TwoNandito kami sa SM ngayon ni Kuya Homer. Namimili kami ng grocery dahil kami ang napagtripan na utusan ni mommy. In fairness, ang kuya ko ay napaka responsible. Samantalang ako, heto at text ng text sa sa bestfriend kong si Katrina.Siya lang ang nakakaalam sa hidden desire ko kay Lance.
‘Naku ka! Ang !@#$ mo forever. Ang bait bait nung gf nun. Di ka ba naaawa?’
‘Oy oy. Mabait kaya ako. Sadyang maganda lang. Siyempre di rin ako matiis ni Lance.’ Natawa ako sa text ko. Sumusunod lang ako kay kuya na kinukuha iyong mga bagay bagay na nandun sa may list ni mommy.
“Bru! Ano ba?” Oo. Bru ang tawag niya sa akin. Ang ganda ganda ng pangalan ko, ginawa niyang Bru.
“Eh?”
“Samahan mo ako.”
“Sinasamahan naman kita ah.”
“Sino ba iyang katext mo? Boyfriend mo?”Nag roll eyes nalang ako. Bat ba feeling nalang nila may boyfriend ako? Wala akong boyfriend. Meron dati pero walang nagtatagal dahil sadyang hindi kami nagtatagal. Wala talagang spark eh, sa una lang, parang crush lang ata tapos wala na. May hinihintay lang talaga ako, at kilalang kilala na ng lahat iyon!
“Ano nga? Sino ba iyan!”
“Its Katrina. Ok? May girl talk kami.”
Hindi siya umimik. May thing sila dati ni Katrina. Oo, ex niya si Katrina. One year older lang si kuya sa akin. 19 lang siya kaya naman hindi malabong maging ex niya ang best friend ko. Cool lang naman ako dun. Nagtagal rin sila. Mga 5 months. LOL. Nagkasawaan rin sila.
Medyo nakonsensiya ako kaya sinamahan ko na si kuya. Di ko nalang rineplyan ang text ni Katrina na:
‘Kapal nito talaga! Sabagay, daig ng malandi ang kahit sinong girlfriend!’ Uso sa amin ni Katrina ang barahan. Totoong totoo kami sa isa’t isa.
“Sige na. Sasamahan na kita.”Nag grocery nalang kami ni kuya. Pagkatapos namin, nakasalubong namin si Philip.
Philip Mercado. Isa siya sa mga ex ko. Well, ok, a model ex boyfriend. (Ang hot niya kaya. Haha!) Nag hi, hello nalang kami. Di na kami nag usap. Ang awkward kasi, kasama ko rin ang kuya ko kaya next time nalang makikipag plastikan. Heheh.
Sa kotse, ako na iyong nag drive. Grounded si kuya sa kotse niyang to dahil nga umuwi siyang lasing na lasing isang gabi at pinagmumura sila papa. Well, lasing nga kasi. Pero ok na iyon. Nung malapit na kami sa may gate ng village naming biglang nagsalita si kuya ko,
“Bru. Dito na ako. May basketball kami eh.”
“Di ka na magbibihis, ha?”
“Tsk. Bat ba ang bilis mo magisip? Oo na. May date ako.”
“Ay, naman kuya! Baka tanungin ka sa akin ni mama!”
“Hindi iyan. Sabihin mo nag basketball. Tapos may dala talaga akong damit para diretso na.”
“LIAR!”
“Sige na. Penge namang 100 wala akong barya.”
“Barya ba ang 100?”
“Sige na. Kulang nakupit ko kay daddy!”
“Wala din akong kupit! Bye na!”Tapos bigla niyang nakita iyong wallet ko sa may bag ko. Kinuha niya at kumuha ng 100!
“HOY KUYA! MAY BIBILHIN AKO!”
“Kupit ka nalang ulit!” Sinara niya iyong pinto at tumakbo pa diretso. Nakakainis. Pero dumiretso nalang ako ng bahay. Kinuha ko iyong mga pinamili namin na kay dami dami dami dami. Hirap na hirap pa akong kinuha iyon papuntang kitchen.
“MA?” Ano ba iyan. Walang sumasagot, siguro naliligo. Or baka nasa taas. Naisip ko bigla na kunin iyong phone ko para replyan na sana ulit si Katrina. Kinapa ko ang bulsa ko pero wala. Oo nga pala, nasa bag ko! At naiwan ko iyon sa car ni kuya.
Tumakbo ako palabas ng gate at bunuksan agad ang door sa may driver’s seat. Di pa ako nakabuwelo na papasok ng bigla akong tinawag ni Lance.
“BROOK!”Bigla ako naconscious sa itsura ko. Im sure pawis ako. Haggard!
“O-oh?”
“I.. umm..” Parang may gusto siyang sabihin pero nahihiya siya kasi halata sa kaniya na ninerbiyos siya.
Napangiti ako ng bongga at medyo tumaas ang kilay pero in a good way.
“Ano nga?” Sabi ko na parang nagpapacute pa.
“Do you need something?”Huminga ng malalim si Lance bago nagsalita.
“My car won’t start.”“Your car?”
“Yeah. Geez.I feel such a girly girl, pero hindi ko alam ang gagawin ko and ----“
“I know how to fix a car!” Bigla ko nalang nasabi. Duh?!?
“No no no. Nako. Nakakahiya naman talaga sa iyo to. Pero, nevermind. Sige. Sorry talaga.” Ako ang nahiya. Assuming talaga ako ever! Paalis na siya at na feel ko na dapat pakinggan ko siya. Pang ganda points. Bwahaha! Sinara ko agad iyong door at hinabol siya.
“Wait,” hawak hawak ko na iyong braso niya. Napatingin siya sa akin at biglang nag smile. Geez. Feeling ko talaga nagblublush ako kaya binitiwan ko na siya. Ngumisi nalang ako.
“Ano ba iyon?”
“Napansin ko kasi na mukhang paalis ka. Kasi diba papasok ka diyan sa car. Baka lang pwedeng sumabay hanggang dun lang sa may LRT kasi emergency na dapat makarating agad ako ng Katipunan. Hinihintay kasi nung friend ko itong form na kailangan niya.”Napaisip ako bigla. Una, hindi naman talaga ako aalis. Pangalawa, sumasayaw sayaw ang utak ko, makakasabay ko siya sa isang car. Dalawa lang kami. Yiihhh. That is so much kilig.
“Sure. Tara.”
“Talaga?” Bigla niya hinawakan iyong shoulders ko at halatang tuwang tuwa siya.
“Wait lang. Sabihin ko lang kay daddy, ha?”
Nag nod ako. Pagkaalis niya, kinuha ko bigla iyong phone ko at tinext si mommy.
‘Ma, diyan na grocery. My emergency ako pntahan. I used kuya’s car. Sorry. I love you! Bili ako banaple. Promise. :*’ Pag ka hit ko ng send, nandiyan na rin si Lance. Sumakay na kami pareho sa car.
“Sorry it’s a bit of a mess in here.” Tumingin siya hanggang likod at parang pinat iyong braso ko.
“Parang maintain na maintain nga eh.”
“Thanks to kuya.”
“Ah. Well, thanks to kuya talaga.” Kinilig ako unti. Tinawag niyang kuya si kuya ko. HAHA.
Medyo tahimik lang kami bago kami makalabas ng village. Naisip ko naman na malapit lang naman ang Katipunan kaya ideretso ko nalang siya dun. Wala naman sigurong masama? Wala naman akong gagawin.
“Where are we headed?”
“Sa LRT lang.”
“No. I mean, san ka talaga? Hatid na kita.”
“Hindi na. Nakakahiya naman sa iyo. And, may pupuntahan ka diba?”
SHOOT. HULI. KAILANGANG GAWAN NG PARAAN.
“Bumawi nga eh. Kaya Im doing you a favor. Dali na!” Di ko napigilan ang sarili ko pero halatang pacute iyong pagkakasabi ko ng ‘dali na’.
“Ok sige. May banaple naman sa tabi nun kaya treat narin kita. Ill return your favor. Sa meatshop tayo. Know that place?”“YES!” Natawa ako. Dun kasi kami nagiinuman MINSAN nila Katrina. Nagtawanan nalang kami. In-on ko narin iyong radio at kung destiny ba naman, ang ganda ganda ng music.
-Don’t Cha by Pussycat Dolls- Nakikijam nalang iyong ulo at shoulders ko sa beat ng music. Pagdating ng chorus sinabayan ko iyong kanta.
“Don’t cha wish your girlfriend is hot like me. Don’t chaaaaa….” I allowed myself for one quick glance at the guy beside me. Nakangiti lang naman siya at parang gumagalaw din ang ulo niya.
SANA TALAGA AKIN KA NALANG, sigaw ng puso ko.
------------------
“Wait lang, ha?” Bago bumaba si Lance, pinat niya muna ulit iyong braso ko. Tinignan ko nalang siya hanggang sa makita na niya iyong friend niya. Inabot na niya iyong form at parang nakatingin silang dalawa sa car. Sumesenyas si Lance na parang
‘halika, halika’. Ayoko naman mag assume kahit assumera ako. Kaya naman kunwari di ko nalang pinansin dahil unang una, tinted naman tong car. Napansin kong papalapit na si Lance kaya kunwari kinuha ko nalng iyong phone ko at nagtext.
Inopen na niya iyong door….. sa side ko haa!!!
“Ay, sorry, busy ka ba?” Binaba ko nalang iyong phone ko at umiling.
“Hindi ah, why?”
“Papapakilala lang kita sa friend ko. Tara.”
“Ah ok.” Bumaba nalang kami pareho. Sa isip ko, kilig na talaga ako dahil papakilala niya ako sa friend niya. What does it mean? He-he-he-he.
“You didn’t tell me you had such a hottie for a friend slash neighbor. Alam ba ni Faith iyan?”
Napatawa nalang ako at nakita kong siniko siya ni Lance.
“Gagu to! Si Brook, friend ko. Brook, si Mike, friend ko rin. Anak siya ng may-ari ng meatshop.” Di ko masiyado iyong napansin niya, dahil naiinis ako sa pagkakaemphasize niya ng salitang FRIEND.
“Hi..” sabi ko nalang.
“Nagchill ka na ba dito before?”
“Yeah. Nandito kami minsan ng mga friends ko.”
“Ah. Ganun ba? Punta kayo ulit dito minsan, may malaki ng discount, basta dapat magkasama kayo nitong si Lance.” Ngumisi siya na parang evil at siniko siya ulit ni Lance.
“sige na. Una na kami.”
“Bye.”
“Thank you ulit, Lance. Brook.”
Pumasok na agad si friend sa Meatshop. Maglalakad na sana ako pa-Banaple ng biglang hinigit ni Lance iyong kamay ko. Medyo sensitive ako dun kaya napa
“ARAAAY.”
“Ay sorry sorry.” Bigla siyang lumapit at parang rinub iyong hinawakan niya. Nagulat naman ako at nahiya.
“Oy hindi hindi. Nagiinarte lang. Nagulat lang ako.” Tumawa ako at linayo nalang iyong kamay ko. Baka lamunin ako ng cloud 9 sa sobrang kilig.
“Diba mag-Ba-Banaple pa tayo?” Ngumiti siya ng bongga. Naalala ko na bibilhan ko rin pala si mommy ng Banofee pie niya. Nag nod ako at inimagine ko nalang na,
“C’mon. Date to!” (kahit malaboo)
-----------------------------
“There ya go!” Parang takam na takam siya ng dumating iyong order namin. Natawa pa nga ako sa kaniya pero go nalang, kain na! Bigla akong tumingin sa kaniya at nakita kong tumingin rin siya sa akin.
He smiled.
“Thank you so much. Again, I don’t know what I would’ve done without your help.”
“It was nothing.” I met his eyes.
“Lance, if you ever need anything or anyone to talk to, don’t hesitate to ask.” Dirediretchong lumabas sa bibig ko.
Lalong ngumiti si Lance.
“Thanks for the offer. Ill let you know if I, um, ever need any of those things…”
“Thank you rin for the cake. Super thank you.”
“It’s the least I can do. I owe you one big thing!”Sa totoo lang, I should’ve turned down his offer dahil nahihiya talaga ako. But then I decided that I should jump at the chance to spend even a moment more with this guy.
“Thank you dahil nabusog mo ako – pero not because you owe me anything. Pwede kita ihatid kahit saan.”
Ngumiti siya at kinurot iyong pisngi ko.
“Dalagang dalaga na iyong kalaro ko ng uhugin pa ako.” Natawa nalang rin ako at ginulo iyong buhok niya.
“Binatang binata na rin iyong kalaro ko nung hindi ko pa alam ko kung babae ba talaga ako.”
“Ngayon sigurado na ako na alam mong babae ka. You’re one pretty gal!”
Di ako nakasagot. Nagblublush ako. At alam ko na napansin niya. Ngumiti rin siya. Nag ngitian kami.
MUTUAL? Hihihihihihi.

----
Umuwi na kami ni Lance after namin kumain, habang nasa kotse, napapansin ko siya na tingin ng tingin sa phone niya tapos biglang sisimangot. Biglang nawala iyong mood niyang masaya. Hanggang sa pareho nalang kaming hindi nagsalita.
Pagdating sa bahay, hindi parin siya bumaba sa car. Tinitigan ko nalang siya at hinintay ang mga sumusunod na gagawin niya. Huminga nalang siya ng malalim, tumingin sa akin at parang bumulong ng thank you.

“Wait!” Di siya nagulat at hinintay nalang ako magsalita.
“I don’t mean to intrude, Lance, but you looked so sad sitting over here.”
“It’s nothing. Im just one of those overly emotional men.”
“Ikaw naman! Wag ka ngang ganiyan, I’m here if you want to talk. Huwag ka ng pa-macho. Isipin mo nalang ako iyong kababata mong napakaganda na matagal mo ng kakilala.” Natawa ako sa sinabi ko at natuwa rin ako dahil natawa din siya.
“Its Faith.” Tumingin muna siya sa malayo.
“DI na nga siya tumupad sa promise naming out of town trip tapos ‘tong promise niya na tatawagan or itetext niya ako pagdating niya sa hotel nila, wala rin. I know I’m a totally selfish bastard wanting her more, but I can’t help it!”Sumimangot ako.
“How does wanting your girlfriend more make you a selfish bastard?”
“She’s out with the family. Tapos andito ako nagpapakaselfish. All I can do is complain.”
“SWERTE SWERTE NA NGA NIYA!” Nasabi ko bigla. Di ko napigilan iyong sarili ko. I said it with sharp tone making Lance’s head snap up.
Sige na, andito na, itutuloy ko na. Maglalakas loob na ako. Bahala na.
Lumapit ako sa kaniya then I stroked his cheek.
“Lance, wanting your girlfriend to spend time with you is not selfish. Huwag ka ng malungkot diyan. Alam mo, siya dapat malungkot kasi she is missing out every perfect moment to spend with you.”Tinignan niya lang ako at hindi naman niya inalis iyong kamay ko sa mukha niya.
So, nagsalita ulit ako.
“ If you were my boyfriend, I wouldn’t be able to keep my eyes off you after being gone an hour,” Nakita ko ang total shock sa mukha ni Lance.
“Figuratively speaking, ofcourse,” dinagdag ko nalang sabay upo na ng maayos. Inayos ko nalang kunwari iyong gamit gamit ko.
“Yeah”, binuksan na ni Lance iyong door.
“I should really get inside, Brook. I have some stuffs to do.”“Lance, if I made you uncomfortable….”
“No no no.” He smiled at me.
“I really appreciate you talking to me, Brook.”
Binuksan ko na rin iyong door. Ngayon, magkatapat na kami sa tapat ng car.
“If you ever need anyone to listen, you know where I live.” Nag nod lang siya bago dumiretso na sa gate nila.
“Thank you.”Naglakad na rin ako papuntang gate namin. Nakakainis naman tong sarili ko. Ang landi landi ko! Bat ko ba to ginagawa eh alam ko namang ----
“BROOK!”
Napatingin ako.
“Mag jojogging ka bukas?”
“Ikaw ba?”
“Oo. Sabay nalang tayo. Hintayin kita dito sa labas. 5:30 am as usual.”
“Ok.” Bumonggang laki ang ngiti ko. Pero mas sumobrang laki, as in hanggang tenga na ata iyong narinig ko pa iyong sinabi niya mula sa likod ko….
“Your future boyfriend is a damn lucky guy to have a girlfriend as beautiful and warm as you. If they can’t see that, problema na nila iyon.” Paused.
“WE have a really big problem.” ////////