[3]May iba.
May kakaiba sa mga ngiti niya.
“Sab nga pala.” sabi niya na medyo nahihiya pa at nilahad niya kamay niya tapos ngumiti ulit siya sakin. Medyo natulala pa ako nung time na yon. Kinakausap ba niya ako? Nilahad ko din yung kamay ko sa kanya at nagshake-hands kami.
“Hello. Ako naman si Alli--” Sasabihin ko na sana name ko kaso bigla niya akong pinutol sa pagsasalita ko. Tumingin ako sa kanya ng nagtataka.
“Kilala na kita. Your name is… ah.. eh..” tapos humawak pa siya sa baba niya ng nakapikit na kunwari e nag-iisip pa ng malalim then suddenly umiling siya. Tumitig na talaga ko sa kanya sa pagtataka ko kung bakit ganon yung inaasta niya. Suddenly, he looked at me with matching sad face pa.
“I forgot your name..” tapos sa di malamang dahilan nilapit pa niya ng kaunti yung mukha niya sa mukha ko, an inches away sabay ngiti ng nakakaloko at sabay sabing..
“I forgot your name, can I call you mine?”ANO DAW?


? Seriously, nalaglag talaga yung panga ko sa sahig sa sobrang gulat sa narinig ko kung posible man yon. Maya-maya lang, parang pakiramdam ko, mahuhulog ako pero hindi naman ako nahihilo.
Boogsh.
“Aww!!”Alam mo yung ang sakit? Heto yun e. Mangiyak-ngiyak ako sa sakit nung ulo ko. Napatingin ako sa paligid ko. Lahat sila nakatingin sakin. Inayos ko naman yung upo ko pero hawak-hawak ko pa din yung noo ko na namumula na yata sa sobrang sakit. Seconds later, tumingin na uli sila sa harapan at nakinig sa prof. Di naman ako pinagalitan nung prof ko. Kung hindi nyo nagets, nakatulog pala ako. Nung pakiramdam ko na mahuhulog ako yun pala e dahil sa tulog nga ako at nung pagkabagsak ng ulo ko e tumama dun sa armchair ko. Sobrang sakit. Napatingin ako sa katabi ko. Napansin ko na parang nanginginig yung mga balikat niya. Parang nagpipigil ng tawa. After nun, tumigil na rin siya. Ewan ko kung napansin na niyang nakatingin ako sa kanya kaya tumigil siya sa kakatawa.
Ang sama naman nito. Ay wait! Kung nakatulog ako, ibig sabihin panaginip lang ang lahat kanina? Yung “can I call you mine niya?” is panaginip lang. Grabe naman. Tumingin nalang din ako sa blackboard at nakinig sa prof ko na nagkukwento sa buhay niya.
“Sorry.”Teka may nagsalita ba? Yung katabi ko ba yon? Tinignan ko itong katabi ko. Nakatingin pa din siya sa blackboard pero nung napansin na niya yata akong tumingin sa kanya e tumingin na din siya sakin.
“Sorry, pinagtawanan kita kanina. Hindi ko lang talaga mapigilan e. Sobrang nakakatawa lang talaga.” Tapos medyo natawa pa siya ulit.
Tumitig lang ako sa kanya. Ano ba ito, di makaget-over sa ka-clumsy-han ko. Ang babaw niya ha.
“Ah iyon ba? Ok lang. Haha.” Ay ano ba yan, nakuha ko pa tumawa.
“Kasi naman e bakit ka natutulog kanina? Buti nga di ka pinagalitan nung prof e.”“Antok na antok pa kasi ako e. Alam mo na ang aga ng pasok natin, di pa ako sanay. Nung bakasyon kasi tanghali na ako gumigising.”“Haha. Parehas tayo. Ay Sab pala. Ikaw?”Natawa naman ako sa utak ko. Parang yung scene kasi ngayon e yung panaginip ko. Nevernind na nga lang.
“Allison. Allie for short.” Nginitian ko siya. He smiled back.
Ano kayang meron sa ngiti niya na parang nakakapanghina ng tuhod? Oh well.
“Talaga? Parang narinig ko na yang name mo. Saan nga ba yun? Hmm..”Ganon? E malamang may mga kapangalan ako. Hindi lang naman ako ang Allison dito sa mundo e, like hello! Narinig niya sigur—ay kabayo!
“Ahh!!” tae lang. Nagulat ako sa kanya.
“Alam ko na, hindi pala narinig, nabasa pala. Alam mo yung The Notebook ni Nicholas Sparks? Novel?” sabi niya sakin.
“Alam ko pero hindi ko pa nababasa e. Gusto ko nga yun basahin kaso ang mahal.”“Iyon. Kapangalan mo yung girl dun, Allie din yung nickname niya since Allison whole name niya. Astig!”“Talaga? Ngayon ko lang nalaman yun ha? Astig nga. Hmm, mahilig ka magbasa?”“Hindi naman, project ko kasi dati nung high school yun e. Magbasa ng novel tapos gawan ng book review, e The Notebook yung na-assign sakin kaya ganon.”Nakakatuwa naman. Parang nung isang araw lang nagwowonder pa ako kung tagasaan itong nasa digicam ko then all of a sudden eto, kadaldalan ko na. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa napunta na sa Bob Ong books yung topic namin. Ewan ko ba.
“Oo! Haha. Tapos alam mo yung Alamat ng Gubat?” sabi ko sa kanya ng medyo mahina at pasimple para hindi kami marinig nung prof.
“Naman! Laughtrip yun!”“HAHAHA!” at sabay pa kami natawa.
Oops. Iyon naman. Napalakas ata tawa naming dalawa. Napatingin samin yung mga classmates namin pati si Ma’am. Okay strike two ka na Allie.
“Is there any problem at the back?” sabi samin nung prof namin. Lahat ng classmates namin e nakatingin na naman samin.
Nakatingin lang ako ng diretso sa professor ko nun. Di ko alam sasabihin ko. Nang narinig ko nalang na nagsalita etong katabi ko.
“Nothing Ma’am. Allie and I are just getting along with each other.”Napatingin ako sa kanya. Nung napansin niya yata na lumingon ako sa kanya ay nilingon din niya ako. Okay na e kaso biglang..
Dugdug.
Ngumiti siya sakin sabay kindat.
Para saan naman yun? Nakatulala pa din ako sa kanya nun noong napansin ko na nilapitan na pala kami ni prof. Pinalipat-lipat niya yung tingin niya saming dalawa ni Sab sabay na nagsalita siya.
“Hmm.. mga iho’t iha after class na magligawan ha?” sabay ngiti ng nakakaloko sakin.
After niya sabihin yun e naglakad na pabalik sa unahan yung prof namin. Pakiramdam ko e binuhusan ako ng malamig na tubig ng mga sandaling yun.
“Hik-hik!” Tignan mo ‘to. Tumatawa na naman siya? Aba! Nagiging hobby na niya yata iyon ha? Saka anong nakakatawa dun sa sinabi nung prof naming? Sobrang nakakahiya kaya!
So lumipas ang oras hanggang sa dinismiss na agad kami. Wala pa naman kasing ginagawa. Puro requirements muna ang pinapaasikaso. Maya-maya napansin ko na tumayo na siya, si seatmate saka inayos yung body bag niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa dumiretso na siya sa pintuan para lumabas pero medyo huminto siya. Napatingin siya sa direksyon ko at noong nagtama yung mga mata namin ay all of a sudden bigla niya akong nginitian ng sobrang laki tapos mabilis na rin siyang lumabas ng room.
Ehem Ehem. Sumasakit yata ang ulo ko.
What now?
Ako naman, nakatulala pa din dun sa lagay na yon. Napatingin ako sa paligid ko. Yung iba kong classmates nakatingin sakin. Mukhang alam ko na yung ibig sabihin ng mga tingin na iyon ha.
“Ee~ Ate ang swerte mo naman. Seatmate mo si Kuya Cute.” Tapos tumawa pa sila ng mga iba ko pang girl classmates.
Nakitawa nalang din ako doon sa mga classmate ko. Honestly hindi ko kasi alam kung ano irereact ko at ano sasabihin ko kasi hindi pa naman kami mga gaanong close. So medyo napa-stay pa ako sa room kasi nagkakwentuhan pa kami ng mga bago kong classmates. Getting to know ba. Tanungan ng name, kung tagasaan at course. Yung usual na convo kapag first day of classes. Nung napansin ko na magtatime na para sa next class ko ay pare-parehas na kaming nagpaalam sa isa’t isa. Dun kasi sa school na yon, may mga subjects na iba-iba yung mga magiging classmates mo. Pero may 7 out of 9 subjects ka na yung mga ka-course mo yung classmates mo. Yung tinatawag na block section, gets?
Tumuloy na ako sa next assigned room ko. Pagsilip ko sa room, ini-scan ko muna yung loob. Mga sampung tao palang siguro yung nandun. Tapos nagulat ako dun sa lumingon at kumaway. Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkalaki-laki. Lumapit ako sa kanya.
“Uy ayos classmates pala tayo sa Stat.” sabi ni Elai at minotion niya ako na umupo sa vacant seat sa tabi niya sa unahan.
“Oo nga e, ang saya naman.” Sagot ko naman habang nilalapag yung bag ko.
“Ay si Jenna nga pala. Classmate din natin dito. Kakakilala ko lang din sa kanya ngayon. Education din course niya.”“Ay hello. Allison pala. Allie nalang.” at kumaway ako kay Jenna.
“Jenna Santos.” Sabay ngiti niya. Wow. Ang pretty-pretty naman niya.
At dahil sa kasama ko na naman si Elaiza , lumabas na naman ang pagiging daldalera ko.
“Elai, alam mo ba—““Hindi pa.”“Ngek. Patapusin mo muna ko pwede?” Binatukan ko nga.
“Alam mo ba classmate ko siya dun sa first subject ko.”“Ha? Sino?” sagot ni Elai habang busy sa kakatext.
“Sus! Yung nasa digicam ko.” At hininaan ko pa yung boses ko nung sinabi ko yun.
“Ohh??” at nanlaki ang mata ng bruha. Humarap pa talaga siya sakin.
“E ano? Kamusta naman? Eek~”“Astig nga e. Seatmates kami.”“O.M!!” at pinalo pa niya talaga ako sa balikat. Di ko malaman kung kinikilig ba ito o ano e.
“Aray ha!” ang lakas nung pagpalo niya sakin. Sadista talaga.
Nagkwentuhan lang kami nila Elai pahabang hinihintay yung prof. Hindi naman kami naubusan ng topic nito. Kesyo may kaklase daw siyang gwapo pero hindi naman daw masasabing lalaki nga. Ay ewan. Dumating din naman yung prof na naka-assign sa amin. Ayun, may pagpapakilala session din. Enjoy ko naman yung period since nandun nga si Elai at walang seating arrangement at pwede kaming magtabi for the whole semester. Not that bad right? After class, naghiwalay na kami ng landas ni bestfriend at saka doon sa iba pa naming new found friends. Next class ko na is yung mga ka-course ko na which is education. Lumabas na ako ng building na iyon at pumunta doon sa next building which is two buildings away pa. Medyo malaki rin pala itong school na ito at nakakapagod maglakad. Napadaan naman ako doon sa isang bulletin doon. Mga school announcements., organizations and clubs lang naman yung mga nakapost. Ano pa bang aasahan mo sa typical school bulletin diba? Aalis na sana ako kaya lang nahagip ng mata ko yung isang announcement doon.
The Horizon is in need of a new aspiring feature writer on our feature section. Urgently needed. If you are interested, please sign here. Etc. etc.
The Horizon yata ang name ng school paper namin. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Dati kasi sa pinanggalingan kong high school ay feature writer ako sa school paper namin, so why not try? Baka hindi pa naman kumukupas itong talent ko sa pagsusulat. Sayang naman. Hinanap ko na sa bag ko yung ballpen pero kahit yata baligtarin ko na itong bag ko e di ko pa rin makita ang hinahanap ko. Nasaan na kaya iyon? Maya-maya bigla nalang may lumitaw na ballpen sa paningin ko. E since nakayuko ako, hindi ko alam kung sino yun. Pero napansin ko na may hawak din na camera yung kabila niyang kamay.
“Heto o.”Tumingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
“Ah.. e salamat.” Sabi ko naman. Kinuha ko na yung ballpen niya at saka nagsulat doon sa registration sheet. Nakatayo lang siya doon sa bandang likod ko habang sinusulat ko yung pangalan ko. After ko magsulat e humarap na ako sa kanya para ibalik yung ballpen niya kaso pagharap ko..
“Woah!! Woah!!” nasabi nalang niya bigla.
Hindi ko naman akalain na ganoon pala siya kalapit sakin. Napapikit nalang ako sa sobrang gulat ko nung biglang pagharap ko sa kanya. Nagtama kasi yung mga ilong namin nung biglang harap ko sa kanya. Sa sobrang gulat nga niya yata e napaatras siya.
“S-Sorry. Sorry. I-ikaw naman kasi e. Bakit naman kasi sobrang lapit mo sakin?” sabi ko nalang habang nakapikit pa. Nagulat lang kasi talaga ako. Imagine, mga less than an inch lang layo namin sa isa’t isa kanina. Nagtama pa yung mga ilong namin. Muntik na din magtama yung mga lab-- Nako! Ano bang iniisip mo Allie. Erase. Erase. Bad yan.
“H-Hindi k-ko naman kasi alam na bigla kang haharap e. S-sorry. Nagulat lang din ako.”Napadilat ako nung marinig ko na parang kinakabahan at nauutal siya magsalita. Pagkakita ko sa kanya, namumula siya saka sa ibang direksyon siya nakatingin habang nagkakamot ng ulo. Bakit kaya siya namumula? Di ko nalang pinansin.
“Ah sige okay lang. Heto na pala yung ballpen mo. Thank you ulit.” At inaabot ko na sa kanya yung ballpen niya.
“Sige, sige sayo na muna yan. Nawawala ballpen mo diba? Yan na muna gamitin mo may extra pa naman ako.” Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.
May dumi ba sa mukha ko at suddenly di na siya makatingin ng diretso sakin? Oh well.
“Oh sige, una na pala ko. Ah.. err.. bukas nalang. Bye.” Saka siya naglakad palayo sakin. Ang bilis niya maglakad. Sumigaw nalang tuloy ako ng, “Bye!” at winave nalang niya yung kamay niya sakin ng patalikod.
That was a weird one.