Teentalk

Author Topic: ♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 5 :D  (Read 470 times)

violette`o9

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +5/-1
  • TeenTalker
    • Fantasies do Come True
Re: ♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 4 :>
« Reply #15 on: June 13, 2011, 07:23:31 pm »
yehey ;D pyag na sia.

hmmmm, snu kaya partner nia???

CLICK!click!click!
Fantasies Do Come True


smile even it hurts so much

doncellamarie

  • Guest
Re: ♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 5 :D
« Reply #16 on: July 16, 2011, 09:19:43 am »
waaaaa~! Ngayon lang ako nakapag-update >.<
dami kasing gawain sa school --''

anyways, here's my update :D

*Charming five*

Mabilis naman ang panahon lalo na kapag busy ka sa mga bagay-bagay tulad ng project, requirement at PROM. Hindi ko napansin na isang linggo na lang at prom night na.

Hindi naman ako kinakabahan pero ang bilis ng tibok ng puso ko kapag nababanggit yung JS. Nakakausap na nga namin ng matino si Tyrone paminsan-minsan kahit na nasa paligid lang si Karla. Wala na nga talaga siyang pakialam kay Tyrone pero minsan, nag-uusap sila about sa ibang bagay like party sa bahay nila Steph.

Parang they are more than before. Parang kahit hindi na sila, may thread pa rin na nagdudugtong sa kanilang dalawa and they still…respect each other for some reason I don’t know. Kasi sa isang katulad ni Karla? I don’t know. Siguro, hindi ko lang siya kilala ng lubusan pa.

Malay natin, may good side rin siya kahit papano.

Si Mike na hindi pa rin alam yung pangalan ko? Nakikita ko siya pero hindi niya ko nakikita kahit na nasa kabilang building siya at naglalakad na ko paakyat sa kabilang side. Baka may diperensya na yung mata ko.


“Angela!”

Napalingon naman ako. Lumapit naman siya sa akin.

“May isusuot ka na ba para sa prom?”

“Meron na.”

Nagsimula naman kaming maglakad. Pupunta rin ba siya sa room?

“Anong color?”

“Color? Uhm…parang red-violet siya or purple…dark yung pagka-purple. Bakit?”

Ngumiti naman siya.

“Just asking. Sige, una na ko!”

Weird. O-kay. Nasan na ba sina Cindy at Fred?


“Anong kulay ng mask mo?”

“E di violet. Ano ba? Kanina ka pa nagtatanong tungkol dun.”

Naupo naman siya sa tabi ko. Dumating naman si Fred. May dala siyang tie na atsaka polo. San naman niya nakuha yun?

“Bagay ba?”

Tinignan naman namin yung white polo atsaka striped-blue na tie.

“Bagay naman.”

“Ang?”

Nag-thumbs up na lang ako. Wala naman akong alam sa pagte-terno ng polo sa tie basta ang alam ko, kapag bagay ang kulay e di bagay.

Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ko sa idea ng pagsama sa prom kahit na buo na ang bayad ko. Nagsimula naman yung meeting namin para sa cotillion. Kukuha daw ng dalawang girls at isang boy dito sa klase namin.

Si Fred ang nakuha dahil kasali daw yung kapartner niya na si Steph. Si Sir na ang nagsabi nun at yung muse and president namin.

Kaya nung uwian nagpapanic na si Fred dahil hindi daw siya marunong magsayaw.

“Easy ka lang. Tuturuan naman kayo siguro.”

Iniwan na namin siya at makikipagkita pa kami kay Tyrone. Oo, dahil ipapakita daw niya yung damit niya.

Pagdating naman namin sa gym, nahiya pa kaming pumasok, ipinakilala lang niya kami sa ilang mga kavarsities niya as his ‘friend’ at dinala na niya kami sa isang side para ipakita yung isusuot niya.

“Okay na ba ‘to?”

“Dark blue? Oo naman. May damit naman akong blue dun pero si Ang, violet ata ang kanya.

“E di maghahanap na lang ako ng tie na violet.”

Umiling naman ako.

“Hindi na. Wag mo ng abalahin yung sarili mo. Hindi naman yun color combination.”

Ngumiti na lang ako.

“Pero ita-try ko pa ring manghanap ng tie. Wala naman yun sa akin.”

Humarap naman si Cindy kay Tyrone.

“Ano bang kulay ng coat mo? black?”

“Oo. Usually naman, black.”

Tumango lang kami at nag-agree na i-finalize na yung isusuot sa Wednesday para sa ‘terno’ ng damit.

Kinabukasan naman, nagpunta lang kami ni mommy dun sa tita ko para isukat na yung gown. Tatlong gown rin yung sinukat ko and yung red-violet na parang dark purple ang nagustuhan nila para sa akin. Di naman ako nagdisagree, ayos naman siya para sa akin.

Sinabi naman ni mommy na ipapalaudry na daw niya kaya ang ginawa ko na lang pinicturan ko na lang sa phone ko at ipinakita sa kanila nung Wednesday. It turned out na pare-parehas pala kami.

“Yung sa tie. Wala akong nakitang violet or malapit sa color ng damit mo. Sorry.”

“It’s okay—”

“What a crowd.”

Tapos dumaan lang siya sa harap namin. Kaya naman pala, parating si Steph, nakipag-usap lang siya saglit dun tapos umalis na rin. Lumapit naman sa amin si Steph kasama si Fred.

“Kausap mo yun?”

“Well, yes. Nag-uusap lang kami. Family friend.”

Family friend. Sus. Baka nakiki-in lang siya dahil wala siyang masyadong kaibigan na babae. The most of it, fans niya. Sabi nga ng kapatid ko, para daw siyang si Sharpay ng HSM.

“Guys, ano na? Okay na ba yung damit niyo?”

“Okay na. Kayo?”

“Okay na rin. We’re wearing light blue.”

Nagulat naman si Tyrone.

“Wow. Actually, we’re wearing dark BLUE—oh, except her.”

Turo naman niya sa akin.

“I know. Nasabi na niya sa akin.”

Nakangiti naman siya nun pero hindi yung parang nang-iinsulto na ngiti, friendly smile naman. Nung uwian, nagpaalam na kami sa isa’t isa. Sina Fred, may practice pa ng cotillion at si Tyrone naman, maagang pinapauwi ng lola niya.

Naglakad naman kami papunta sa sakayan jeep. Sumakay na lang kami.  HAY, pano na kaya sa PROM? :/

Thursday.

Medyo nagcra-cram na yung iba dahil dalawang tulog na lang, JS na! regular classes pa rin pero yung ibang mga kasama sa program na may special number, part ng dance troup katulad ni Karla at mga kasali sa cotillion ay excuse sa klase hanggang bukas.

Hindi namin nakikita ngayon si Fred pero si Tyrone naman ang madalas naming kasama. Inaasar na nga siya nung iba niyang kaklase na ang dami daw niya chics. Lagi lang niyang sinasabi e kaibigan kami.

Nung nasa canteen kami at nagawa ng project, naalala ko na nasa locker ko pala nailagay yung draft ko at hindi sa bag. Nagpunta naman ako sa locker at hinanap dun yung gamit ko.

“Ano yung hinahanap mo?”

Nagulat naman ako. Hindi pa ako aware sa kanya.

“Uhm, yung…draft ko para sa…project—ayun!”

Nilagay ko naman sa bulsa ng palda ko at inayos ko yung locker ko.

“Madalas mo atang kasama si Tyrone.”

Napatingin naman ako sa kanya. Pano niya nalaman yun?

“Ah, kakilala kasi siya nung…ano…kaibigan ng kaibigan ko.”

“At kapartner mo siya sa prom?”

Nalaglag naman yung mabigat na libro ko sa chem kasama nung mga papel-papel na nakalat sa locker ko kaya pinulot ko naman. Tumulong naman siya at inabot niya sa akin.

“Salamat.”

Ngumiti na lang ako tapos inayos ko na sa locker ko. Ano ba? Nagsisimula nanaman akong mataranta.

“So…?”

Sinara ko na yung locker ko at tumingin sa kanya.

“A-Ano?”

Tumingin lang siya sa akin tapos biglang ngumiti. Yung ngiti na abot tenga.

“Wala. Masyado ka lang kasing seryoso diyan. Sige pala.”

Tumakbo siya papaakyat ng building. May tumawag ba sa kanya at nagmamadali siya--? Oh! Hindi ko nasabi yung…nevermind. Siguro, wala na siyang balak malaman kung sino yung taong kausap niya katulad KO.

Pansin ko lang, pano niya nalaman na kapartner namin, hindi ‘ko’, si Tyrone sa prom? May spy ba siya??

----------------

Pwedeng sumabit sa inyong prom? ^-^ Magdadala ako ng sarili kong food ^-^
Oh~ Mikey~ *super hug* mas type kita kaysa kay Tyrone kaya ikaw ang aakap-akapin ko >:D

hahaha, pwede siguro basta magbabayad ka rin daw :))
patay ka kay Karla, sasabunutan ka niya. >:))


yehey ;D pyag na sia.

hmmmm, snu kaya partner nia???

oo nga yehey! pumayag na siya. haha, abangan... :D

violette`o9

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +5/-1
  • TeenTalker
    • Fantasies do Come True
Re: ♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 5 :D
« Reply #17 on: July 18, 2011, 07:05:49 pm »
aabangan ko  ;)

CLICK!click!click!
Fantasies Do Come True


smile even it hurts so much

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website