Teentalk

Author Topic: Pseudo Baby. - Chapter 19- Late XD  (Read 4947 times)

swelling eyes

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 931
  • Karma: +120/-14
  • Twinkle Twinkle little star! 。◕‿◕。
Re: Pseudo Baby.
« Reply #15 on: July 12, 2011, 05:54:13 pm »
NAKERRR! Lumalablayp. Hahaha. May codenames pa si dudes. Hahaha

Pwede magDL sa online? :O like seryoso, hindi ako makapag Download ng sims through online. Nung andyan rin ako sa pilipinas halos movies, pati games ko kasing fake ng boobs ni ruffamae quinto. Hahaha. Mas mura e. Pero dito, ang mahal talaga. Estudyante palang ako. Magffrosh collegethis coming sem. Kinakabahan nga ako e. First time! Hahaha

AYyyyy. Sige, sige. Habaan mo mare ha! Hahaha. Demanding e.
BABALIK AKO MAMAYA PARA MAKACOPE UP ULIT! MISS YOU GUYS! ツ

swelling eyes

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 931
  • Karma: +120/-14
  • Twinkle Twinkle little star! 。◕‿◕。
Re: Pseudo Baby. -1
« Reply #16 on: July 12, 2011, 06:11:06 pm »

CHAPTER ONE - Aiden Millette Santiago.

It was a plain boring Monday when our first subject-advisory class, chemistry teacher grouped us into five. At first, my classmates were very confused to whom the leader part should be given because for the nth time, its between me and Van. But of course, with my wits and charm, they choose me.

Naga-assign ako kung sino gagawa ng research sa element naming Calcium. “So Berna you're for uses and connections, Trigger naman, you got testimonials and scientist. Mice for laboratories, isa nalang sa'yo Mice kasi alam ko namang mahirap 'yung lab natin dun. Okay lang naman diba?" He nodded twice and smiled. 'yan naman ang gusto ko sakanila. Oo lang ng oo. "I, myself, for generalization and editing. Andddddddd. I think that's most of it. Right?" Wala namang sumagot, malamang halata nilang inaasar ko lang si Van. Tumigil ako sa pagsasalita, bukas-sara ng ballpen sa hangin. Kunwari may chine-check Pero gusto ko lang talagang maasar ang lalakeng kung maka tumba-tumba sa armchair naming kahoy at mukhang walang pakielam sa mundo. "Oh! and for the least part, ikaw Van Versoza ang mag-re-report.” I send him my annoying look that always gets him irritated, smiling crookedly letting my head fall slightly on the side and blinking my eyes as innocent as I can manage. He just stared- no! He was just fully glaring at me hindi iniiwan ang pagmu-mukha ko.

Nagkaroon ng katahimikan sa buong grupo namin. But still, my smile won't breakaway. Ayaw niyang umiwas ng titig kaya minabuti kong hindi narin umiwas ng titig. Sino bang hinahamon niya?

"Okay! Ayos na kayo dito? We only have..." She looked at her watch. Nanliliit pa ang mga mata. "5 minutes! 'till the bell rings. Okay na ba?" Hindi parin ako umiiwas ng tingin sa kanya maging siya.

"Uh, sorry ma'am stuck up lang po 'yung dalawa nagiisip  kasi ng ideas. Pero we have calcium as our element and yeah, she already assigned our participation." I heard Berna explained.

"Ah. Okay lang. Ganyan talaga matatalino kaylangan ng self intervention 'yung umaalis sila sa body nila para makapagisip." Nagtawa sila Mice, Berna at Trigger. Gusto ko ng matawa sa pinagsasabi ng adviser namin. Mapang-loko rin kasi 'yon. Sasabayan ka sa trip mo. Pero still, ayaw bumitaw ng seryosong walang thrill sa buhay na si Van.

"Pare, pwede ba. Maaga pa para mag simula ng cold war." Sambit ni Mice na katabi ni Van at umakbay. May pagka-tropa nga pala sila. Hindi naman umimik si Van. Misa-bingi rin, somehow.

"Bench!" Narinig kong tawag ni Mice sa ka-tropa niya at umalis sa grupo. Nagsitayuan naman si Berna at Trigger para lumayo saaming dalawa. Nakakainis. Ano bang tinititigan niya sa mukha ko? Nangangalay na 'ko, e. Pero hindi ako papatalo.

Buti nalang dininig ng oras ang gusto ko. Nag-bell na pero hindi parin siya gumagalaw. Naka-stay lang siya sa pag-kaka-tagilid ng armchair niya at nakatitig saakin ng masama. Baka naman ganito siya matulog, nakabukas ang mga mata, I mean.

"Adey, tara na." Tawag ni Kassidy Bel Monte na best friend ko. Our school is one of the international schools brought by this American guy named Merson Wilde. He build this school para daw sa mga batang ang parents ay overseas. "So that you guys won't be that culture shocked if you tried living in America. Or other countries, too." he pointed out. Kumbaga nasa Pilipinas tayo pero American -school system ang tipo. We only have six subjects, 7:00 am through 2:35pm lang ang klase. At sa ka-swertehan ko, halos kaklase ko si Van Versoza sa lahat ng subjects. Akala niyo madali, pero depende parin sa mga kinuha naming course. Don't get me wrong, pero highschool lang kami. Juniors to be exact.

"Mamaya ka sa history." Matalim niyang sabi sabay walk-out. History daw. Last subject ko nalang sisirain pa niya? Napailing ako at bumuntong hininga. Pakiramdam ko magkaka-stiff neck na 'ko.
"Problema nanaman no'n?" Tanong ni Kassidy habang nakataas ang isang kilay pagkaalis ni sungit.
"Masyadong bilib sa kagandahan at talino ko. Tara na. Ayokong ma-late sa English." Yakag ko sakanya para lumipat na ng kabilang ibaryo ng school.

Let's get this effing school be detailed. (click it)

Naglalakad kami sa napaka-gulong hallway ng Southwestern school. Lahat nagkakagulo at nagmamadali dahil magbe-bell na. Humiwalay na saakin si Kassidy, Elective niya kasi, sculpting.

Ang highschool? Tinatanong pa ba dito kung ano ang ibig sabihin ng highschool? Kanya - kanya tayong dahilan para magkaroon ng the best history dito. Pero para saakin, ang highschool ay isang population na puro polution. Madaming plastik na nakakalat. Madaming basura na tinatapon ang buhay. Madaming magagarang sasakyan ang nag-jajam sa karsada tila pa-VIP pa. meron rin namang, parang mga poste lang. Tanging hiling na makaalis na sa maduming mundong 'to. Pero kung tatanungin kung saan ako? Ako raw ang divider sa gitna ng mga lanes. Kilala ako dito bilang peacemaker at taga advice. Taga benta rin ng kung ano-anong buting ting sa bags, damit-colorful shoelaces, maski beauty products from forever living products. Lima kasi kaming magkakapatid at wala naman ni isa sa parents ko ang nasa ibang bansa. Pinilit lang talaga ako ni Mama dito magaral. Mas maganda daw ang buhay pag dito ako nakatapos. Kahit gumapang na siya sa hirap. Na sa katunayan, ako ang gumagapang.

"Hi Adey!" Sabi ng isang geek na si Rolly Trinidad. Taga UAE ang parents. Inismaylan ko lang siya nung isang araw, friends na raw kami. That's fine, I guess.
"Hi Rolly. See you sa Geo." I said smiling back. Para naman siyang nag-blush.

"My hommie, Adey nagawa mo na 'yung ballers?" Pe-sweet na tanong ni Priya Solidad, isang cheer leader. Taga Singapore ang daddy. Nagbebenta kasi ako ng personalize ballers na patok na patok ngayon.
"Uh, yeah. Got it on my locker. I'll text you later para makuha mo sa lunch." I said smiling. Alam ko namang pagkatalikod niya, tanggal ngiti 'yon at irap.

"Hey Adey! It's my birthday party tonight, and uh, can you- uhm, Uh, can you-" David Austria, the football player kept fumbling, taga France ang tatay. alam ko kasi crush ako nito. I don't put malice on in it naman and thankful naman ako dun. Pero hanggang dun lang 'yon.
"Yes I'm coming, David. Happy Birthday!" I said giving him a warm hug. Nagtawanan naman 'yung ibang football player sa likod niya.

Malapit na ako sa locker ko and I only have 3 minutes para makarating sa english ko.

"Aiden." Napangiti ako habang nakatalikod sa tumawag saakin.
"Aiden Millette Santiago- Gomez." Mas lalo akong napangiti nung dinugtong niya ang apilido ko ng apillido niya. Hindi na 'ko nagpatumpiktumpik at humarap na sakanya.

"Hi there, sweety." I greeted him with a sweet smile, automatically hugging him, and totally ignoring the people beside us.

He chuckle breathing in my ears, kissing me at the tip of my nose and said, "I missed you." He cupped my chin and  kissed me on the lips. It was... hot and sweet. I giggled when he let go at hinarap ako patalikod sakanya but still hugging me from behind. Nagsimula kaming maglakad ng ganun papuntang locker ko.

"Excuse me, bawal PDA dito, alam mo naman siguro 'yun Santiago diba? Gusto mong ako rin ang mag-report?" Oh my God! Sobra bang big deal ng pagkakaasign ko sakanya para magreport? Ugh. Pumikit nalang ako at hindi pinakinggan. Sana ganun nalang rin gawin ni Tim, my boyfriend.

"Bakit pare, may problema ba?" Sinasabi ko na nga ba, e. Pikon rin 'to minsan. Umalis siya sa pagkakayakap saakin at hinarap si Van Versoza na nag lo-locker sa tabi ng locker ko.

"Wala naman. Baka 'yung girlfriend mo may problema." Sabi ni Van, na kasasara lang ng locker para kumuha ng binder. Napakamot ako sa noo ko. Sabi nila, friendly raw akong tao pero itong Van na 'to bakit ba kahit kelan hindi ko maging kaibigan?

"Alam mo, Versoza. Let's just forget about what happen this morning, okay? Kung gusto ikaw na lang mag edit and gener-"

"Hell no, I'm not fool. You already committed yourself as the leader. And being in that position, gawin mo ang gusto mong gawin to provide a better grades for us." 'yun lang at umalis na siya. Napasimangot ako.

"Stupid ass. Mas malala nga makipagPDA 'yan sa bars." Bulong ni Tim habang paharap saakin. Kumuha na 'ko ng gamit sa locker.

"'Wag mo na ngang  kakausapin 'yon." Utos niya. 1 minute before the bell time.
"I can't sweetie. He's in my chem group and basically, kasama ko siya sa lahat ng subject ko." Sabi ko sabay balibag sa ayaw magsarang locker. Nakita ko siyang nakataas ang kilay at nakahalukipkip habang nakasandal sa locker ni Van.

"Sorry. I'll tak to you later. Bye." I kissed him twice sa lips at umalis patabkbo sa next class. Late na 'ko, sh!t. Malamang nagtatampo nanaman 'yon. Gusto niya nasusunod lagi gusto niya kasi "tama" raw 'yung sinasabi niya. Kahit boyfriend ko siya, may opinion parin naman ako. Well, that's Highschool. Kung hindi ka marunong kumontrol. Ikaw ang kokontrolin.






LAME BA?
Sorry, ha?
Anyways, YOU GUYS! I just wanted to say: May ka likod - to -likod po ako. Ang aking kambal na si, Peaches.

Please read her
Quote
HAVE WHAT I HAD.
And tell you that I'm not in love with you
I always think if I’ll ever

Grazie! (:
« Last Edit: July 14, 2011, 07:14:27 am by swelling eyes »
BABALIK AKO MAMAYA PARA MAKACOPE UP ULIT! MISS YOU GUYS! ツ

Peaches.

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 772
  • Karma: +121/-11
  • Alessandria Peach.
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #17 on: July 12, 2011, 06:14:27 pm »
PEEEERST! WAIT.
Edited:
Waaaaaah! Alam mo bang medyo may pagkakapareho ang pangalan ng isa sa mga characters naten? Yung bida dito sa story mo ang pangalan e Aiden yung isa sa mga characters naman ng story ko, ang pangalan e Adrian. Pinag-usapan ba naten ito Kambal? Nyahaha. Ang galeeeng mo talaga! I love this(:

Bakit kaya ganun ang trato ni Van kay Adey? Masyadong cold. If I know, kaya nya sinabi na bawal ang PDA dun sa dalawa kasi nag-seselos sya. Hahah.

Tapos, agree na agree ako dun sa part na kung paano i-describe ni Adey ang highschool. Totoong-totoo e.
Ang kuleet lang nung sa video na “High School Sucks”. Haha.

Ang galeeeng mo talaga! I love this(:
« Last Edit: July 12, 2011, 06:29:28 pm by Peaches. »

Libby

  • jellybean
  • **
  • Posts: 169
  • Karma: +31/-8
  • let me be the ONE.
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #18 on: July 12, 2011, 07:15:07 pm »

Oh, di ko napanuod yung vid, pero eew naman, dude!
Bakit may licking part ata?  ;D

Ang cheesy na slightly bitter ang characters, grabe! Buti walang ganyang couple sa school namin kundi lilipat ako nang school. College na pala ko ngayon so normal na kung makakakita ko sa labas ng campus. Tskk.. eew talaga yung dude sa vid bakit gumaganon, anyway, di ko natapos e.


Si Van, wag na nating pansinin yun, me nililihim yung kups na yon!


cupiD_Love469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 914
  • Karma: +93/-3
  • ~eros469~
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #19 on: July 12, 2011, 10:06:25 pm »
MARENG KAYE!
nahanap ko rin sa wakas!

weee. ikaw na! ikaw na talaga idol!
talagang naiimagine ko yung scene.

hoy lalaking wa-pakeLs-at-grabe-tumitig!
baka matunaw si Aiden nyan ha? mapapatay ka talaga ni Tim.  :D
parang super deal lang talaga ng pagiging reporter noh?
e, kalimitan naman sa gusto magleader talagang yun nagrereport.
tss. sa bagay. nakakatense naman talaga magreport at kahit ako ay may stage fright pa rin hanggang ngayon. hindi masanay sanay.  ;D
PAGE for MY STORIES
NB
KARMA
Wherever You Are
Dead Stars

~goddess of LOVE~
[OFFICIALLY BACK!]
<3 <3 <3

swelling eyes

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 931
  • Karma: +120/-14
  • Twinkle Twinkle little star! 。◕‿◕。
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #20 on: July 12, 2011, 11:36:46 pm »
@ KambalPiKONGMAHAL: KAMBAL NGA KASI TALAGA TAYO! By heart! =))) Paano pa kung magkasama tayo sa iisang lugar? Tsk. Sabog ang bahay. Hahaha! Kaso babae si Aiden ko e. Hahaha! YIIIE! Aiden ♥'s Adrian! Hahaha. Ayaw ni Brielle, ha? Hahaha! Thankyou so much, `bal. Nahiya naman ako parang hindi ganun ka-effort ang comment ko. Nabitin kasi ako sa update mo e. Hahaha.

Pansin mo? Mahilig siguro siya sa Ice? Grabeeey! Ang ka-corney-han ko ngayong araw. Badtrip e. Hahaha!  Sigurado ka, `bal? :"> Hhaha. Selos agad. Hahaha! I love you for that! (:

Kadiri nga yung asian kid dun e noh? Hahaha. Mak-dila, may taste pala new students? Haha. SALAMAT NG BIGTIME, KAMBAAAAAAAAAAL! Kaya kita labs na labs e! Hahaha.

@ Libbydudes:  Bat hindi mo napanuod? Sobrang laughtrip yun man. Hahahaha! Ewan dun sa asian kid na yun. Sobrang hyper. Distorted ang utak. Hahaha.

Okay lang ba 'yung,"Ang cheesy but slightlybitter" dudes? Hahahaha! Birhen pa ba mga mata mo dudes? Sa school kasi dito natural nalang e. Wala ng ano-ano sunggaban nalang. Hahaha. Sayang sana natapos mo. Hahaha. Hindi naman siya all the time nadila diba? Hahah.

HAHAHAHAHA! FOREVER TAWA AKO DON! "MAY NILILIHIM SI KUPS!" :D Lol'd the whole time. :P

@ Cupid: Awwww. Thankyou naman talaga Mare! Uber support ka rin sa mga pantasya ko. Hahaha!

NOOOOOO! Hindi ako magaling sis. Hindi pa. Hahaha. Lahat tayo magagaling dito. Pero mas gagaling pagtagal. Nakukulangan pa ko sa pagdedescribe ko. Nawawala ang mga words. Urrr.
Boto ka ba kay Tim, cupid?  ;D
HAHAHA! MALALAMAN MO KUNG ANUNG KLASENG "DEAL" kay Van" ang reporting na yun sa next chapter, cupid. ::)

Ako kinakabahan pero, pag asa stage na. iniisip ko nalang pare-parehas naman kaming magrereport. Pakapalan nalang ng dugo sa pisngi.. Hahaha.





- YOOOOOOOOOON! Kahit tatlo lang po kayong bumalik, I'm so thankful at may pumansin! Yayed you all! And you know I love you, (:
BABALIK AKO MAMAYA PARA MAKACOPE UP ULIT! MISS YOU GUYS! ツ

ImNotaChick

  • jellybean
  • **
  • Posts: 207
  • Karma: +52/-27
  • TeenTalker
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #21 on: July 13, 2011, 02:22:35 am »
Hey girl !
Here na rin me ......
I support this not because u'r supporting my story too....
But because, ANG GANDA KASI  :D
Nakaka-relate much ako  ;)

I've watched the highschool sucks before ....
dun ka ba nag-aaral ??
Ang swerte mo kung ganun  :D

Anyways, wala na akong masabe .....
Kelan update mo ??
Tsk.
MAGANDA ako kaya dapat hindi ako pinaghihintay  ::)
BWAHAHAHHAHA ;D
« Last Edit: July 13, 2011, 02:24:38 am by ImNotaChick »

cupiD_Love469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 914
  • Karma: +93/-3
  • ~eros469~
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #22 on: July 13, 2011, 12:34:24 pm »
wala anuman mare!  ::) basta ikaw. O0

YEEEESSS! magaling ka mare.
magaling ka talaga. at gagaling ka pa talaga lalo.  :D

ay, ba't naman nawala yung words? san napunta?
 :-\  TIM? parang mas gusto ko si Van e. gusto ko kasi yung bad guy turns good.  ;)
hala! excited na ako malaman ba't anlaking deal nun para sa kanya. siguro may stage fright din tulad ko. haha.  :D

buti ka pa mare, kaya mo'ng labanan. ako kasi nanginginig talaga.
hindi kaya ng powers ko pero kinakaya ko.
pinakaayaw ko kasi yung lahat titig na titig sakin at inaabangan ang pagkakamali ko.  >:(
PAGE for MY STORIES
NB
KARMA
Wherever You Are
Dead Stars

~goddess of LOVE~
[OFFICIALLY BACK!]
<3 <3 <3

Libby

  • jellybean
  • **
  • Posts: 169
  • Karma: +31/-8
  • let me be the ONE.
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #23 on: July 13, 2011, 12:42:02 pm »


@ Libbydudes:  Bat hindi mo napanuod? Sobrang laughtrip yun man. Hahahaha! Ewan dun sa asian kid na yun. Sobrang hyper. Distorted ang utak. Hahaha.

Okay lang ba 'yung,"Ang cheesy but slightlybitter" dudes? Hahahaha! Birhen pa ba mga mata mo dudes? Sa school kasi dito natural nalang e. Wala ng ano-ano sunggaban nalang. Hahaha. Sayang sana natapos mo. Hahaha. Hindi naman siya all the time nadila diba? Hahah.

HAHAHAHAHA! FOREVER TAWA AKO DON! "MAY NILILIHIM SI KUPS!" :D Lol'd the whole time. :P



Loko nga yung net. Try ko ule, hehe.  :D
Maganda ba yung movie?
DL ko sana.  :)

Wala talagang PDA samin e, kung meron, joketime lang, yung mga magkakabarkada lang.
O kaya private nilang ginagawa.
Hehe... Showy lang siguro yata sina Tim. Siguro na, me yata pa. Osige. Bahala na.

swelling eyes

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 931
  • Karma: +120/-14
  • Twinkle Twinkle little star! 。◕‿◕。
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #24 on: July 13, 2011, 07:19:32 pm »
@ Keeeeeeev: AYYYYY! Andito ka na rin. Touch ako. Thankyou sooooo much.
The school stuffs noh? Tska `yung sa meaning nung highschool. Hahaha. Ganun kasi nakikita ko sa mundo ng kalandian sa school.

Yung movie mismo mo, mars? Hindi ko pa napapanuod talaga yun e. Ay hindi. Irvington ako e. Pinaka-Oa na school dahil todo sa reporting. :/ Ganon. IKAW NA MAGANDA SIGE. Yakapin mo kagandahan mo. Paghihintayin pa kita lalo. Hahahaha JOKE! Love you bakla... Baka bukas. Unsure pa kami ni, `bal e. Parehas nitatamad mag type.Hhaha.

@ Cupid:
wala anuman mare!  ::) basta ikaw. O0 Yehesss naman! Lakas ko sayo, ma'am! Hahaha. HAHAHAHA! Ayoko na magsalita mare. Baka kahit tinatamad pa kong magtype mabulgar ko sayo ang lalabas sa update! :P Sa tingin mo ba babait si Van na yun? hahahaha.

Grabe. Dapat ma-overcome mo yan mare. Hindi naman ako sa over confident. Iniisip ko nalang talaga na lahat sila panget ako lang maganda. Tumitig pa kayo, nahahalina kayo e. Hahahah! Makapal lang talaga minsan ang mukha ko. Pero promise, Ako ang taklesang mahiyain. Lalo pag una palang natin meet. Todo tingin ako sa ibang way wag lang makipagtitigan sa;yo. Nagkakamali rin sila, cupid. Ang kaso, mas maganda ka sakanila. Hahaha.

@ Libbydudes: Hahah. Net na talaga lagi may kasalanan. Hahah. Hindi ko pa napapanuod e. Pero gusto kong panuorin. Ang cool lang. Reality wise kasi.
Talaga? Buti pa sainyo! Saan bang kaibuturan ng mundo yan at inosente ang mga tao! Gusto ko diyan. Birhen ang mga mata! Hahaha. Ayaw mag exage sa "maybe" e noh? Hahaha.
BABALIK AKO MAMAYA PARA MAKACOPE UP ULIT! MISS YOU GUYS! ツ

junachoopxz

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2228
  • Karma: +86/-38
  • is undeniably in ♡
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #25 on: July 13, 2011, 08:15:01 pm »
Sarap sipain nitong si Van! Mukhang may ibang mundo na weird na ewan. Pero feeling ko, I'll love him here eventually. Papable ba siya, 'teh? ::) Tsk! PDA much. Galit ako sa mga PDA eh! 'Yung mga HH sa public! Hugs! Tsk. Hindi ko kasi magawa sa school kasi takot ako sa Guidance. ;D ;D

cupiD_Love469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 914
  • Karma: +93/-3
  • ~eros469~
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #26 on: July 13, 2011, 09:05:07 pm »
pasenxa sa late reply mare.
nagtriple update kasi ako ngayon at nababad pa ako sa phone ko ng 1 hour. hehe.

ay naman! para namang hindi mo alam gano ka kalakas sakin mare.  :D
haha. kwento mo lang mare kahit tinatamad ka, babasahin ko lahat ng sasabihin mo at ng makapag-advance ako sa story mo.  :D hmm tingin ko? Oo. mas matigas pa yung boypren ko sa kanya pero bumait naman e.  ;D yakang yaka sya ni Aiden. O0

Oo nga mare eh. pinipilit ko talaga maovercome pero nawawala talaga ako sa concentration pag may kahit isa lang na maka-eye-to-eye ako sa audience. like errr, inaabsorb nya ideas ko. parang ganun ang feeling. tss.  :-\ wahaha. talagang dinadaan nalang sa pagandahan noh?  :D maisubukan nga yan minsan.  ;D
PAGE for MY STORIES
NB
KARMA
Wherever You Are
Dead Stars

~goddess of LOVE~
[OFFICIALLY BACK!]
<3 <3 <3

ImNotaChick

  • jellybean
  • **
  • Posts: 207
  • Karma: +52/-27
  • TeenTalker
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #27 on: July 14, 2011, 12:47:51 pm »
Quote
@ Keeeeeeev: AYYYYY! Andito ka na rin. Touch ako. Thankyou sooooo much.
The school stuffs noh? Tska `yung sa meaning nung highschool. Hahaha. Ganun kasi nakikita ko sa mundo ng kalandian sa school.

Yung movie mismo mo, mars? Hindi ko pa napapanuod talaga yun e. Ay hindi. Irvington ako e. Pinaka-Oa na school dahil todo sa reporting. :/ Ganon. IKAW NA MAGANDA SIGE. Yakapin mo kagandahan mo. Paghihintayin pa kita lalo. Hahahaha JOKE! Love you bakla... Baka bukas. Unsure pa kami ni, `bal e. Parehas nitatamad mag type.Hhaha.

Asus. Touch ka dyan ?!  ::)
May I LOVE YOU pa talaga Kaye  ::)
Nasusuka ako habang binabasa ko to' .....
[kidding :D]
What do you mean OA sa reporting ??
Ako Roosevelt naman  ;)
[share lang]
So, talagang ang tagal ng update  >:( >:(
Haysus !
Oily na yung feslak ko sa kakahintay  ;D

swelling eyes

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 931
  • Karma: +120/-14
  • Twinkle Twinkle little star! 。◕‿◕。
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #28 on: July 15, 2011, 06:01:38 pm »
Sarap sipain nitong si Van! Mukhang may ibang mundo na weird na ewan. Pero feeling ko, I'll love him here eventually. Papable ba siya, 'teh? ::) Tsk! PDA much. Galit ako sa mga PDA eh! 'Yung mga HH sa public! Hugs! Tsk. Hindi ko kasi magawa sa school kasi takot ako sa Guidance. ;D ;D

HAHAHAHHA! Taga planet A to Z 'yan, girl ::) Mas maweweirdohan ka pa sa next chapter :P Siya si Jeo Cheng ditey. Hahaha. Siguro mamahalin niyo, pero ako nababaklaan ako e. HAHAHA! Pero basta. Hindi ako magsasalita ng tapo ::) Tama lang matakot. Pag wala, nako. Ang mga guidance couselor diyan parang mga insecticide. Hahaha. Hinding hindi ka tatantanan.

pasenxa sa late reply mare.
nagtriple update kasi ako ngayon at nababad pa ako sa phone ko ng 1 hour. hehe.

ay naman! para namang hindi mo alam gano ka kalakas sakin mare.  :D
haha. kwento mo lang mare kahit tinatamad ka, babasahin ko lahat ng sasabihin mo at ng makapag-advance ako sa story mo.  :D hmm tingin ko? Oo. mas matigas pa yung boypren ko sa kanya pero bumait naman e.  ;D yakang yaka sya ni Aiden. O0

Oo nga mare eh. pinipilit ko talaga maovercome pero nawawala talaga ako sa concentration pag may kahit isa lang na maka-eye-to-eye ako sa audience. like errr, inaabsorb nya ideas ko. parang ganun ang feeling. tss.  :-\ wahaha. talagang dinadaan nalang sa pagandahan noh?  :D maisubukan nga yan minsan.  ;D

Ako nga late rin Mare, Wala yun hahaha!
OOOOH~ Telebabads! HAHAHA. Gusto ko pag nagtetelebabad, sa landline parin. Sawa na 'ko sa CP e. May pinagkaiba? Hahahaha.
Nililinlang mo 'ko, cupid! Ikwento ka dyan! Edi nawalan ng thrill and thread mill ng buhay nila dito?! Hahahaha! SPOILER! Wait mo nalang mare. :P Mag update ako tonight.
YIIIIIIE! Napaamo nanaman ng kumare ko ang isang Lion! :"> KINIKILIG AKO! HAHAAHAH
INAABSORBBBBB! HAHAHA. Ano kryptonite mare? Nako. May ganyan talaga mare. Ako sampunglibong deepbreath bago magreport para hindi mahimatay. Hahah. Ako pa naman si Utal kasi pag nasa harap ng marami. ubukan mo mare. Mas madaling sabihin na mas maganda ka sakanila sa isip ng seryoso kesa sa malakasang, kailangan pa-joke kung ayaw mong mag- "WEEEEH?" Sila sayo. HAHAHAHAH.

Asus. Touch ka dyan ?!  ::)
May I LOVE YOU pa talaga Kaye  ::)
Nasusuka ako habang binabasa ko to' .....
[kidding :D]
What do you mean OA sa reporting ??
Ako Roosevelt naman  ;)
[share lang]
So, talagang ang tagal ng update  >:( >:(
Haysus !
Oily na yung feslak ko sa kakahintay  ;D

Masamang ma-touch! Palibhasa kulang ka sa puso! HAHAHAHAHA
HANG SAMA MO! Buti nga I love you lang e! Pano kung may kiss pa? Edi tibo na 'ko non? HAHAHA.
Every year kasi may reporting sa school namin. Isa-isa. depende sa year mo. Yun na yung parang big project ng isang estudyante. Hindi pa nga lang kasama finals. T_T Nangingilid ang luha ko bago magreport last march. Hahaha. Kamusta naman sa Roosevelt, mare?
Edi pagprituhan natin ng egg! Scramble o sunny side up? HAHAHA! JK! Don't worry maya-maya lang update na 'ko! (:
BABALIK AKO MAMAYA PARA MAKACOPE UP ULIT! MISS YOU GUYS! ツ

cupiD_Love469

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 914
  • Karma: +93/-3
  • ~eros469~
Re: Pseudo Baby. - 1 is up (: likod-to-likod w/ Have what I had by Pi.
« Reply #29 on: July 15, 2011, 06:28:59 pm »
WAHAHA. palagay mo mare, may pinagkaiba ba ang CP at landline?  :D kaloka rin trip mo minsan mare! ikaw na talaga si unpredictable. haha.  :P :P :P

haha. nahuli ako dun ahh. haha. hindi kita nililinlang mare. nagbabakasakali leng.  :D spoiler? wag na! UPDATE NA! update na gusto ko at sinabi na ngang may update ka kaya kahit lowbatt ako, SANA MAABOTAN ko yang update mo.  :D

akalain mo mapaamo ng santik ang isang Lion. lels. lumalanding santik, imagine mo yun? like 'ewwwww'. haha. sagwa ng naisip ko. lmao.

buti ka pa't nadadala ng sampung libong deep breath mare. ako kasi hindi nadadala e. nakakahiya talaga, grabe. nayuyog'yog yung hawak ko'ng hand out pag nagbabasa ako sa harap.  ;D wag na nga lang, hindi ko na susubukan at baka mapahiya ako.  :D
PAGE for MY STORIES
NB
KARMA
Wherever You Are
Dead Stars

~goddess of LOVE~
[OFFICIALLY BACK!]
<3 <3 <3

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website