“Hindi talaga brad, badtrip naman kasi talaga ‘yung babaeng ‘yon e. She’s an opportunist! Bakit ba hindi niyo makita? Minsan Hypnotist pa nga, e. Porque’t siya ang napili ng groupmates namin.” Sobrang galit ko talaga diyan sa “Adey” na ‘yan, maski sa mga tropa ko hindi ko na mapigilang magsalita.
“Alam mo brad. Why can’t you see that after all your name-callings and madness you have against her, she’s still the chic that everybody loves? ‘You know, like siya ‘yung tipo ng babae na madaling takbuhan.” Sagot naman ni Allen Mondragon, bestfriend ko na parang ang simple simple ng buhay habang kumakain ng rice at barbecue na binili sa cafeteria. “Even teachers, pinagkakatiwalaan siya.
It’s plainly because she deserves it. She lets them know that she can is a trustworthy.” Pahabol pa niya at uminom kagad ng Ice tea. Nawawalan ako ng gana kainin ‘yung lunch na binili ko rin sa mga pinagsasabi niya. Umiwas ako ng tingin at baka kung ano pa magawa ko.
“Okay, bago ka pa mapikon kay ‘Len. Tell us, what happened.” Suggest naman ni Cesar Domingo, kinakapatid ko kay Papa na katabi ko sa upuan ng table namin at tumapik sa balikat ko.
Napabuntong hininga ako at binalikan ang nagyare kanina sa Chem. Class.
“Pare, he assigned me as the reporter of the group. The least job of all. Alam niyong hindi ko maatim ang ganung kababang posisyon. Ano nalang ang sasabihin ni Mommy? Failure nanaman ako? Na nagpapadaig ako sa isang babaeng nagbebenta ng makukulay na medjas at sabit-sabit sa bag? Hell no, pare! Hell no.” I explained furiously like a seething pot in front of them. Nagiinit talaga dugo ko ‘pag siya na ang napaguusapan. Ayokong magalit nanaman saakin si Mommy at sabihan ng masasakit na bagay tulad dati.
I’m a man with great strength and confidence and I’ll never surrender to a pa-
tweetums girl. EVER.
Natauhan naman ako sa paligid ng marinig ko ang apir-an at hagikgikan ang dalawa kong kasama.
“Ano namang nakakatawa?” Tanong ko sabay inom ng sariling ice tea at tumingin ng nakakamatay sakanila.
“Brad, you just sound like a little brat whining and desperate to get her candy back. Don’t you think Auntie will be furious if she heard you like that?” Allen asked while laughing out his ass at me na parang ang tanga-tanga ko para hindi maintindihan ang pinalalabas niyang
bading ako. Napipikon na ako kaya instead of punching this dirtbag, aalisan ko nalang sana sila. I creased my plastic cup of ice tea letting it spill then stand up.
Cesar reached up to my shoulder, forcing me to sit down again.
“Oh! Oh. Where are you going brad? ‘Wag mong sabihing you’re gonna walk out and whimper like a teenage girl who didn’t see her boyfriend `cause her daddy won’t let her?” I sighed heavily holding myself back while hearing their annoying laughter.
“Joke lang, brad. Bati na tayo. Upo ka na ulit.” Sabi ni Allen at pinilit akong itinulak sa balikat para umupo ulit.
“Okay ganito nalang. We know you didn’t mean to sound like a baby and whine like- yeah you get the point, Touchy. Okay, let’s get serious. Why don’t we just cut classes and does something fun? Para naman mawala na ‘yang kainitan ng ulo mo.” He suggested while moving his eyebrows mockingly up and down with a stupid big smile on his lips.
“Oo nga. 2 hours and 35 minutes nalang naman tayo dito. Punta tayong mall! Sabi nila, opening na raw ngayon ng transformers!” Pa-sigaw na sinabi ni Allen na akala mong papayag ako.
“No. Why would I go with you, douche? Mga B.I. talaga kayo. Ayoko mag-cut. Isa pa, naipangako ko ng gaganti ako sa last period kay Adey. Maghihintay ‘yun.” Sabi kong may halong gaspang sa boses at ngiti sa labi.
“Dude. Ang laki talaga ng galit mo sa sweet/friendly/brainy-chic na si Aiden. Mabait naman siya, ha? Pwede ba. ‘Wag mo muna pairalin ang katalinuhan. I can ask coach Imperial to give us an excuse letter. Tara na! Game?” Tanong ni Allen ulit na halatang na-fu-frustatrate sa pagyakag saakin.
“And what would it cost me if I go with you?” Isa akong masunuring lalaki. Gusto ko lahat tama. Gusto ko lahat ng ginagawa ko, walang masasabi ang ibang tao kung hindi: Perpekto o Magaling. Hindi saakin alintana ang mind-blowing home works, late-at-night-frustrations for projects, and also final examination every SEM. Tinuruan na kasi ako ni Mommy-ng maging responsible for every action I make since the last ten years of my life. Mataas siyang mangaral at mahilig sa perpektong bagay. Tumatak sa isip kong, everything I do, I do it for her and make her the proudest mom people would know.
“Edi pag nahuli, three hours detention, conference sa parents and I think you know the blah-blah-blah. You read school’s regulation, right? But anyway, what? Are you coming o gusto mo nalang mamatay kakatitig kay Aiden kasama si Tim?” Tumagilid ang mukha ni Cesar patango sa pinauupuan nila Adey at Tim na nagtatawanan at magkapulupot sa isa’t – isa sa gitna ng cafeteria. Hindi naman talaga ako dun nakatingin. Sa upuan ni Melisa Fontanilla ako nakatingin pero dahil sa binanggit niya, napatingin narin ako. Hindi na talaga nahiya. Dito pa naglalandian.
Hinampas ko ‘yung table naming nang pagkalaks lakas.
‘Pag nakikita kong masaya si Aiden hindi ko mapigilang hindi maasar.' “Who cares about detention?” I exclaimed at dire-diretchong lumabas ng cafeteria. There’s only one thing in my mind right now. To enjoy and forgetting about competing against her.
----“Brad, can you refresh our minds bakit ka galit na galit kay Adey? I mean, for us she’s totally cool.” Allen said, started distracting me while playing foosball at St. Cocolatte bar, pagmamayare ng ka-batch mate namin. Its almost 8pm pero nageenjoy talaga kami buti nalang hiwalay na loft ko sa parents ko.
“Why don’t you Google it, my friend.” I said torturing him. He cursed through his breath. Ako pa ba naman pag gogoyoin niya. Akala mo ma-di-distract pa niya ako sa topic niya. I look sideways to Cesar to look why on earth he is giggling.
Giggling for a guy, pete’s sake.“Huy ‘Sar sino nanaman ‘yan?” Tanong ko habang patawa-tawa pa. Umaandar nanaman pagiging unli sa chics, e. Napatingin naman si Allen kay Cesar na nakatayo, nakapatong ang mga kamay sa gilid ng foosball board at nakatingin sa ibang direksyon.
Napalakas ako ng
“HA! LOSSER!” Kay Allen ng makita kong nawala concentration niya sa bola para maipasok ko sa base niya. Napapalo siya sa gilid ngumiti saakin na parang hinayang na hinayang.
“I’m getting thirsty! Let’s get some drinks.” Sabi ni Cesar ng hindi manlang kami hinihintay at dirediretcho sa table bars; naupo katabi ng isang lonely chic. Napailing kami ni Allen at nagakbayan, sumunod narin kaagad sa
chicmaster.
Pero bago pa kami makaupo nahablot ni Cesar ‘yung kwelyo ni Allen at inilapit sa tenga ang bibig. Hinila naman ni Allen ang leeg ko palapit.
“Brads! ‘Wag muna tonight. Akin lang muna ‘tong bebot. Type ko, e.” Bulong ni Cesar habang ngumingisngis. Naintindihan naman namin at sa harap ng stage tables kami naupo.
Sumenyas si Allen para sa waiter.
“What can I have for you, guys?” A girl sounds like a very jolly person came without me looking at it. May nagtext kasi saakin.
“Whoah. You work here, too?” I heard Allen got a bit fascination while asking. Hindi naman ako makatingin dahil nagrereply pa ‘ko kay Melisa Fontanilla, asking why weren’t on David’s party yet. Sabi ko nalang ‘try ko yayain sila ‘Sar and ‘Len.’ Tumingin naman ako sa lugar nila ‘Sar sa madilim na lugar. Mukhang seryoso nga siya. Kahit may pagka-madilim sa lugar, wala namang papakang nangyayare.
“Isang bucket ng San Mig. Tska ano bang klase masarap papakin?” May pagkademonyong tawa at tanong ng kaibigan ko.
Gag0 talaga ‘to. Walang pinipili. Napatawa nalang ako. Siguro nababastusan na ‘yung waitress kaya lumingon na ‘ko pataas para makita ang priceless anger sa mukha niya.
‘Yon lang, ako ata ang may priceless expression. Natawa rin ‘yung babae. Hindi pangkaraniwang babae.
“Ano ba gusto mo, ‘yung crispy, ‘yung mainit na mainit pa, o baka naman ‘yung fresh na fresh pa.” Sabay tawa ulit at nagapiran sila. Napangiwi lang ako.
Hanggang dito ba naman?“Syempre, ‘yung fresh na fresh pa. Tipong, kilawin.” Sabay tawang pangtambay ni Allen. Napailing si Adey habang nakangiti at tumingin naman saakin, nahuling nakatitig sakanya. Nagapura tuloy akong maghagilap sa menu.
“What about yours, Mr. Vandersean Versoza.” Aba’t impaktita talaga ‘to. Sinabi ng wag akong tatawagin sa buong pangalan.
“Ayoko. Wala akong gusto baka lasunin mo pa ‘ko.” Sabi ko at binitawan ang menu. I heard Allen chuckled but when I looked at him he look to the other way.
“Fine. Would that be all, sir?” She asked me while smiling.
Stupid smile. Nilayuan ko nga ng tingin.
“Milli, Milli. May call ka. Importante daw.” Sabi ng co-waiter niya.
“Ay sige thank you. Saglit lang.” Sabi niya habang minamadali ang pagkuha ng menu pages.
Lumapit kaagad si Allen saakin para mangasar.
“Milli daw? Ilang kaya palayaw ni Adey?” Sabi saakin sabay tawa. Ano kayang nakakatawa dun? Naki-ride nalang ako at kunwaring nagtawa.
“So, Van. Kamusta naman kayo ni Patricia?” Simula palang nang pangaasar niya binatuhan ko na kaagad siya ng lalagyan ng hot sauce sa mesa habang nagtatawa siya.
“Pang ilang Patricia?” Sabay hagalpak naming dalawa.
Lumipas ang trenta minutos ang aming walang kwentang kwentuhan ng kaibigan ko. Napakawalang kwenta talaga dahil puro kawalangyaan lang namin ang pinagtatawanan namin ng maramdaman kong ang pantog ko ay sasabog. Nagapura akong makapunta sa Men’s bathroom ngunit may narinig akong,
“Bossing kong pogi. Sige nanaman. I so need to go there. Kung gusto niyo, papakita lang ako, then babalik na dito.” Tinig ng isang babae sa likod ng crew door.
“Hay nako Milli. Hindi pwede. Kanina ka pa hinihintay ng mga customer. Kailangan mong kumanta.” So kumakanta rin pala ang magiting na si Adey. Napailing ako at papasok n asana ng bathroom pero….
“Pero, sir. Nag-promise na ‘ko sa mga friends ko. Ayoko namang masira sakanila. Kailangan ko talagang makapunta sa party ng batch mate ko. Malay niyo, mai-endorse ko pa ‘tong bar niyo.” Napangiti akong malaki. Malamang kay David ‘to pupunta. Pagkakataon ko na ‘to para makaganti. Masisira siya sa mga student body.
“No. Hindi ka naman artista para gumawa ng commercial, Milli. Please, sorry hindi ko inaasahang dadami ang tao ngayon. ‘Wag ngayon, iha. Okay? Sige na. In Ten on ka na.” At biglang nagbukas ang pinto ng crew’s kaya pumasok narin ako sa bathroom.
Nagmadali akong gawin ang dapat gawin at lumabas para yakagain ang tropa.
“Brad! Tara na, Dalian mo. May bomba ako.” Excited kong sabi.
“Mamaya ka na tumae, ‘brad! Ganda ng kumakanta, e.” Tinatapon tapon pa ni Allen ‘yung kamay ko palayo. Gag0 ne ‘to. Tingin ata sa bomba ko, tae. Ugh. Napaupo nalang ako habang kumukuyakoy at napatingin sa stage kung saan tumitingin si Allen.
Pinakinggang ko 'yung kumakanta. Ayos naman ang boses.
May boses, ika nga.
Singer's voice“Si Adey?” Tanong kong nakangiwi pa pagtingin ko. She changed her waitress uniform to a
knitted sweater.
“Ang ganda niya pare noh? Ganda pa ng boses.” Sabi ni Allen na parang manghang mangha. Masama na ‘to.
“Tara na! Tara na!” Sigaw ko sakanya sabay hila sa balikat. Hindi mawaglit ang titig niya Kay Adey. Sinigawan ko si Cesar na nakikipag-flirt parin.
“Ano?!” Sagot niyang parang iritang irita saakin.
“We have to go to David’s party! Dali.” Pinandilatan ko siya ng mata. Mukha siyang napipikon pero pinilit ikalma ang mukha at iginawi sa mukha ng babae. Nilabas ang cellphone at malamang,
‘yun na ‘yun. Hinila ko na palabas ng bar sila Allen na mukhang sasayad na ang dila sa sahig at Cesar na kahit palukpukin mo sa ulo ay lulutang parin sa ligay.
Badtrip.
Humanda ka Adey. Malamang sa gagawin ko, masisisra na reputasyon mo bilang
sweet/friendly/brainy-chic na sinasabi ni Allen at
ako na ang magiging top one sa over all.
I’m sure. Mom will be very proud of me.