~One.
naglalakad lang kami ng kuya ko sa beach that day. it was a very typical day for me.
for us. pumunta kami sa mga souvenir shops at dun kami naglibot libot. gusto kong bilhin yung cute na bracelet. and unexpectedly, pag lingon ko. i saw
him. ang malanding first love. kahit hindi naging kami. i saw mark madrigal. palagay ko, nakita niya ako. buti na lang, to the rescue si kuya at inakbayan ako, tapos umalis na kami.
"fresh pa rin yata yung wound sis ah." nag nod ako as in hindi. ano nga ba yung nangyari? ano nga ba yung wound na sinasabi ni kuya? sige, ikukwento ko.
flashback..
FOURTH YEAR HIGHSCHOOLi was badly stunned by this cool boy named mark madrigal. since first year naman, sikat na siya. heart throb. pero mas naappreciate ko nung fourth year na. lalo siyang naging gwapo.

whenever maglalakad siya sa hallway na meron ako, sinusundan ko siya ng tingin. lagi yan, everyday.
"balita ko, play boy yan." tinignan ko si scarlet, ang bestfriend ko.
"eh ano naman? hindi naman ako aasang mapapansin niya ako. sa itsura kong to?" what a question, right? iba kasi itsura ko nung highschool. hindi ganito. hindi maganda. meron akong malalaking braces, nagsusuot ng makapal na salamin-- sabi naman nung doctor, pansamantala lang. para maagapan yung sakit ko sa mata, at di na lumala. mataba ako. as in i wear extra large shirts and everything. at talagang hindi katanggap tanggap yung mukha ko.
"sira ka talaga, samuelle." ito pa pala, samuelle ang gamit kong pangalan nung mga oras na yun. hindi kasi bagay sakin ang coleen. feeling ko talaga, hindi bagay. kaya samuelle na lang.
"totoo naman, scarlet. buti pa ikaw. napakaganda. di na ako magugulat kung isang araw, ligawan ka din nun.""scarlet, let's talk." bigla namang sumingit si destiny at ang mga kaibigan niya sa usapan namin ni scarlet.
di ko alam kung anong pinagusapan nila, di ko alam hanggang sa nagbago na ang lahat. nagsisimula nang umiwas si scarlet sakin at napapadalas na ang pagsama niya kila destiny. i tried to talk to her, pero.. pero wala talaga eh. siguro mas pinili niya ang popularity over me. kasi ever since, gusto niyang maging popular. hindi naman malabong mangyari yun, kasi maganda siya.
di lang naman ang pag iwas ni scarlet ang naging kakaiba. pati na ang kinikilos ng iba ko pang mga schoolmates. pati na ang classmates ko. tuwing nakikita nila ako.
"ikaw si samuelle diba?" nagulat ako nang harangin ako ni mark sa daan. diba dapat ako yung haharang?
"ako nga. a-anong kelangan mo?" nagtataka ako. di sila lalapit for no reason. alam ko yun. pero tumalikod lang si mark. anong problema nun?
"sumunod ka samin.
" sabi ni louie na nakangiti. tapos si camille at shayne, nag reach out naman sakin.
sa canteen kami pumunta, at ang daming tao. mistulang manunuod ng show.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" sabay bato ng naka crumple na papel. straight to my ugly face.
binuksan ko naman yung nakacrumple na papel at nagulantang sa nabasa ko.
iloveMARKMADRIGAL
Samuelle Madrigal <3 <3
Mark + Samuelle = FOREVER <3
nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. ni di ko nga alam na nagsulat ako ng ganyan eh. lalong di ako ganun kaobsess para gawin yan.
"ang kapal ng mukha mo. anong tingin mo sayo? maganda ka!? ni di ka nga qualified sa MGA pwede kong maging girlfriend tapos magsusulat ka ng ganito? ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO. ANG LANDI MO. ANG PANGIT MO NAMAN!" di ko na napigilan yung sarili ko at bumuhos na mga luha ko. tumakbo na din ako palayo. dahil talagang napahiya na ako. sa buong campus. di ko alam na may hidden mic dun. malamang narinig nilang lahat yun. malamang nandun sila para tignan ang nangyayari.

dahil sa trauma, pagkatapos ng graduation, di na ako pumasok sa gusto kong puntahang university. alam kong nandun silang lahat. silang lahat na umapi sakin. kaya pumunta na lang ako sa probinsya, at nagaral sa di kilalang eskwelahan. pinatanggal ko ang braces ko, di na ako nagsasalamin. at unti unti na akong pumapayat. kasi, mas gusto kong naglalakd kesa sumasakay sa tricy at tinutulungan ko din sila. naging exercise ko na yun. as to my face, may kung anu-anong pinahid yung lola ko kaya naging makinis. sabi niya, nakatago lang pala ang kagandahan ko.
end of flashback..ngayong nakita ko na si mark madrigal, di na siya makakatakas. papakain ko sakanya ang mga masasakit na salitang binitawan niya nung highschool. gagantihan ko siya. pangako yan.
@ate eros, magaling. noooooot. lalaki kasi ako. joke lang. hahaha. di nga po ako magaling eh, tsamba lang.
