22
Two Sides, One Story
~Aaron~
“Baka sinagot ka lang nun dahil doon sa dare.”“Ash, labas naman tayo.” tumingin siya sa akin tapos napakamot ng ulo.
“Hehe sorry I promised Rex na sasamahan ko siya e.” syempre nagpaout at nagpacute naman ako, umaasang sana naman e pagbigyan niya ako kasi ilang beses na niya akong hinihindian.
“Sorry talaga.”Wala parin. Ilang beses na ba akong inayawan nito? Hindi ko naman siya nanakawan e. Hindi rin naman siya magbabayad ng kakainin. Nakakahiya ba akong kasama? Pangit ba ako? Payat? Mabaho? E bakit sila Jords sumasama siya pag aayain bumili ng chips sa canteen. Ako papasama lang sa mga teachers para kumuha ng chalk or requirements e hahanap na ng rason para makahindi.
Naalala ko nga yung isang araw na nagsama klase namin nila Jordan para sa isang subject. Geometry yun. Magaling ako doon. Kaya nung pinag pair kami nung teacher e siya agad yung pinili ko kahit halos mabali na lahat ng buto ko sa katawan kakahila ni Jordan at Niko sa akin.
“Tara Ash para makalabas tayo agad tapos kain tayong fish ball sa labas habang hinihintay sila.” sa classroom na yun a. Tapos sa may labas lang ng main gate ng campus yung nagbebenta ng paborito niyang fishball.
“E parang mas nauna naman sa akin si Jords e. Sige na. Si Justine nalang partner ko.” halos itulak na nga niya ako palayo e.
“Baka sinagot ka lang nun dahil doon sa dare.”Minsan nasalubong ko si Ashley sa mall. Weekends yun tanda ko pa. Three day sale tapos kasama ko si Niko na naghahanap ng mga dog treats para sa mga aso namin kasi malapit na rin grading sa health. Tapos ang alam lang ni Chubbs gawin e sit at come here. May extra points kasi pag natuto sila ng tricks.
As in naglalakad kami nun, sigurado akong gwapo ako nun at mabango. May lumapit pa nga sa aking babae e tinatanong number ko makikipagkaibigan daw tapos binigay ko number ni Jords.
Malayo palang alam ko na na siya yun. As in memorize ko kaya siya. Kasama niya si Rex pati si Jill na obvious na nagbabangayan habang siya e busy na umaawat sa kanya. Nung medyo malapit na kami sa isa’t isa alam kong nakita niya ako.
Alam ko talaga nung bigla e nagmeet yung mga mata naman. Ramdam ko yun. Si Rex nga nagawang ngumiti. Si Jill kumaway. Nung nagkadaanan kami ni Ashley parang wala. Wala lang. Dumaplis lang ng konti yung damit niya sa damit ko ganun lang. Walang hi or hello o kaway o simpleng ngiti man lang.
Para lang akong bula na bigla rin naglaho na hindi man lang niya napansin. Madami akong ginawang excuses para sakanya. Para lang maintindihan ko siya. Pero nakakasawa rin pala kapag paulit ulit.
“Baka sinagot ka lang nun dahil doon sa dare.”Minsan ko lang nakita nakasuot sa phone niya iyong phone chain na binili namin para sa assignment sa health. Oo, I take it na hindi naman rin lagi suot ng mga classmates ko yung mga couple shirts watevs nila. Pero sa phone lang naman yun e. Pati maganda pa!
Yung sa akin nga di ko tinatanggal kahit na laitin ako ni Jords e.
“Yak! Ano to??! Nakakainis! Ang baduy may phone chain! Yak!!!” kahit paulit ulit nya tong sabihin di ko parin tinatanggal kasi baka mapansin niya na wala bigla magtampo.
“Baka sinagot ka lang nun dahil doon sa dare.”Nakaupo ako ngayon sa isang coffee shop na pagmamay ari ng tito ni Jords. Wala masyadong tao kasi malapit na closing. Pati cool naman si tito e, dahil inaalagaan ko daw si Jords e irereserba niya tong shop para sa akin para wala daw distorbo kahit na ang totoo naman niyan e low na sila sa stocks at wala rin naman silang maiseserve dahil bukas pa dadating delivery nila.
Dumating si Ashley na humihingal. Hindi ko nga alam kung nagaarte lang siya o totoo e.
“Sorry nalate ako. Sobrang traffic nagpadrive kasi ako kay Rex.”Puro nalang Rex. Di ba kami tatantanan nung pandak na yun?! Lagi nalang siyang epal sa buhay namin ni Jords.
“Pati, Aaron, sorry ha pero kasi aalis din ako agad kasi...”“Mabilis lang to.” sabi ko.
“Hindi nga ako nagorder e.”“Ah okay.” sabi niya na medyo relieved pa.
“Ashley, isa lang naman ang gusto kong tanungin, well marami pero siguro kaya ng sagutin lahat ng mga katanungan ko sa tanong na to.”Nakatingin siya sa akin, pero ngumiti siya.
“Ano to? May camera ba somewhere? Dito ba si Jords? Bat ang drama? Di ko naman birthday.”“Ako Ashley, birthday ko ngayon. Alam mo ba yun?”Nanlaki mata niya.
“Oo naman. Happy birthday ay wait text ko si Rex naiwan ko gift ko sayo sa car niya.”Grabe. Harapan. Harapan kung makapagsinungaling.
“Nagbibiro lang ako. December 24 ang birthday ko.”Namutla siya. Hindi na siya nakapagsalita pagkatapos nun.
“Ashley, lahat ba ng to dahil lang doon sa nabunot mong dare?”Naramdaman ko yung luha ko, ngayon lang ako ulit umiyak pagkatapos nung kay Julia. Bwiset. Sawa na ako doon sa A Walk to Remember. Dear John nalang ata panonoorin namin nila Niko mamaya.
Nung hindi siya sumagot nagsalita ako ulit.
“Tigilan na natin to. Hindi naman tayo official e kaya sa tingin ko wala naman break up na magaganap. Pero thank you Ash ha. Pinagbigyan mo ako.”Siguro nga wala lang rin yung sinabi niya sa akin na hindi niya ako kayang mawala. Kung hindi man niya kaya noon siguro ngayon kaya na niya.
Pagkatayo ko naglakad na ako palayo pero narinig ko siya.
“Sorry Aaron ha. Ikaw kasi yung first boyfriend ko. Hindi ko alam gagawin. Hindi ko rin alam kung ano ba nararamdaman ko para sayo....”“Baka sinagot ka lang nun dahil doon sa dare.” Siguro nga tama si Jords.
Kung hindi man. Siguro oras narin para si Ashley naman ang gumalaw para sa aming dalawa.
Hindi iyong lagi nalang ako.
Kahit na ako iyong lalake,
nakakapagod parin.
~Ashley~[/center]
“Sabi sayo mapapasubo ka sa dare na yun e.” Yun ang sinabi sakin nila Rex simula noong nag-agree ako sa ‘relationship’ namin kunwari ni Aaron. At first I didn’t realize na magiging close ako sakanya. Noong una kasi ginawa ko lang yun para lang wala silang masabi. Syempre bago ako nun sa class, I didn’t want them to think na snob ako. Pero para ngang mali yung naging desisyon ko. In the end, ako lang rin ang mahihirapan. In the end, si Aaron lang rin ang masasaktan.
I remember the time na maraming kumakausap sakanya ng girls. Alam ko naman na noon pa na F4 status nila sa school. Kahit ang sobrang cliché nun, I know na talagang sikat sila. Maraming nagkakacrush.
Nasa hallway kami nun, nakatayo lang ako sa may malapit sa faculty room tapos biglang may nagbigay kay Aaron ng letters pati gifts. Tinanggap niya yung mga yun! Hindi ko alam kung nakita ba niya ako o hindi. Tapos nung lunch break niya inoffer pa niya sa akin yung chocolates!!! I don’t know what to feel! Parang gusto kong lunurin siya sa mga sulat niya. Pero yun rin kasi minsan ang hirap kay Aaron, masyado siyang honest. Alam mong yung mga sulat at chocolates nay un wala lang para sa kanya. Tinanggap niya lang para hindi mapahiya yung mga nagbigay sakanya. Ang gentleman lang.
“Sabi sayo mapapasubo ka sa dare na yun e.” There was an instance rin na ang tagal nagreply ni Aaron sa text ko. Kasama ko nun si Jill, nagpunta siya sa bahay.
“Kasama naman daw ni Jords si Aaron e. Baka they’re busy kaya hindi niya sinasagot texts mo.”“Pakisabi naman na tinext ko siya. Or sabihin mo nalang yung tinetext ko.” “Which is?” “Na magkita kami tomorrow.” Nagtext si Jill at wala pang 1 second nagreply na si Jords.
“Oks daw basta for you.” Yun rin kasi ang hirap minsan kay Aaron. Lagi siyang oo. Basta para sa akin lagging oo.
“Sabi sayo mapapasubo ka sa dare na yun e.” Marami nang nagawa para sa akin si Aaron. That time na he gave up his umbrella for me. Yung pinuntahan pa niya ako sa McDo para lang ibigay yung payong. Yung ang dali niya akong patawarin kahit alam kong nasasaktan na siya.
Papunta ako ngayon sa coffee shop nila Jords. Pag ka dating ko dun walang tao. Parang ipinareserve pa yung buong shop para sa amin.
“Sorry nalate ako. Sobrang traffic nagpadrive kasi ako kay Rex.” After kong sinabi yun biglang kumunot yung ulo niya. Sh1t! Nasabi ko nanaman si Rex. Nakakainis ka Ashley! Tapos biglang nagalarm yung phone ko. Ano ba yan nakikisabay pa tong mama ko. I need to accompany her grocery shopping.
Nung hindi umimik si Aaron umupo na ako. Tsk. Kailangan ko paring samahan si Mama. Dibale, he’ll understand.
“Pati Aaron, sorry ha pero kasi aalis din ako agad kasi…” “Mabilis lang to…” Natigilan ako sa sinabi niyang yun. Alam kong hindi to magiging magandang usapan. He seems serious. I have never seen him this serious since I met him.
“Ah okay.” Nagpretend akong medyo relieved na mabilis lang. Ayokong makita niya na kinakabahan ako.
“Ashley, isa lang naman gusto kong tanungin. Well marami, pero siguro kaya ng sagutin lahat ng mga katanungan ko sa tanong na to.”
Ngumiti ako. Alam kong may gusto siyang patunayan. Ayokong dumating kami sa point nay un kasi natatakot akong aminin sakanya.
“Ano to? May camera ba somewhere? Dito ba si Jords? Bat ang drama? Di ko naman birthday.” Sabi ko na pajoke. Baka kasi maiba niya yung subject.
“Ako Ashley, birthday ko ngayon. Alam mo ba yun?” Lie.
Ang liar mo Aaron. Is this your way of proving yourself na kaya mo akong paaminin? Pero nakisama narin ako sa lokohan na to. Nandito na e. He doesn’t trust me. He can’t feel what I’m starting to feel. Hindi ko alam gagawin ko kasi ngayon ko lang naramdaman to.
“Oo naman! Happy birthday! Ay wait lang. Text ko si Rex naiwan ko gift ko sayo sa car niya.” “Nagbibiro lang ako. December 24 ang birthday ko.” Liar!
“Ashley lahat ba ng to dahil lang doon sa nabunot mong dare?” Sabi na e. Magsasalita n asana ako nung nagsalita siya ulit.
“Tigilan na natin to. Hindi naman tayo official e. Kaya sa tingin ko wala naman break up na magaganap. Pero thank you Ash ha. Pinagbigyan mo ako.” Tapos bigla siyang tumayo. Naglakad siya paalis nung alam kong medyo malapit na siya sa pinto napatayo ako. Humarap ako kung saan siya paalis.
“Sorry Aaron ha, ikaw kasi yung first boyfriend ko. Hindi ko alam gagawin. Hindi ko rin alam kung ano ba nararamdaman ko para sayo…”“Sabi sayo mapapasubo ka sa dare na yun e.” Oo na! Sige na ako na napasubo! Huminto lang siya sandal tapos naglakad ulit papalayo. Hawak na niya yung door handles nung nagstep ako papalapit.
“Alam mo sinungaling ka. December 24? Do you think I’d buy that?” nakatayo parin siya hawak yung door handle. Good. Makinig ka Aaron minsan ko lang to sasabihin!
“Alam mo bang nagsneak pa kami ni Jill sa faculty room after school hours para lang makita yung personal file mo, ha Aaron Francisco Soriano y Arellano? December 25 ka. Alam ko. Sinabi mong favorite dish mo ang anything with pasta kahit fishballs lang naman talaga favorite mo. Sinabi mong favorite mo pumunta sa high end bars kahit na sa bahay lang naman kayo umiinom ng pineapple juice nila Jords para healthy sabi mo nga. You braved the dirty quadrangle kahit na allergic ka sa dust. You secretly stuff your jacket with dog treats para lang ibigay kay Chubbs even if I told you not to kasi nga makukulangan tayo sa budget. And alam ko rin na dinadagdagan mo with your own money ang mga pambili ng extras for Chubbs. You have a mole under your left ear alam mo ba yun?! The sides of your eyes crinkle when you smile! At alam kong gamit na gamit na to sa isang movie pero alam mo bang you have different kinds of smiles? Meron for Jords’ jokes. Meron sa kacornihan ni Niko. Merong pilit. Merong knowing lalo na pag may gagawin kang kalokohan. Iba yung ngiti mo when you’re genuinely happy. Iba yung smile mo when you’re with me.
Alam mo bang every morning nagiisip ako ng magandang isusuot to school kasi makikita kita only to realize na nakauniform pala tayo? Alam mo bang every night I wait for you to text me sleep tight so I could do the same? Because I’m not the type who texts first. Hindi ako sweet. I find all of these mushy. Corny. I can’t see myself, back then, saying all this. Pero Aaron look what you’ve done?” Nakatalikod parin siya sa akin and I’m only a few feet away from him. Kita ko pa ngang nakangiti siya sa reflection niya sa salamin. Tsss.
“Aaron, mahal kita.” I said in a whisper.
“I just didn’t know how to say it.” And then the next thing I know, nakayakap na siya sa akin. And then, he kissed me right on the lips.