Teentalk

Author Topic: The Last Resort: Escape - DL Link on pg 1 :))  (Read 3023 times)

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
The Last Resort: Escape - DL Link on pg 1 :))
« on: July 10, 2011, 12:08:10 pm »
THE LAST RESORT: ESCAPE





Szazril Pierre ‘Zap’ Madrigal
Aria Xianne ‘Aianne’ Alvarez
Rhienz Jason ‘Rain’ Rivera
Ian 'Ian' Romualdo
Lois Dominique ‘Niq’ Arqueza
Dane Alexa ‘Lex’ Romero








Do you believe that there are no accidents in life? Everything happens for a reason..
Every people we meet will have a role in our lives be it small or big.
Some will hurt and make us cry to become stronger. Some will simply inspire
and love us to make us happy, whole, complete.
And some will teach us lessons and help us be a better person we can be.


THIS IS A STORY ABOUT LOVE











The Beginning
History
Ever Ending Misery


Last Cry and Laughter
A New Beginning
Stop and Steal the Night
The Only Love, His everything


Right Where You Want Me
Eccentric
Shut Up and Drive
Obscure Obsession
Remember me?
The Lies And Everything In Between


ESCAPE-ing The Fate



Quote
This story is based on Waiting for Forever.
Konti lang yung scenes and lines na kinuha ko from the movie
(Mostly yung fave parts ko, of course ang pangit naman kung buong yun.).
 This is never meant to be posted or s/t like that pero dahil mapilit yung EPAL kong kapatid sige ittry ko ULI, this is just made to help
me clear my head so that I could sleep every night without worries
or without any ideas popping into my head.  ;D


P.SSo I edited this thing again. So uhh...
« Last Edit: September 18, 2011, 01:45:16 pm by imme »
Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

DoubleHearted

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 15
  • Karma: +2/-0
  • BEST EMBRACE THE SUCK
Re: The Last Resort: Escape --- Chap01 ~ Pahiram po ng readers ;D
« Reply #1 on: July 10, 2011, 04:19:17 pm »
At dahil ako ang EPAL mong kapatid susupportahan ko to  8)

I SOLEMNLY SWEAR THAT I AM UP TO NO GOOD

DoubleHearted

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 15
  • Karma: +2/-0
  • BEST EMBRACE THE SUCK
Re: The Last Resort: Escape --- Chap01 ~ Pahiram po ng readers ;D
« Reply #2 on: July 10, 2011, 04:36:35 pm »
Wag daw akong magcomment dito, like FYL i have my own account ::)

Next chappie na, wala pang spine yun kwento e  :P

I SOLEMNLY SWEAR THAT I AM UP TO NO GOOD

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
Re: The Last Resort: Escape --- Chap01 ~ Pahiram po ng readers ;D
« Reply #3 on: July 10, 2011, 06:49:28 pm »
Quote
PWEDE BANG LAGYAN NG PROLOGUE?
PAHABOL LANG, TEKA.. PROLOGUE NA BA YUNG NASA TAAS?  ??? :D

Papakamakata lang ang ale 8)
Sorry naman mga ate mga kuya, bago sakin ang 'PROLOGUE'
kaya.. ;D



Prologue




Kahit mas okay na ako
kung nasaan man ako ngayon,
pipiliin ko pa ring bumalik kung nasaan ka
dahil mas mahirap pag wala ka.

Inaway kita dati
Dahil ikaw lang ang nagawang di
ako bigyan ng pansin.

Lagi kitang inaasar
dahil pag hindi, di ko na alam gagawing
approach para kausapin mo ako.

Kapag naaasar ka, natutuwa ako.
Di dahil masaya ako pag galit ka.
Natutuwa ako kasi mas tatagal
pa tayong mag-uusap kahit asaran man yun.

Ngayon, eepal na naman ako sa buhay mo.
Kasi gusto kong maging parte uli nito.
Kahit di mo ako tanggapin
ipipilit ko pa rin magakaron ng
character uli sa buhay mo.

Ngayon magiging glue o bubblegum
na ako na nakadikit sa sapatos mo.
laging nakasunod sayo,
makilala mo pa kaya ako?




Umalis ka sa buhay ko,
sobreng blank lang ang iniwan mo.
Mas okay na rin to
Kesa naman palagi kong maalala
na nakikipag-away lang ako sayo.

Naiinis ako pag nandyan ka,
Bigla-bigla ka na lang mang-aasar
kahit nanahimik lang ako.

Kahit nasan ako andun ka,
ano bang trip mo sa buhay?
Mas natutuwa ka’t mas lalong nang-aasar
’pag nagagalit na ako
kaya lagi na lang
tayong nagsasakitan,

At ngayon nalimutan na kita.
Wala ng isang lokong
 nag-eexist sa mundo ko,
Para lang uratin ako.

Pero meron namang pumalit mas
matindi pa ata sayo..


                                           _______________________________


Comments? Alam ko meron nyan, penge ;D ;D
Pretty Please :-[

Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

DoubleHearted

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 15
  • Karma: +2/-0
  • BEST EMBRACE THE SUCK
Re: The Last Resort: Escape --- EDiTED :D Me Prologue na :D~ readers?
« Reply #4 on: July 11, 2011, 02:15:12 pm »
LEWLS. I can't believe you actually wrote something like this.. I just can't  ::)

I SOLEMNLY SWEAR THAT I AM UP TO NO GOOD

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
Re: The Last Resort: Escape --- EDiTED :D Me Prologue na :D~ readers?
« Reply #5 on: July 11, 2011, 04:06:28 pm »
Wow DOublehearted. :o Just WOW.

I can't believe you just said that.  :'( you're the only reason why this is here. you're the one who suggested that I should post this online -_-
I didn't want to but you insisted and now that it's here?  :-\

Yeah whatever.  :-[

Oh well.
Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
Re: The Last Resort: Escape --- EDiTED :D Me Prologue na :D~ readers?
« Reply #6 on: July 11, 2011, 05:22:50 pm »
The Beginning



   “Meeeeeee! Wag po. Ayoko po doon.”  Umiiyak na sabi ko habang hinihila ang laylayan ng bestida ni Mama. Pero di nya ako pinapansin.


   “Deeeeeee!” si Papa naman ang binalingan ko “sabihin nyo po kay Mommy wag ako ipadala doon. Sige na po” umiiyak na pakiusap ko sa kanya. Kumapit na rin ako sa binti nilang dalawa. “Sige na po Mee wag po. Di na po ako mangungulit na sumama sa trip nyo sa Europe ngayong bakasyon. Magbe-behave na po ako dito sa bahay buong summer. Please po” sumigok-sigok na sabi ko. “Di na rin po ako hihingi ng pasalubong. Sige na po.”
:'(


   “Anak.” Nahihirapan na simula ng nanay ko. Halos din a sya makatingin sa akin habang nagsasalita. “Gusto ng lola mo na dun ka sa kanya tuwing bakasyon.” Tinanggal nya yung pagkakakpit ko sa binti nya at sinabi kay Papa na si Papa na ang kumausap sa akin dahil baka di na nya kayanin. Lumabas si Mama.


   “Aianne baby, don’t do this please? Nahihirapan na ang Mommy mo pati ako anak.” Lumuhod si Papa para maging kapantay nya ako. Nakikita ko sa mukha ni Papa na parang nahihirapan na rin sya. “You know that we don’t want to leave you right? But… but baby, listen. Listen to me.” Tinaas nya yung chin ko kasi nakayulo na ako habang umiiyak. “as much as we want to bring you anywhere we go alam mo ang usapan namin ng Lola mo. Isa pa nami-miss ka na nya. Don’t you miss your Granny?”


   “No I don’t!” :-\


   “Aianne, don’t be like that. She’s your grandmother and please baby don’t cry. Stop crying. We’re not punishing you.”


   “Pero parusa po na nandoon ako dee. Ayoko po doon.” Biglang tumigas yung anyo ni Papa pero kita ko pa rin sa mata nya yung awa habang nagpupunas ako ng luha at sipon.


   “Aria Xianne. You are staying with your grandmother this summer and that is final.”


   Di ako makapaniwala sa sinabi nya. “But… Dad you can’t”
:'(


   “Yes I can. Sige na Aria find Yaya Mina malelate na kami ng Mommy mo sa flight namin”


   “But Dad--” :'(


   “Marianne? Marianne?” biglang lumitaw si Mama sa pintuan at tumingin sa amin. “Let’s go”
   

Lumapit si Mommy sa akin at sinabi. “Be mature na iha ha? Be a good girl habang na kay Lola. Bibilhan ka namin ng maraming bag at shoes pagbalik.”



   “Ako Aianne dress para sayo. Ano okay na ba?” sabi ni Papa na parang nakikiusap na pumayag na ako pumunta ke Lola. Lumambot uli yung expression nya.


   “I’ll try Dee.” Matapos nila akong I hug at I-kiss e umalis na sila. Tiningnan ko lang ang paalis nilang kotse. Ng makalampas sila sa gate biglang nag-ring ang phone ko.


*RING.RING*


   “Hello?”


   “Aianne anak?”


   “O Mee bakit po? May problema ba?” ???


   “Aianne di ka namin iniwanan ng allowance mo buong bakasyon kasi sabi ng Lola Brenda mo sya na ang magbibigay sayo ha?”


   “Ha? MEEEEE! Bakit kayo pumayag?” :'( Naiiyak kong sabi.



   “Anak” narinig  kong sabi ng Papa ko. Pinasa na ng Mama ko ang telepono dahil pag naririnig nya akong umiyak e bumigay na sya. Si Papa  kasi e medyo matigas at medyo natitiis ako. “Ang Lola Brenda mo na ang bahalang magbigay sayo ng allowance. At wag ka ng magreklamo dahil di ka naman doon magugutom. O sige na baby. Buhbye na ha? Love you.”



   “Love you too Dad.”  :-\ Malungkot kong sabi.


   “O don’t be sad. 2 weeks lang naman kami dun. And diba Dad promised to buy you dresses?”

   “Yes Dad.” Pilit kong pinasigla ang boses ko.


   “That’s my girl. O sige na baby magchecheck-in na kami ng Mommy mo. I love you.”


   “I love you Honey” narinig kong sabi ni Mommy sa background at naputol na ang linya.


   Gusto ko na namang umiyak. Ayaw naayaw ko doon kay Lola. Buong summer na naman
ako nandoon.



   “Aianne, nakahanda na yung kotseng maghahatid sayo dun sa hasyenda ng Lola mo” sigaw ni Yaya Mina mula sa taas ng hagdan habang binababa ang  mga bagahe ko.


   “Yaya Mina, ayaw ko po doon. Alam nyo naman po yun.”


   “Ay anak di naman pwede yun. Aba kung gusto mo samahan na lang kita doon buong summer. Ano?”


   “Kung pwede nga lang  po Yaya e, why not? Kaya lang hindi.” :-\





                                             ____________________________


Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
Re: The Last Resort: Escape --- Chap 1&2 give this one a shot?
« Reply #7 on: July 11, 2011, 06:24:27 pm »
HISTORY


2.1

   Makikita for a nine year old na mas matangkad ako kesa pangkaraniwang bata. It said it’s in the genes. Both my parents are tall. Siguro nasa lahi na rin nila. My Dad is a half blooded Filipino and some Caucasian and Irish. My Mom is a half Filipina and some Latina and some Chinese. Weird combination right? And they’re both good-looking. And me? I’m an ugly duckling.


   But Mom said that I would grew up just like her and Dad. I’m gonna grow up as a fine woman but I don’t think that’ll come true. But I just wish I would be just like them. Dad is my idol, my hero.


   I’m at my Lola’s house right now. Watching Basketball. Sa mura kong edad eto lang ata ang pinaka natatandaan kong itinuro sa akin ng ama ko. Lagi kaming magkasama. Pati nga minsan mannerisms nya e ginagaya ko na. Na tuwing napapansin ng Lola ko ay pinupuna nya.


   Tuwing nanonood si Dad ng basketball for entertainment pagka galing nya sa office o kaya naman sa free time nya, sinasama nya akong manood. Pag nanonood ng basketball ginagaya ko ang Dad ko manood intense na intense at pag naka shoot ang fave team o player e sumisigaw o tumatayo. And Lola hates it, but don’t get me wrong she doesn’t hate my Dad it’s just that hindi yun bagay sa akin. She’s scared that I would grow up as a tomboy.


   Kaya gusto nya sana na sa kanya na ako tumira pero my parents insisted and yun na nga ang bargain na dapat tuwing summer nandito ako. Na pinakayaw ko naman dahil ayaw ko sa pamamalakad ni Lola dito. Nakatutok pa rin ang mata ko sa malaking screen nasa harap ko ngayon.


   Dad taught me the rules and all the things that I needed to know about basketball I even have my own team. My dad’s Lakers and I’m a Bulls’ fan. And even if I’m just nine I already have a crush and that’s Derrick Rose.


   It’s already game 3 and eto nakahiga ako sa sofa na nasa kwarto ni Lola. Ayaw kasi nyang palagyan ng cable yung TV ko sa kwarto  ko dito sa bahay nya. Mapapansin na yung kawarto ko lang ang walang cable. Alam ko kung bakit nya di pinalagyan ang di ko lang maintindihan kung bakit nya yun ginawa.


   Lagot ako pag nahuli ako ng Lola ko na nandito sa kwarto nya at nakahiga at worst nanonood ng basketball. Ayaw na ayaw nya na eto ang pinapanood dahil ako ay isa daw babae at ang babae hindi daw eto ang pinapanood at dapat nagbabasa lang ako ng aklat, kaya yung kwarto ko dito? NIGHTMARE.


Dahil parang library. Yung wall ko puro shelf imbes na wall paper at pintura ang Makita. Ang wala lang shelf ay ang mga pintuan. Di rin nya pinatawad ang banyo dahil nilagyan din nya. Pinuno din nya ng children’s book at fairy tales ang DVD rack ko sa kwarto. Kaya di ko talaga matiis na magtagal sa kwarto ko dito sa hasyenda ni Lola.[



   “Aria Xianne!” malakas na tawag ni Lola naglalakad sa hallway.


   Kahit malakas ang volume ng TV e maririnig mo ang boses ni Lola pag sumisigaw na sya sa hallway ng second floor ng mansion nya.


   “Aria!”  >:( At yan ang isa pang ayaw ko kay Lola bukod sa pamamalakad nya ay yang pagtawag nya sa pangalan ko ng buo o kaya naman yang first name ko, meron namang Aianne. Pangalan ko galing sa Lolo ko sa side ni Papa which is Arias (A/N: pahiram ng apelido ni Sir. TROLOLOL. Sana di to mabasa ng cmates ko. LOL Lagot talaga.) and my second name naman kinuha naman sa side ni Mama na ancestor ko atang Chinese at yung dobleng N e kinuha naman sa name ni Mama na Marianne.

   Bumukas ang pinto at bigla akong napatayo. “Granny!”  :o kinapa ko ang remote sa likod ko para patayin pero di ko mahanap.


   “Nandito ka lang palang bata ka, kanina pa kita sinabihan na bumaba na dahil yung pinapagawa ko sayo e di mo pa nasisimulan at tanghali na”


   “Ayoko po Granny. Sinabi ko na po sa inyo na ayoko po magdilig ng garden at ayusin yung lupa at mga halaman nyo. Tsaka po may pinapanood ako Gran.”  >:(


    See? Who would want her as a Grandmother? Her only grandchild working in her garden? At di biro ang laki ng hardin ni Lola.


   “Ayan ka naman Aria, basketball na naman. E diba sinabi ko na sayong tigilan mo na yang panonood mo ng mga lalaking palabas ha?”


   “Gran, pwede naman pong Aianne ang itawag nyo sa akin bakit naman Aria pa”  >:( nakasimangot kung sagot.


   “Kita mo na, pati pagtawag sayo gusto mo pang lalaki.” Kinuha ni Lola ang remote sa ibabaw ng side table at pinatay ang TV. Doon ko pala naiwan.


   “Di naman po Lola yun panlalaki e, kasi may ‘e’ sa dulo at tsaka yun naman po yung tawag sakin Mommy at Daddy”

   “Ah wag mo kong turuan, yun ang gusto kong itawag sayo. Kaisa-isa kitang apo Aria magiging tomboy ka pa ba ha?”

   “Granny naman. Babae po ako! Tsaka bakit nyo naman po pinatay yung TV?!” :'( >:( nagsimula akong mag tantrums.


   “Ilang beses ko bang sasabihin sayong panlalaki yun. At hala sige lumabas ka na at gawin yung pinapagawa ko. Hindi kita bibigyan ng merienda sige”  :P


   “Granny!  :'( :'(. Buksan nyo yung TV! Ayoko bumaba! Isusumbong kita kela Mama at Papa”  >:(


   “Ah nasa pamamahay kita Aria kaya sundin mo na ang Lola mo sige na. Baba na.”


   “Ayoko po.”  >:( :P Ni cross ko ang kamay ko sa dibdib ko habang tumutulo ang luha. Di ako natatakot na di nya ko bigyan. Takot nga yan pag nagugutom ako e. ang pinakakinatatakutan ko ay--



   “Sige hindi ka makakanood ng TV buong summer” sabi ni Lola sa pinal na boses. Yan, yan ang kinatatakot ko.



   “E gusto ko lang naman pong mapanood ang laro ng Mavericks at Heat e. 1 minute na lang ang natitira Granny!”


   “Bumaba ka na Aria”


   Nagmatigas ako kay Lola at di nagpatalo sa huli nagparaya sya. Nung binuksan nya yung TV e nanalo na yung Mavericks. Sobrang disappointed at annoyed ako dahil di ko man lang napanood kung paano sila nanalo. Kaya mabbibigat ang hakbang na bumaba ako papuntang hardin.  Di ako lumingon kahit tinatawag ako ni Lola.


   Galit na galit ako habang binubuksan yung sprinklers  at kinuha ang hose para madiligan yung mga ibang bulaklak na di abot nung sprinklers. Nang matapos ko yun kumuha naman ako yung isa pang pandilig dahil gusto ni Lola e extra careful pag dinidligan yung orchids nya.


   Yung Greenhouse lang yung inaalagaan ko dito at yung hardin naman na nasa labas yun yung sa hardinero ni Lola. Aba dapat lang no. Ako ata ang apo.


   Naiiyak pa rin ako sa sobrang frustrations dahil hindi ko nga napanood ang last minute ng game kanina. Habang nagbubungkal ng lupa. Yes may mga  nakatanim na halaman si Lola na wala sa paso. At kailangan ko ang mga yun na i-cultivate. May puwang na na isang halaman kaya naisipan kong kumuha sa hardin sa labas ng halamang ipapalit doon. Pinunasan ko ng kamay ko ang luha ko. Hindi ko napanasin na marumi nga pala ang palad ko.


   Sa sobrang inis kanina nakalimutan ko ng magsuot ng gloves. Pagdating ko sa hardin sa harap ng bahay e nagbungkal agad ako.



   “Hoy madungis at uhuging bata!”


                        _____________________________________________

At dahil nag exceed na sya, sa baba na ang 2.2  :-[
« Last Edit: July 11, 2011, 06:42:24 pm by imme »
Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
Re: The Last Resort: Escape --- EDiTED :D Me Prologue na :D~ readers?
« Reply #8 on: July 11, 2011, 06:28:19 pm »
2.2


??? Mula sa pagbubungkal naagaw yung pansin ko nung batang lalaking sumigaw. Tiningnan ko lang sya. Medyo Malabo kasi nga naiiyak pa rin ako. Pero di ako nagsalita.


   “Bago ka dito? Kaninong anak ka ha?” sigaw uli nung bata. Di ako sumagot, nanatiling nakatingin pa rin sa batang nakaupo sa terrace sa harap ng bahay ni Lola at umiinom ng juice at kumakain ng chocolate cake. Mukha na syang six o seven years old. Pero parang five kasi ang liit talaga. Bansot! Pero kung makasigaw..


   “Bingi ka ba? Bat di ka sumasagot ha? Anak ka ng katulong dito? Bakit ngayon lang kita nakita?”  >:( Tumayo yung batang bansot at tumuntong sa upuan.


    >:( “Hindi--” di ko pa natapos ang sasabihin ko ng bigla sya uli nagsalita.


   “Hindi naman pala e. O sige ikuha mo nga ako doon ng cake pa. Gutom pa ako e”


   “Ayoko! Di ako utusan dito  >:( ” matigas kong sabi at biglang napatayo dahil naiinis na ako sa bansot na to na kung makautos akala mo kung sino.


   “Isusumbong kita kay Granny B  >:(” sabi nya.


   Ano daw? :o  Granny B? Yun ang tawag nya sa Lola ko? Ang kapal.  >:(


   “Granny! Granny B?” :o >:( nagsimula syang sumigaw. At sa takot na baka mapagalitan ako lalo ni Lola e tinapon ko ang shovel kong maliit na pang bungkal at tinakbo ang pagitan namin nung lalaking makapal.


   “Anong ginagawa mo ha?”  :o bigla syang tumigil kakasigaw at lumaki ang mata na tumingin sa akin habang palapit ako sa kanya.


   “Papatahimikin lang naman kita bansot!”  8) sabi ko.


   “Granny!” :(  :o bigla kong tinakpan ang bibig nya. Di ko alintana kong marumi ba ang kamay ko. Nagpupumilit syang tanggalin ang kamay ko. Madali lang naman takpan ang bibig nya dahil napakaliit nya. Midget? HAHA


“Pwe! Pwe! Ano ba? May nakain akong lupa! Pwe!” patuloy pa rin sa pagtanggal ng mga lupa yung bansot mula sa bibig nya. “Isusumbong kita kay Granny B! Patatalsikin kita sa trabaho!”


   “Ikaw bansot! Ano ba ang problema at sumisigaw ka dyan ha?!” >:(


   “Sabi ko ikuha mo ako ng cake bat nandito ka? At ang dumi  mo. Nakuha mo pa akong hawakan?”  >:(


   “Wag mo akong mautus-utusan”  >:(


   “At bakit? Anak ka naman ng katulong dito a. Kaya uutusan kita kung kailan ko gusto”.


   “Zap? Hijo anong nangyayari dito?” biglang sumulpot si Lola.


   “Kasi Granny--”


“Wala po” sabay tumakbo  na ako paalis


                                     ______________________

I posted this kasi ewan ko. Siguro magpo-post na nga ako ng finished story ngayon kahit parang walang nagbabasa :D. I tried kasi before pero delete din agad tho may ending na. So I thought why don't you give this one a shot? So yeah, here it is. I dunno if you'll like it (parang hindi) kasi super boring nga nung umpisa. Walang thrill o comedy tulad ng dati but... :P

« Last Edit: July 11, 2011, 06:45:26 pm by imme »
Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

DoubleHearted

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 15
  • Karma: +2/-0
  • BEST EMBRACE THE SUCK
Okay.. Demanding much? Epal pa ?  ;D. Pangalan ng Crush ko yang Zap hurhur ::).

Finally some backbone :P

P.S Ang drama mo.

P.P.S K. You'll thank me someday or.. NOT ;D

I SOLEMNLY SWEAR THAT I AM UP TO NO GOOD

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
EVER ENDING MISERY



3.1




   Kinabukasan after nung incident na yun nandito na naman yung bansot sa bahay ni Lola. Binabantayan ako habang naglilinis at nagdidilig ako ng halaman sa greenhouse. Di ko lang pinapansin kahit na tawa sya ng tawa kapag nadudumihan ang mukha ko pag naglalagay ako ng pataba sa paso.


   “Aaaahhhh. Uod!”


   Narinig kong tumawa yung bansot mula sa gilid ng greenhouse. Siguro sya ang may gawa nun. Tiningnan ko sya ng masama at nagpatuloy na lang sa paglalagay ko ng pataba.


   “Nagustuhan mo ba yung ginawa ko?” ;D narinig kong sigaw ni bansot. Di ko na lang sya pinansin. Di na ata sya nakatiis sa pambabalewala ko sa kanya. Kaya nilapitan nya ako at tinanong uli kung nagustuhan ko ba yun. Nang di ko uli pinansin sinipa na nya yung paso na nilalagyan ko ng pataba.



   Tumayo ako at tinulak sya sa balikat. “Nakakainis ka na! Nakapapansin mo!” >:(


   “Aray ko! Bakit mo tinulak?” >:( ganting tanong nya tapos pilit na inabot ang balikat ko para itulak rin. Umiwas ako kaya di nya ako natulak. “Bakit ka umiwas? Bakit ayaw mo akong itulak ka?” :-[ naiinis na sabi nya. Namumula na yung mata nya na parang iiyak.


   “Bakit ako magpapatulak? ??? Umalis ka na nga!” Hinamapas ko sya. Tapos bigla syang umiyak at hinila ang buhok ko tapos tumakbo paalis. Naiwan akong naiiyak. Bwisit na bansot ang sakit ng anit ko dun a.


   Nang bumalik ako sa loob ng bahay nakita ko si bansot na namumula ang mata. Hula ko kaiiyak pero ngayon masayang masaya na sya habang kumakain ng ice cream at cake. Tapos paglapit ko bigla nyang inipon lahat ng nakahain sa coffee table palapit sa kanya at palayo sa akin.


   “Wala kang pagkain dito. Akin to lahat.” Sabi nya tapos nilagyan nya ng laway lahat ng pagkain na nasa harap nya. Nagalit ako kaya kumuha ako ng platito na may cake at tinapon ko sa mukha nya tapos tumakbo ako papuntang kitchen. Kumuha ako ng pagkain at umakyat na sa kwarto ko. Di ako lumabas hanggang gabi.


At yun ang simula ng aking misery sa mismong teritoryo ng Lola ko. :'(Everyday ng summer ko parang hell. Napakamemorable. Promise. Laging present yung bansot sa bahay ng Lola ko magmula nung' unang beses na makita ko sya. Kulang na lang tumira sa bahay ng Lola ko para lang mambwisit. What’s worse? He freakin’ get away with everything he’d done to me.  Dahil sya ay bata. >:(


   At  nagyon pang-apat na summer na nya akong binubwisit. Tinanong ko kay Lola kung  bakit biglang-bigla e sumulpot yung bansot na yun dito sabi nya apo daw yun  ng kapitbahay ni Lola. Yung hasyenderong may-ari ng katabing hasyenda ng Lola ko. At sa kamalas-malasan e dito rin sila nagbabakasyon tuwing summer. >:(


   “Nakakainis ka na talagang bansot kaaaaaa” >:( tumayo ako mul sa pagdidilig ko sa bandang unahan ng greenhouse. At sinuntok ko sya. Sinutok-suntok ko sya.


   “Aray! Para kang lalaki. Tomboy ka no?” :o sabi nya habang sinasangga yung mga suntok ko.


   “Ako tomboy?”  :otumigil ako sa kakasuntok sa kanya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa lips. “O ano? Sinong tomboy ngayon?” ::) Iniwan ko syang nakatulala. Habang pabalik sa loob ng bahay pinupunasan ko yung lips ko. Yaaaaaaaak!


   “Hoy Axie yung flower na nasa loob ng greenhouse sa may bandang gitna nasira na naman. Lagot ka kay Granny pag nakita nya yun” biglang sumulpot yung bansot habang nagmemeryenda ako at nanonood ako ng basketball.


   Alam ko namang sya na naman yung bumunot nung halaman na yun e. Ang sarap bayuhin! >:(


   At meron na syang nickname para sa akin. “Axie” napakagawa-gawa. Axie kinuha nya yung A sa Aria ko sa yung xie sa Xianne ko. Nung una achi tawag nya sa akin. Binatukan ko at sinusuntok pag tinatawag akong achi. Asa naman. Maging magkapatid kami? No way. :o



   “Alam mo Midge kung ayaw mong mangamatis yang toot mo e tigilan mo ako” 8) nginisian ko sya. At ako din syempre may tawag na rin sa kanya. Midge from midget.


   “Isusumbong kita kay Mommy!’


   “Sige try mo. Huhubarin ko talaga yang palda mo. Haha. Kadiri! Ewww.” :D


   “Granny! Mommy!"


   Napatayo akong bigla. “Hoy Midge tumigil ka. Ang tanda mo na. tinatawag mo pa rin sila Granny. God! Kadiri naman talaga e. tingnan mo 11 years old ka na nagpatuli. Haha.” :P


   “O e ano naman ngayon ha Axie?” :-[ (Nickname ko e pinu pronounce nya yan as A-Shee malapit pa rin sa word na achi)


   “Wala naman. Alam mo Midge?”


   “Ano? Naga-gwapuhan ka na ba sa akin?”  ???


   “Haha. Darn Midget! Mas bagay pa nga sayo ang skirt kesa sakin tapos pagbibintangan ko akong may gusto sayo?”


   “Anong ibig mong sabihin?”


   “Alam mo Midge mas bagay pala sayo ang maikling skirt I think. You want me to lend you some? Yung mas fit at mas maikli kesa dyan sa suot mo?” 8) Nginisian ko sya.


   “Humanda ka sa akin Axie-pot. Pasalamat ka bagong tuli ako” :-\


   “Haha edi thank you Midget. Tseh! Makaalis na nga.” At nagmartsa ako palabas ng komedor. Aba akala nya takot ako sa kanya?


   Pero swerte ko talaga at bagong tuli yung bansot n a un dahil di nya ako masyadong mabibwisit. Naglakad ako palabas papuntang greenhouse pero dun ako sa harap dumaan. Pagdating ko doon may nakita akong kausap si Lola lalaki at gwapo.  :D Nilapitan ko sila at nalaman kong sinusundo pala nya si bansot sa amin dahil nga sa kondisyon nya.



   “Tara sasamahan na kita sa kanya Kuya Rain” kinikilig kong sabi. Siguro nasa 17 na tong si Kuya Rain dahil ewan ko mukha na syang matured.. At pakiramdam ko crush ko na to.


   “Ah sige Aria” nakangiti syang sumagot sa akin.


   “Aianne na lang Kuya Rain”


   “Ha? Okay sige ba. Sorry ha? Napakakulit talaga ng pinsan kong yun. Sana di kayo
naabala”



   “haH? Sya ba? Hindi okay lang ang bait bait nga nya e. Tsaka lagi talaga yun dito.” :D Ang plastic ko dyos ko! Sana naman di ako masunog!


   “Oo nga e. Kanina pinipigilan naming pumunta dito kasi nga pangatlong araw pa lang nya to mula nang ma-circumcised pero di nagpapigil sabi nya kailangan nya raw talagang pumunta dito kahit anong mangyari.” ???


   “Ah siguro na-miss nya lang akong asarin o kaya naman may naiwan syang laruan dito.” 8) Nagpapa-cute kong sabi.


   “Kuya! Bakit ka nandito?” biglang nagsalita si Midget.

   “Hoy Mid—I mean bansot. Ughh ano na nga uling pangalan mo?” ???

   “Huh? Di mo ako kilala?” :o tiningnan ako ng mag pinsan. Lagot! E sa hindi ko naman talaga alam e.

   “Of course that was a joke. How could I ever forget your name?” :D

   “Oo nga naman Zap. Lagi ka dito pano naman nya malilimutan pangalan mo?” ???

   “Kuya Rain has a point ZAP” i-nemphasize ko yung Zap.

   “Halika na Zap pinapasundo ka na ng Mommy at Daddy mo. Nag-aalala sila.”

   “Ayoko Kuya I’m old enough. I could find my way home”

   “Wag ng matigas ang ulo Zap”

   “Sabing ayoko Kuya e.” >:( Nakikita kong naiinis na talaga si Zap at ayoko i-blow ang pag-asa na makita uli tong si Crush ko kaya…

   “Ah Sige Kuya Rain ako na lang maghahatid kay Zap pauwi mamaya.”

   “Ha? Sigurado ka ba Aianne?”

   “Oo naman po tsaka may ibibigay pa kasi ako sa kanya e.”


   “O sige. Hoy Zap wag kang makulit dito ha? O sige alis na ko”

   “Paano ako makakakulit e masakit nga to o?” ???

   Tumawa lang si Kuya Rain habang lumalakad palabas ng bahay. Hinatid pa nga namin sya palabas ng mansion. Nang makalayo si Kuya Rain e inulan ko na ng tanong si bansot. :D


   “Pwede ba Axie-pot isa-isa lang ang tanong?” sabi nya na naiinis.

   “Wag mo akong tawagin ng ganyan bansot! Para konting information lang about Kuya Rain di mo pa mai-share sa akin?” :-[

   “E sa ayoko e. Bakit ba ha? May crush ka kay Kuya no?”

   “Hoy wala no. Wag ka ngang feeling!”

   “Uuuy si Axie uhugin meron ng crush!”

   “Wag kang maingay bansot! E ano naman kung may crush ako kay Kuya Rain?”


   “Asa ka naman magustuhan ka nun!  May maganda na yung girlfriend no.”

   “Talaga?” :-[ na-disappoint ako bigla.

   “Sus naniwala naman agad!” sabi nyang tatawa-tawa.

   “Gusto mo talagang sipain ko yan no?” >:( nginuso ko yung totoot nya.

   “Sige mas lalo kung di sasagutin yang mga tanong mo.” :P

   “Uuuy naman joke ko lang yun Midge. To naman di mabiro. Di ka na nasanay sa akin.”

   “Ah! Ayoko. Wala ka ng makukuha sa akin kahit na ano.”   

   “Ang yabang mo naman! Umalis ka na nga dito sa bahay namin! Alis!”  >:(tinulak ko sya.

   “Ayoko nga! Di naman sayo to e!” tapos tinulak nya rin ako. hanggang sa nagkapikunan
na kami at sobrang nagtulakan. Nasipa ko na rin sya at nadaplisan ko yung totoot nya.


   “Araaaaaaaaaaaaaay!” tapos bigla syang nag guarding behavior dun sa totoot nya.

   “Hala! Sorry. Sorry na Midge! Bansot di ko sinasadya.” :-[ Nilapitan ko sya at parang di ko alam ang gagawin. Umiiyak na sya habang hawak-hawak nya yung part nay un. “Ikaw naman kasi Midge e. Inasar mo ko”  :-\

   “Wag mo akong hawakan” sabi nya habang namimilipit sa sakit.



   “Tama na. Wag ka ng umiyak. Tumayo ka na. Tara aayusin natin yan” tinayo ko sya at dinala sa kitchen. Kumuha ako ng first aid kit sa may medicine cabinet. “O tara ayusin na natin yan”


   Nung tipong ibaba ko na yung palda nya e. “Wag. Ako na ang gagawa. Dun na ako sa CR.”

    Dahil sa  takot kong mahuli ako ng mga kasambahay at ni Lola sa ginawa ko e dinala ko sya doon sa kwarto ko. Nung una e ayaw pa nya dahil nga aakyat pa kami sa hagdan at masakit nga daw sabi nya. Pero dahil sa pakiusap ko e pumayag na sya. Ang tagal naming narating ang kwarto ko dahil bawat steps e humihiyaw sya. :-X



   Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ko e alangan syang pumasok. Tinanong ko kung bakit pero ang sabi nya e marami raw girly stuff sa loob at baka daw mamatay sya. Hinila ko kaya napilitang pumasok.   

   “Wow! So this is your room”  :oginala nya yung tingin nya sa buong kwarto ko.

   “I thought this room might kill you cuz of girly stuff tapos wow?” ??? naguguluhang tanong ko sa kanya.
   



                                          _______________________________


3.2 is.. nasa baba  :)
« Last Edit: July 14, 2011, 06:15:14 pm by imme »
Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills


3.2





“Yeah cuz I thought it would be full of Barbie dolls and pink stuffs and something like that but this… this is different” ??? ginala nya uli yung mata nya sa buong room ko. “Your walls… it’s all shelves and books and…”


   “Don’t get me wrong pero si Granny may idea ng lahat ng eto and I loathe reading. A LOT. Kaya shoo. Ayun yung space na walang shelf at books e yun ang CR and don’t get too
shocked when you find out that I also have books stored in my bathroom okay?”


   “What? You got--” :o


   “Yeah yeah. Bilisan mo na. Dahil alam kong masakit na yan” nginuso ko na naman yung totoot nya kung saan yung kamay nya e nakapasok na sa loob ng palda at gina-guard young ano nya. Namula sya sa ginawa ko. :D


   Nung makapasok sya sa loob e kinuha ko yung magazine na binili ko bago ako pumunta dito. Featured dun yung favorite player dun. Kahit paulit-ulit kong binabasa yun e di pa rin ako nasasawa. Yun lang ata ang binasa ko na kahit nabasa ko at nasaulo e di ako tinatamad basahin uli. Nasa huling page na ako nung magazine nung lumabas si Zap.


   “How do you feel?”

   Uneasy yung itsura nya. “Masakit. Bumabangga sya sa palda e. It’s not comfortable anymore. Kailangan ko ng mas malambot na tela dito at I dunno.”

   “Ano ba yan bansot? Tss. Baka umaarte ka lang ha? At niloloko mo na naman ako” :-[


   “E masakit naman talaga e. Naging sariwa uli yung sugat”

   “Ha? Anong sinabi mo?” :o Bigla akong kinabahan. “O sige sige. Dyan ka lang midge ha? Don’t move an inch! Ita-try kong humanap ng skirt na malambot ang tela baka makakita ako”



   Natataranta ako habang binuksan ang closet ko. Nilabas ko yung mga dala kong damit. Wala akong nadalang skirt na malambot ang tela puro maong at dresses pero may nakita ako isang dress na malambot ang tela. Yun yung bago kung damit na binili nila Mommy sa akin.. Di ko pa nagagamit. Yung design nun e pwede ng gawing skirt kasiparang may hati sya at yung hati na yun e parang garter style. Ah basta yun na yun. ;D


   “O eto na lang.” Nilapag ko yung dress sa bed ko at naghanap ng scissors.

   Nilapitan nya yung damit. "E bago pa to a?" :o sabi nya habang tinataas.

   “Di kaya. Matagal na yan sa akin no. Nakaraang taon pa. Bakit ka gumalaw? Paano kung mas lumala yan?”

   “E may tag price pa o”

    “Akin na nga yang damit gugupitin ko na. Alangan namang mag dress ka diba? Pero pwede rin  ;D

   “Di mo narinig yung sinabi ko?”

   “Hindi, kaya eto, e susuotin mo dahil…” tapos ko ng gupitin ang dress “O ayan tapos na. Maganda tela nyan” ;)

   “Dapat di mo na ginawa. Pwede naman ako mag robe or tuwalya o kumot na lang pauwi”

   “Wala na e. Sige na suotin mo na yan.”

   “Okay. Tumalikod ka na”

   “At bakit?” ???

   “Magbibihis na ako e. Masyado ng hassle kong babalik pa ko ng loob ng banyo”

   Tumalikod ako at after a while e pinaharap na rin nya ako. “O bagay pala sayo e…” ;D tumingin ako sa may bandang paanan nya. “Yung favorite kong magazine! Bat mo inapakan?!” >:(


   “Ha? Di ko naman sinasadya e.” :-X


   Bigla kong hinablot sa paanan nya. Muntik pa nga syang matumba e. “Sinadya mo no? kasi lam mong favorite ko talaga to?! Nakakainis ka talagang  bansot ka  kahit kailan talaga!” >:( naiiyak ako sa sobrang frustrations!


   “E di ko naman talaga sinasadya e.” :-\

   “Wag ka ng mag sinungaling. Umalis ka na nga!”

   “Pero sabi mo hahatid mo ako?” :-[

   “Kanina yun. Nagtext si Lola umalis sysa kasama nya si Mang Lando. Di na kita mahahatid. Alis!”

    “E paano ako?”

   “Ewan ko! At sa tingin mo hahatid pa kita ngayon ha?” >:(

   “E di ako makakauwi. May kotse pa naman dyan diba?”

   “Palagay mo kaya kong i-drive mag-isa yun?”

   “E paano na si Kuya Rain di mo na makikita?” ???

   “Sige hahatid kita.” Bigla akong napatayo. “Halika na.” :D Hinila ko sya paalis.

   “Aray teka lang. Dahan-dahan.”

        Napahinto ako at napatinign sa kanya. “bakit?” ???

   “Bumabangga pa rin yung tela e. Masakit”

   “ha?”  :o bigla na naman akong inatake ng kaba. “teka lang. Sabi sa akin dati nung kaklase ko yung kanya daw nilagyan nya nung box para di mabangga. Teka hahanap ako.”


   Humanap ako sa buong kwarto ko pati sa banyo wala akong nakita. Kaya napagdesisyunan kong sirain na lang yung  magazine ko at yun ang gawing box.


   “O ano okay na ba? Di na bumabangga?”

   “Sabi ko sayo wag ito ang gamitin mo. Pwede namang cover ng books”

   “Anong gusto mong gawin ko? Magpakahirap na punitin at tupiin yung cover ng books dito e puro hardbound yan lahat. ??? O ano okay na ba?”



   “Oo. Pero diba fave mo yun?”



   “O tara na. Aayusin ko pa yung bike ko.” Bago pumunta sa garahe e kumuha muna ako
ng favorite kong pagkain na di ko pa pinapatikim kay bansot pero this time binigyan ko sya.



   “Binigyan mo ko? Talaga?”

   “Wag kang ma-flatter para yan sa pagtahimik mo sa buong pangyayari ngayong araw na to. Wag na wag mo akong isusumbong ke Granny at ke Tita Criselda at Tito Gerald. Tara na”


   Pagdating sa garaahe inayos ko muna yung bike. Kinabitan ko ng side car. Pero tinanggal ko yung upuan at pinalitan yun ng mga unan. Alam ko namang medyo hirap syang umupo kaya pwede rin syang semi-higa  :D. Nilagay ko yung pinakamalambot naming blanket at unan.


   “Siguro naman pwede na to diba?” Tanong ko kay bansot habang tinitingnan kung ayos na ba yung pagkakalagay ng mga unan at  blanket.

   “Pwede naman tayong maglakad”

   “Nagrereklamo ka? Pwede na yan. Ayokong magpagod maglakad papunta sa inyo no. Mamaya pagdating ko doon pawisan pa akong Makita ni Kuya Rain ayoko nun. Tsaka diba hirap ka pag nakaupo ayan medyo okay na siguro yan kahit pano makakahiga ka.”



   Sumakay na sya at nagsimula na kaming bumyahe papunta sa kanila.  :D. Sobrang bagal ko nga e. Parang dapat naglakad na lang kami dahil baka msaktan sya sa mga lubak sa may bandang labas na ng hasyenda naming yung kalsada papuntang kanila.


   “HAAAAAAAAAAAAAH! Thank God! After 100 years nakarating rin tayo. Ang tanda ko na. Ang sakit ng likod at tuhod ko. Tagal natin bago nakarating e.” 8)


   “Aianne andito na kayo. Kanina pa naming kayo inaantay nila Tita”

   Si Kuya Rain nakangiti akong sinalubong. Sobrang ngiti naman ako na di ko mapigil.

   “Hoy Axie-pot mapunit yang mukha mo kakangiti!” Sabi ni Bansot na nakasimangot.

   “You’re welcome Midge!” :D nakangiti ko pa rin sabi.

   “Mommy! Dad! Lola!” Biglang sigaw ni bansot at hirap na hirap umakyat sa hagdan
paakya para salubungin yung Lola at magulang nya.

   “Aianne thank you anak sa paghatid kay Zap dito sa bahay ha? At nagpagod ka pa talagang mag bike papunta dito at inayos mo pa ata yang bike mo para lang maging komportable si Zap. Thank you talaga ha?” :)

   “Ah yun po ba? Wala po yun. Okay lang po sakin na ihatid si Zap dito”


   “Oo nga naman My kasi andito si Kuya Rain. Diba Axie?” :P

   “Shut up bansot!” 8)

   “Ikaw Zap dapat mag thank you ka kay Aianne hindi yang inaasar mo pa. Tara Aianne pasok ka muna. Meryenda tayo.” In-offer ni Kuya Rain yung kamay nya sa akin. Nanginginig yung kamay ko nung tinanggap ko yung kamay nya.


   Kung ganito ba naman ang treatment na matatanggap ko palagi dito edi kahit araw-arawin ko pa ang paghahatid kay basot dito sa ka nila buong summer e okay lang no.  :D.


   Ang dami kong nakain dahil si Kuya Rain ang nagse-serve ng pagkain sa plato ko. Si Zap naman napakapapansin lahat ng pagakaing nilalagay ni Kuya Rain sa plato ko e kinukuha nya. Tpaos papalitan nya nung pagkaing ayaw ko at sobrang konti pa. >:( Di na ako nakatiis kaya sinipa ko na sya sa shin.


   “Aray! Axie bakit mo ko sinipa?”

   “Ha ako? Sinipa ka? Baka naman nauntog lang yang tuhod mo sa mesa at sinisisi mo sa akin?” :o

   “E sinipa mo naman talaga ako e!”

   “E sa wala nga akong ginagawa dito e!”

   “Sinungaling!”

   “IKAW KAYA DYAN! 8)

   “IKAW!”

   “Magsitigil kayong dalawa. Ayan na naman kayong mga bata kayo. Ikaw Zap wag mo ngang inaasar tong si Aianne kaya kayo laging nag-aaway e.” At yan ang gusto ko sa pamilya ni Zap mahal ako.  ;D. Nag belat ako sa kanya.


                                     --------------------------------------------------------------------------
Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
3.3




   Pagkatapos kumain e niyaya ako ni Kuya Rain na maglaro kami ng PS3. Pumayag naman ako. Inabot na nga ako ng alas-sais ng gabi dun bago ko namalayang gabi na pala. At kami ni Zap? Nag-aaway pa rin. Nag-aagawan kami sa controller. Paano naman kasi epal!  >:( Ako yung niyaya pero sya yung gusto maglaro. Nananakit na nga ang mata ko at naluluha. Yung thumb ko din masakit na. Tagal ko ng di nakakapaglaro e.


   “Gabi na pala Kuya Rain. Sige po aalis na ako. Sa susunod naman uli” Sabi ko habang nag-iinat.

   “Sana bukas uli. Galing mo e”

   “Sus! Tsamaba lang yan ni Axie!”

   “Nagsalita ang magaling. Alam mo ikaw bansot wag ka nang mangarap na matatalo mo ako.  ::) Sige po aalis na ko”

   Nagpaalam na ako sa parents at Lola ni Zap tapos pumunta na sa bike ko. Medyo madilim na kaya medyo mahihirapan akong bumalik sa bahay.

   “Hoy Axie-pot papahatid na kita”

   “Wag na bansot! Ayoko tumanaw ng utang na loob sayo.”

    “Okay edi wag mo. Si Kuya Rain pa naman magda-drive” :P sabi sabay talikod.

   “Midge!” :D deadma. “Hoy Midge san ba yung saskyang gagamiten?” pero tuloy-tuloy pa rin sa pagpasok si bansot at di ako pinapansin. Oh well. Bigla naman ang sulpot ng pinsan nya may dalang susi. Tinulungan ko syang iakyat ang bike ko sa likod ng pick-up truck na gagamiten namin. Nagpasalamat ako nung pagkarating namin sa bahay.

   “Bye Aianne. Ang cute mo talaga. Sige alis na ko”  ;)

   Nakatulala akong napasunod ng tingin kay Kuya Rain. Ano raw? Ako daw ay CUTE? :o Nakangiti pa rin akong pumasok ng bahay hanggang sa humiga ako.

   Habang nakahiga nakangiti pa rin ako at kinikilig habang inaalala yung pagsabi sakin ni Kuya Rain na cute daw ako. Biglang naputol ang pantsya ko ng may kumatok.

   “BAKIIITT?” >:(

   “Axie-pot buksan mo yung pinto me surprise ako sayo.” Ano na naman kaya ang ginagawang bansot na to dito?  ??? Malamang mambibwisit na naman. Akala ko ba di to sumama kanina? Itatanong ko na lang. Kaya kahit labag sa kalooban ko e ginawa ko naman. Pagbukas ko ng pinto may tumambad sakin--


   “AAAHHHH!” Nagtatatakbo ako sa loob ng kwarto habang pinapagpag yung sarili ko at baka nasa akin na yung ahas na hawak ni bansot.


   “AHAHA Axie-pot nakakatawa yung itsura mo o.” ;D tiningnan ko sya ng masama, nakita kong me hawak sya na video camera at sa kabilang kamay nya yung ahas na green.


   Naiiyak na ako sa inis. Kaya—

   “GRANNNNYYYY!” Nataranta naman yung bata at umiyak uli ako. Biglang sumulpot sa likod ni bansot si Kuya Rain at napatigil ako sa pagngawa.


“O Aria anong nagyari sayo?” ??? Naramdaman kong namula bigla yung mukha ko at nakabuka pa yung bibig ko habang mukha akong bruha dun sa taas ng bed ko.


   “S-si Midge kasi” :'( tapos tinuro ko si Midget na mukhang inosente at mukhang walang alam sa pangyayari. Pano nangyari yun? San napunta yung ahas at yung camera? Biglang naningkit yung mata ko.


“Ah Kuya nanaginip ata si Axie-pot eh narining ko syang sumisigaw kanina pa kaya pumunta ako dito.” 8)


“Ganun ba?” Tumingin sakin si Kuya Rain na parang concern.

“Ah oo.” Nakatingin pa rin ako ng masama ke Midge.


“Ah nga pala sinusundo ko lang si Zap, pauwi na kami e. Sige ha? O mag bye ka na rin Zap” Tapos ngumiti sakin si Kuya Rain.

“Ha? A Kuya sandal lang ha? May papakita lang ako kay Zap bago kayo umalis.”  :)Dahil nga anghel ako sa paningin nya e lumabas na sya at isinara ang pintuan.


“Halika ditong bansot ka!” >:( at hinila ko sya sa tenga papasok sa kwarto ko ng bigla akong me mapansin na parang lumitaw sa neckline ng damit nya, parang green na buntot.


“Waaa!” Binitawan ko naman sya at tinulak palabas ng kwarto ko. Hindi ko sigurado kung anong natumba ba sya o sumbsob o pareho pero sana pareho.  >:( Naiinis na naghibad ako ng damit at pumasok ng banyo. Mapapaligo tuloy ako ng de-oras. Pagkatapos kong maligo e natulog  na ako.


Kinabukasan nabalitaan ko na lang nakaalis na sila bansot papuntang Maynila para isugod yung Lola nya sa Hospital bago dalhin papuntang US. Dun na raw ata ipapagamot ang sakit sa puso nya. Nalungkot ako nung nalaman ko yun. May note na iniwan sa akin si Midget nakalagay lang ay wala. As in wala. Puting sobre lang na blank.


           --------------------------------------------------
Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
LAST CRY AND LAUGHTER




   Kasabay ng pag-alis nila Zap e ang pagtawag naman ni Dad. Si Mom daw naaksidente. Biglaan din ang pag-alis ko ng hasyenda. Sobrang pag-pray ang ginawa ko habang nasa daan ako at umiiyak.


   Pagdating ko sa hospital nakita ko si Mommy sobrang hina na nya at may nakakabit na oxygen cannula sa kanya.  :'( Yung dating magandang mukha ng Mommy ko ngayon marami ng galos at may mga benda pa. Yung dating ngiti ngayon napapalitan na ng grimace. Pero pinipilit nya ngumiti kahit kitang-kita ang effort na ginagawa nya makagawa lang ng isang fake na ngiti. Naawa ako sa Mommy ko.


    Gising sya at kinakausap si Dad. Pagkakita nya sa akin ngumiti sya.

   “My baby girl. Come here honey” binuka nya yung kamay nya para I hug ako. Kitang-kita ko ang paghihirap nya habang ginagawa nya yun. Lumapit ako sa kanya para yumakap nakangiti ako kahit na tumutulo ang luha ko.

   “Mommy!” :'(

   “Okay bibili lang ako ng pagkain sa cafeteria” tapos lumabas na si Dad

   “Shhh. Shhh. Aianne don’t cry.” Sabi ni Mommy sa hirap na hirap na boses. “You have to be strong okay? For me and your Dad.” Pilit na ngumiti si Mommy.

   “Yes Mommy I will. I will” pinahid ko yung luha ko at ngumiti.

   “That’s my girl. You have to grow up strong okay? You’ll be my strong woman and help and support your Dad”

   “Mom don’t talk like that”

   “Honey ayoko ng mag pretend pa dahil nararamdaman ko na di na ako magtatagal.”

   “No Mommy! You’ll get better ‘cause Dad is getting the best doctor there is and if we need to bring you to US or Europe or wherever place on Earth so that you could get better we’ll take you there!” :'(


   “Aianne… Aianne listen to me. And listen to me very carefully” Kahit umiiyak ako e pinilit kong tumango. I can’t look at my Mom. I can’t bear to see the expression on her face right now. If I could switch places to her right now I would. I hugged her. Maybe maybe it could ease the pain a bit. “Mommy is going to be with Papa Jesus in heaven. And promise me Aianne that you would be a good and strong girl for your Dad and I want you to be happy. I’ll always be there for you.” :)



   “Mom stop. Just… stop. Please” :'(



   “Remember when you were about 5? And you saw a movie about angels? And said you wanna be one? I’ll be one for you. I’ll be your angel.”

   “Mommy! No! I don’t wan’ you to be an angel. I don’t want an angel. I just want you. I just want a Mom” :'(

   “Aianne” ni-cup ni Mom yung face ko. “I want you to be mature and be strong for your father. And I wanna go out tomorrow. I want to go out. Let’s go to malls and parks and wherever we could have our family time together alright?”

   “Yes Mom.. I’ll take care of Dad while you’re here and I’m gonna grow up a strong and mature and beautiful woman as you want me to be.”   Sinabi ko na lang para din a mahirapan pa magpaliwang si Mommy sa akin.


   “That’s  my baby girl. Mana sakin maganda ata tayo diba? And don’t go crazy about boys okay? And please don’t make them go crazy.”


   “Mom we can’t help that. Maganda ako e.” ;D At nagtawanan kami. It’s good to have a laugh with my Mom. It’s been long since we have a talk like this.


   “Tama na. Tama na” sabi ni Mom habang pigil ang tawa at hawaka ng ribs nya. Mya mga broken ribs kasi sya.


   “Sorry Mom. Are you alright? Where does it hurt?” :-\

   “I’m okay. I’m okay. Go fetch your father so that we could have a nice little chat about out family bonding tomorrow okay?”


   “Yes Mom! Bibilisan ko po. Excited na ako e.” nag-kiss ako kay Mommy at nakangiti syang pumikit at nagpahinga bago ko isinara ang pintuan.


   Hindi ko alam na yun na pala ang huling ngiti, tawa at iyak na makikita ko mula sa Mommy ko. Kasi pagbalik ko sa room nya may mga nurse at doctor na at nakita kong flat line na sya.


                                                               ______________
Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

imme

  • jellybean
  • **
  • Posts: 156
  • Karma: +10/-0
  • MindKills
A NEW BEGINNING


5.1


   “Hoy Aianne! Matutulog ka na lang ba dyan?” Sigaw ni Niq- friend ko magmula ng 1st year HS. Lois Dominique Arqueza na nilapag ang camerang kinakalikot nya sa mesa at tiningnan ako.


   “Oo nga. Paano na yung pagbo-bboy hunting at dare natin?” Segunda naman ni Lex~friend ko din mula 1st year HS. Dane Alexa Romero sabi naman ni Lex na pansamantalang tinigil ang pakikinig sa iPod nya.


 Dalawa na yan friends na mula pa ng elementary sila parang ako lang yung sumampid dahil nga kalilipat ko pa lang pero eventually nag-click kaming tatlo kaya hanggang nagyon magkakasama kami.


   Nagpahid ako ng luha. Mapait pa rin yung pakiramdam ng lalamunan ko, kulang pa yung iyak ko. I felt bad again. Buti na lang nakahiga  akokaya di nila nakita yung mukha ko.
Dito na naman kasi kami sa isang coffee shop. Parang sofa yung upuan ng mga table sa bandang gilid at yung mga nasa gitnang mesa yun yung mga wooden chairs. Mas gusto  namin sa gilid comfy na nakakahiga ka pa. Favorite coffee shop na kahit malayo e pinupuntahan talaga namin. Kahit ma-late sa school di talaga namin pinapalampas na sumaglit man lang dito at mag coffee and of course umorder ng cake.


   “Sorry. Napuyat lang ako kagabi.” Sabi ko habang inaayos ang sarili ko bago tumayo. Yung expression ko pinilit kong pasiglahin.


   “Ano naman kaya ang pinagkaabalahan mo ng di mo samin sinasabi?” ??? Sabi ni Lex.


   “Oh well the usual routine. You know. Boys and stuff” sabi na parang di interesado sa topic para tumigil na sila sa kaka-usisa.


   Nag-order na sila ng coffee at cake kaso yung akin lumamig na kaya naman tumayo ako at nag-order uli. Pabalik na sana ako ng may 3 High schooler na papunta sa direksyon ko. Yung isa nakatalikod at nagsho-show off sa mga kasama nya. Nagma-magic and such.   Yung tipong may kukunin sya sa ear ng kasama nya o kaya naman sa sarili nyang tenga tapos pag nakakuha na sya ng three balls mula sa mga yun magja-juggle naman sya. :o Dahil di sya nakatiingin e muntik na nya akong mabunggo.


   “Watch it kiddo” sabi ko habang nilalampasan sila. Narinig kong nag-sorry yung muntik ng bumunggo sakin pero di pa rin sya nakatingin. “Wow talk about manners these days. Kids!” >:( Naiinis na sabi ko habang papunta sa table namin.


   “Yanee nakita namin yun ha” :D sabi ni Niq sa nangtutuksong boses.


   “Ang alin?” ??? nagtataka kong sabi habang umuupo.


   “Yun. Yung 3 High schooler na muntik bumunggo sayo. OMG! They’re so cute!” :D sabi naman ng kinikilig na si Lex.



   “Hoy ikaw Dane Alexa kilabutan ka dyan sa pinagsasabi mo. College na tayo no!” sabi ko naman in a disgusted voice. Seriously? 2nd year college na kami ngayon at yan nga pinagpapantasyahan nya pa yung mga mas bata sa kanya. Pero di ko naman matatanggi na cute nga naman yung mga batang yun. Konting taon pa sigurado magiging habulin din yun ng mga katulad namin. For sure kasi sa school nun heartthrob yun pero too young for us. So binalewala ko na lang ang mga kalokohan ni Lex.


   “Hoy Yanee”
pet name nila sakin. Aianne na nga ginawa pang Yanee. Ano kaya yun. “Nakikinig ka ba samin ni Niq?” ???


   “Hindi e. Ano ba yun?” sabi ko naman na hindi interesado.


   “Hay nako.” Frustrated na sabi ni Niq. “Sabi namin kamahalang Aianne na bingi e, let’s dare. Tingnan natin kung tatalab pa rin ba yang charms mo”


   “Oo nga. Tingnan natin kung may epekto ka pa rin ba sa mga High Schooler gaya ng panahon natin noon” nang-aasar na sabi ni Lex.


   “Iniinsulto ba nyo akong dalawa? Isang taon lang ang lumipas malamang meron pa rin akong epekto” naiinis na sabi ko. Oo nga no? Paano kaya kung wala na?


   “Kaya nga let’s try your charm if it’s  still working e” ;D sabi ni Niq na nanghahamon na ang tingin.


   “And what do I get from this dare?” ???



   “Uhh you’ll have my new generation iPod” sabi ni Lex at tinaas ang iPod na ginagamit nga ngayon.


   “And you’ll have my newly bought SLR” pinakita sakin ni Niq yung bago nyang SLR na kabibili lang nya sa isang online shop at ngayon-ngayon lang nabigay sa kanya dito rin sa mismong coffee shop na to.


Di rin biro yung mga halaga ng mga bibigay nila sakin kung sakali. Ayoko kasi na binabawasan ng malaki ang ipon ko sa bangko. It’s for the future. Iba din ang panggasta ko sa luho ko. It’s from my Dad. So…


   “I’ll do it.” 8)


“Well pano pag di ko nagawa?” sabi ko naman kasi nga parang siguradong-sigurado sila na magagawa ko nga.


   “Uhh we haven’t thought about that yet pero ang alam lang namin pag di yun nangyari e laos ka na talaga sa larong to pagdating sa mga bata. Tumatanda ka na.” ;D at nagtawanan ang dalawa.


   “Okay”


                                                  ______________________
Happy endings are stories that haven’t finished yet
I'm Caught bet gudbye&ILY~The Last Resort: Escape

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website