CHAPTER SEVENTEEN – tell me where it hurts, baby pt.2
Madali lang naman akong nakabili ng gamot dun sa mercury. Sa totoo lang alam ko naman talaga kung saan nakatayo yung mercury drug dun sa national road. Pagkatapos ba naman niya kong saktan ng pisikal kanina wala ba kong karapatang asarin manlang siya?
“Aiden…” Tawag ko nung una mahina lang pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko. Napansin kong mahimbing na ang tulog nilang magyaya sa kama ko. Ako na nagpapasweldo ako pa walang hihigaan. Ang ligaya ko talaga sa piling nila. Not.
“Aiden!” Ginalaw ko na yung braso niya. Nakarinig lang ako ng mahinang hilik mula sakanya pero hindi parin nagising. Nakaisip nanaman ako ng kademonyohan at pinatong sa pisngi niya yung mainit na sandwich from subway chain pero ni pilig hindi nito ginawa.
“Manhid.” Bulong ko sa sarili. Sobrang pagod nanaman siguro. Napaupo ako sa tabi at nagbukas ng TV hindi para manood basta ayoko lang ng sobrang tahimik. Binuksan ko yung side lamp ko. Para makita ang kakainin.
“Ako nalang kakain nito..” Maligayang bulong ko sa sarili habang binibuksan ang wrap sa meatballs sandwich. Once in a while napapatingin ako sa mukha nilang dalawa kung nagigising ko ba sila. Natuwa naman ako ng mapansing mahimbing rin ang pagkakatulog ni Twyla sa yakap ni Aiden. Kanina kasi talaga parang napoposess siya sa likot tapos iyak ng iyak. Pero ngayon, anghel na ulit siya. Siguro tyanak si Twyla. Mabait na tyanak. Napailing ako at sumubo ng sandwich.
Kapagkuwan ay umanat si Aiden at nagsalita,
“Usog ka duuuuun!” Sabi niya na kinagulat ko dahil malakas ang pagkakatulak niya sa likod ko na kinadahilan naman ng pagkakahulog ko sa lapag.
“Sht.” Bulong ko. Buti nalang carpeted ang buong loft ko pero natapunan yung damit ko nung sauce at gulay. Hindi naman ako nairita tulad ng nangyayare sakin sa tuwina’y gising tong si Aiden. Lahat nalang kasi ng kamalasan hinahawahan niya ko. Pasaway na Aiden to kahit kelan. Napatingin ako sakanya at tulog na tulog parin pero this time nakaharap na ang buong katawan saakin yakap ang unan ko. Gusto kong mapangiti pero madali kong pinigilan ang sarili. Anong nakakapangiti sa mukhang batang Aiden tuwing natutulog. Kung meron lang akong pentel pen baka nagartwok na ko dito. Pero, napansin kong mas gusto kong ganyan ang mukha niya kesa sa simangot, pagkaasar, at pagtataray na expression niya tuwing gising. Tinanggal ko na ang tingin ko sakanya.
“Feeling sleeping beauty.” Bulong ko saka ko lang ikinabig ang sarili ko para tumayo at hubarin ang sando. Itinapon ko ito sa kung saan maski ang pantalon saka naghanap ng panibagong sando nagulat ako ng biglang nagsalita si Aiden.
“…. Izza, bakit si Tim?....” Nakakunot noo niyang bulong. Binitawan ko yung mga damit na nahahalungkat ko at lumapit sakanya.
“Aiden..” Panggising ko sakanya inuuga ang balikat niya. Sobrang kunot yung noo niya parang hindi na matatanggal.
“Tim bakit si Izza…” Bulong pa niya. Napabuntong hininga ako ng maintindihan ang sinasabi niya.
Aiden’s POV.“Aiden! Aiden! Aiden!” Nagising ako bigla sa pangungulit ni Sean. I was disoriented when I felt two eyes were staring at me with rage. Napadiin ang ulo ko sa unan para lumayo sa mukha ng titig na titig na Sean. Hindi naman sa natatakot ako sa itsura niya pero nagpintig ang puso ko ng makita kong boxer nanaman ang suot LANG niya.
“An-ano ba..” nauutal kong sabi hanggang sa bumaba pa ang tingin ko sa katawan niyang nagbubunyi ng kagandahan. Napalunok ako ng todo-todo at pinilig ang ulo sa mga naiisip kong karumaldumal.
“Tumayo ka na diyan. Wala ka bang balak umuwi sa bahay mo?” Hambog na tanong nito. Gusto niyang mainis pero nauunahan ng hiya. Dali niyang pinunasan pahapyap ang gilid nglabi niya sinisugrong wala itong unwanted saliva.
“Anong oras nab a?” Mahinahon kong tanong wala talagang gana magsungit. Inaalala ko kung bakit parang galing ako sa hindi magandang pangyayare.
“12 na. Tumutunog na kampana mo, maaga pa pasok natin bukas.” Sabi nitong parang iritang irita saakin. Ano bang kinapuputok nanaman ng butchi nito? Na natulog ako sa kama niya? Ano palagay niya saakin katikating tinubuan ng mukha?!
“Sige, yung gamot nabili mo?” Umalis siya sa harap ko at naglakad papunta dun sa sofa. Naiinis naman ako sa init na nararamdaman ko pag tinititigan ko yung katawan niya. Maski likod lang niya pakiramdam ko, AYYYYYY TAMA NA NGA ADEY!
“Ano bas a tingin mo? Sige na, inaantok na ko.” Pagtataray talaga niya, may dismenoria siguro. Pero imbes na mabadtrip,
“Sige una na ko.” Malumanay kong sabi at pilit tinakpan sa utak ang itsura ni Sean na naka boxers lang. Para bang sineseduce talaga ako nito. Bwisit na yon. Walang manners, bisita parin naman ako kahit ano mangyare. Hindi pa ko hinatid manlang kahit sa kanto ng bahay namin! Nagmamaktol akong lumabas at hindi na lumingon pa hanggang sa makarating sa bahay ko.
Isang litro ng tubig ata yung nainom ko pero parang uhaw na uhaw parin ako. Isama na siguro ang pagkapika k okay Sean. Palagi nalang niya ko sinususungitan. Dahil ba yun sa kasungitan ko rin sakanya? Pero meron din namang pagkakataon na mabait ako sakanya ha?
“Ugh! Siya nagsabing pumunta ako sakanila tapos ako pa gaganunin niya! Leshe.” Panggigigil ko sabay tapon ng katawan sa sariling kama.
Kinabukasan.
“Kamusta fristday mo, hija?” Tanong ng teacher ko sa first period. Napangiti naman ako sa kabaitan nito at sinabing ayos lang. Halos nasa late 30’s narin siguro to, babaeng may pride at dedikasyon sa trabaho.
“Nakacatch up ka na? May friends ka na? Sorry madaming tanong ha, counselor kasi ako dati dito.” Paliwanag niya na mas lalo kong kinangiti. Mahahalata naman kasi dito ang kabaitan talaga. Sana estudyante nalang siya dito para siya kasama ko tuwing lunch.
“Naguguluhan parin po ako sa iba pero madali naman maka intindi ng ginagawa nila wala namang masyado kasi puor electives talaga.” Sabi ko habang tinititigan kung pano niya isulat yung ID card ko dun sa ibibigay niyang textbook ko.
“Gusto mo ng tulong?” Tatango na sana ako, inaakalang siya ang tutulong saakin. Ng biglang,
“Johnny, anong parte kaya ng katawan mo ang may sakit ngayon at late ka?” Nakangiting nangaasar na tanong ni Ms. Casumplong sa bagong pasok sa classroom na si Johnny. Napailing nalang ako habang binibigyan niya ko ng nahihiyang ngiti. Hindi bagay sa maapog niyang mukha.
“Sige na, upo na.” Utos niya dito pero….
“Actually, Johnny, free ka ba after class?” Nagulat ang lahat sa tanong ni Ma’am maski yung mga kaklase kong naglalandian sa likod e napatigil sa narinig. Diba bawal magkaron ng intimate relationship ang teacher sa…
Napakunot ang nook o ng mapangiti naman si Johnny. Ano to totoong merong something? Parang gusto ko ng bawiin na gusto ko siyang maging high school at maging kaibigan ko. Tanging si Twyla lang sa harap ko ang nagiingay at pinalalaruan yung binky niya.
“Wala naman po ma’am. Bakit?” Tanong ni Johnny
“Good. Humihingi ang papa mo ng extra credits for you and I think you could give this very nice lady a tutorial ng mga fundamentals sa subject na magkasama kayo for a week so I could give you a pleasant C minus. Sounds good?” Sabi niya habang inilalahad pa ang palad saakin at nakangiti. Ako naman natulala lang dun gustong hukayin ang lupa sa hiya. Namumula ako malalamang dahil nalipat na saamin ni Twyla ang lahat ng ngiti.
“Just say no.” Mouthing the words slearly at that Johnny jerk. Lumaki ang ngiti niya,
“Cool. I’m down for it, Ms. Casumplong Ill do it.” Sabi niya with matching confidence. Hindi ko na napigilan ang kilay ko at kusa na itong tumaas. Nginitian ko nalang ng pilit si Ms. Casumplong at kinuha ang text book ng Business ng math para maupo dun sa dulo kung saan ako naupo kahapon sa kamalasan upuan pala yun ni Johnny!
Tatayo na sana ako paraumupo dun sa kabilang dulo ng ibayo ng classroom ng pigilan niya ako.
“Ako nalang.” Akala ko matatahimik na ko kasi sobrang magkalayo kami ng upuan kahit walang katabi pero sadyang ksp tong si Johnny. Hinila ba naman yung armchair papalapit sakanya imbes na buhatin. Para banag sinasadya nitong makakuha ng attensyon sa buong klase at successful ito. Todo todo ang ngiti nito habang papalapit saakin walang pakielam kung napapagalitan na siya ng teacher sa nakakangilong paghihila nito. Tumigal siya sa tabi ko at pinuwesto ang upuan para upuan. Imbes na sa techer humarap, (Paano ko ba to idedescribe?) isinuot niya yung kanang paa sa baba ng
arm chair para mapaharap ng husto ang angle niya saakin. Umayos nalang ako ng upo at tumingin sa nakatitig rin sa aaming teacher. Nakakahiya talaga tong lalakeng to.
“SO, Hi Adey.” Nakakaloko niyang bati hindi ko na sinubukang pansin.
Nagdaan ang buong araw at todo pa sa todo ang pagdarasal kong matapos na ang school day na to. Hindi ko naman kasing inaakalang kaklase ko si Johnny sa lahat ng klase. Lahat ng pagtitimpi ginawa ko na. Hindi ko narin siya kinakausap at kahit nagmumukha na siyang baliw kakausap saaking hindi sumasagot sakanya e kwento lang siyang ng kwento ng kung ano ano. Minsan nga may mga kwento siyang nakakatawa pero hindi ko talaga tinatawanan.
Malapit na mag bell para sa dismissal ng bulungan ako ni Johnny.
“Saan mo gusto mag catch up?” Simple lang yung tanong pero nadumihan ang utak ko.
“Anong catch up!?” Pasigaw ko ring bulong napatingin yung ilang estudyante sa paligid namin.
“Wag ka maingay. Baka isipin nila ibang catch up yung iniisip mo.” Mapaglarong ngiti ang binigay niya saakin. Bumilis ang paghinga ko at hindi ko napigilang sabunutan siya. Natatawa naman siyang umaaray saakin. Parang baliw talaga. Simula nun hindi ko na siya pinansin at nakipaglaro nalang kay Twyla.
Nung magdismissal, nagmadali akong lumabas ng classroom para pumuntang banyo
“Adey! Iiwan mo nanaman ako!” Narinig ko namang pagtawag ni Johnny na nagliligpit palang ng book niya sa bag. Siniringan ko lang siya at tumango na madali sa banyo. Hindi naman na ako nahirapan kay Twyla kasi nakasabit parin siya saakin. Natapos akong gumamit ng banyo at naghugas na ng kamay ng maalala kong naiwan kop ala ang bag ko sa sixth period. Naglakad na ko pabalik sa classroom ng may marinig naman akong naguusap sa corridor bago lumiko ng sixth period classroom. Mukha naman tong simpleng usapan sa pagitan ng lalake pero ng makita ko ang mga itsura nilang matatangkad na parang half basket ball players half goons na nakapalibot sa isang tao. Sinong tao? Sino pa ba? Edi ang half hayop half halimaw na si Johnny. Babaliwalain ko n asana kung hindi lang nakita kong lumitaw ang isang lalake sa likod ni Johnny at may hawak na baseball bat. Madali nitong napala ito sa likod niyon at pinagsisipa ito ng mga nakapalibot lang na apat na lalake kanina. Napaluhod ito sa sakit at kitang kita sa mukha ang sakit ng palo nito. Nanlaki ang mata ko at tila nagkaron ng baradong lalamunan. Hindi ko alam ang gagawin pero isa lang ang dapat gawin.
“Ayun boss! May binibugbug dun! Bilisan niyo si Johnny Binubugbog!!!!!” Sigaw ko na kunwaring may kinakausap sa parang desserted na hallway ng school. Ambilis kasi mawalan ng tao. Natuwa naman ako kahit papano ng marinig nila yun at nagtatakbong madapa dapa ang mga hoodlum. Madali naman akong tumakbo papunta sa mukhang celery na si Johnny para tanungin kung okay lang ba siya syempre, hindi ang isinagot niya.
“Kaya mo ba maglakad papuntang clinic?” Tanong kong nagpapanic.
“Hindi. Aray adey ko! Dahandahan! AHHH!” Hindi man siguro niya sinasadyang sigawan ako pero nasasakntan siya. Hindi ko narin ininda ang pagaangkin niya sakin

“Eeh ehh! Pano ba to, um saan ba masakit para ehhh. Tell me. Tell me where it hurts!” Hindi ko na malaman kung ano ba ang uunahin kong hawakan sakanya. Bakit naman kasi nagpabugbug to. Hays! Tinaas ko ulit siyang pilit hawak ang braso. Buti si Twyla hindi humihingi ng attensyon nakatingin lang siya sa nabubug na Johnny.
"Teamsong ba natin yun, Adey? Pero bago ako mamatay…… penge munang kiss, Adey…” Mahinahon nitong sabi pero halatang nangiinis. Ngumuso pa ito na parang naghihingi talaga ng halik sa kabila ng may pasa pasa niyang pisngi. At nagdudugong noo.
“G@go!” Sigaw ko atsaka siya binitawan ulit sa sahig. Napasigaw siya sa sahig. Tumakbo naman ako palayo para tawagin ang nurse sa infirmary.