CHAPTER 26
[Chaos]
Nung araw na yun, hinatid ako ni Wayne sa may subdivision saka ako nagcommute pauwi.
Hindi ko alam. Siguro masyado ako nagooverthink. Nagooverthink dahil ayoko na ulit masaktan katulad noon, at ayoko, higit sa lahat, na ipagpapalit sa iba.
Simula nung araw na yun, hindi ko na nakita si Trish. Siguro kasi alam ni Wayne na masasaktan at magaaway lang kami.
“O, tapos?”
“Ayun.”
“At least nagets ni Wayne.”
“Oo naman.”
“Wag ka na kasi magoverthink.”
“Ang… Ang hirap kaya nun. Lalo na kung based on experience.”
“Pero wag mo naman higpitan si Wayne.”
“Alam ko. Hindi naman.”
Naguusap kami ni Lor nung mga panahong yun nang biglang nagtext si Jappa sa kin. Wala, nangangamusta lang. Di ko na nareplayan dahil wala naman akong load.
Love, asan ka?
Nakatanggap ako ng text galing kay Wayne after a few seconds. Dumerecho ako kaagad sa tindahan para bumili ng load. Natawa ako bigla. Siguro ganon talaga. Pag gusto mo yung tao, gagawin mo lahat para makausap mo.
Ako lang kaya yung ganon?
Dito ako sa tambayan. Ikaw, papunta ka na ba dito? I love you!
Ngumiti ako.
Uwian naman na nun, at siya na lang yung tangi kong hinihintay dahil 5:30 pa naman yung dulo ng class niya. Nakipagdaldalan pa ako nun kay Lor.
Though…
After one hour…
Hindi pa siya dumadating.
Nagtext ulit ako sa kanya for the nth time kung asan na siya. For the nth time, wala pa rin siyang sagot. Isa-isang nawawalan ng tao sa tambayan, kahit si Lor umalis na.
Ako na lang ang natitira.
Love, asan ka?
Binalik ko sa kanya yung una niyang tanong sa kin. Hindi ko alam, pero naaasar ako dahil nagpaload ako para sa kanya tapos ni isang reply eh wala akong natanggap.
Pumapatak ang oras.
Hindi ko na mapigilang umiyak. Di ko alam, iniisip ko na baka nakipagkita na siya kay Trish at kinabukasan sasabihin niyang iiwan na niya ako…
Jappa, asan ka?
Umiiyak na ako, at nagwoworry. Ayokong makipagaway, pero galit na yung puso ko. Kakatapos lang ng isang linggo, ganito nanaman. Ano, every week na lang? Isang text lang, hindi pa magawa. Alam ko namang di siya nawawalan ng pera sa wallet kahit anong mangyare, at alam kong magloload siya para lang sagutin ako.
Pero ngayon…
Anong nangyare?
Paano kung magkausap na pala sila ni Trish at inaakit na pala siya? O kaya sinadya niyang isilent yung phone niya para di ko marinig.
In anyway…
Hindi ko gusto ang pinaghihintay.
Ano na.
Kasama ko si Carmela. Asan ka?
Biglang nagreply si Jappa sa kin. Kasama niya si Carmela, so… di ko alam kung magrereply pa ako o hindi. Gusto ko ng kausap habang hinihintay si Wayne—or specifically ng iiyakan.
So, pinili ko na lang hindi magreply, at maghintay ng ilan pang minuto.
ASAN KA NA. KANINA PA AKO NAGHIHINTAY DITO. DI KA BA PWEDENG MAGREPLY MAN LANG KAHIT PISO?!
Galit kong tinext yun, di ko na kinaya. Ilang oras na akong naghihintay ni ha ni ho wala man lang reply.
Oi. Asan ka ba?
Sa gitna ng pagiyak ko, nagtext si Jappa.
Nasa tambayan. Hinihintay si Wayne.
Wala pang ilang minuto, nakapagreply na siya.
Kailangan mo ng kausap?
Actually.
Sana. Kaso kasama mo si Carmela diba. Okay lang. Tsaka baka nakauwi ka na.
Though, itatago ko pa lang yung cellphone ko, biglang nagvibrate. Nung una medyo excited ako na makita dahil baka nagtext na si Wayne. Though, yun pala si Jappa.
Hindi na. Pupunta na ako diyan.
So basically, hinintay ko si Jappa. Though nagwoworry din ako dahil baka masayang yung punta ni Jappa dahil baka pumunta na si Wayne sa tambayan.
Pero.
Nakita ko na yung anino ni Jappa…
Wala pa rin si Wayne.
“Alam mo kung ano?”
“Alin?”
“Sana di mo na ako naabutan dito.”
“Bat naman?”
“Kasi kung wala na ako dito, ibig sabihin, nasundo na ako ni Wayne. Kaso… Kaso wala eh.”
Kinuha ko yung tissue sa bag ko saka nilabas lahat ng hinanakit ko. Pero this time hindi na ako umiiyak. Naubos na five minutes ago. Gusto ko na lang mag rant kay Jappa—yung balikat ko.
“Asan ba si Wayne.”
“Kaninang four ko pa siya hinihintay. Nagtext pa siya before. Nagpaload pa nga ako. Tapos di man lang niya ako mareplyan.”
“Baka walang load.”
“E bat di siya magpaload?”
“Baka wala ng pera.”
“Impusible. Laging nagdadala ng extra yun.”
“Malay mo.”
“Hindi talaga eh.”
“Baka nawalan ng wallet, o kaya nawalan ng battery.”
“Eh bat wala pa siya dito? Kung nawalan siya ng wallet, eh di sana pumunta na siya dito para ikwento yun. Basta dapat, sa mga ganitong oras, andito na yun.”
“Baka naman may importanteng gagawin.”
“Ano man lang yung makitext sa kung sino mang kasama niya. Memorize naman naming ang number ng isa’t isa.”
“Malay mo nakalimutan niya, or nagsend pero nagkamali siya ng isang number.”
“Marerealize naman niya siguro yun.”
“Siguro lang. You’ll never know.”
“Lahat na lang ng sinasabi ko meron kang binabarat.”
“Ikaw din naman ah.”
Natahimik ako.
“Uwi na ako.”
“Di mo na siya hihintayin?”
“Hindi na. Siguro sa sobrang pagod nakalimutan na lang niya ako.”
“Hindi ganong tao si Wayne.”
“Si Wayne ganon. I mean, si Wayne, hindi si Agaps.”
Habang nagaayos ako ng bag, narealize ko na nakatingin sa akin si Jappa. Yung tinging seryoso, na parang di ko maintindihan.
“Cj, tapatin mo nga ako.”
“Alin?”
“Are you trying to find Wayne inside Wayne?”
“H—ha?”
“Hinahanap mo ba yung ex mo kay Wayne ngayon.”
Napatigil ako sa pagayos ng bag. Di pa rin kumukupas yung kaprangkahan niya. Kaprangkahan in a sense na mapapatahimik ka na lang kasi either totoo, o sobrang hindi talaga pwedeng mangyare.
“What?! Bakit ako maghahanap ng isang taong ipagpapalit ako sa ibang babae sa taong mahal ko ngayon?”
“Before the Wayne before did that to you, hindi ba naging okay naman kayo? Alam kong romantic yung ex mo eh. Pero sa pagkakakilala ko sa Wayne mo ngayon, alam kong hindi through surprises and gifts and touch or acts of service—teka alam mo ba yung limang language of love?”
“Oo. Nag psych ka ba?”
“Sinabi actually sa kin ni Carmela.”
“I see.”
“Si Wayne, hindi siya masyado expressive. Siguro naman alam mo yan.”
“Oo. Though he tries his best to give me what I want. Sa ngayon naman, wala naman akong hinihingi sa kanya bukod sa simpleng fries pag kumakain kami.”
“Tingin ko, ang language nun ay words of affirmation.”
“Oo nga eh. Alam kong hindi touch. Alam kong hindi gifts. Hindi rin masyado ng acts of service. At lalong hindi time. Tulad ngayon. Ni hindi nga niya namalayan na hindi ko siya kasama. Siguro natutulog na yun sa bahay.”
“Naiinis ka ba?”
“Sino ba namang girlfriend na hindi?”
“Kung girlfriend ka niya, diba dapat ikaw yung unang umintindi nun?”
Sapul.
Napakagat na lang ako ng labi dahil wala akong masabi. Hindi ba? Hindi ba sapat? I’m trying my best to be the perfect girlfriend here. Ako pa ngayon ang hindi umiintindi? Ako tong naghihintay, ako tong hindi nareplyan, ako tong nakalimutan puntahan at ako ang hindi marunong umintindi?
“Teka lang. Diba ako tong pinaghintay sa wala? Ni ha ni ho wala. Hindi ba ako pwedeng magalit?!”
“Hindi ba pwedeng hayaan mo muna siyang magexplain? Kung walang kwenta yung explanasyon niya tulad ng nakalimutan lang talaga niya, dun ka na magalit.”
“Why do I always have to lose to you?”
Nangingilid yung luha ko dahil kay Jappa. Ganyan yan eh. Sibuyas. Ever since naman diba? Lagi siyang may point. Lagi niyang pinamumuka sa kin na kailangan kong umintindi, kailangan kong pagisipan ang mga bagay-bagay at kailangan kong kumalma.
“Ui. Sinasabi ko lang naman—”
“Oo alam ko alam ko. Pero, di ba ako pwede magalit? O malungkot man lang?”
“Malungkot oo. At magalit, may karapatan ka naman. But always remember that anger doesn’t solve any problem, it worsens it.”
“Alam mo. Dapat ata babae ka eh. Pag babae ka, magiging perfect girlfriend ka alam mo yun.”
“Wala namang ganon. Ang meron lang, isang relationship na puno ng understanding.”
“Eh kapag nanglalake na si Carmela mo, maiintindihan mo ba?”
“Di pa naman umaabot sa ganyang punto, at hindi siya ganon.”
“Pero pano nga? If you were in my place, would you understand Wayne? I mean, the first Wayne? At si Agaps sa ginawa niya sa kin ngayon?”
“Yung kay Agaps madaling intindihin. Wala yan sa kalingkingan ng naging problema mo dun kay Wayne. Pero yung sa isa, mahirap yun. Kung ako, magagalit din. But in the middle of it, maiintindihan ko. Hindi alang-alang kay Wayne, pero alang-alang kay Cara.”
Si Cara. I remember those times. Galit na galit ako sa kanilang dalawa. Pero in the middle of it, mas nagalit ako kay Wayne. Knowing Cara, alam kong di siya malandi. Sadyang nagpadala si Wayne at nakalimutan ako, dahilan kung bakit mas nagalit ako sa kanya. To the fact na hindi niya ako mapakawalan pa rin pag katapos nun, kahit alam kong mas mahal niya si Cara kesa sa kin. Pisikal lang yung gusto niya pagkatapos ng break up, dahilan kung bakit lalo akong nagalit sa kanya at hindi naging maganda yung closure.
“Uuwi na ako. Masyado ng gabi. Ikaw?”
“Sige sabay na tayo.”
“Long time no sabay.”
“Onga eh. May lovelife ka na kasi.”
“Parang siya daw wala.”
Ngumiti na lang siya saka tumayo.
Tumayo na rin ako sabay kuha ng powder para mawala yung mantika sa mukha ko kakahintay sa taong hindi rin pala dadating. Mabagal lang kaming naglalakad, saka ako may naisip.
“Hindi ba nagseselos sa kin si Carmela?”
“Bat mo natanong?”
“Kasi iniwan mo siya tas pinuntahan mo ko? Or, alam ba niyang pinupuntahan mo ko?”
“Alam niya.”
“At naiintindihan niya?!”
“I think so. Di niya sinasabi.”
“Ano ba yan. Napakaperfect naman niya. Di siya nagseselos?”
“Di ko alam.”
“Ipakilala mo nga siya sa kin. Baka makakuha ako ng tips kung pano hindi magoverthink—”
Tapos biglang…
Poof.
Si Wayne.
Naglalakad papunta sa pinto. Hindi ko alam kung bakit pero hinawakan ko yung kamay ni Jappa, saka ako umalis.
“Cj!”
Lalo kong binilisan yung lakad habang hawak yung kamay ni Jappa. Ayoko, ayoko makarinig ng explanation. Siguro nga mas mabuti na yung nasa bahay na siya natutulog kesa yung hahaba pa yung araw at lalo lang ako magagalit dahil sa ginawa niya.
“T—teka Cj. Tingin ko kailangan mong marinig yung—”
“Tumahimik ka na lang. Ayokong makipag—”
“Cj ano ba.”
Hinawakan ni Wayne yung braso at napaharap niya ako sa kanya to the point na nabitawan ko si Jappa. Napatingin ako kay Wayne. Pero this time…
Muling pumatak yung luha ko.
Ayoko lang sumigaw dahil masyadong scandalosa. Sa gitna ng galit ko, bigla akong naawa kay Jappa na naipit sa away namin.
“Jappa ako na—”
“Ayoko. Tara na Ja—”
“Ano ba di mo man lang ako papakinggan?”
“What for? Walang reply sa kahit isa sa mga message ko?!”
“Lobat ako!”
“Aalis na ako—”
“Sabay na tayong umu—”
“Magusap muna tayo please naman.”
“Bakit?! Anong sasabihin mo sa kin? Nakipagkita ka kay Trish?!”
“Ha?! Tang—panong nasama nanaman si Trish sa usapan na to?!”
“Bahala ka jan.”
“Cj una na ako magusap kayo.”
“Ayoko nga eh!”
Sumigaw na akong paiyak. May konting tao na nakarinig at nakakita ng mga nangyayare. Pero naisip ko na bukas, makakalimutan na rin nila yung mukha namin.
Umalis na lang ako na walang kasama. Iniwan ko si Jappa kasama ni Wayne. Di ko alam pero nagusap ata sila ng sobrang sandali bago ko narinig yung tawag sa kin ni Wayne.
“Cj please naman.”
“Bakit?! Alam mo ba yung feeling ng pinaghihintay?! Alam mo ba yung feeling ng napaparanoid?! Alam mo yung feeling na sobrang nagaalala pero wala man lang pake yung taong inaalala mo?!”
“Cj pakinggan mo kasi ako—”
Galing sa kaguluhan sa loob ng utak ko, nasabi ko ang mga salitang tingin ko di ko dapat sinabi.
“Break na tayo.”