Teentalk

Author Topic: ♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 5 :D  (Read 470 times)

doncellamarie

  • Guest
♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 5 :D
« on: May 29, 2011, 07:03:33 pm »
Hello po, *kaway-kaway* ito pang unang story ko dito candymag--err, actually, pangalawa na pala [hehe  ;D ] ito kasi binura ko yung una due to my laziness at wala sa katinuan kung paano ipagpapatuloy.

Pero this time, pipilitin kong tapusin 'tong story na ito na matagal nang nakatambak sa My Document ko [ :D ]at sana ay suportahan niyo po ako. Tatanggapin ko ang kahit anong komento o suhesyon niyo.

Salamat :)


And now, I present my story entitled:




My Prince of Non-Fairyland


Naniniwala ba kayo sa happy ending? Like…fairytales? Like Cinderella and Prince Charming, the Frog and the Princess or like…Shrek and Fiona?

Ako? Hmm… I don’t know. Hindi ako naniniwala pero hindi rin ako hindi naniniwala. Get what I mean? Well, naniniwala ako na pwede kang maging happy like in fairytales or in a certain moment. But ending? Di ba ang lahat ng tao, ang ending natin ay kamatayan?

Pero hindi naman ako kontra kung may naniniwala dun. Wala naman akong magagawa di ba? Nasasabi ko lang naman lahat ng ‘to dahil sa darating na play namin sa school. Romeo and Juliet. Tragedy. And in my opinion, opposite of fairytales with happy endings? Tragedy.

Change topic na nga tayo dahil wala naman akong kinalaman sa play na yun dahil hindi rin ako sure kung makakapunta ako.

Let’s talk about…me.
:)



*Charming One*

I’m Angela Lim-Torres. 3rd year high school. Hindi ako matalino pero…hindi rin naman ako below average. Nasa gitna lang. Minsan nakakakuha ng 80 o kapag minamalas, 77 sa Biology. At kapag nakatsamba, 93 sa M.A.P.E.H.

I’m a normal person, for sure, na may kapatid na adik sa HSM or so called ‘High School Musical’. Si Alyana at grade six na siya. Meron din naman akong magulang na maituturing. Yung mommy ko is a teacher ng mga NKPs and my dad is an engineer, major in electrical, sa isang food and beverage company.

Meron din akong kaibigan. Lahat naman ng tao meron. Si Cindy Oreta, ang aking childhood and best friend. Kung ako average, siya naman yung tipong ‘smarty-one’. Never pang nakakakuha ng line of ‘7’ na grade at ang pinakamababa niya is 86 which is Computer 1.

Siya ang nanay ko sa school. Tiga-sermon ko kapag nakalimutan kong gumawa ng assignment or kapag nakakaidlip na ko sa klase lalo na sa Social Studies. Nakakaantok at mas lalong gugustuhin mong matulog dahil naka-aircon ang room.

At yung isa ko pang kaibigan na si Alfred Solomon, naging close ko siya dahil palagi niya akong kinukulit bumili ng ticket para sa play nila, kapalit ng lunch for a week dahil kailangan nila ng audience. Pero, noon yun, natututo din naman akong mahiya sa kanya.

Nasa school nga pala ako ngayon at busy sa paghahanap ng pagkain sa canteen nung bigla akong hinila ni Cindy papunta sa tapat bulletin board.

“Ano nanaman ba ‘to, Cindz? Busy ako.”

“Saglit lang ‘to. Gusto ko lang ipakita na kasama ako sa candidate para sa star section.”

Nakita ko naman yung pangalan niya sa list ng mga candidate for star section. Nasa number 9 siya at ang average niya nung last quarter is 91.7.

“Congrats. Sige, balik na ko sa canteen.”

Nagsimula naman na akong maglakad kaya lang hinila nanaman niya ako pabalik tapos may tinuro siya dun sa list. Nasa number 17 at pinaka-last. Torres, Angela L. Section 2. 89.8

“Kasama ka rin.” :)

Hindi ko naman alam kung anong pumasok sa utak ng mga teacher ko at binigyan ako ng ganitong average. How did this happen?

“This is…” :o

Tinignan ko naman ulit yung listahan.

“Grea—”

“insane. Pano nangyaring…Kailangan ko na talagang pumunta sa canteen.”

Naglakad na ko pabalik sa canteen. Dadaanin ko na lang sa pagkain ang nakita ko. Iisipin ko na lang na ‘gutom lang ‘to’ kaya kung ano-anong nakikita ko.

“Ang, maghintay ka naman!”

89.8? Pano nangyari yun? ???

“…masaya na nakuha ka? I mean, that’s one time opportunity na kailangan mong imaintain.”

Pinagpatuloy ko naman yung pagkain ko ng burger. Blah…blah…blah, sino bang gustong mapunta sa star section?

“Angela, makinig ka naman. Next year, graduating na tayo and it’s a good thing na babalik na ko sa star section…kasama ka.”

Tinignan ko naman siya.

“May sinasabi ka??”

Nasimula nanaman siyang makunsumi sa akin. Sorry, pero hindi ko pinangarap na maging parte ng ‘Star Section’. Pressure lang sa akin yun at lalo akong mapre-pressure dahil kina mommy and daddy. It’s not a good idea na malaman nila.

“Fine. Di ka makikinig sa akin? Maybe, your parents would listen—”

“Yan ang wag na wag mong gagawin.” Tinignan ko naman siya ng serious-look. Iniisip ko pa lang, pinagtatangkaan niya ng gawin. Walang dapat makaalam! Inubos ko naman yung burger at binalik na yung tray sa counter. Kinuha ko lang yung tubig ko at dumiretso na sa room, di pa ko nakakalayo, napa-burp ako kaya tinignan ako ng masama ni Cindy.

“Excuse me.”

Yan kasi ang turo niya. Kapag nag-burp ka say ‘Excuse me’ kasi daw nakakabastos yun lalo na kapag may ibang taong nakarinig.

“Bakit ba ayaw mo sa star section?”

Tanong naman niya sa akin nung nakarating na kami sa room at hinihintay na mag-time.

“Nakakapressure atsaka—basta! Ayoko.”

“Wala namang nakakapressure dun.”

“Ikaw yun.” Humarap naman ako sa kanya, “You know what, Cindz? Kalimutan na lang natin yung about sa starsection na yan. Matagal pa yun atsaka hindi pa yun finalize. Okay?”
 
Nakiayon na rin naman siya sa wakas.

“Okay.”

Sumandal na lang ako sa upuan ko. Hindi rin nagtagal, dumating na yung teacher namin at nagsimula na kaming magklase. First subject namin ngayon tanghali, Social Studies. Love it…no way.

Nakinig naman kami sa mga important notes na ibinibigay ng teacher namin. Napahikab naman ako nung napatingin sa direksyon namin si Ma’am. Ngumiti na lang ako tapos pinagpatuloy na niya yung discussion.

Pasimple naman akong yumuko at hawak ko yung ballpen ko. Kunwari nagta-take down notes ako kaya hindi naman ako sinita ng teacher namin. Nung nagbell na, napadilat naman ako tapos  kinalabit ako ni Cindy.


“Pasalamat ka, hindi ka napansin ni Ma’am.”

“E di maganda.” :) Humikab naman ako. “Nga pala, mamayang breaktime, punta tayo sa locker ah.”

“Lagi naman tayong dumadaan dun.”

Naalala ko naman kaya tumango na lang ako. Dumating naman na yung teacher namin sa next subject at laking pasalamat ko dahil super-antok na ko, magche-check lang kami ng booklet namin. Naiwan daw kasi ng teacher namin sa bahay niya yung lesson plan.

“Class, walang mag-iingay.”

Yun lang yung sinabi niya nung tapos na kaming mag-check ng booklet. Yumuko naman ako sa desk ko nung narinig kong may kumalabit sa akin. Akala ko si Cindy, hindi pala.



“Fred, mamaya mo na ko kulitin.”

“Please, tatlong ticket na lang ‘to. Bumili ka na.”

Inaangat ko naman yung ulo ko.

“Si Cindy na lang kulitin mo.”

Tapos tumungo na lang ulit ako. Narinig ko namang nag-complain si Cindy. Hay, ingay naman.

“Bakit ako?” :o ???

“Sige na, Cindy. 50php lang naman ‘to.”

“50php lang??”

Nagkonsensyahan naman silang dalawa dun. Na pag hindi daw siya  bumili ng ticket, mawawalan na siya ng position sa theatre na hindi naman totoo, purong pangongosensya lang.

“Ganito. Kapag bumili si Ang, bibili ako.”

Napaangat naman yung ulo ko. Bakit naman ako napasama diyan??? Nagtalo-talo naman kami pero in the end, binili rin naman ni Cindy.

“Pasalamat kayo at may allowance ako.”

“Thank-you-Thank-you ng marami talaga. Don’t worry, i-eenjoy niyo naman yun.”

“Atsaka matagal na kong hindi nakakanood ng play ng walang kasama.”

Tignan mo, gusto palang manood. Kailangan pa ba ng chaperone? Hindi na rin ako nakapagprotesta dahil nabili ko na. Itinago ko naman sa wallet ko yung ticket.

Makakatulog na rin ako.



__________________________________________________

Sana nagustuhan niyo. ^^ Salamat sa mga nagbasa at nag-iwan ng comments or suggestions. Sa susunod po ulit na update.

Love you, Guys. ;)
« Last Edit: July 16, 2011, 10:28:01 am by doncellamarie »

violette`o9

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +5/-1
  • TeenTalker
    • Fantasies do Come True
Re: My Prince of Non-Fairyland
« Reply #1 on: May 29, 2011, 08:24:21 pm »
hi  :)
ahmm. curious on how the story will flow  ;)

CLICK!click!click!
Fantasies Do Come True


smile even it hurts so much

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: My Prince of Non-Fairyland
« Reply #2 on: May 29, 2011, 08:54:23 pm »
Holy gawgaw!
Next please~~ Please? :)

Hindi ako masyadong kakapit kay Alfred at baka matulad ako dun sa dalawa na basta napabili ng ticket :D
So I'll be hurting more...

doncellamarie

  • Guest
Re: My Prince of Non-Fairyland
« Reply #3 on: May 29, 2011, 09:32:53 pm »
hi  :)
ahmm. curious on how the story will flow  ;)

thanks, violette '09 :D sana abangan mo yung sunod na chapter. :)

Holy gawgaw!
Next please~~ Please? :)

Hindi ako masyadong kakapit kay Alfred at baka matulad ako dun sa dalawa na basta napabili ng ticket :D

thanks angel_devil :) hahaha! ganun? sige sige, try kong mag-update tomorrow :D

doncellamarie

  • Guest
My Prince of Non-Fairyland ♥ Updated Chapter 2 :>
« Reply #4 on: May 30, 2011, 06:02:04 pm »
eto na po yung next chap. :)


_____________________________________________________

*Charming Two*

Nasimula nanaman akong mainis. Nagpunta ako sa kwarto ko at dun ako nagmukmok. Nakakainis talaga si Cindy. Pero hindi naman kasi niya kasalanang madulas sa sobrang tuwa sa pakikipagkwentuhan kay mommy about sa candidateS ng Star Section.

Nadulas lang naman siya about sa PAGKAKATANGGAP KO BILANG CANDIDATE. Gusto kong magdabog dahil nagsimula nanamang magbigay ng ‘rules’ si mommy tungkol sa pag-aaral ko. Rules?!? Langyang rules yan! Kailangan pa ba yun?


“Ang…”

Pumasok naman sa kwarto ko si Cindy. Medyo masama pa rin ang loob ko pero hindi naman dapat. Naupo naman siya sa tabi ko.

“Sorry. Masyado lang akong na-excite eh.”

“Kaya pati yun, nasabi mo.” Humarap naman ako sa kanya. “Hindi mo naman kailangang magsorry. Naiinis lang ako kasi ayan nanaman yung ‘rules’—bwisit na rules ni mommy. Alam mo naman, teacher.”

Humiga naman ako sa kama pero nakaapak pa rin ako sa sahig. Humiga lang din siya.

“Just think about it. Andun naman ako. Gagalingan nating dalawa. Okay? Tutulungan kita.”

“Thanks pero hindi ako matatanggap. Sorry to dissapoint them pero…” naisip ko naman na nagrerebelde na ko kung pababayaan ko ang pag-aaral para lang sa hindi matanggap sa Star Section.

“Bahala na nga.”

Tumayo na lang ako at tinanggal yung sapatos ko. Tumayo rin naman siya.

“Okay na sa’yo?”

“Hindi ‘no. Sabi ko, bahala na. Matanggap o hindi. Wala naman akong magagawa.”

Bigla naman siyang tumayo para yumakap. I hugged her back tapos humiwalay din siya sa akin. Nagpunta na kami sa baba para kumain ng miryenda habang nagawa ng assignment. Si Cindy kasi ang nakaisip ng idea na gumawa ng assignment sa bahay.

Nung gabi na, kinausap lang nila ako about sa pagiging candidate and this time, nag-open naman ako na ayaw ko sa Star Section hindi dahil sa gusto kong maging easy-going kundi dahil sa pressure.


“Anak, ikaw lang naman ang nag-iisip nun. Naniniwala kami ng mommy mo na kaya mo yun. Sisiw lang yun.”

Natuwa naman ako sa sinabi ni daddy. Kahit na istrikto siya tungkol sa studies, hindi naman siya serious type na daddy. Marunong din naman siyang magjoke paminsan-minsan. Hindi katulad ni mommy na dahil teacher e masyadong seryoso pagdating sa pag-aaral namin.

“Wag kang mag-isip ng negative things, anak.”

Sabi naman ni mommy.

“Okay po. Pero…ayokong umasa kayo na sigurado na yun. May isang quarter pa para ma-finalize yun.”

“Galingan mo, yun lang yun.”

Tumango naman si daddy. Siguro nga, tama sila. Pagkatapos ng pag-uusap, umakyat na ako para matulog. Maaga pa kong gigising bukas at kailangang kong…galingan.

I’ll try my best, fine. Pero hindi ko pinapangakong matatanggap ako.

Kinaumagahan naman, maaga akong pumasok. Sumabay na ako kay Cindy dahil katapat lang naman namin yung bahay nila. Si Alyana naman ay may sundong school bus. Next year, kasama ko na siya sa school. Isa pang problema ko, if masama ako sa candidates ng Star Section.

Kinuwento ko naman sa kanya yung pinag-usapan namin ni mommy at daddy. Natuwa naman siya dahil nagsisimula na daw akong maging positive tungkol dun.


“Wag kang masyadong matuwa.”

Yun na lang ang sinabi ko. Dahil maaga kaming umalis, maaga rin kaming nakarating sa school. Dumiretso kami sa locker para kumuha ng gamit nung may lumapit sa amin para mag-abot ng flyer para sa JS. Naman! Karla’s coming, oras na para umalis.

“Flyers.”

Sabi niya sa akin. Napatingin na lang ako. Si Miss Popular Karla Jose, nag-aabot ng flyers? Kinuha ko na lang tapos may lumapit naman sa kanya. Tumalikod na lang ako. Tyrone Lee, Captain ng Basketball team. Para silang magnet. Kung nasan yun isa, nandun din yung isa.

I wonder kung pano kapag nagpapraktis ng basketball si Tyrone habang nasa praktis naman ng sayaw si Karla. Member kasi siya ng dance troup.

Kinuha ko naman yung dapat na kuhanin sa locker at umalis na kami ni Cindy. Habang naglalakad kami, parehas kaming nakatingin sa flyer ng prom. JS Prom: Masquarade Night February 2. 6pm until 1am. 800pesos each. Ang mahal naman.

Itatago ko na sana yung papel nung nakita ko yung nakasulat sa pinakababang portion nung flyer.

Must have a date ;D

Ano namang kalokohan ito?



___________________________________

salamat po sa mga nagbabasa. sana po, may magcomment din...clueless po kasi ako kung okay po itong story ko o hindi. :D thanks again. ;)



« Last Edit: May 30, 2011, 06:03:45 pm by doncellamarie »

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4898
  • Karma: +252/-31
  • Master's Degree! :)
Re: My Prince of Non-Fairyland
« Reply #5 on: May 30, 2011, 11:16:04 pm »
A date? Aba sino nama kaya! Jay-em I'm here! Go go! ;)
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: My Prince of Non-Fairyland
« Reply #6 on: May 31, 2011, 01:52:12 am »
Gusto ko yan! Haha. Tulungan kitang maghanap ng ka-date :D :D :D
Close your eyes tapos manghatak ka ng kahit na sino... Tutukan mo rin ng kutsilyo or baril para di makapalag. *insert super evil laugh here*

BTW, pwede mo po akong tawaging Angelique... ^-^ *imaginary handshake*
So I'll be hurting more...

violette`o9

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +5/-1
  • TeenTalker
    • Fantasies do Come True
Re: My Prince of Non-Fairyland
« Reply #7 on: May 31, 2011, 06:20:53 pm »
gud to know na payag na sia.
sinu kaya kadate nia. :D

excited na for the next chapter

CLICK!click!click!
Fantasies Do Come True


smile even it hurts so much

x-iRis-x

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 3229
  • Karma: +192/-44
  • Hasta la vista, BABY
Re: My Prince of Non-Fairyland
« Reply #8 on: May 31, 2011, 06:46:32 pm »
Support ko to :) Joy here.
Magiging inactive na

doncellamarie

  • Guest
Re: My Prince of Non-Fairyland
« Reply #9 on: June 02, 2011, 05:14:12 pm »
A date? Aba sino nama kaya! Jay-em I'm here! Go go! ;)

Salamat, Pau-Pau! (ginawan ng nickname? hehehe :> )
Oo, a date. Pero siyempre siret muna  ;D

Gusto ko yan! Haha. Tulungan kitang maghanap ng ka-date :D :D :D
Close your eyes tapos manghatak ka ng kahit na sino... Tutukan mo rin ng kutsilyo or baril para di makapalag. *insert super evil laugh here*

BTW, pwede mo po akong tawaging Angelique... ^-^ *imaginary handshake*

Hahaha, hindi naman kaya mahuli siya
kapag nanutok siya ng kutsilyo o baril?  ;D
Okie dokie, Angelique, *todo handshake*


gud to know na payag na sia.
sinu kaya kadate nia. :D

excited na for the next chapter

Minsan lang kasi ang prom sa tanang buhay ng tao. :)
Siret-siret muna ako tungkol sa date niya.  ;D


Support ko to :) Joy here.

Hello, Joy :) Salamat sa pagsuporta.  ;)




And again, THANK YOU po sa inyo. :)
Jay-Em here.  ;)

doncellamarie

  • Guest
My Prince of Non-Fairyland Chapter 3 ;)
« Reply #10 on: June 04, 2011, 11:19:38 am »
*Charming three*

Nasa classroom nga ako pero nasa ibang dimension na ang utak ko. Date? Sino bang may kailangan ng date? Pinagpatuloy ko na lang yung pagsusulat ko ng lecture. Pero kung hindi ako makakahanap ng—nevermind. Tumingin na lang ako sa board para tignan yung susunod na lecture.

“Ang.”

Napatingin naman ako sa kanya.

“May problema ka?”

“Problema? Wala. Bakit mo naman natanong?”

Pinagptuloy ko na lang yung pagsusulat.

“Wala naman.”

Nagsulat na lang kami parehas. Nakailang page din ako ng notebook. Grabe kasi ‘tong teacher namin sa chemistry. Daming notes na alam.

Nagsisimula namang kumulo yung tiyan ko sa gutom kaya nung nag-bell, nagmadali na agad akong tumayo. Hinabol naman ako ni Cindy dahil busy siya sa pag-aayos ng gamit niya.


“Ba’t ba nagmamadali ka?”

Sabi niya sa akin nung nasa tapat na kami ng locker. Binuksan ko naman agad yung akin.

“Nagugutom na ko.”

Pagkatapos kong ilagay yung ibang gamit ko, isinara ko naman agad yung bag ko nung biglang dumating si Fred.

“Ang, Cindz, mamaya huh?”

“Anong mamaya?”  ???

Naalala ko naman yung ticket. January 19 na nga pala ngayon. Araw nung presentation ng play, Romeo and Juliet.

“Yung play nga pala. Ilang hours ba yun?”

“11am-2pm. Excuse naman lahat ng manonood e.”  :)

“Mamaya pa pala. Kain muna tayo.”

Sabay-sabay na kaming pumunta sa canteen. Nasa unahan ko silang dalawa. Nag-uusap sila tungkol sa project namin sa values. Kailangan naming mag-illustrate ng isang pamilya na may pagmamahal sa Diyos.

Fourth quarter na kasi namin ngayon. Ang pinaka-busying gawin sa buong school year. Tambak na project, sunod-sunod na assignment at nakakapesteng requirements.

Pumwesto naman kami malapit sa nagluluto ng burger para habang naghihintay, nakaupo kami. Magkatabi sina Cindy at Fred, ako naman sa kabilang side.


“Ang tagal naman maluto nung burger.”

“Atat ka.”

“Nakulo na kaya yung sikmura ko.”

Sumingit naman si Fred.

“May anaconda ka ata sa tiyan.” :D

“Nakakatawa, Fred, nakakatawa.” >:( ???

Tumawa lang sila ni Cindy dun. Hindi ba sila naaawa sa akin dahil nagugutom na ko. Nilabas ko naman yung notebook ko. Mahilig kasi akong magsulat or magdrawing ng kung ano-ano. Pero maya-maya lang din, tinawag na kami nung tindera nung burger.

Binuksan ko agad yung plastic ng burger ko at kumain kaya lang napaso ako.


“Ayan kasi…” ;D

“Shige, mhang-ashar khapa.”  >:(

“Ano?”  ??? ;D

Tawa-tawa naman siya dun. Pasalamat ka, kaibigan kita. Bumili naman agad ako ng tubig. Pagkaabot nung babae…

“Sorry, bagal mo kasi.” 8)

Tapos umalis na siya dun. Kumuha na lang ulit ng tubig yung babae. Inabot ko na lang yung bayad tapos uminom agad. Malas na araw ‘to!


Nakayuko naman ako. Medyo nakakaantok. Maraming tao pero may kasamang teacher dahil sa mga first year and second year pala e required na manood. Kawawa naman. Hindi ko nga napansin na natapos na kung hindi pa pumalakpak na sabay sina Fred at Cindy. Nasa gitna pa naman ako. Pumalpak na lang din ako.

Lumabas na kami ni Cindy pero si Fred naman, kailangang mag-stay para tumulong sa mga seniors. Free time naman kaya bumalik na lang kami sa room at dun nagkwentuhan tungkol sa prom.


“Kanino ba kasing idea yun?”

Ang tinutukoy ko is yung idea nung may date.

“Hindi naman importante yun. E di tayong tatlo nila Fred.”

“Kayo lang. Hindi ako kasama.”

Tumingin naman siya ng seryoso sa akin.

“What do you mean? Hindi ka pupunta?”

“Sino bang may sabing required yun?”

Natahimik naman kaming dalawa. Hindi naman talaga siya required dahil halos lahat naman ng estudyante especially 3rd year and 4th year e naghihintay para sa JS Prom. Kokonti lang yung katulad ko na kailangan pa ng compulsary ng magulang or kaibigan or teacher para pumunta dun or else walang additional grade sa math.

“E di tanungin natin si Sir Macoi kung required ang date.”

Tumayo naman kami parehas at dumiretso sa faculty. Fortunately, nasa desk si sir, adviser kasi namin siya. Sinabi naman namin sa supervisor na kakausapin lang namin si Sir tungkol sa project kahit hindi kaya pinapasok na niya kami sa faculty office.

“Date? Hindi naman siya required mga ineng. Phrase lang yung nasa flyers. Pero literally, it depends on you if you must have a date. Mas ‘maganda’ lang kung merong date even though na mas marami ata ang girls kaysa sa boys.”

“Thank you, sir.”

“No problem, basta kung sasama kayo, sa akin lang kayo magpareserve. Bayad lang kayo ng half nung 800 then yung another 400 is pwede ng hulugan until before the prom night.”

Nag-thank you na lang ulit kami bago bumalik ulit sa room. Pero hindi pa rin ibig sabihin nun, pupunta ako. Pinag-iisipan ko pa rin.

Bigla naman akong siniko ni Cindy.


“Ano?” ???

Nakangiti naman siya nun. Ibang klaseng ngiti.

“Sama ka na ha? Tayong tatlo nila Fred. Sasabihin ko sa kanya mamaya.”  ;)

“Whatever.”

Hindi rin naman masama kung sasama ako. At least, mararanasan kong mag-prom. Sabi ng kakilala kong senior nun, maganda daw ang prom kasi para ka daw naka-experience ng ‘night-life’. Gimik.

Dahil wala na rin kaming mapag-usapan ni Cindy, ngayon ko naramdaman na kailangan ko ng umihi. Lumabas naman ako para mag-cr. Tahimik sa hallway kasi yung ibang estudyante, nasa canteen or nasa theatre para manood or nasa gilid-gilid ng mga buildings.

Pagkatapos ko, tumingin lang ako sa salamin kasi pakiramdam ko magulo na yung buhok ko. Hindi naman inaasahan, narinig ko yung boses ni Karla sa labas ng cr.


“So what if he’s your bestfriend?”

Gusto kong lumabas pero hindi ako makalabas ng cr dahil masisira ko ang moment nila. Siguro si Tyrone lang naman ang kausap nito, bakit dito pa? Nung nagsalita naman yung kausap niya, hindi pala si Tyrone?!? :o

“Boyfriend mo si Ron. Don’t make our relationship complicated, Karla.”

“Mikey…”

Relationship? Tinu-two time niya si Tyrone o iba pa yung Ron? Tapos bestfriend pa yung—hindi ba siya kuntento sa isa?? Palabas na ko nung makita ko hahalikan ni Karla yung lalake. Tumalikod na lang agad ako pero…

“Hey.”

Hindi naman ako lumingon. Ano ba naman ‘to? Wrong timing!

“Hey!” >:(

Fine, haharap na nga e!

“Y-Yes?” :-\

Humawak naman siya dun sa balikat nung lalake. Ano ba ulit yung pangalan nung lalake? Ahh, Mikey. Napatingin naman ako dun sa lalake. Seryoso lang yung itsura na gulat tapos tinanggal niya yung kamay ni Karla sa balikat niya.

“Mik—” tumingin na lang siya sa akin. “Ikaw. Don’t you ever tell it to anyone. If you do…”

Ano??? Ipapakain mo ko sa leon?

“Karla.” Parang galit na yung tono ni…Mikey. Tumingin naman siya sa akin, medyo kalmado na siya. “Miss, pasensya na. Sana lang wag mo ng ipagsabi yung nakita mo. It is not what you think. Kinakapatid ko si—”

“Mikey!” >:( :(

Tapos nagwalk-out siya. Tumingin na lang ako dun sa lalake para mag-bye.

“Wag kang mag-alala, hindi ko naman balak ipagsabi. Sige.” :)

Ngumiti lang siya sa akin. Siguro, bilang sign ng thank-you dahil hindi ko na ipagsasabi ang nakita ko. Naalala ko naman, sino pala yung sinasabi niyang kinakapatid niya???


Sinabi ko naman kina Mommy yung tungkol sa prom pero hindi pa rin ako sure kung sasama ako kahit na naisipan ko ng humingi ng pera para sa reservation.


“Bakit naman? Magandang experience rin yun.”

Sabi ni mommy sa akin. Sumang-ayon lang si daddy sa kanya. Alam ko naman na magandang experience yun pero san ako kukuha ng isusuot ko? Atsaka marami pang kailangan. Maghahanap pa ko ng maskara na terno sa damit ko, hairdo. Mga ganung bagay.

“Maraming gown ang Tita Lyn mo.”

Sabi naman ni daddy na seryosong nanonood ng movie dun.

“’Kay, sasama na ko.”

“Pero kung napipilitan ka lang, bakit ka pa sasama?”

Napaisip naman ako. Tama naman siya. Bakit nga ba ko sasama kung in the first place, ayoko namang sumama? Ayoko nga ba?

“Dad, hindi naman sa ayoko. Kasi…”

“Masasanay ka rin.” :)

Sa totoo naman kasi, hindi ko ayaw, nagdo-doubt lang ako na baka hindi maganda yung kalabasan nung prom para sa akin at hindi lang ako maging masaya. Pero, sabi nga niya, masasanay rin ako. Malay natin, magkaroon ng himala at maging maganda ang first prom night ko.



Sana nga…





LinGuin

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 56
  • Karma: +3/-0
  • LinlovesGuin ∞
    • [font=arial]Stranger In A Strange Land[/font]
Re: ♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 3 :)
« Reply #11 on: June 04, 2011, 11:59:42 am »
nice :) support ko 'to! :)
guinislove.webs.com

violette`o9

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +5/-1
  • TeenTalker
    • Fantasies do Come True
Re: ♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 3 :)
« Reply #12 on: June 04, 2011, 08:02:48 pm »
pumayag ka na, malay mo may magandang mangyare  ;)  :D
hi po, hindi na ko masyado mkkpgcomment psukan na kce  :(

CLICK!click!click!
Fantasies Do Come True


smile even it hurts so much

doncellamarie

  • Guest
Re: ♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 3 :)
« Reply #13 on: June 13, 2011, 11:07:17 am »
nice :) support ko 'to! :)

Salamat, LinGuin :)

pumayag ka na, malay mo may magandang mangyare  ;)  :D
hi po, hindi na ko masyado mkkpgcomment psukan na kce  :(

Oo nga! Nakakamiss tuloy ang JS  :D   
Naku, ayos lang yun. Walang problema. Basta pag may time ka, dalaw ka na lang. Ako din naman, may pasok na din bukas. :)


Eto na po ang next chapter, ngayon na lang ulit ako nakapagpost. Ayaw kasing makisama ng internet sa akin. :D

*Charming four*

Monday.

Nung dumating si Sir Macoi para sa klase namin, una niyang pinaalala yung tungkol sa reservation na kailangan ng magbayad ng half. At kahit dala ko pa yung pera, hindi muna ako magbabayad. Siguro, bukas na lang. Isipin pa nila, masyado akong excited sa prom.

Kinalabit naman ako ni Cindy. Nakasimangot naman siya.


“Nakakainis si Fred. May ka-date na siya para sa prom.”

Nakatingin lang ako sa kanya.

“Ahh, okay.”

“Wala na tayong ka-date.”

“E di wag pumunta.”

Hindi naman importante yun di ba? Hindi naman kalakasan yung boses namin pero parang narinig pa rin ni Sir Macoi kasi napatingin siya sa direksyon namin. Yumuko na lang ako. Kunwari may hinahanap sa bag. Si Cindy naman, ngumiti na lang.

Nagdiscuss lang kami nun tungkol kay Beowulf (Tama ba yung spelling? Mahina kasi ako sa English e). Napaisip ako, pano kung wag na lang akong pumunta sa prom. I think, hindi rin magiging maganda ang gabi ko nun.

Wala naman kaming ibang ginawa ngayong buong morning classes kundi, sulat, discuss, sulat, quiz at ang pinakaayoko sa lahat, RECITATION.


“Hay salamat, tapos na ang recitation.”

Bigla namang tumabi sa akin si Fred.

“Ang, nasabi na ba sa’yo ni Cindy na may—”

“Ka-date ka na with your co-member sa theatre.”

Napatingin naman ako kay Cindy. Hanggang ngayon pa rin ba, nagtatampo siya kay Fred? Tumingin na lang ako kay Fred.

“Uhm, oo. Nasabi na niya.”

“Sorry. Na-invite ko na kasi siya bago niya ako nasabihan.”

Turo niya kay Cindy. Okay lang naman sa akin. Masaya naman si Fred.

“Wala tuloy kaming date!”

“Hindi naman ibig sabihin nun na walang mag-yaya sa inyo. Atsaka hindi lang siguro kayo ang walang kapartner. Try niyo si Tyrone.”

“Okay ka lang??” :o

Anong i-try namin si Tyrone?? Baka nga wala pang isang minuto after namin siyang kausapin, susugurin na kami ni Karla.

“Kinongrats niya kasi ako tungkol kay Steph.”

“Bakit? Close kayo? Atsaka sinong Steph???” ???

“Yung ka-date ko nga. Niyaya rin pala siya ni Tyrone kaya lang, siyempre, ako na ang nauna.” :) 8)

Nagyaya siya ng iba? Napansin ko naman umirap lang si Cindy tapos tumayo na. Breaktime na kasi. Tumayo na rin ako at kinuha yung gamit ko. Sumunod naman si Fred sa amin.

Nag-sorry siya kay Cindy ng maraming beses at nangakong isasayaw niya naman kami kaya pumayag na rin siya.

Mahirap din kasing pakiusapan itong si Cindy. Medyo mataas din ang pride niya lalo na pag galit siya. Nilibre naman kami ni Fred ng spaghetti. Pangpagaan daw ng loob. Dapat si Cindy na lang ang binilan niya dahil okay lang sa akin pero sayang rin.

Habang nakain kami, biglang dumating si Tyrone na may kasamang babae. Bagong girlfriend???

“Hi, pwedeng maki-share?” :)

Tumingin naman kami dun sa babae pare-parehas tapos biglang nagsalita si Fred.

“Steph.”

“Hi.”

Pinaupo naman namin sila. Nasa tapat sila at may dalang pagkain. Ipinakilala naman kami ni Fred sa kanila.

“Sina Angela at Cindy pala. Mga kaibigan ko sila.”

Ngumiti na lang kami.

“I’m Stephanie. Siya naman si Tyrone. Kilala niyo naman siya di ba?” :)

Tumango naman kami ni Cindy. Nagsalita naman si Tyrone.

“May mga date na ba kayo para sa prom?”

Umiling naman kami. Natawa naman sila ni…Steph. May nakakatawa ba?

“Don’t worry, hindi na kami ni Karla. She broke up with me last  Friday.” :)

Nagulat naman kami ni Cindy. Para wala lang sa kanya na nakipagbreak si Karla sa kanya? Naalala ko naman yung nangyari sa labas ng ladies room kahapon. Hindi naman kaya dahil dun??? Sumagot naman si Cindy.

“Wala pa nga e.”

“Okay lang ba na isa sa inyo ang ka-date ko?”

Hindi ako makapaniwala. Is he really inviting one of us? O panakip-butas lang? Angela, wag kang pessimistic.

“Actually, ako pwede but…ito kasing kaibigan ko, wala pang ka-date. Pwede bang kaming dalawa na lang?”

Parang nabigla ata si Tyrone tapos napangiti naman siya.

“If you don’t mind na dalawa kayo, no problem.” :) 8)

“Don’t worry, iiwan ko rin naman kayo ni Ci—”

Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko, bigla akong siniko ni Cindy. Bumulong naman siya sa akin na wag ko ng tangkain na sabihin yun. Natawa lang ulit sila ni Steph.

“Anyway, yung pinsan ko sana. Kaya lang, parang wala siyang balak na pumunta. Pero if ever…” tumingin naman siya sa akin. “You can date him. He don’t mind.” ;)

Ngumiti na lang ako ng pilit. Hindi naman kailangan ng date. Masaya na ko na makakapunta na kami ng matiwasay dun. Okay na si Fred, okay na kami ni Cindy.

Pagkatapos naming kumain, sumama naman si Fred kay Steph dahil sa meeting ata at si Tyrone naman, sumabay na sa amin para pumunta sa locker kukuhanin niya kai yung bola niya at magpapraktis siya ng basketball sa gym.

Hindi naman kami nagsasalitang tatlo nung naisipan rin ni Cindy na magsalita, yun lang, maling idea yung sinabi niya kaya napatingin lang ako sa kanya.

“You don’t mind kung itanong ko bakit nakipagbreak siya sa’yo??”

“No. Actually, matagal ko na ring naisip na makipagbreak sa kanya kaya lang pag naiisip ko na—yun. Naunahan lang niya ako.”

Alam ko na dapat may kadugtong pa yun pero parang hindi ata napansin ni Cindy kaya nagtanong lang siya ng nagtanong.

“Sigurado ka bang hindi kami susugurin nung…ex mo? Baka mamaya…”

Huminto naman kami pare-parehas dahil nasa tapat na kami ng locker.

“I can handle her pag inaway niya kayo. Wala siyang karapatan na manggulo ng iba when she decided to break up with me. She decided it, so be it.”

Tapang! Pagkatapos naming kumuha ng ilang libro at notebook, inimbitahan naman kami ni Tyrone na manood sa practice. Sinabi na lang namin na next time na lang kasi may activity pa kaming dapat tapusin. Hindi ko pa nasusulatan yung answer sheet ko dahil nilagay ko muna sa sratch.

Wala naman kaming masyadong ginawa nun pero nung uwian, hindi ko na nakasabay si Cindy at mas lalo na si Fred. Si Cindz, busy sa meeting. Mga representatives ng bawat section para sa Math and Science quiz bee. Si Fred, tinatanong pa ba yun? E di Theatre club.

Inayos ko lang yung mga dadalhin ko pag-uwi at iiwan ko sa locker dahil wala naman masyadong assignment. Siguro, dadaan na lang ako dito ng maaga bago pumasok sa room para sa klase ko ng 7am to 10am.

Busy ako sa paghahanap ng geometry notebook ko nung may biglang nagsalita sa likod ko.

“Hi.” :)

Napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko na inaasahan na siya pala yung may-ari nung locker na katabi ko dahil nagtataka ako nung una kung bakit walang nagbubukas nun o siguro, hindi ko lang siya nakakasabay before.

Iba naman yung aura niya, unlike nung una ko siya nakita, serious. Ngayon naman, nakangiti siya. Mukhang masaya siya.

“Ha—Hi.”

Pasipol-sipol pa siya habang inaayos rin niya yung gamit niya. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko. Nung nahanap ko na nung geom notebook ko, sinara ko na yung locker ko at inilagay na sa bag ko.

“Nakalimutan ko nga palang…magpakilala—”

“Mike-y, right?”

Parang nagulat naman siya tapos naalala ata niya yung incident namin nun sa labas ng cr.

“Mike. Not…Mikey.”

Tapos pinakita niya lang yung i.d niya sa akin. Lopez, Micheal T. Tapos may star sa tabi nung picture niya. Napatingin naman ako sa kanya.

“Star section ka??”

“Yep. Kaw?”

“Section B ako.”

“Wow. B.”

May narinig naman kaming tumawag sa kanya kaya nagpaalam na siya sa akin.

“Sige, see you around.” :)

Tumakbo na siya habang ako naman nakatingin lang sa kanya.


Hindi man lang niya naitanong yung pangalan ko?



angel_devil

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 2487
  • Karma: +63/-13
  • Buhay Kabute
    • Nagsusulat daw ako
Re: ♣ My Prince of Non-Fairyland♣ Updated Chapter 4 :>
« Reply #14 on: June 13, 2011, 06:04:55 pm »
Pwedeng sumabit sa inyong prom? ^-^ Magdadala ako ng sarili kong food ^-^
Oh~ Mikey~ *super hug* mas type kita kaysa kay Tyrone kaya ikaw ang aakap-akapin ko >:D
So I'll be hurting more...

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website