RUBIX CUBEChapter Navigations01
02
03
04
05 May anim na bilyong tao ngayon sa mundo, siguro... wala pa sa isang libo ang kilala ko. At sa sampung libong kaibigan/kapamilya/kakilala ko, kalahati sa mga ito ang marunong bumuo ng
Rubik's Cube. At isa
siya sa mga 'yun.
Matagal ko ng pangarap makabuo ng Rubik's Cube. Oo, ang babaw. Pero sa lahat ng mababaw na pangarap ng tao may malalim na dahilan kung bakit niya gustong ma-achieve 'to. Parang ako. Parang ikaw. Parang tayong lahat.
Ang pagbuo ng Rubik's Cube ay parang pag-maintain ng relationship mo sa ibang tao. Kahit alam mo na 'yung process to make the relationship last, isang wrong twist mo lang, may tendency na babalik ka sa umpisa. Kahit kabisado mo na 'yung pattern,
Front Inverted, Up, Left Inverted, Up Inverted ..., hindi pa rin 100% ang assurance na mabubuo mo siya. Pero hindi imposible, parang pagmamahal. Mahirap pero kahit kailan hindi naging imposible.
Madami nang sumubok bumuo ng Rubik's Cube gaya ng dami ng taong sumubok magmahal. May mga sumubok pero sumuko kasi daw mahirap at walang katuturan. Pero isipin mo na lang:
siya ang rubix cube mo. Yung pag-figure out ng pattern sa solve nito yung paraan para makuha mo siya.
Susuko ka pa ba?
© cezzangelica 2011
Hello again, Readers!Cee here!
I am back. Support, anyone?
*NOTE: Words, phrases and sentences in
this pattern are links to photos and/or internet sites.