STRIKE 13Gusto ko syang sagutin. Gusto ko’ng ipadama sa kanila ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero hindi. Mas masasaktan silang tingnan akong hindi nagpapaapekto sa mga nangyayari.
Yes, alam ko’ng buntis si Lyka. Yes, alam ko’ng patapos na ang relasyon namin ni Patrick. Yes, alam ko’ng pagkatapos ng gabing ‘to, maglulugmok na naman ako. Pero, alam ko’ng hindi lang ako ang masasaktan dahil Oo, alam ko rin na palabas lang ni Lyka ang lahat. Hindi ako tanga. Alam ko’ng desperado na syang makuha si Patrick at huling alas na nya yun para makuha ito sa akin, totoo man o hindi.
The two of you should talk.At umalis na si Ate Chai sa harapan namin. Hindi ako kumibo. Ni isang reaksyon o pag-angal sa paghawak nya’t pag’halik-halik sa kamay ko, wala.
If it’s mine, it’s mine. Phaw, wag mo’ko iwan. Please. Hindi ko tatalikuran ang anak ko, wag mo lang ako iwan. Pwede ko naman sya sustentohan sa mga pangangailangan nya. Pag usapan natin to. Please.
Yun naman pala Phaw, please. Forgive me. Ano ba ang dapat ko’ng gawin para maniwala ka sakin na ikaw ang mahal ko at hindi sya?Patrick, paano ko ipagkakatiwala sayo ang pagpapatawad ko kung ni isang paraan wala kang ginawa to drive her away from us?And with that, natahimik sya. Napayoko at nag-isip. Hindi ko sya ginambala pa’t umalis na ako agad agad. I know hindi ko dapat ginawa yun, respeto manlang sana sa lamay ng tatay nya pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nasasaktan ako. I need a break. So I went to the nearest bar, had a shot and unwhined. Matapos ang isa o dalawang oras, ginambala ako ng kunsensya ko’t nagpatalo sa katangahan ko.
BUMALIK AKO SA LAMAY.
And worse,
AKO PA ANG NAGSORRY SA KANYA.
Hindi rin naman sya nagdalawang isip na tanggapin ako. But I felt something weird the way he treated me. I felt so fragile. Ingat na ingat sya at baka mabasag nya ako. Is he playing on the safe side of the road? O ako lang tong naninibago?
Nasagot din naman kaagad ang katanungan ng dumating ang madaling araw…
This girl is all I have, now. (him pointing on me, he’s drunk.)
Oo, lasing na sya. Naglalasing sya dahil ilang oras nalang at hindi na nya makikita ang papa nya.
Ssshhhh, enough. That’s enough. Mark, stop it. Wag mo na syang bigyan. Please. Its almost 4am at wala pa syang tulog. Kagabi pa kayo nag-iinoman.
No. no. tuloy pa natin ‘to. Phaw, please. Ngayon nalang to.Titigil ka ba o mag-aaway na naman tayo?
Wag ngayon, phaw. Please.Wala na akong nagawa kundi ang hayaan sya. Pumasok na lamang ako sa loob at nagtimpla ng kape para sa kanila. Tiyak magkakahang over sila mamaya kaya mabuti na yung handa.
Matapos ang ilang oras ay dumating na nga ang oras na kinakatakutan ni Patrick, ang oras ng paglilibing sa tatay nya. Kahit ako man ay nasasaktan din sa nakikita ko. Isang Patrick na sobrang fragile. Isang anak na pinipilit ang sarili na wag umiyak sa harap ng pamilya nya. Isang lalaking pilit pinaninindigan ang katapangan nya.
Nagsimula na ang ceremonya. Unti-unti ng dumarami ang taong papasok sa cathedral. Parang kagabi lang ay andito ako upang humingi ng gabay. Ngayon, andito ulit ako para humingi ulit ng gabay, hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya.
Pilit akong pinapalapit ng mga pinsan nya sa harapan para tabihan sya. Sya na kitang kita ko’ng nanghihina, hindi sa kalasingan o hang over kundi dahil sa minuto nalang ay matatapos na ang sermon ng pari at dadalhin na sa cementeryo ang papa nya. Ngunit hindi ko naatim na lumapit. May pumipigil saking lumapit. HIYA.
Dayne, lapitan mo na. Tiyak hinahanap ka na nya.Ayoko. Hindi ko kaya.Kung hindi mo kaya, alam mo sigurong mas hindi nya kaya ang hinaharap nya ngayon.Alam ko. Naranasan ko na ang pinagdaraanan nya ngayon. Pero kailangan nyang maging matatag. He has to accept the reality na wala na ang papa nya.Hahayaan mo nalang ba syang ganyan?Hindi. Matapos ko’ng sagutin ang tanong nya ay dali-dali ko’ng nilapitan si Patrick. Tumabi ako sa kanya’t dahan dahang kinuha ang kamay nya. Humawak naman sya ng mahigpit bilang ganti sa paghawak ko’t sabay kaming naglakad palabas ng cathedral.
Matapos ang ilang oras ay umuwi na kami sa bahay nila. Oo, sumama ako sa kanila dahil pinilit ako ng ate at kuya nyang samahan xa. Kinakabahan kasi silang baka anong gawin ni Patrick dahil ni isang patak ng luha wala itong inilabas kanina sa cementryo.
Pasok ka iha. Sabi ng nanay nya.
Pasok ka Dayne.
Dayne, pasok. Kumain ka na ba?Magkasunod na tanong ng ate at kuya nya.
Umiling lang ako bilang sagot.
Pasok ka iha. Nasa kwarto sya. Puntahan mo nalang. Sabay na kayo kumain.
Tumango lang ako at nagtungo sa kwarto nya.
*tok tok tok
Phaw, anjan ka ba?
Walang sumagot.
Phaw, papasok ako ah.Wala pa rin sumasagot kaya minabuti ko ng pumasok.
I found him lying on his bed. Nakatihaya. Nakatulala.
Sobrang pula ng mata nya pero wala akong makitang luha.
Nilapitan ko sya at pilit na ibinangon.
Phaw, get up!Nagmamatigas sya.
Then…
How can you expect me to get up and live?!
Pasigaw nyang tugon.
Wala na si papa. Wala na si papa!Bumangon sya. tumayo sa harap ko at inulit…
Wala na si papa!!!Niyakap ko sya. I know how he feels. Nawalan na rin ako ng ama. At sobrang sakit nun. He broke down in tears, mumbling like a child. niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. At nasabi ko sa sarili ko,
This man needs me. No matter what happens ipaglalaban ko to. Sasamahan ko sya sa laban nyang to. Bubuohin ko sya muli at magiging maayos ang lahat sa amin.
Forgive me for this update.
gusto ko lang makita kung may tao pa ba dito. since 6 months ko na napabayaan ko. this is the last update i had written in my laptop. you need not to reply here.

but if it clicks again, baka ipagpatuloy ko to. BAKA LANG. COW. este Bow
