap ng freedom wall na yan. Ako naman tong may sa chismoso, nagbasa ng mga pinost nila. Ke kakasimula lang ng school year kung makapagpost naman sila kala mo problemaong problemado! Karamihan mga lovelife. Yung iba, wala lang. Masabi lang siguro na nakapost sila dun. Adik! Pupunta na sana ako sa gym nun nung biglang may isang post-it na nakakuha ng pansin ko. Sabi kase dun,
“Love doesn’t demand to be loved back, but it doesn’t mean it exists to be taken for granted.” –Tatis
Kinuha ko yung post-it. Actually, first time kong kumuha ng post dun sa freedom wall. Ewan ba. para kasing may something dito. Di ko alam kung alin ba talaga sa dalawa yung nakatawag ng atensiyon ko. Una, kung yung quote ba na parang pinapatukuyan yung mga nagging girlfriend ko. Panu ba naman kase, sa dami na ata ng naging ex ko, wala pa kong sineryoso. Ewan ko ba, may kulang kase sila para saken e. Di ko mahanap yung talagang gusto ko. Parang sinasabi tuloy na wag ko paglaruan yung feelings ng mga babae. Pangalawa, e yung pangalan. ‘Tatis.’ Masyadong pamilyar saken. Parang narinig ko na. Baka pangalan siguro ng isa sa mga ex ko. Nako naman. Makakalimutin na ata ako e. Siyeht!
Nakarating ako ng gym na nasa isip ko pa din yung pangalan na yun. Di maalis sa isip. Anu ba to oh?! Dagdag iisipin e. Feeling ko kase may something dun sa taong nagmamay-ari ng pangalan na yun e. Hay ewan! “Chua! You’re 35 minutes late! First meeting na first meeting pa man din tapos ganyan ka?”
“Sorry coach. Nasobrahan po ngtraffic yung way na dinaanan ko e. I promise to be early next meeting.”
“Sige, papalagpasin ko to ngayon since di pa naman settled yung schedule ng practice. Magpalit ka na ng damit at sumunod na sa practice.”
“Thanks coach!” Hooo. Buti ligtas ako ngayon. Isang oras lang yung inabot ng pagpapractice. Since wala pa namang bagong pasok sa team, saglit lang yung meeting ngayon. Bukas pa kase magpapastart ng auditon si coach para sa mga sasali sa varsity team ng school. Dumirecho na ko sa locker para maligo at magpalit ng damit. After kase ng basketball practice, may klase naman kame. Ayos lang saken. Di ako magrereklamo, Di naman kase talaga yung pagbabasketball ko ang pinasok ko sa school e. Yung pag-aaral ko. Oo, tama ang narinig niyo, PAG-AARAL KO. Di ko pinapabayaan yun. Ayoko namang grumaduate lang na dahil sa pagiging team captain ko. Gusto ko, gagraduate ako ng may alam.
“O dre, bat ka ba kase late kanina? First time mo tong malate sa practice a?” Si Brylle Araneta. Classmate slash team mate slash pinaka the best na tropa ko. Magkakilala na kame since 2nd grade. Alam na nga namin ang ugali ng isa’t-isa sa sobrang pagsasama namin e. Haha.
“E kase natraffic nga ako. Panu tong si Aleli, ang kupad kumilos e.”
“Aleli? Sino yun? Bagong girlfriend nanaman? Para kakabreak niyo lang ni Jella six days ago a.”
“Walang magagawa dre, pogi ako e.”
“Lakas talaga ng hatak mo sa mga chiks e. Nako, mamaya makahanap ka ng katapat mo niyan.”
“Tingnan nalang naten. Haha. O anung balita na senyo ni Jenizza? Kayo pa?”
“Oo naman. Di ako mana sa’yo e. Masyadong chikboy. Ako kase medyo lang. Hahaha.”
“Lul ka. Manahimik ka dyan. Nahanap mo lang yung mang-uunder sayo kaya tumino ka e.”
“Yun nga e. Buti nahanap ko na. At least ngayon, matino na ako. Hahaha.”
“Loko. Sige na dre. Una na ko umalis. Mahirap ma-late sa klase e.”
“Sige. Kita kita nalang sa tabi tabi.”
Umakyat na ko sa room nun. Konti palang yung tao. Sabagay, medyo irregular pa din yung klase tsaka ala una pa lang naman. 1:30 pa yung klase e. Si Jenizza Alvarez nga pala yung girlfriend ni Brylle. Klasmeyt sila since first year college. Pero, nung last sem lang nagging sila. Nun lang kase tuluyang nahulog tong si Brylle sa kanya e. Mabait si Jenizza. Actually, cool nga siya e. Party goer. Di siya ganun kahigpit kay Brylle pagdating sa mga gimikan. Alam naman daw niya kaseng faithful sa kanya si Brylle e. Takot lang nun sa kanya nu. Hahaha.
Maya maya lang e, dumating na yung iba naming classmate at yung professor namin. Boring. Pang-lullaby kase yung boses e. Sa sobrang di ko pakikinig sa prof, naalala ko nanaman yung pangalan sa post-it. Naging big deal na siya saken. Baket ba kase napansin ko pa yun e. Lechugas na yan! ‘Basta magtitino na ako pag nahanap ko yung may ari ng pangalan na yan.’ Teka nga, nasabi ko ba talaga yun? Magtitino na ako? Sus. Antok nga nga naman oh.
Hm, ayun sana magustuhan niyo yung update! :> Comments? Suggestions?A/N: Sorry kung di ko masyado maportray dyan si Kevin as lalakeng lalake talaga a? E kase naman, girlash ang writer! Hahaha. Anyways, I'll try my very best para maging makatotohanan na lalake yung point of view ng kwento. On going na ang aking pagreresearch para sa kung paano ba mag-isip ang mga boys para naman maapply ko dito.
Tsaka sana, tulungan niyo din ako ha? Thaaaankks!