CHAPTER V
Xena’s POV
So far, this is the worst first day of my classes. Mabuti na lang at nakahinga na rin ako sa wakas. Break time namin at ngayon ay hahanap na ako ng lugar na pwedeng tambayan habang nag- aaral. Pero, originally, hinahanap ko talaga si Kuya. May utang na kwento sakin yun gawa ng nangyari sa kanya kanina.
“Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako? Sabihin mo lang kung ayaw mong maalis ako sa paningin mo, talagang sasama na ako sa’yo.” Nagtawanan lahat ng mga kasama niya. Ilang beses na ba akong napahiya ngayong araw na ito ng dahil sa kanya? Alam kong ipinahiya ko siya kanina pero, hindi naman niya ko dapat gantihan sa ganitong paraan.
“WOAH! You’re here again. Baka naman ako ‘yung hinahanap mo! Can’t get enough of me, ba? Sorry aa, di kasi ako napatol sa mga taong katulad mo.” Sorry for that lie, pero, THANKS for that statement kasi alam kong naipahiya ko ulit siya sa harap ng mga kasama niya. Halata ko namang nainis siya kasi nagform yung fist niya na parang susuntok. But thanks to my Kuya, he’s my savior.
“Anong problema dito? May balak ka bang manakit ng babae, especially kapatid ko pa? NAMAN! Ako muna ang saktan mo bago siya.”
Umalis na lang si Chase ng walang imik together with his friend. Mailibre nga si Kuya para makabawi man lang. Ang laki na ng atraso ko sa kanya ee.
“Kuya, SALAMAT! Tara sa Canteen, ililibre kita.”
“Suhol yan dahil sa ginawa mo kanina, di ba?! Alam mo bang nag- aalala na ako sa’yo kanina kasi bigla ka na lang nawala?”
“Parang di naman kaya! Kung talagang nag- alala ka, anung ginagawa ng cellphone mo? Bakit di mo man lang naisipang tawagan or itext ako. I doubt na walang load yan.” OKAY! Nahuli ko siya! Halata naman kasing hindi talaga siya nag- alala sakin ng sobra at isa pa, mukhang enjoy naman siya nung nawala ako. HAHAHA! Bigla siyang namula and after that,
“Di ba ililibre mo pa ako? Tara na nga at baka magbago pa isip ko na patawarin ka.”
“WEH? Si kuya oh! Ayaw lang umamin, ano nga bang nangyari kanina at ganyan na lang yang reaksyon mo ngayon? SIGE NA KUYA! Ikwento mo na sakin habang nakain tayo, okay?”
“Wala akong dapat ikwento sa’yo. KAYA, TARA NA LANG!” Ang cute talaga ni Kuya asarin.
Umalis na kami at nagpunta sa canteen. Ang dami na agad tao, pero, obviously, kami na naman ang center of attraction ng lahat ng tao dito. Bad vibes pa dahil wala na kaming maupuan.
“Kuya, tara na lang bumili ng foods dito tapos sa labas na lang natin kainin. Okay lang ba?”
“Bahala ka. Pero, teka lang, gagawa ako ng paraan. Ayokong kumain sa labas hangga’t maaari. Alam mo namang hearththrob ako dito sa school kaya ayokong bawat susubo ako ng pagkain ay pinagtitinginan ako. Pag dito tayo kumain, kahit pa’no, kaunti lang ang titingin. Nakukuha mo ba ako?”
“WHATEVER! Di ko talaga matanggap na heartthrob ka sa campus. Ee, ano namang gagawin mong paraan?” Totoo namang heartthrob siya dito sa’min. Head over heels talaga ang mga babae para sa kanya. No doubt! Nasa genes na kasi namin.
“WATCH AND LEARN, little sis.” Sabay kindat sakin. NAKU! Kung di ko lang ‘to kapatid, baka nainlove na ako!
“Hi Miss. I’m sorry to interrupt you, pero, kakain kasi kami ng kapatid ko. Baka naman pwede kaming makitabi sa inyo.” And, with that, nagpacute siya dun sa mga babae sa table. ‘Yung mga babae naman kulang na lang si Kuya ‘yung kainin sa sobrang kilig. NAKU! Gusto ko silang panggigilan. Kung di lang kami gipit ngayon ni Kuya, ginawa ko na ‘yun. So back with the table, may isang sumagot na,
“SIGE KUYA! Kahit dito ka na umupo sa’kin, okay lang.” PSSH! ANG LANDI TALAGA! Di na nahiya, kababaeng tao pa man.
“AY! Wag namang ganun. Makikitabi lang kami ng KAPATID KO.” Mukhang naiirita na siya pero dahil gusto niya talagang kumain dito, kaya napipilitan siya, tapos ‘yung mga babae naman tumingin sa’kin, then I faked a smile. Ang plastic ko!
“AH, SIGE! Paalis na rin naman kami. Wag na lang.”
GOOD GIRLS! Nakita lang nila ako tapos, umalis na sila. HAHAHAHA! Takot ba sila masyado sa’kin? Dapat lang. Don’t mess with me.
“Kuya, ‘yun na ba diskarte mo? TALO KA PALA SAKIN! Tiningnan lang nila ako tapos umalis na sila agad.” HAHAHA! Ang saya namang asarin ni Kuya ngayon. Asar- talo kasi siya.
“Tigilan mo nga ako. Bumili ka na lang ng pagkain natin. DALI NA! Alam mo na kung ano ‘yung akin. Hindi ako gaanong nakakain kanina gawa mo, kaya, doblehin mo na.”
“KUYA WALA NA AKONG PERA! Kawawa naman ako ‘pag inorder ko lahat ‘yun.”
“Di ba sabi mo ililibre mo ako? Bahala ka. ‘Pag di mo ako nilibre ngayon, kalimutan mo ng magkapatid tayo.”
AT DAHIL DIYAN, kahit labag man sa kalooban ko ang ilibre siya ng ganoong kalaki, no choice ako. Makokonsensiya siya lang ako ‘pag nagsimula na siyang magTHE TALK. Pumila na ako kasi, mahaba talaga ‘yung pila, kaso, nacharm ko yata lahat ng mga nasa unahan ko, kaya pinauna na nila ako. Ang swerte ko masyado. Pagbalik ko sa upuan,
“KUYA! Napakagentleman mo naman masyado. Ako na nga pumila, ako na nanlibre at ako pa nagdala dito sa table. Anong tingin mo sa’kin katulong?” Kakapagod kayang magdala ng sangkatutak na pagkain. Actually, dapat pala di ko na tinanggihan yung offer kanina sa’kin nung isa kong nakasalubong na siya na lang ‘yung magbibitbit ng tray ko. KAKAINIS DIN SI KUYA ‘PAG MINSAN ee.
After kong magdrama, ‘di pa rin niya ako pinapansin. ANO BA ‘TONG SI KUYA? BAKIT BA ‘DI NIYA AKO PINAPANSIN? Tapos napansin ko na lang, may tinititigan pala siya,
“HOY KUYA! Kung gusto mo, lapitan mo, hindi ‘yung tinutunaw mo sa pagtitig mo.”
“HUH ANO?”
“Tingnan mo, nasa outer space ka na naman ngayon. Sino ba ‘yun? ‘Wag na lang siya, may kasama naman pala eh.”
“HUH? Anong kasama?” Ibang klase si Kuyang tamaan ng PAG- IBIG oh. SABOG masyado.
“WALA KUYA! Kailan ka pa naging bulag? Ano ba? TARANG KUMAIN kaya nga tayo nandito! Ayaw mo ba ng mga binili ko? Sabihin mo lang. Ako kakain niyan!”
Buti na lang, natauhan siya dahil kung hindi, mag- eeskandalo ako para lang pansinin niya ako. Ayoko kayang iniisnob ako, except syempre kay Chase, dahil sanay na ako sa kanya.
“So Kuya, who’s that girl. Type mo? Tulungan kita!” Ang bait kong kapatid di ba?
“Siya ‘yung inaway ko kanina sa may bus stop.”
“AAANNNOOO?!” Sumigaw na talaga ako nun kaya lahat tumingin sa’kin. Attention- catcher talaga ako!
“Ano ba! ‘Wag kang mag- eskandalo, nakakahiya. Siya nga si Christine, and yeah, I LIKE HER!”
“Nalove at first sight ka lang, ee. Crush lang ‘yan. OKAY YAN KUYA para di ka na madalas mag- emo.”
“EWAN KO SA’YO! Pasalamat ka kapatid kita!”
“Well, advantage nga naman! At teka naman Kuya, ikwento mo ‘yung nangyari kanina, whole details, aa? At, wag kang kumain ng ganyan, nakakahiya. MUKHA KANG PATAY GUTOM!”
“Kelangan pa ba talagang ikwento lahat? Oh sige na nga. Ubusin ko lang ‘to. Ang bagal mong kumain,ee.”
So, ayun nga! Habang nakain ako, nagsimula siyang magkwento.
“Hinalikan ko siya, tapos…”
“ANO BA KUYA! KAILAN KA PA NAGING MANYAK?!” Nabilaukan ako, and at the same time, lahat na naman ng tao nakatingin samin ni Kuya. Ang lakas kasi talaga ng sigaw ko.
“Hindi ko na nga itutuloy. Nakakainis ka naman. ‘Wag ka munang magreact, pwede ba? Mamaya na lang pagkatapos kong magkwento.”
Ayaw daw ikwento pero nung nagsimula naman, ayaw ng mainterrupt. Nabigla naman ako sa lahat ng mga pangyayari. Hindi ko akalain na ganito pala si Kuya, alam ko naman, pero, hindi sa ganitong kaintense. Kaya lahat tuloy, parang bago sakin. Pagkatapos niyang magkuwento,
“Pero, di ko akalain na may boyfriend na pala siya. Sayang. Gusto ko talaga siya!”
“KUYA! Don’t jump into conclusions. Malay mo, close friend lang. The best way is tanungin mo siya directly para malaman mo ang katotohanan.” Adviser din ako nitong si Kuya, kasi, ‘pag ako naman ‘yung may problema, nagpapayo din siya sa’kin.
“Sige kapatid. SALAMAT!” Tapos, tumayo na siya.
“Lalapitan mo na agad? ‘Wag naman ngayon Kuya. Ang bilis mo naman masyado.” Pinigilan ko siya. Wala man lang siyang plano bago siya lumapit, kakahiya naman.
“Hindi, aalis na ako. May klase pa ako sa kabilang ibayo nitong campus kaya uuna na ako sa’yo. Kita na lang ulit tayo mamaya.”
“AY! Akala ko naman! Oh sige. Sabay na tayo pauwi, parehas naman tayo ng sched di ba? BYE! Ingat!” May kaway pang kasama ‘yun. Tiningnan ko talaga siya hanggang sa makalayo na siya. Tapos nilapitan ko si Christine, buti na lang umalis na din ‘yung kasama niya.