Chapter 6
There's no place like home.
Sa wakas, natapos din!
Buti nalang at di na masyado masakit yung paa ko.
And here I thought that pageant was all about beauty and brains.
Natawa naman ako nun. Beauty and brains talaga ha? Asa pa ako nun.
Anyway, sino naman ang mage-expect na magkakaroon pa kami ng pakulo na mag fun run yung mga candidates for fitness and health promotions since sabi nga nila eh sports fest eh dapat yung activity eh related din daw dapat.
Since partner-partner nga eh naawa naman ako kay Lark since napaka-patient niyang nag antay sa akin and naki-keep up pa siya sa pace ko. Kasi naman po, di naman talaga ako ipinanganak na athletic.
As usual, tahimik lang talaga kami nun. Hindi naman talaga siya palasalita. There are moments when itatanong niya na okay lang ba daw ako or kung kailangan ko ba daw munang magpahinga. Nahiya naman ako kaya't sinasabi ko na okay lang kahit hindi.
Kaya ayun, medyo mabagal talaga kami at medyo nahuhuli. Minsan nga habang tinitignan ko siya eh di ko talaga alam kung naiinis ba ito o ano. Kasi naman, naka-poker face lang ito palagi so di mo talaga mabasa kung ano yung nararamdaman niya. Napaka mysterious talaga nitong si Lark Kenneth Plaza.
Which is really opposite sa kuya niya.
Pinakilala na kasi ni Rubylyn si kuya Herald sa akin. Ang bait nga eh atsaka sociable. Kaya ngayon nakiki-kuya na din ako. Mas madalas ko pa nga kausap siya kesa sa partner ko.
"Sinabi nga pala sa akin ni Rubylyn na magqu-quit ka daw sa basketball team" tinanong ko siya one time during nung practice sa pageant.
Ngumiti muna ito. Masasabi ko na yun ang isa sa similarities nilang magkakapatid and not only that but as one of their best asset too.
"Yeah. Originally, yun nga yung plano ko pero there had been changes. May bago kasi kaming player and I want to personally train him bago ako maka-graduate dito. I plan to leave the team to him"
"Di naman kaya bias yun sa ibang team members?"
"Siguro nga you could say that pero I know that they'll respect my decision. After all, they trust my judgement naman on this". Bigla naman ito tumawa. "Actually nga, proven and tested naman yun personally by them so I think wala na namang magiging problema about it."
Tumango nalang ako in agreement. Siguro nga magaling yung bagong player na yun. I wonder who...
Sa kakaisip ko tungkol sa bagong member ng basketball team eh di ko napansin na tumigil na pala si Lark sa kakatakbo. Nabangga pa nga ako sa likuran niya. Grabe, ang taas naman 'tong lalaking 'to!
"Ano'ng problema?"
Di pa rin siya lumingon sa akin at tahimik lang ito. Kaya't I decided na pumunta nalang sa harapan niya. Kita mong malalim ang iniisip nito at parang may nagbo-bother sa kanya. Nag-snap naman ako sa harapan niya kaya ayun natauhan naman bigla.
"Hey, what's wrong? Bat't tula--"
"We're on the wrong trail" bigla niyang sabi.
Ano daw? Wrong trail eh di ba kani-kanina lang eh may kasabay pa kami? Paano nangyari yun? Paglingon ko sa likod ko eh dun ko nakita yung sinasabi ni Lark. Saang lupalop na ba kami ng pilipinas?!
"How did this happen? Paano nangyari 'to?"
Parang pareho na rin yun ah. Ah basta, right now I'm totally freaking out! Ba't ba kasi dito pa sa kasulok-sulukan ng province naisipan nilang mag fun run?! Napansin yata ni Lark ang pagkabalisa ko kaya't hinawakan niya bigla yung kamay ko.
"Don't worry. I'm here"
Somehow those simple actions made me calm down. Ewan ko ba, lahat ng mga simpleng gestures na pinapakita niya sa akin eh para bang ang lakas lakas nung impact.
Nilibot naman niya yung paningin niya kung saan kami possibly nag cut from the group. Nung parang may nakita eh nagsimula na itong maglakad. Di pa rin niya binibitawan yung kamay ko. Medyo malayo-layo rin yung nilakad namin. Nung nakarating na kami dun eh nakita ko na intersection road pala yun. Obviously sa kabilang side pumunta yung iba. Ang pinagtatakahan ko lang eh paano di nakita ni Lark yun?
Naglakad lang kami nun since parang wala namang sense kung patuloy pa rin kami sa pagru-run. Baka nga tapos na nga yung iba. I just hope di naman maging OA ang mga yun at magpa-search party agad. I mean, the sun's still high at ang init-init pa nga.
Tahimik pa rin kami at naglalakad pero di talaga ako maka-concentrate. Paano ba naman eh di pa niya binibitawan yung kamay ko.
"I'm really sorry we've got ourselves into this"
Nabigla naman ako sa sinabi niya. Shouldn't I be the one apologizing kasi kung hindi lang ako mabagal from the start eh di sana kami naligaw. Pero still di ko pa rin makuhang sabihin yun sa kanya. Nakatitig lang ako sa kamay niya habang hawak hawak niya yung sa akin. Parang di pa rin niya napansin yung dilemma ko since patuloy pa rin ito sa pagsasalita. Infairness ha, that was the longest talk I've ever heard from him. Sadly, di ko maintindihan yung sinasabi niya since parang nabibingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"--at you..."
Parang natauhan ako sa huling sinabi niyang yun. Ano daw? Pwedeng pakiulit?
"Ha? Sorry, I didn't hear the last one. What were you saying?"
Napahinto ito bigla at lumingon sa akin. Nakita niya siguro na nakatingin ako sa mga kamay namin kaya't nabitawan niya ito bigla.
"Sorry" Yun lang ang nasambit niya.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad. Natahimik na naman kami. Sayang, okay na sana yun kanina. Pero ano nga pala yung sinasabi niya? Wouldn't be rude kung tanungin ko siya uli?
"I think I should be the one apologizing in here. Wala sana tayo sa ganitong situation if it weren't for me. Di naman kasi ako athletic. No wait, I shouldn't make excuses. Yes, yes. Basta yun na yun. It's really entirely my fault so sorry talaga."
"I told you it's not. Kasalanan ko naman kasi kung bakit tayo naligaw. Kung di lang sana ako nakatingin sa'yo sana napansin ko na nahiwalay na tayo sa iba"
"No, ako ang may kasalanan. Kung dili lang talaga ako ma -- you did what?"
Nagulat ako nun pero hindi pa rin tumigil si Lark sa kakalakad so wala akong choice kundi sundan siya. Ang lalaki pa naman nung mga hakbang niya since mataas ito so para na rin akong nag fun run. Kaya lang di na fun. More of like, curiosity run? Ha! Ewan. Kahit ako di ko na rin maintindihan. Na-corrupt yata ni Lark yung system ko sa sinabi niyang yun.
"I told you, napansin ko nga na di ka sanay sa mga ganitong strenuous activity. Mukhang nahihirapan ka talaga. Di ko napansin na nag-iba na pala nang route yung nasa-unahan natin."
Medyo malayo-layo na rin siya sa akin. Buti nalang at huminto ito.
"That's because I was looking at you the entire time"
"Aray!"
Anak ng tokwa! Di ko napansin na may nakaharang na malaking bato sa daan kaya ayun natapilok ako, butt first. Nabigla naman kasi ako sa huling sinabi ni Lark.
He was looking at me the entire time?
Napasugod agad si Lark sa akin. Infairness, ang sakit talaga. Not just my butt pero pati yung ankle ko. Na-twist ko yata.
"Are you okay?" Seryoso niya na pagkasabi.
Nakatingin lang ako sa kanya. Gosh, ang lapit nung mukha niya. Ang gwapo at ang bango. Teka, parang di to galing sa fun run ah! Nahiya naman ako sa amoy ko.Lulubusin ko na sana ang pagkakataon kaya lang nung tinry niyang hawakan yung paa ko eh napasigaw ako.
"No! Hindi ako okay!"
Medyo naiiyak na ako nun. Kasi naman, aside sa hindi na ako ipinanganak na athletic eh mababa pa yung tolerance ko sa pain. Malas ko noh?
Medyo natawa pa siya nun sa pagmaktol ko. Tama bang tawanan pa ako?
"Sorry, ang cute mo kasi. Don't worry, I know first aid."
Tapos nun eh may kinuha siyang bandage sa bag niya. Whoa, may first aid kit rin kaya siya sa bag niya?
Parang nabasa naman yata niya yung iniisip ko kaya't tumawa ito uli.
"No, wala akong first aid kit or something sa bag ko. Ginagamit din 'to kung maglalaro ka ng basketball"
"Sumali ka ba sa basketball team?"
Parang nagitla siya sa sinabi kong yun.
"No, I didn't" simple niyang sagot.
Di ko napansin na tapos na pala siya sa pagbenda nung paa ko. Inayos niya yung backpack niya at nilagay sa harapan. Since maliit lang yung bag ko eh nilagay na rin niya sa loob ng bag niya. Tapos bumaba ito at hinarap yung likod niya sa akin.
"What are you doing?"
"I'm giving you a ride"
Natawa naman ako sa sinabi niyang yun. Parang sasakyan lang?
"Di na noh. I can walk, pero I hope you don't mind kung mas mabagal na talaga ako maglakad"
"Yes, I do mind"
Gosh, nakakahiya naman. So nag-try pa ako ng ibang palusot.
"Ang bigat ko kaya!"
"I know you're not. Look, we really don't have all day. Baka mag-alala na sila. So wag kanang mihiya. Isipin mo nalang eto yung bayad ko sa kasalanan ko sa'yo"
"Wala ka namang kasalanan eh. So don't blame yourself sa nangyari sa atin ngayon"
"You can't make me change my mind. So please, would you just let me do this?"
Nakaharap na siya sa akin nun. Gosh, how could I ever refuse with that face?
"Fine! Basta I warned you na mabigat ako. Don't go complaining how your back hurts and stuff afterwards"
Nag-pout pa ako nun at tumawa naman siya.
"I won't. I promise"
So ayun, inakay nga niya ako. I really hope humupa na yung pag-iinit ng mukha ko. I really don't want him to see me blushing. It would just add to the embarrassment I'm feeling right now.
It's like right now I feel transparent
And I don't want him to see me that way.
"Hey, why are you doing this?"
Hindi agad siya nagsalita at in-adjust niya yung pag-kaakay niya sa akin.
"I did vow before you,haven't I?"
Vow? Kailan yun?
"After all, I am YOUR Prince Charming"
------------------------------------------------------------------------------------------------
Sports Fest na!
Nasa bleachers ako nun. Medyo di na masakit yung paa ko since di naman daw grabe ang pagkaka-twist nun. Buti nga nalang daw eh meron pa kaming 1 week before the pageant. Plenty of time to rest!
So eto ako ngayon kasama sila Rubylyn at manonood kami ng basketball. Wala pa masyadong tao nun so nag-papractice pa yung ibang players sa court. Well, di naman talaga practice. Parang kino-condition nila yung sarili nila before sa game. 30 minutes na lang at magsisimula na yung 1st game.
Nakita kami ni kuya Herald nung papasok siya ng gym at lumapit ito bigla sa amin. Parang di siya kasali sa game ngayon since naka-civilian lang ito.
"Sino'ng maglalaro sa first set?" Tanong ni Rubylyn
"1st year and 2nd year" Ah, yun naman pala!
"Buti at pinayagan kayo na varsity na sumali sa laro" si Cheryn yun. Halata mong she's into this sport
"Yeah pero dapat daw ay isa lang yung pwedeng sumali"
"And I'm sure ikaw yung representative ng 4th year. You really wanna beat him,eh?"
Nagulat naman ako sa sinabi ni Rubylyn. Sino yung tinutukoy niya?
As usual, para namang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Eh di sino pa eh yung bagong recruit ng bastketball team"
Ay, oo nga pala. Na-mention nga ni kuya Herald ang tungkol dun. Sino kaya siya dun sa court?
"As usual, late na naman yun"
Napatingin naman ako kay kuya Herald. Naku-curious na talaga ako sa lalaking yun!
Since matagal-tagal pa ang oras eh nag-decide muna kami na bumili ng pagkain sa labas. Buti nalang at mero silang pinalagay na stalls sa loob ng campus at para naman di puro cafeteria foods ang laman ng tiyan ko. Medyo natagalan pa nga kami na bumili nun dahil pagtingin ko sa relo ko eh 5 minutes nalang eh magsisimula na yung game.
Napatakbo kami ng wala sa oras kasi baka meron nang pumalit sa pwesto namin. Sayang, ganda pa naman ng view dun. Pagdating namin dun eh swerte naman at wala pang nakaupo dun.
"Oh, andito na pala siya" sabay pa sina Rubylyn at kuya Herald sa pagkasabi nun.
Napatingin ako sa kanila at sinundan ko yung tingin nila.
Kata-tapos lang nito mag warm-up at hiniram naman niya yung bola mula sa mga kasama niya. Nag-shoot ng nag shoot at panay pasok naman lahat yun.
Ang galing! No wonder gustong siyang i-train ni kuya. Pero kailangan pa ba talaga?
"I thought hindi siya sumali sa team?"
Ngumiti naman ito. Teka, parang there's something behind that smile.
"He didn't, but I did. I forced him -- wait, mali yata yun. I threatened him to join" at tumawa pa talaga ito.
Sira talaga 'to si kuya! Nabaling uli ako sa taong yun.
What could have possibly made him agree na sumali sa team?
Nag-siren na indicating na magsisimula na yung game.
Sinuot na niya yung jersey niya na pantaas.
Nabigla nalang ako sa nakita ko.
"kuya, yung numbers ba nung players eh kayo personally yung pumipili?"
"Nope. I think it's chosen randomly ng coach namin"
Gosh...
There on Lark Plaza's back.
Under his last name ang nakalagay na number is
7
Could this be a sign?