Teentalk

Author Topic: Canine Wars  (Read 138 times)

marshmallowcooki3

  • jellybean
  • **
  • Posts: 285
  • Karma: +19/-1
  • YOU MAKE MY DAY
Canine Wars
« on: September 27, 2011, 01:11:10 am »



"Sumisikip ang mundo pag nandito ka!"

“Asa ka namang dahil sa’ken kaya nanyayari ang mga bagay bagay sa paligid mo!”



“I HATE YOU!”


“And also with you!!!”




Canine Wars









The BOYFRIEND’S POV


Hay naku Lord! Nag-aaway nanaman sila. Bakit ba hindi na lang pwedeng magkasundo tong bestfriend ko at ang girlfriend ko? Masyado na silang nakakarindi. THE HELL! Simula nung pinakilala ko sila sa isa’t-isa wala na yata akong ibang narinig sa kanila kundi mga reklamo at mga panglalait tungkol sa isa’t isa.

Crap! Hindi talaga pwedeng pag-samahin ang dalawang mag-kaibang breed ng aso sa iisang kulungan. Eto na nga e, hndi ko naman pwedeng i-distinguish na parang aso’t pusa si Corinne at si Nathan. Dahil si Corrine, akin lang yun. At si Nathan? Siya na siguro ang pinaka-bestfriend ko sa lahat ng bestfriend.

PERO how I wish na mag-kakaintindihan na rin sila at matigil na ang kanilang mga bangayan. I just can’t take how they can ruin my day by just acting so selfish and most of all, CHILDISH.

Kung sana lang may chance na mapag-bati ko sila. Maybe just maybe, maging masaya na din ang mga lakad naming mag-kakasama.




The GIRLFRIEND’S POV


1ST MEETING:


Napilitan lang naman talaga akong sumama sa invitation ni Carlo e. Actually, ayoko talagang sumama. Sa bus pa lang masama na ang timpla ko dahil ang pangit ng seat na napunta sa’men. Samahan pa ng mga nakaka-takot na katabi. So, anyway... andito na kami ngayon sa birhday ni Nathan.

Well, ang alam ko since siya ang nag-invite e, i-e-entertain niya kami. Siyempre di ba? Bisita kami e. Aba, ang loko ni hindi man lang nag-hi or hello or what. Nakakaloka. Pero keri lang. Baka kasi busy.

Pero huwag ka! Nag-daan na ata ang two hours e hindi pa din nag-e-effort na makipag-usap si loko. Ilang beses ko na ding sinabi kay Carlo na ang snob naman ng bestfriend niya. Oo, sige na nga, may appeal naman si Nathan kaso ang lakas ng ere. Mukhang conceited e. Feeling gwapo amp! Ano kala niya? Porke naka boxers siya nung lumabas siya ng bahay e mahuhulog na din ang panty ko sa kanya? DUH...   

No offense. Pero sabi kasi ni Carlo sa’ken chickboy daw tong si Nathan at bihira lang mabakante. Days or months lang daw ang duration ng mga babae niya, sabi ko naman kay Carlo kikilatisin ko muna si Nathan kung may karapatan nga siyang mag-paka-player. Ayun na nga... sige go with the appeal pero attitude? Total zero.

Natapos ang birthday ni Nathan ng hindi kami nag-uusap. I tried to be nice because I’m Carlo’s girlfriend and andun ang parents ni Carlo pero with Nathan’s end, wala man lang siyang ginawang effort! HAAAAYSSS... talamak na talaga ang mga lalaking feeler sa mundo.

Buti na lang mag-kaiba sila ng ugali ni Carlo kung hindi matagal na siguro kaming wala ngayon ng bf ko.



The Bestfriend’s POV


Ang tagal kong nag-hintay kina Carlo at sa girlfriend niya. Inabot na ko ng brunch sa kaka-hintay. Demmit! Na-sira na kaya yung schedule ko dahil sa mga yun! Kamusta naman di ba? Sana inagahan naman nila.

TALKING CONSCIENCE: E, brad ba’t mo ba inaantay sina Carlo? Ano bang gagawin niyo at nasira ang sched mo?

Demmit, conscience! Huwag kang sawsaw. Naiinis ako kasi gusto ko malaman kung maganda ba yung girlfriend ni Carlo. ...

TALKING CONSCIENCE: O, ano namang mapapala mo kapag nalaman mo kung maganda o hindi yung girlfriend ni Carlo? Don’t tell me susulutin mo yung girlfriend niya?

Demmit, conscience! MANAHIMIK KA NGA. I’m just wondering why Carlo’s so crazy in love with that girl! I’m just curious kung bakit gagawin niya lahat para lang dun sa babaeng yun.

TALKING CONSCIENCE: And what will you gain from doing so? Maiinggit ka lang Nate, isa pa DON’T FORGET THAT CARLO IS YOUR BESTFRIEND. Ang crap mo! Mamaya ma-fall ka pa sa girlfriend niya masira niyo pa yung friendship niyo dahil sa isang babae lang.

Will you seriously stop talking to me? Nakaka-hibang tong si Conscience ang daming alam. Oo na, I am a player. Girls are like ... something that has an expiration date in it. Parang pagkaing madaling mapanis. What made me like this? It’s a long story. Pero ang hindi ko makakalimutan sa lahat ay ang mga sumusunod na pangyayari.



Itutuloy....




Readers? Feel free to comment. :)

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website