Here na!

Chapter Three Point One: Meeting again, third time around
“Patono mo na lang kay ano sa kabila. Di ko matono ng matino eh.”
Hmp. Ayaw mo lang! Pero what else can I do diba? So punta na lang ako sa kabilang panig ng mundo. Weird kasi ang munti kong eskuwelahan at isang oval ang pagitan ng section one at two ng third year. Hello naman diba? Syempre, dahil loner ako, ako lang mag-isa ang pumunta sa kabila at dahil makapal ang mukha ko, dire-diretso ako sa room nila.
“Uy Leigh! Long time no see ah!” bati ng mga section one. Medyo naging kaclose ko kasi sila nung first year kaya meron kaming familiarity sa isa’t-isa.
“Oo nga eh! Uy andyan ba si Sam?”
“Wala eh.. Bakit?” sagot ni Jordan sabay tayo.
“Papatono sana ko eh.”
“Ako na lang magtotono. Tara sa labas.”
“Marunong ka ba?” tanong ko habang naglalakad kami papunta dun sa medyo tahimik na part ng building nila.
“Don’t you trust me?” sagot ng uto.
“Eh.”
“Marunong ako. Isang taon na kong naggigitara no!”
Medyo nag dalawang isip pa ko kung ibibigay ko yung gitara, pero binigay ko na din. Sayang effort ko kung hindi rin matotono yung gitara ko diba?
“Sige na nga. Itono mo na.” sabay bigay sa kanya nung gitara.
Tulad ng usual kong Gawain kapag may gumagamit ng gitara ng malapit sakin, pinanood ko kung pano ung ginagawa nia. Actually, hindi naman mahirap magtono ng gitara. Medyo mahirap lang talaga malaman kung nakatono na talaga.
“Marunong ka ba?” biglang tanong ni Jordan.
“Maggitara? Medyo.” sagot ko naman. Magdadalawang taon na kong naggigitara, kaso hindi ako masyadong updated o ganun kagaling.
“Alam mo ba yung Lucky?”
“Jason Mraz? Oo.”
“Sa gitara?”
“Ay hindi.. Kanta lang.”
“O sige. Kantahin mo na lang tas tutugtugin ko.”
“Sige.”
That scenario didn’t happen once. Naulit yan twice, thrice, four times, five times, hanggang sa halos naging weekly occurrence na sya, to the point na isang tingin lang alam na n’ya na magpapatono ako. Hindi na rin s’ya basta pagpapatono lang. Naging way din yun para maging mas close kami, at lagi akong may bagong natututunan na kanta. Call me crazy, pero medyo bumalim yung feelings ko sa kanya....